Share

Chapter 4 - Hot Stranger

"Pasensya ka na ah? Medyo masikip 'tong lugar ko." Sabi ni Bea ng makapasok sila sa apartment nya.

Ibinaba ni Dawn ang bag nya sa isang gilid at napa-upo sa mahabang sofa. "Okay lang, i'm also kind of used to small spaces."

"Talaga? Akala ko kasi mag-iinarte ka. Mukha kang rich kid kasi hehe."

Mapaklang natawa si Dawn, "Mukha lang, pero hindi talaga ako rich kid. Laki din ako sa hirap."

"Pero galing ka sa ibang bansa. Tapos madami ka pang perang bitbit. Ano ba talaga?"

"Seryoso ako sa sinabi ko, laki nga ako sa hirap. Also, yung pera kong ito pinaghirapan ko yon. Ipon ko sa mga part time jobs ko."

Part time jobs. With 's'. Maraming naging trabaho si Dawn, hindi naman makapaniwala si Bea sa narinig dahil mas bata pa kaysa sa kanya si Dawn at dinaig pa sya nito pagdating sa mga part time jobs.

"Nag-co-college ka ba, Dawn?" Curious nyang tanong.

"Hindi."

"Bakit? Nag-drop out ka ba?"

"Hindi. Never pa akong nakatungtong ng college, ate Bea." Napangiwi si Bea sa narinig.

"H'wag mo nga ako ma-ate dyan, maliit lang difference ng age natin." Feeling kasi ni Bea pag kausap nya si Dawn ay parang halos magkasing edad lang sila.

Natawa naman si Dawn. "I don't think so, tatawagin pa rin kitang ate kasi magalang ako."

"Edi ikaw na magalang, makapagluto na nga ng hapunan."

Nagsalubong ang makakapal na kilay ni Dawn, "You wont be packing bags yet? H'wag na tayo mag-dinner."

Napa-ikot mata ni Bea. "Excited ka ba masyado? Hindi ba bukas pa tayo aalis?"

"I thought it would be better kung maaga pa lang ay umalis na tayo."

"No, no, no... kakain at matutulog muna tayo, okay? Tsaka hindi ka ba pagod? Galing ka lang sa byahe diba?"

Napahiga naman si Dawn sa sofa, malakas itong napabuga ng hangin.

"Okay, fine."

"Tss, sige pahinga ka lang dyan. Magluluto lang ako."

"Wait, pwede maki-gamit ng cr? Can i take a shower?"

Napangisi si Bea. "Pwede basta magbayad ka muna." At nilahad nya ang palad nya sa harap ni Dawn.

"Whut!?"

Tinawanan ni Bea ang reaksyon ni Dawn, "Joke lang, ito naman. Binibiro ka lang."

Napa-irap si Dawn sa kanya, "Sige, maliligo lang ako."

"Okay, okay." Then pumunta na si Bea sa kusina nya't nagluto na.

Nang matapos na sya mag-prito ng hotdog, at maghain ng pagkain sa lamesa. Lumabas na si Dawn sa cr nya at napatingin si Bea dito. Napanganga sya ng makita itong topless at nakapulupot lang ang towel nya sa bewang nito.

Agad din syang napa-iwas ng tingin at napasigaw. "Bwisit kang lalaki ka, magdamit ka nga!"

"Geez, no need to be loud. Magbibihis din ako kagad."

Shet, abnormal ang lalaki na yon. Parang hindi na tuloy matanggal sa isip ni Bea ang half naked na si Dawn. Di nya aakalaing may abs pala ito at ang sobrang sexy. Uminit ang mukha nya at napa-iling-iling na lamang.

Nang kumain na sila ni Dawn, na-iilang na si Bea tumingin kay Dawn dahil sa nakita nya. Nagulat sya ng bigla syang tawagin ni Dawn. "Ay abs!"

Nagpigil ng tawa ngunit hindi kinaya ni Dawn, "Woah, are you thinking about my----"

"Oh shut up! Ano ba kailangan mo?"

Napahagalpak si Dawn sa sinabi ni Bea.

"Hahaha! S-Sorry, hahaha!"

"Tawa ka pa, itapon kita e."

"Sorry nga! Pfft."

"Ano ba kasi yang sasabihin mo?"

Napa-ehem muna si Dawn, putting an end to his laughter. "I was about to ask you something, pero nakalimutan ko eh."

"Bakit?" Nagtaka pa si Bea.

Di talaga kaya ni Dawn at muling natawa, "Kasi sinabi mo 'ab----"

"Gagu, manahimik ka na nga lang dyan."

"Hahahaha! Okay."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status