Nasa sasakyan na kami at nakaalalay ako kay Jack na nakatulog na sa bisig ko.
“Baka mangalay ka.” Sabi ni Sir Thomas na nakatayo pa sa labas habang tinutulungan akong makapasok sa sasakyan.
“Okay lang, Sir. Di naman po siya ganoon ka bigat.” Sagot ko naman. Nanatili pa siyang nakatingin sa amin kaya tinignan ko din siya at ngumiti. Kaya sinira niya na ang pinto ng kotse. “Seatbelt?” Tanong niya sa akin. Maingat ko namang kinuha ang seatbelt sa gilid ko. I lo-lock ko na sana nang hindi ko maabot ito.“Ako na.” Si Sir na nag ayos, hinayaan ko na siya dahil hindi ko naman maabot.
Medyo mahaba haba ang byahe at medyo traffic pa. Ayaw ko namang makatulog dahil baka mabitawan ko si Jack kaya naman nag isip ako nang pwede kong gawin para hindi ako antukin.
“Sir, curious lang po ako. Nasaan po ang ina ni Jack?” Tanong ko at napatingin saCHAPTER 30 “Maraming salamat talaga Thomas at pinagbigyan mo kaming makita ang anak namin.” Napabitiw na ako sa yakap nang magpasalamat si Tatay kay Thomas. “O, nanay? Kamusta kayo diyan?” tanong ko nang matapos magsalita si tatay. Nakangiti pa rin ako sa saya. Parang kanina lang iniisip ko sila dahil sa kagustuhan makita sila at naging posible ito dahil kay Thomas. “Okay naman kami anak, ganon pa rin ang buhay. Namimiss ka na rin namin.” Hindi ko maiwasang maluha sa sinabi ni nanay. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko nang bigla pinunasan ni Thomas ang pisnge ko. “Maglalakad-lakad lang ako.” Paalam ni Thomas sa akin, nagpaalam din siya sa pamilya ko bago siya umalis sa tabi ko. “Ang ganda niyo tignan anak.” Nakatingin pa ako sa umaalis na si Thomas nang bigla magsalita si Tatay. “Tay..” binalaan ko si Tatay na wag na kami mapunta sa usapan na ‘iyan. Napatawa naman sila ni nanay at tumango-tango nalang.
Isa lang akong simpleng babae na nakatira sa Isla ng Siargao. Isang babae nakumakayod, lumalaban at gagawin ang lahat paraihaon ang pamilya sakahirapan.Pinapatos
Masaya akong naglalakad sa palengke habang pumipili ng mga kasangkapan para sa iluluto namin ni nanay.Balak naming mag ginisang gulay lamang atginamos.Kahit na simple lamang ang ulam namin di talaga maiwasang matatakam ka. Lalo na pag mayginamoskung tawagin nila.
Maaga akong nagising para mangisda, sumilip ako sa kwarto nila Nanay. Kurtina lamang ang nagsisilbing pintuan sa mga kwarto namin. Nakita kong mahimbing pa ang tulog nila. Kaya dumiretso na akong lumabas para mangisda.Nakikibangka lang ako dahil wala naman kaming sariling bangka. Buti nalang at mabait ang mga nasasabayan ko. Sila Manong Jony at Manong Bitoy.
Bumalik na ako sa loob para tapusin ang mga ginagawa ko. Chineck ko rin ang mga bagahe ni Sir kung napasok na ba ito sa tinutuluyan niya.Pumunta muna ako sa itaas para tignan kung maayos naba lahat. Sa ikatlong palapag ay isang greenhouse. Sa loob nito ay mga pinag-iingatang mga tanim. May swimming pool rin at isang upuan na ginawa bilang duyan.
Kinabukasan maaga akong nagising, syempre. Nangisda ako at ganoon parin, kasabay ko sila Manong Jony at Manong Bitoy. Kahit na alam kong papasok ako sa trabaho ngayon kung saan makikita ko ang kampon ng demonyo sinubukan ko paring pagaanin ang loob ko. Naging positibo ako hanggang sa makarating na sa mansyon.Iniwan ko na ang timba ng isda na hule ko at at sabay kami ni Tatay papunta sa mansyon. Sinalubong kami ng preskong hangin kaya ganon nalang ang pag-ngiti ko hanggang sa makapasok sa mansyon.
Sa sinabi niya hindi ko na namalayan na nasa isang mall kami. Hindi naman ganon kalaki pero sapat na para pagbilhan ng mga damit, gamit o kung ano-ano pa.Siguro sa isang taon, isang beses lang akong makakapunta dito. Pag bibilhan ko ng regalo ang pamilya ko. Pero ngayon wala namang okasyon. Napatingin ako sa katabi ko na seryoso sa pagmamaneho.
Napalingon ako kay Sir Thomas. Tumawa siya pero sa pormal na paraan, napangisi naman ako. Kailangan kong turuan ang sarili kong maging professional sa harap ng mga ka meeting niya."She's myP.A."