Chapter 8

"Hello?" 

Ngali-ngali niyang sinagot ang tawag sa cellphone buti nalang naibulsa niya ito kanina.

"My secretary will text you the address. I'll be expecting you fast, get your filthy bag out of my place. It's dirty." 

Sa boses pa lang kilalang-kilala niya itong bwesit na caller. Parang umalpas lahat ng dandruff niya sa ulo sa narinig. 

Ang sarap niyang hambalosin argh! 

"Ho--"

Toot

"Anak ng! Ahh mamatay ka sanang bwesit ka!" 

Alam mo yung sa inis mo napapasabunot ka nalang sa buhok mo. Pinilit niyang huminahon ang sistema niya kahit ang totoo kinakatay niya na ito sa isip. Nag toot ang cellphone niya baka ang text.

"Sarin Subdivision

House No: 1564

Paqi City" 

Nagpaalam siya saglit sa nanay niya. May assignment pa naman siya. Agad niyang sinabi ang address ng bahay sa taxi driver. Kahit mahal ang pamasahe nilunok niya nalang dahil kailangang-kailangan niya iyon. Mga tatlompung minuto rin bago siya nakarating. Agad siyang nagbayad at lumabas. Literal na napanganga siya sa nakita. Grabe ang gara ang ganda talaga. Partidang nandito pa siya sa labas. 

"May kailangan po kayo ma'am?" 

Nakangiting tanong sa kaniya ni manong guard. Tumunog ang cellphone niya't nginitian muna si Manong Guard bago ito sinagot.

"WHERE THE HELL ARE YOU?" 

Singhal ng caller agad niya itong inilayo sa tenga.

"Nandito na ako sa labas." 

Aniya at sininghalan din ito.

"Give your fucking damn phone to Junnie." 

Utos nito. Siguro ang guard si Junnie. 

"Junnie?" 

Tanong niya sa guard. Tumango naman ito kaya ibinigay niya ang cellphone nagtaka siya nung una pero nung marinig ang sigaw ng amo niya'y nagmamadaling binuksan ang gate at pinapasok na siya.

"Deritso lang ho kayo ma'am." 

Ani ng guard. Tumango na lamang siya't pumasok na. Mas lalo siyang namangha may swimming pool sa harap. 

Ang laki ng bahay na ito. Mansion to eh ang ganda talaga. Ang yaman-yaman pala talaga niya.

Manghang nakatingin siya sa bahay at paligid nito. Napakaganda talaga.

"Close your mouth it's contaminating the area." 

Mahinang boses ang tumambad sa kaniya. Nandun siya naka-upo sa napakagandang upoan sa gilid ng pool. Agad niyang sinara ang bibig. 

"Asan ang bag ko?" 

Taas kilay niyang tanong. Tiningnan niya ang gilid niya at nanlaki ang matang nakatingin sa bag niyang nakalagay sa trash bin. 

"What the hell!" 

Bulong niya na parang di makapaniwala.

"Ano sa tingin mo ang bag ko ha?" 

Sa inis niya'y sinugod niya ito't pinaghahampas bahala na siya kung allergy siya o ano namumuro na eh. Bwesit na bwesit na talaga siya.

"Aghhhh! Nakakainis ka na talagang bwesit ka ano bang nagawa ko sayo't napaka ahh!" 

Nanlaki ang mga mata niya sa nangyari. Parang sa isang iglap lang wala na. Natumba silang dalawa sa upoan kaya nahulog siya nasa taas siya ng binata at nakalapat ang labi niya sa labi nito. Tila napatda siya't di alam ang gagawin. Amging ang binata ay nakatanga lang.

"What's happening here? I heard a scream and oh God! Everyone gather up get my camera or any gadgets with camera. This is history my son. Magkaka apo na yata ako! Ano ba! Ang kukupad naman bilis."

Hindi siya nakagalaw sa narinig at nakita. May short hair na babae na ang laki ng ngising nakatingin sa kanila at kumukuha  ng litrato. Agad  siyang naalarma at tumayo. Ang hinayupak na bwiset ay tumayo na't walang salitang pinagpagan siya ng mga katulong gamit yung maliit na gadget.

"What are you doing here mom? Get inside. You're not supposed to be here." 

Kalmanteng ani ng anak niyang ubod ng arte. 

"Shut up Theus. Kung hindi ko pa narinig na may sumigaw di ko pa malalaman na may inuuwi ka na palang nobya rito. Hi hija anong pangalan mo? Welcome to the family." 

Ang laki ng ngisi ng ina niya. Nai-star struck na naman siya napakaganda eh.

"M-marija po madam tsaka h-hindi po ako nobya ni Hit--ni Mr. Sarin." 

Aniya't tiningnan ng masama ang Hitler na kasalukuyan lang nakapamulsa at tinaasan lang siya ng kilay.

"No worries Hija. Ganiyan din naman kami ni Roberto noon todo tanggi. Wag ka nang mahiya hija mabait ako promise." 

Ang lapad talaga ng ngisi niya eh. Ang saya niya.

"Pero madam hindi ho talaga kami mag nobyo ng anak niyo." 

"It's okay hija. Halika sa loob." 

Yaya nito sa akin. Sumenyas naman agad ang abnormal na huwag kaya hinawakan ko ang kamay ng mommy niya.

"Naku Mrs. Sarin pasensya na ho kayo may klase pa po ako bukas tsaka si nanay lang po mag-isa sa bahay eh. Pasensiya na po talaga." 

Agad namang lumumbay ang ekspresiyon niya. Nalungkot din naman agad siya sa nakita.

"It's okay hija. If you have time bumisita ka rito sa bahay ha. And huwag kang mag-alala hija ikaw palang ang dinalang babae ng anak ko rito. Wala kasi yang girlfriend noon akala ko nga bading eh. Salamat naman sa panginoon at dumating ka." 

Mahinang ani ng mama niya't ngumiti ng napaka lapad. Napangiti na rin siya. Ang weird pala ng hinayupak na to. 

"Go inside mom." 

"Okay baby, enjoy your time together. I can't wait." 

Malaki ang ngisi na pumasok ang ina ng binata. Nang makapasok sa loob ay mabilis na kinuha niya ang bag at naglakad na paalis. Akala niya siguro magpapasalamat siya neknek niya.

Tbc

Zerenette

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status