Share

23

Naglalakad na kami papunta sa mga cottage namin, nagpaalam na rin ako na doon ako matutulog sa katabing kwarto sa cottage ni Tommy. Pumayag naman sila Nanay. Pinaalalahan ko na din si Tatay sa gamot niya at sinabihan si Miko na tawagan ako kung may emergency. 

“Grabe talaga ‘tong P.A ko, all in one.” Sabi ni Tommy habang naglalakad kami. Minsan nalilibing ‘yong paa ko dahil sa buhangin pero inaalalayan niya ako.

“Pinagsasabi mo?” Takang tanong ko habang naka hawak sa braso niya. Kasi nga inaalalayan niya ako.

“Chef, organizer, landscape artist , nangingisda pa tapos kumakanta pa. Ano pa bang kaya mong gawin ha?” Tanong niya napatawa naman ako. 

“Hala grabe ka naman, may mga bagay din akong hindi kayang gawin pero natutunan ko paring gawin.” Sabi ko at nagpagpag na ng paa ng makaabot na kami sa pinto ng cottage niya.

“Hmm-

“Hi Tommy! Can I share room with you?” Biglang sulpot ni Miss Rei. Nagtataka naman siyang tinignan ni Tomm

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status