Chapter 3

Agad na kumunot ang noo niya dalaga.

"This explains why your stupid face is familiar. Anyway I don't want any room for mistakes. This holds the image of my company you better don't try ruining my name, you wouldn't  like it understand?"  

Malamig na aniya sa kanila na ikinapiksi ni Brandy at Balosh agad naman silang nagsitanguhan. Nanatili lang siyang kalmado kahit ang totoo ay naiiihi na siya sa inis. 

"Now you  all get out. You're contaminating  the area." 

Aniya at agad na kinuha ang hand sanitizer niya. Nakatitig pa sakaniya ang  kumag. Inirapan niya ito't umalis na ng opisina napaka oa. Ang sarap hambalosin ng gago.

"Gaga ka buti nalang di nagalit si Mr. Sarin." Gagad ni  Balosh. Ang sarap ding putukin ng bigas niya sa mukha.

"Wag ka ngang dada ng dada diyan. Infact kasalanan niyo kung bakit ako na late. Iniwan niyo ako sa labas." 

Pagmamaktol niya. Ipinadyak pa ng dalaga ang magaganda niyang paa sa inis.

"Bilisan niyo't magsisimula na ang photoshoot maya-maya lang. Pupunta tayong beach doon ang place. And anyway hindi ako ang photographer Marija kaya please lang huwag mokong ipahiya. Tiga supervise lang ako dahil ang pamosong si Yco Turrin ang photographer mo bruha ka. Ang swerte-swerte mo  nakakainis." 

Lukot ang mukhang sabi ni Brandy. Tuwing naiisip niya ang pagtawag ni Mr. Sarin sa kaniya na Mr.

"Mr. Brandy Futa hahaha." 

Humagalpak siya ng tawa maging si Balosh ay napatawa na rin.

"Kaloka day, ang harot harot na nga ng suot mong damit na Mr. ka pa hahaha." 

Agad na sumimangot si Brandy at pinukpok ng dala niyang mini fan si Balosh.

"Aray! Tu naman si Mr. Di na mabiro." Natatawa pa ring ani ni Balosh.

"Mr nga pero maganda pa rin. Ikaw? Kung putokin ko kaya yang pimples mong kapri ka't tumahimik ka diyan kakangawa mo piste ka!" 

Inis na inis na sambit ni Brandy at akmang kukurutin na naman si Balosh ng agad itong pumunta sa likod ng dalaga.

"Mama kalma. Alam kong malalaki yang maskels mo maawa ka naman sa ala barbie kong mukha. Kung gusto mo manakit doon ka sa hawla ng mga MMA fighter." 

Reklamo ng kaawa-awang Balosh. Napatawa na lamang siya sa asaran ng dalawa. Ano pa nga bang bago sa kanila? Laging nag-aasaran pero grabe ang friendship. Agad silang sumakay sa kotse ni Brandy yung pinakalumang brand ng volkswagen para dumiretso sa beach. 

Mga kalahating oras din bago sila nakarating. Winelcome naman sila agad ng mga staff ng tutuloyan nila. Natimbrehan siguro na siya ang model. Sa ahem ganda niya namang ito ahem wag lang isali ang dalawang hukluban. Joke lang!

"Welcome to Schuylers Beach maam." Nakangiting bati ng lalaking staff. Agad naman siyang napatigil at napatingin sa kaniya. Ang laki pa rin ng ngiti niya. Maging ang dalawang bakla ay napatigil rin.

"Kuya?" 

"Bakit po maam ganda?" Mas lalong lumapad ang ngiti niya. Klarong-klaro ang tinga niya sa ngipin. Sakto lunchtime na.

"Pakbet ulam niyo noh?" Tanong niyam Lumawak pa rin ang ngisi niya't bumulwak ang mata. 

"Ba't niyo po alam maam ganda?" 

"M-may kaunting tinga pa po yung ngipin niyo tsaka medyo may amoy po ang hininga. P-pero kunti lang naman." 

Alanganin niyang ani nag-iba naman agad ang reaksiyon nito. Gulat na napalakad siya ng mabilis ng hilahin siya ng dalawang bakla. 

"Gaga ka talaga Marija Diyos ko! Kung gusto mo ng suntukan wag dito okay? May photoshoot ka pa." 

Inis na ani ni Brandy. Nagkibit balikat na lang siya. Masama bang sabihin ang totoo? Mas mabuti nga na sabihin ang napapansin mo kesa pabayaan mong iba ang maka puna at siguradong hindi lang ganun ang matatanggap niya. Agad silang pumunta  sa reception area ng hotel parang mga bulateng inasinan naman ang dalawa ng makitang may mga foreigners silang kasabay. Ang ganda naman kasi ng Hotel napaka creepy ng pangalan ng Beach na ito pero hindi nakakapagtakang ang daming turista. Ang ganda  naman kasi.

"Room 34 po kayo maam Marija. And Mr. Bartillos Dimaculo at Mr. Brandyman De Futa ay sa Room 36." 

Agad na napaypay sa sarili si Balosh at Brandy sa narinig. Napatigil lang siya't nauutot sa narinig. Sa tanang buhay niya ngayon niya lang nalaman ang totoong pangalan ng dalawa. Ang alam niya lang naman kay Balosh eh Balosh Dimaculo at Brandy Futa talaga. Buhay nga naman.

"Here's your card key bilin nga po pala ng Secretary ni Mr. Sarin na sagot na nila lahat ng gastos niyo rito. Enjoy your stay here." 

Nakangising ani ng receptionist at nagpa cute sa mga kano na nakangiting nakatingin sa wait sakaniya Diyos ko! Nginitian niya naman agad ito dahil ang dalawa ay ang sama-sama na ng tingin sa kaniya. 

"Do you think we're happy that you've just called us with our full real name?" 

Nanlalaki ang matang tanong ni Brandy.

"Baka di ka pa nakatikim ng Slappy bitch with frontrow kick to the side to the left ahuh! Punch it 123 bruha ka!" 

Singhal ni Balosh at akmang sasabunutan na ang kawawang receptionist. Nakatanga  lamang ang mga kano na nakatingin sa amin. Maging ang ibang employee ay nakiusisa na rin.

Hinila niya naman sila agad at dumiretso na sa elevator. 

"Bakit mo ako hinila Marija. Nakita mo ba yung pang iinsulto niya sa amin?" 

Galit na ani ni Brandy.

Agad niya itong pinagbabatukan..

"Mga baliw kayo! Ang daming tao dun tapos nang-eeskandalo kayo. Nakakahiya kaya mga impakta kayo. Eh ako nga nauutot sa totoong pangalan niyo hahaha. Sino ba kasi ang nilalang na sanay pinagpala dahil sa kaniya nalaman ko rin ang di ko inaakalang mga pangalan niyo. Bartillos, Brandyman pffttt..ang sasag---

Malalakas na batok ang natanggap niya saa dalawa ang sakit talaga eh. Dapat talaga nag boxer na ang dalawang to may future dun eh sakit mambatok.

"Aray sakit nun ah!" 

"Tumawa ka pang bruha ka't ikaw talaga ang mapag-iinitan ko ngayon." 

Nagtitimping ani ni Brandy.

"Tumigil ka Marija at talagang makukutosan na kitang bruha ka." 

Dagdag pa ni Brandy. Tumigil na lamang siya't tumalikod sa kanila't napahagikhik ng mahina.

"Alam kong tumatawa kang leche ka gumagalaw ang balikat mo. Isa ka nalang ngayon." 

Banta pa ni Brandy. Agad siyang napa ubo at inayos ang sarili. Mga gaga talaga eh.

Tbc

Zerenette

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status