Share

Chapter 4

"Fiercer, yea that oh I love it! Make love to the camera Marija." 

"That's a wrap we're done for today. Congratulations for a job well done guys. You can now enjoy your stay here." 

Masayang ani ni Yco sa kanila. Agad naman siyang napahinga ng maluwag at napaupo sa couch. Umabot din ng 5 hours ang photoshoot nila. Isang location pa lang ang napupuntahan two more to go. 

Nakakapagod!

"Water?" Nakangiting inabot sakaniya ni Yco ang bottled water nito. Nahihiyang tinanggap niya naman ito. Sino ba  namang hindi mahihiya eh napaka gwapo nito halatang iba ang lahi ang cute ng mata at ang kinis kinis ng mukha talo ang sakaniya kahit naman mahirap lang sila may maintenance naman siyang Silka noh.

"T-thanks!" Nginitian niya ito  baka sakaling ito na ang panahon para magka love life na  siya.

"Ay ang harot-harot talaga."  

Nangagalaiti na ani ni Balosh habang nakatingin kono sa cellphone niya pero ang totoo sa kaniya naman nakatitig. Inggetera talaga tong baklang to.

"Fafa Yco beke nemen may bottled mineral water pa ka diyan o kahit ice water na tig pipiso okay na sakin. Nauuhaw na kese eke." 

Maarteng sambit ni Brandy kunwari talagang uhaw na uhaw na. Napatawa naman agad si Yco at napailing.

"Here! It's yours." Nakangiting aniya.

"Shelemet nekikihiye nemen." 

Pacute namang sagot ni Brandy. Ang sarap pilipitin ng paa niyang may ingrown. Di bagay ang laki-laki ng katawan pero grabe makpa cute ang arte. Agad niya itong inirapan.

"Diyos ko naman! Kunwari nahihiya pa. Malapit lang naman ang water dispenser diyan bakit di kayo kumuha don? O siya mauna na ako dun. May bar pala malapit dito I need a beauty rest." 

Pairap na ani ni Balosh at lumakad na halos iwanan nalang niya ang pwet niya.

"Mahaderang bakla! Hindi beauty rest ang kailangan mo rest in peace day pwede pa. Hintayin mo ko punta tayong Sauna nila." 

Reklamo ni Brandy at nagmamadali namang naglakad patungo kay Balosh.

"Hoy! Pano naman ako?" Singhal niya sa mga bwesit kinakalimutan na yata siya ng dalawa.

"Panong ikaw? Diyos ko Marija matanda ka na alam mo na ang tama sa mali kaya mo nang sarili mo nandiyan naman na si fafa Yco kahit masakit ipinauubaya ko na siya sayo di ka naman pababayaan niyan eh. Diba fafa?" 

Agad namang napatingin sakaniya si Yco at ngumiti. Ang gwapo talaga. Lumulundag ang puso niya pag ngumingiti ito sa kaniya.

"Yes, she's safe with me." 

Pak ang ganda pa ng accent ng english niya. Ang pula pula pa ng lips all in one nga yata sa sarap to! Parang Wow sarap! Sheet! Pag nakita to ng inang Apple niya talagang bubulwak ang mata nun.

"Oh yan naman pala eh. Sige na at may lakad pa kami. Kita nalang tayo mamaya sa bar. Ciao!" 

Magsasalita pa sana siya ng hawakan ni Yco ang kamay niya. Ang lambot ang hahaba pa. Napakagat labi siya ang sakaniya kasi well matataas naman pero di kasing haba ng sa kaniya. 

"I'll just accompany you later. Perhaps would you mind having a dinner with me?" 

Nakangising tanong niya sa dalagAla. Sino ba naman siya para tumanggi sa grasya oo agad. Gwapo na nga tong kaharapniya ang bait bait pa aayawan niya pa ba?

"So let's go?" Anyaya niya sa dalaga.

"Ah t-teka lang ha magbibihis muna ako ng damit. You know malamig na kasi ngayon sa labas eh. 5 pm na rin." 

Aniya't agad na kinuha ang spare clothes sa bag niyang galing UK Manila. Char! Ukay-ukay lang uy di afford ng lola niyo ang mga mamahalin.

"Okay. I'll wait here and i'll be willing to wait forever." 

Aniya at kumindat sakaniya. Ang bilis dumamoves kaloka. Nagmamadaling nagbihis na siya't nanalamin. Retouch din kunti nalang aagnas na ang make up niya. Mga 10 minutes natapos din naman agad siya at inaya na itong lumabas.

"Tara?" 

"You look amazing Mari." Mapapadalas na yata ang pagba blush niya pag kasama  tong kanong to. Grabe kung pumuri eh tinitira lahat ng kiliglig cells niya. Umiwas na lamang siya ng tingin at napapakagat labi na sumasabay ng lakad sa binata. Walking distance lang naman ang Restaurant ng Resort kaya madali lang silang nakarating. Agad naman silang binati at nilapitan ng waiter. Lumalaki ang mata niya sa presyo pagka kita sa menu.

"You look funny." Natatawang ani ni Yco. Agad siyang lumapit sa kaniya at bumulong.

"Napaka mahal naman dito wala akong pera. Okay lang naman sakin ang maghugas ng plato dishwasher naman ako noon sa  isang restaurant. Ikaw ang inaalala ko." 

Mahina niyang aniya. Napatigil naman siya ng nabilaukan si Yco at nagpipigil ng tawa. Ang daya ang gwapo gwapo pa rin.

"Don't worry Mari I got you. I partly own this restaurant. Wait? You're a dishwasher before? Are you kidding me?" 

Parang di makapaniwalang tanong nito sa kaniya. Agad naman siyang napatango.

"Bakit? May problema ba sa pagiging dishwasher ko noon?" 

Kunot-noong tanong ng dalaga sa kaniya. Aba'y mata pobre din pala ito.

"No, no i'm sorry. I didn't mean it to be like that I have high respects to all workers especially Filipinos they're hardworking. I just couldn't imagine that you're a dishwasher before you're too beautiful, anyone could've mistaken you to be an heir. You got that aura that can attract everybody. I'm so sorry Mari." 

Nakita niya namang sincere siya sa paghingi ng paumanhin. Gaga din siya minsan eh napaka nega.

"Sorry din." Nahihiya niyang ani. Nagkatitigan sila't napatawa na lamang. Siguro iniisip ng waiter baka baliw na sila.

"W-wait! Sayo tong Restaurant nato?" Mangha niyang tanong ang yaman pala nito. 

"Actually yes, samin to ng cousin ko. Speaking of cousin he's here." 

Nakangiting ani niya't itinaas ang kamay. Nangunot naman agad ang noo ng dalaga at tumingin sa likod niya. Ang weird balot na balot ang mukha naka gloves pa. All black na naman. 

"Teka familiar ata!" Mahinang aniya. Iwinaglit niya na lamang sa isip niya dahil naiinis siya pag naaalala  na naman yung litseng Sarin na yun.

"Hey cous, come sit with us." Nakangiting aya ni Yco. Nanahimik lang siya sa tabi siyempre di niya kilala eh. Umupo ito malayo sakaniya at nakatitig. Tinaasan niya ito ng kilay kala niya ha.

"What is that stupid woman doing here?" 

Tama nga ang basa ng radar niya ang impaktong Sarin ang nandito. Parang diring-diri pa nitong tanong habang nakatingin sa kaniya. Kunti nalang talaga't masasapak niya na tong kumag nato. Sa lahat lahat ba naman ng makikita niya sa araw na to umepal pa ang impakto. Tinanggal niya ang mask niya. Nahigit niya ang hininga ng makita ang kabuoan ng mukha nito yung malapit na malapit ang gwapo eh. Nakakahimatay ang kagwapohan ang ganda ng mata talaga shit! Huminga siya ng malalim Bwesit! Agad niyang tinakpan ang ilong niya napaka oa talagang agad siyang inabutan ng sanitizer ng Diyos ko nandito rin ang mga baka niya nakatayo sa likod niya double kill! Nanlaki ang mga  mata't agad na inamoy ang hininga medyo may amoy nga pero di naman mabaho eh nag listerine siya kanina bwesit na to.

"Napaka arte. Hindi naman mabaho ang hininga  ko ah!" 

Kunting-konti nalang at talagang mauupakan niya na tong pelingero na to.

Tbc

Zerenette

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status