Chapter 9

"Uy! Marija bakit busangot yang mukha mo?" 

Tanong sa kaniya ni Rodelita.

Talagang nagtanong pa eh obvious naman nang wala ako sa mood.

Mahinang bulong niya.

"Wala." 

Padabog na napa-upo siya't huminga ng malalim. Naalala na naman niya ang nangyari kanina. Sa inis niya'y sinabunotan   niya ang sariling buhok.

"Tanga tanga kasi eh. Nakakahiya ka! Ah ewan." 

"Hoy? Sigurado ka bang okay ka lang? Muntanga ka kanina pa." 

"Oo nga sabi eh." 

Napipikong aniya.

"Ba't galit ka? Bakit parang kasalanan ko pa?" 

Di makapaniwalang aniya't nagp-feeling Bea Alonzo. Inismiran niya ito't nagpaalam nalang siya na uuwi na. Aabsent muna siya ngayon tutal wala naman ng klaseng magaganap kasi nandito ang bwesit na Hitler na yun.

"Sure ka? Ayaw mo talagang makita si Pogi? Naku ikaw din magsisisi ka't ni hindi mo man lang nasilayan ang napaka amo ng mukha, napaka gwapo at napaka kisig na Bilyonaryo. Malay mo't mahumaling siya sa aking angking kagandahan at mabingwit ko siya chance na rin yon." 

Kinikilig na aniya. Nakatunganga  lang ang dalaga habang nakikinig sa mga pinagsasabi ng kaibigan ramdam na ramdam niya ang pagtaas ng kaniyang balahibo.

"Kung alam mo lang kung gaano ka arte at ka antipatiko yung supladong Marco na yon. Ewan ko lang kung gugustuhin mo pang mahulog sa kaniya." 

Wala sa sariling aniya. Nanlaki naman ang mga  mata ng kaibigan sa narinig. 

"What? Kilala mo si Mr. Marco? Ang gwapo niya diba? Diba?" 

Pati mga mata nito ay nagniningning. Halata ang pagka gusto sa binata.

Walang pag-asa tong babaeng to. Kahit yata anong paninira ang gawin ko hindi uubra eh. 

Iiling-iling na ani ng dalaga sa isip niya.

"Alam mo Marija, kukunti nalang ang mga lalaking parehas kay Pogi. Sa tingin ko nga nag-iisa nalang siya. Napaka gwapo,napaka yaman, napakabait." 

"Napakabait? Sure ka? Ewan ko lang talaga  Rodelita. Bahala ka na diyan inyong-inyo na yang Marco na yan." 

Matabang niyang ani na ikinanuot ng noo ni Rodelita.

"Walang bawian yan ha." 

Nakangiting aniya.

"Oo, ba't sobrang lapad ng ngiti mo diyan?" 

"Siyempre bawas alalahaning karibal." 

Nakangising aniya at parang sinisilihan ang bruha sa  kilig.

"Ewan ko sayo. Diyan ka na nga uuwi na ako." 

Nagpaalam na ang dalaga sa kaniya't naglakad na paalis ng gymnasium. Bit-bit ang dalang bag ng tawagin na naman siya ng Dean.

"Marija!" 

Ang sarap magpadyak pero pinipigilan niya. Ano na naman kaya ang iuutos ng matanda sa kaniya. Don't get me wrong ha, okay lang naman sa kaniya na utos-utosan siya as long as wala dito ang hinayupak na yon. Eh ang bwesit nandon sa Greenhouse ng University at nakatanaw sa kinaroroonan nila ng dean.

"Pakisamahan mo nga si Mr. Sarin na i tour siya sa school. Mas mabuti na ring may kasama siyang makakausap kesa mabagot siya kakalakad dito sa loob. Nakakahiya rin para sa image ng school na parang hindi natin pinapahalagahan ang may-ari. Tsaka hindi niya pa nalilibot ang buong eskwelahan. Kailangan niyang makita lahat ng facilities para ma renovate ang kailangang baguhin." 

Mahabang litanya ng Dean. Pakialam niya ba sa imahe ng school. Sila dapat ang nag-implementa at gumawa ng mga  alternatibong pamamaraan para hindi mabagot ang walang bahag na Hitler na yun. Pati siya damay eh kaya nga uuwi na para makatakas. Diyos ko!

"Bakit po ako Sir? Si Ms. Dela Cerna  nalang po." 

Reklamo niya. Ang swerte naman ata ng Hitler na yun namimihasa ah.

"Bakit hindi ikaw aber?" 

Anak ng..bakit nga ba hindi ako Marija? Sige sumagot ka pa't masupalpal ka na naman ng panot na Dean na yan. 

"Alalahanin mo Marija na siya ang nagbabayad ng kalahati ng tuition mo dito sa University. Kaya dapat lang na kahit sa kaunting bagay ay maibalik natin ang kabutin sa kapwa natin." 

"Amen." 

Mahinang aniya.  Nangunot naman agad ang noo ng Dean sa sagot niya.

"S-sige po." 

Dali-dali niyang ani at baka mabulyawan na naman siya ng matanda. kahit ang totoo sobrang labag sa kalooban niya ang ipinag uutos nila. 

"Pesteng buhay to." 

Busangot ang mukha na tinawag niya si Marco. Nakapamulsang lumapit ito sakaniya. 1 meter apart. Akala niya naman tatabi siya dito napaka feeling. 

"Dun na tayo dumaan sa pathway sa likod total naman ayaw mo sa maraming tao at obviously maraming alikabok dito." 

Pairap niyang sambit. Nanatiling wala itong ekspresiyon sa mukha niya. Iniirapan niya ito pag nahahagip ng tingin niya.

"Your eyes aren't that beautiful so don't roll it. People might mistaken you for having eye problems. You don't look cute on it I fucking swear." 

Walang ka utal-utal na aniya't nagpatuloy sa paglalakad at iniwan siyang nakanganga. 

"So anong sinasabi mo na pangit ang mata ko?" 

Nagsisimula nang umusok ang ilong niya sa galit. Kunting-kunti nalang. Di niya talaga  ma gets kung bakit sarap na sarap itong asarin at galitin siya.

"I didn't say that." 

Tipid na aniya. May mangilan-ngilang estudyante ang napapatingin sa gawi nila. Ang iba ay parang nagtataka kung ba't magkasama sila, karamihan naman ay umiirap sa kaniya lalong-lalo na  mga babae.. Problema ng mga ito. 

Kung insecure sila dahil kasama niya ang bwesit na to edi buong puso niya namang ibibigay ang kinatatayuan niya.Inismiran niya ang mga ito't nagpatuloy sa paglalakad. Umandar na naman ang pagka tanga niya't napatid  sa maliit na ugat ng puno ng bayabas. Napayakap siya sa legs ni Marco na masamang-masama ang tingin sa kaniya.

"What the hell are you doing there? You look like a dog." 

Nagmamadaling tumayo siya't pinagpagan ang sarili. Nakita niya naman ang mga estudyanteng tumatawa. Galit na tiningnan niya si Marco na kunot pa rin ang noo at pinagpagan ang sarili gamit ang puting panyo niya. Ni hindi man lang nag-abalang ibigay sa kaniya yun. Inuna pa talagang pinagpagan ang slacks niya. 

"What are you fucking staring at?" 

Tanong niya. 

"Napaka ungentleman mo talagang gago ka." 

Nangagalaiti niyang sambit. Nakakahiya talaga. Tumatawa pa rin ang mga estudyante. 

"What the fuck are you all laughing at? Is there anything funny while looking at us?" 

Istriktong tanong ni Marco. Nagsitahimik naman agad sila at nagbulongan. Gulat na napatingin siya kay Marco nang hawakan nito ang kamay niya.. Hindi siya  naka gloves ngayon tsaka maraming dumi ang kamay niya.

"Walk faster your knees are bleeding damn it." 

Ngayon niya lang napansing may sugat pala ang tuhod niya. Kaya pala medyo may mahapdi. Imbis na makipagtalo ay sumunod na lamang siya dito.

Tbc

Zerenette

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status