Share

Kabanata 18

Ibabalik kita sa nakaraan,

Nang bumalik sa'yo ang lahat,

Kung saan ka nagmula,

Hanggang sa kung ano ka ngayon.

1913

"A-ate..."

Para bang nagunaw ang mundo ko nang makita si Ate Clarita. Parang kanina ay kausap ko si Isagani tungkol sa kaniyang pagbalik... P-pero ngayon ay nandiyan na siya.

"Mukhang ako na lamang ang hinihintay ninyo sa inyong kasal. Masaya ako dahil halatang mahal na mahal niyo ang isa't isa," sabi ni Ate Clarita nang makalapit sa amin. 

"C-clarita." Napatayo si Isagani mula sa kaniyang pagkakaluhod.

"Naririto ka na pala," hindi ko makapaniwalang sabi. "B-bakit hindi mo kami pinadalhan ng sulat nang sa gayo'y nasundo ka namin sa daungan," dagdag ko. 

Tumingin sa akin si Ate... Na parang wala na sa kaniya ang nangyari sa nakalipas na dalawang taon. 

"Wala na akong oras para sulat

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status