Share

Kabanata 7

Sa bawat luha,

May ngumingiti.

At sa bawat sakit,

May nabubuhay.

1912

"Hwag mo na nga ako sundan! Nasaan na ba ang kahihiyan mo, Ginoo?" Inis na sabi ni Ate Clarita.

Naka-tanaw lamang ako kila Isagani sa hindi kalayuan na ngayon ay lumapit sa kaniya upang sabay silang mag merienda sa ilalim ng puno. Ito ang madalas puntahan ng mga estudyante sa Unibersidad.

"Ngunit bakit? Heto na nga at sinasamahan kita, malungkot ang kumain mag-isa." Ngumiti si Isagani kay Ate Clarita at nagumpisang kumain.

Si Ate Clarita naman ay nanatiling mailap sa kaniya sa hindi malamang dahilan. Ganito talaga ang ugali ng aking kapatid, malayo sa kalalakihan at masungit. Ngunit ang nakapagtataka ay parang noon lamang, malapit na s'ya kay Ginoong Isagani, ngayon naman ay parang gusto na n'ya itong isumpa.

"Pagkatapos ng nangyari kahapon? Ginoo, hindi magandang biro ang iyong ginawa! Alam mo namang--"

"Alam kong magkaibigan lang tayo, Binibini. Isa lamang aksidente ang nangyari kahapon, kung kaya't huwag sumama ang iyong loob. Malinis at puro pa rin ang respeto ko para sa iyo," sagot ni Isagani.

Napaiwas ng tingin si Ate Clarita, napansin ko ring namula ang kaniyang pisngi ngunit nanatili s'yang masungit. Hindi ko maintindihan kung bakit pilit ko pa rin silang sinusundan kahit araw-araw, parang sinasaksak ang puso ko.

Ngunit ayos lang, dahil sa paraang ito, makikita ko si Isagani kahit lamang palihim.

Ilang minuto pa ang lumipas, kinailangan ko nang bumalik sa aming dormitoryo upang magpalit ng damit na Terno. Ipinadala ito sa akin ni Ina bilang regalo dahil maganda daw ang aking mga grado.

Pagkatapos magpalit at mag-ayos ng buhok, hindi na ako nagsayang pa ng oras. Ngunit nang mabuksan ko ang pinto ng aking silid, napatalon ako sa gulat nang makita sa harapan ko si Isagani.

"Bakit napapadalas na ang pagsunod mo sa akin, Binibining Catalina?"

Napatingala ako sa makisig, at malinis na mukha ni Isagani. Hindi nga maitatangging matangkad siya lalo na ngayong malapit na ako sa kaniya. Maayos ang kaniyang buhok, mapula ang kaniyang labi, malinis rin ang kaniyang pananamit. Bagay na bagay sa kaniya ang asul na Amerikana!

"Kinakausap kita, Binibini."

Bumalik ako sa hwisyo nang muli s'yang magsalita. Tumingin ako sa mga mata n'ya na kulay itim. Sa mga oras na ito pakiramdam ko ay kami lamang dalawa ang nasa paligid.

"I-isagani..."

×××

Pumasok ang isang matangkad at maputing nakasuot ng pang-heneral, pasalampak n'yang isinara ang pintuan at nanggagalaiting nilapitan ang isang babae.

Babaeng... Kamukha ko. A-ako ang babaeng iyon! Ngunit, bakit parang nanonood ako mula sa ibang katawan?

Hinigit n'ya ang buhok ng babaeng kawangis ko, dahilan para mapasigaw ito sa sakit. "WHY THE HELL YOU TOUCHED MY THINGS?! WE ALREADY TALKED ABOUT THIS, CATALINA! YOU'RE WORTHLESS WIFE!" sigaw ng Amerikano n'yang asawa.

Bigla akong nakaramdam ng awa. H-hindi kaya... Si Heneral Rafael ang lalaking ito? S'ya ang nakatakdang magiging asawa ko. B-bakit...

Lalong hinigpitan ni Heneral Rafael ang hawak sa buhok ng babae. Hindi ko matanggap na makita ang paghihirap ng sarili ko habang ako ay walang magawa sa isang tabi!

"WHERE'S THE FOOD, LADY?! THE GENERAL SAID YOU CAN COOK AS HELL! WHAT HAPPENED TO YOU?!" Nakabibinging sigaw ni Heneral sa kaniyang asawa. Walang ano-ano'y itinulak n'ya ang babae sa isang sulok at lumabas ng bahay. Doon, napasuklay na lamang sa buhok ang babaeng kawangis ko, humahagulgol s'ya at nakakuyom ang isang kamao.

"Kasalanan mo 'to, Catalina. Magbabayad ka!" Matigas at mariin n'yang sabi sa sarili.

"H-hey! Sierra, okay ka lang? W-wake up!"

Nagising ako sa boses ni Nathan. Pinunasan n'ya ang luha na tumutulo na pala ng hindi ko namamalayan.

"Binangungot ka ba?" Nagaalalang tanong n'ya.

Umiling ako.

Panaginip lang pala...

Ngunit bakit parang may ibang tao sa katawan ko? Bakit... Bakit parang totoo ang mga pangyayari? Paano kung si Sierra ang naroroon? Napanaginipan ko s'ya! Napanaginipan ko ang buhay n'ya sa panahon ko!

"H-hey, Sierra, are you okay?"

Napatingin ako kay Nathan na ngayon ay katabi ko sa kama. Napansin kong pareho kaming naka-kumot at wala kaming saplot. Hinila ko ang kumot at lalong tinakpan ang aking katawan.

"B-bakit wala tayong mga damit?! I-ikaw! Bakit ganito?!" Naghi-histerikal kong tanong.

Hindi n'ya napigilang matawa kung kaya't napakunot ang aking noo. Bakit s'ya tumatawa? Umupo ako ngunit napangiwi nang makaramdam ng sakit sa... Sa bandang ibaba. Hanggang sa maisip ko na ang nangyari.

"Susmaryosep!" Napatakip ako sa aking bibig at saka nagtanda ng krus. Dahan-dahan akong tumingin kay Nathan na ngayon ay naka-upo na rin at hanggang tenga ang ngiti. "A-anong ngini-ngiti mo riyan?!"

Lumapit s'ya sa'kin at hinawakan ako sa bewang. May binulong s'ya sa akin na talagang kinatindig ng aking mga balahibo.

"We made it, baby."

Hinampas ko s'ya at nilayo sa akin. "A-ano bang-- a-aray!" Sumakit na naman ang parteng ibaba ng aking katawan at napangiwi sa sakit.

Muling lumapit sa akin si Nathan at mukhang nagaalala. "S-sumakit? I'm sorry... I put it slowly, but--"

"G-ginawa na ba talaga natin ang bagay na iyon?!" Dire-diretso kong sabi.

Hindi ko akalain na nagpadala ako sa bugso ng damdamin kagabi! B-bakit, Catalina?! Hindi maaari dahil hindi mo naman mahal ang isang taong nasa iibang panahon!

"That's your wish, and I gave it." Ngumisi si Nathan.

Napaiwas na lamang ako ng tingin. Tama... Noong isang araw ay hiniling ko sa kaniya na gusto ko ng magdalang tao. Ngunit hindi ko akalain na ganito naman kasakit ang proseso niyon! Hindi na birhen si Sierra! Diyos ko... Patawarin mo po ako...

"And it's fine. Alam kong naiilang ka pa rin sa'kin, but atlest..." Lumapit s'ya sa aking tenga, "I know you liked it because of your moans." Dahilan para lumuwa ang aking mga mata.

Unti-unti kong naalala ang mga nangyari kagabi. Hindi ko alam kung mahihiya, at maiilang ako sa harapan n'ya ngayon dahil... Dahil gumawa kami ng bagay na dapat ay sa malalapit na mag-asawa lang! Bumalik sa akin ang mga pangyayari kagabi at gusto ko na iyong burahin!

"K-kailangan ko nang mag-ayos, may pasok pa ako," ani ko at kinuha ang buong kumot upang itago ang aking hubad na katawan. Napalingon ako kay Nathan at binalik rin ang tingin sa dinadaanan nang makita ko ang hubad niyang katawan.

"Feel free to see it, Sierra!" biro ni Nathan bago ako makalabas ng aming silid. Hindi ko na s'ya nilingon pa kahit gustong-gusto ko s'yang samaan ng tingin.

Hindi pa rin ako makapaniwalang naranasan ko na ang bagay na iyon gamit ang ibang katawan.

×××

"Take care," paalam sa akin ni Nathan bago ako makapasok ng eskuwelahan. Ngumiti na lamang ako bilang sagot at inintay na maka-alis ang kotse n'ya.

Pagpasok ko ng William High School, at pagdating ko sa pasilyo ng aming gusali, sinalubong ako ng isang guro.

"May naghihintay sa'yo sa office." Tapos ay umalis na rin s'ya.

Dulot ng kuryosidad, dali-dali akong naglakad paitaas patungong opisina. Walang ibang guro, ngunit nakita kong nakaupo ang isang pamilyar na lalaki sa tabi ng aking lamesa. Sa gulat ay muntik ko nang mabitawan ang aking bag.

Umukit sa kaniya ang ngiti, at mabilis akong niyakap ng mahigpit. Hindi ako nakapalag at nanatiling nakatulala sa kawalan. Diyos ko, bakit s'ya na andito? At bakit... Sa mismong opisina ko pa?!

"God, I missed you so much, babe..." aniya na sukdulan kong ikinakaba. Marinig ko lang ang boses niyang may halong pagtataksil ay nadudurog na ang puso ko. Paano ito nagawa ni Sierra kay Nathan?

Umalis s'ya sa pagkakayakap sa akin. Mukha pa rin s'yang masaya, samantalang ako itong parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Sierra? Are you okay? A-are you still mad--"

"Bakit... Bakit pinuntahan mo pa ako rito?" tanong ko.

Biglang nagbago ang kaniyang reaksyon. "Sierra..."

"Marco, hindi dapat natin ginagawa ang bagay na ito, mali, maling-mali ito," sabi ko habang diretsong nakatingin sa kaniyang mga mata.

"D-don't tell me..." Nagupmisang manubig ang kaniyang mga mata. "...you already fallen from him, don't you?" Tumulo ang kaniyang luha.

Hindi dapat iniiyakan ng binatang ito ang isang babaeng katulad ni Sierra. Bakit nagawa pa niyang maghanap ng iba kung narito na si Nathan para sa kaniya?

"I-i guess... Our seven years of relationship has ended now. What would I expect?" Sarkastiko s'yang tumawa. "That's the destiny, your father even locked you before to your room for a week because you disrespect him." Pinunasan n'ya ang kaniyang mga luha.

Biglang nanlambot ang aking puso. Bigla kong naisip ang mga panahong magkarelasyon kami ni Isagani habang si Ate Catalina ay umiiyak lamang sa isang gilid... Dahil hindi na naipaglaban pa ni Isagani ang pagmamahalan nilang dalawa.

Ganoon rin kay Marco at Sierra, hindi nila nagawang magsama habang buhay ngunit nagawa nilang magmahalan palihim. Ngunit patawarin ninyo ako, Marco at Sierra, dahil hindi ko kayang masaktan si Nathan.

Dahil... Pareho kami ng naging sitwasyon noon. Pareho kaming patagong pinagtaksilan. Pareho kaming nasasaktan din patago.

"Patawarin mo ako, Marco... Nais kong maging tapat sa aking asawa, nais kong magbagong buhay kasama s'ya. A-alam ko kung gaano kita nasasaktan ngayon ngunit--"

"Enough." Pinunasan ni Marco ang mga luhang tuloy tuloy sa pagagos sa kaniyang pisngi. Pinilig niyang ngumiti sa akin, "I know. We can't continue something that is really forbidden."

Ngumiti ako ng kaunti sa kaniya. "Makakahanap ka pa ng babaeng mas maayos at hindi komplikado ang sitwasyon. Naniniwala ako sa'yo."

Tumango si Marco. "C-can I... Atleast, hug you for the last time?"

"Oo."

Niyakap n'ya ako ng sobrang higpit, doon rin s'ya impit na humagulgol. Ngayon lamang ako nakakita ng binatang halos bumaha ang luha dahil sa pakikipaghiwalay ng babae sa kaniya. Mahal na mahal niya si Sierra... Kung sana nga ay sila na lamang ang nagkatuluyan.

Ngunit may mga bagay talagang hindi maaaring pagsamahin.

Niyakap ko s'ya pabalik at tinapik ang kaniyang likod upang patahanin. "Magiging ayos ka rin, Marco."

×××

"Ano, gusto mo bang sumama sa Palawan this vacation? Baka lang naman gusto mo," yaya sa akin ng isa pang guro. Naririto kami sa opisina at nag-aayos ng mga gamit upang makauwi na ng bahay.

Hindi pa ako nakakasagot ay tumunog ang aking selpon. Maikli lang ang tunog kung kaya't nagtaka ako dahil iba ito sa tunog tuwing may natawag.

Nathan

Shit. I need to commute, my car stopped at the middle of the freaking road. I'm sorry... I can't fetch you. See you this night;)

Isang sulat! Nasira ang sasakyan niya? M-maglalakad na naman ako magisa?

Itinago ko ang aking selpon at hinarap ang kausap kong katrabaho. "Ah, eh -- hindi pa ako sigurado. Baka kasi may balak si Nathan na--"

Nanlaki ang kaniyang mga mata. "Really huh? Baka naman iba na 'yan~ parang dati mailap ka sa kaniya pero ngayon, iniisip mo na s'ya!"

Napangiti ako. "G-ganoon naman talaga kapag may a-asawa, hindi ba?" Naiilang kong sagot.

"Hmm, sabagay."

Pagkatapos ng usapan namin ng katrabaho ko, umalis na agad ako at dali-daling naglakad upang hindi abutin ng gabi.

"Pinahinto ko talaga ang sasakyan ng iyong asawa, Binibini. Nang sa gayon ay makausap kitang muli."

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko na naman si Tiya Alondra mula sa aking likuran. Sa wakas! Nagpakita na uli s'ya sa akin!"

"Tiya!" Paglingon ko ay wala s'ya roon. Kaya't humarap akong muli, doon nakita ko si Tiya Alondra. Puti na ang kaniyang Trahe De Mestiza, gayon din ang kaniyang abaniko at belo. "P-paano naman po kayo napunta agad sa aking harapan?" May kapangyarihan ba siya?

Ngumiti si Tiya Alondra. "Kumusta na?"

"A-ayos lang naman po ako."

Tumingin ako sa aming paligid, may mga taong napapatingin kay Tiya Alondra. At naririnig ko ang naiisip nila.

"Ang sexy naman nung babae!"

"Hala pre oh, sexy na, maganda pa!"

"T-tiya--"

"Huwag mo nang pansinin pa ang iniisip nila.  Sa paraan kong ito pakiramdam ko ay bumabalik ako sa pagkabata."

"N-ngunit sandali... Sa paningin nila kayo po ay bata pa?"

Tumawa na lamang si Tiya Alondra. "Hindi mo pa lubos kilala ang kakayahan ko, Catalina. Narito ako upang sagutin ang katanungan sa isip mo pagkagising ninyo ni Nathan mula sa pagtatalik."

Napatakip ako sa aking bibig at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. "B-bakit ninyo alam?! Sinusundan ninyo pa ang aking bawat kilos at galaw?!"

Tinaasan na lamang ako ng kilay ni Tiya Alondra bilang sagot. Kapagkuway nagsalita ulit matapos ang ilang segundo. "Totoo ang lahat ng iyon. Ang paghihirap ni Sierra na dapat ay nararanasan mo ngayon, ay totoo. Noong una pa lamang ay alam ko na ang magiging kapalaran mo, ngunit ngayon ay binago ko ito."

"P-po?"

"Ngunit hindi para sa kapakanan mo. Kung hindi para sa kaniya." Ngumisi si Tiya Alondra at nanlisik ang kaniyang mata. "Gusto kong maghirap s'ya upang matutunan ang isang bagay."

"N-ngunit... Bakit kailangan ko pa itong mapanaginipan?" tanong ko.

"Dahil lahat ng kaniyang ginagawa sa katauhan mo, ay parte ng iyong kaluluwa at nakaraan."

"Kung gayon... Ang lahat ng ginagawa ko sa panahong ito ay magiging parte ng nakaraan ni Sierra sa oras na makabalik s'ya rito?"

Ngumiti si Tiya Alondra, isang peligrosong ngiti.

"Ang bawat desisyon mo, ang bawat galaw mo, ay may malaking epekto sa araw na makabalik s'ya sa katawang iyan. Kung kaya't Catalina, ayusin mo ang lahat, kung ayaw mong magsisi sa huli."

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status