Chapter 10

"San mo ko dadalhin?" 

Tanong ng dalaga. Nanatili lang itong nakatingin sa daan at nag-drive. Ilang sandali lang ay natanaw niya na ang malaking gate. She gasped at the view napaka ganda pag gabi lalo na pala sa umaga.

"Get out." 

Mahinang aniya sa kaniya lumabas na rin siya kesa naman tawagin na naman niya ang dalaga sa kung ano-anong nakakabwesit. Agad siyang sumunod habang pinipilit kalasin ang kamay na  hila-hila ng binata. Ni hindi niya yata napansin na marumi ang kamay ng dalaga. Pagpasok nila sa malaking sala nila ay agad na napayuko ang dalaga. Nakaupo sa beige na couch ang mommy ng binata na nakatanga at tila hindi makapaniwala ang mukha habang nakatingin sa magkahinang nilang kamay. Maging ang mga katulong ay nakangangang nakatingin sa kanila. Nahiya naman siya't ni hindi man lang nakabati sa mommy niya. Pumasok sila sa isang malaking kuwarto. Napanganga siya sa sobrang ganda ng loob. Magkahalong itim at puti ang kulay ng kuwarto nito. Napakalinis at amoy Marco at lalaking-lalaki. Pinaupo niya ang dalaga sa paanan ng kama niya't  naglakad papasok sa banyo at may dala ng medicine kit. Napaayos siya ng upo ng bigla-biglang lumuhod ito sa harap niya't hinawakan ang may gasgas na  tuhod. Para siyang nakuryente sa marahang hawak ng binata. Dahil doon ay mas natuon ang pansin niya sa seryosong mukha nitong gumagamot sa kaniya.  Itinupi nito ang white long sleeves niya na sobrang puti. Ariel siguro ang detergent na gamit niya ang puti-puti eh. Parang nahiya naman siya sa kamay niya mabalbon pero napaka kinis. Talo pa yata ang kaniya.

"Aw, ouch!" 

Mahinang daing niya. Tumingin ang binata sa kaniya na puno ng pag-aalala ang mga  mata pero ang mukha niya sumasalungat naman. Ewan niya anong nakain niya't inayos niya ang kunot nitong noo. Imahinasyon niya lang siguro nang makita niya itong ngumiti. 

"Does it hurt?" 

Kalmanteng tanong nito.

"Magrereklamo ba ako kung hindi masakit?"

Pabulong niyang sambit.

"Okay, i'll just take this slow. Tell me if it hurts okay?" 

Mahinang aniya sa dalaga. Naninibago siya sa kilos ng binata. Tumango lamang siya dito bilang sagot. Ilang sandali lang ay natapos niya nang gamutin ang tuhod ng dalaga.

"Thank you." 

Sinserong aniya. Siyempre naman marunong siyang tumanaw ng kabaitan. Nakatitig lamang ito sa kaniya kaya parang na awkward siya. Tumayo na ito't nakapamulsang nakatingin sa kaniya.

"I just need to clean myself. Wait for me here okay?" 

Maotoridad na sabi niya sa dalaga at pumasok sa isa pang pinto. Napanganga na naman siya. Naaninag niya ito ng kunti ang pinasukan niya ngayon ay ang banyo so ang pinasukan niya kanina na kinunan niya ng medicine kit ay iba rin. Napapailing nalang siya sa hinayupak na to. Napaka gara ng damuho at napaka yaman. Habang hinihintay ang binata ay inilibot niya ang paningin sa loob. Lahat ng gamit ay sigurado siyang mamahalin. Hinintay niya ang binata na lumabas doon. Pumihit na ang knob at napanganga siya sa nakita. 

"Shit" 

Mahinang anas niya. Naman kasi eh lumabas ng naka bathrobe lang at may hawak na towel sa ulo at pinupunas sa buhok niya. Para yatang tutulo laway niya sa nakikita. Napaka gwapo at napalunok siya sa nakikita. Napaka ganda ng biyas ng taong to napaka gwapo talaga. Crush niya na ata tong barumbado nato. 

"You look stupid biting your lips." 

Tumatawang aniya ng binata at umiling-iling. Napamulagat naman agad siya at napatalikod. 

Gaga ka talaga Marija. Pinapahiya mo sarili mo bruha ka. 

"Let's go?" 

Nahihiyang nakayuko lamang siya habang kagat-kagat ang hinliliit niya't sumunod sa kaniya. Bumaba sila sa hagdan at napa aray ng bumangga siya sa likod ni Marco. Nandito na pala sila sa sala. Ni hindi man lang natinig ng mabangga niya ito. Laki ng katawan eh. 

"What now mom?" 

Bored na aniya para siyag nabuhusan ng malamig na tubig ng mapagtantong nasa harap nila ang mommy nito't ang mga katulong ay nakikiusyoso na rin. Nahihiyang kumaway siya sa mama ng binata.

"H-hi po tita." 

Alanganing bati niya. Iba kasi ang aura nito ngayon napaka seryoso. Naglakad si Marco papunta sa kinaroroonan ng mommy niya't umupo na rin sa couch at nag number four pa ang kumag. Samantalang siya parang matatae na sa klase ng tingin ng mommy nito.  Para na yatang lalabas ang puso niya sa sobrang kaba. Nilingon niya si Marco na walang pakialam sa tingin ng kaniyang ina. 

"Care to explain everything Marco Theus? Tell me that I wasn't dreaming. That I wasn't hallucinating and that my eyes didn't lie." 

Walang emosyong ani ng ina niya. 

Tiningnan niya ang mommy niya't bumuntong hininga. Mas lalo tuloy na kinakabahan siya ng malupet. 

"You're not dreaming nor hallucinating." 

Tipid na ani ni Marco. Ilang sandali lang ay tumili ang mommy niya't nagmamadaling lumapit sa dalaga at niyakap siya. Sa gulat niya ay muntik pa siyang mahulog sa couch akala niya kasi ay sasampalin siya o ano. Naman kasi eh. 

"Oh my God! Sabi ko na eh. Atlast! Bago man lang ako kunin ni Lord makita ko man lang na may aasawahin na ang poging-pogi kong anak." 

Naiiyak na ani ng ina  niya. Para naman siyang kinurot sa singit sa narinig. Agad siyang napatingin kay Marco na nakatingin lang din pala sa kanila ng mommy niyang yakap-yakap pa rin ang dalaga. He just smirked. 

"Wag niyong sabihing di kayo mag jowa dahil magtatampo talaga ako. Marco tell me the truth." 

Puno ng pag-asang ani ng mommy niya.

"It matters how she answered mom. If she said yes then we are. " 

Lintek na hinayupak na to.

Mapapasubo pa yata siya nito. Kumikinang ang mga mata ng mommy niya ng tumingin sa dalaga.

"Marija hija tell me. Don't be shy hija promise i'll be the best mother in law ever." 

Nakangising aniya sa dalaga. Pano niya ba to itu-turn down siguradong malulungkot to. Tinignan niya si Marco na nakatuon lang ang mata sa TV. Lumingon ito sa kaniya kaya sumenyas siya't humingi siya ng tulong dito.

"Marija?" 

"Po? Yes po, yes po!" 

Nalito siya ng lumaki ang ngisi ng mommy ng binata at niyakap siya ng mahigpit at hinalikan sa pisngi ang anak niyang nakatuon.lang ang tingin sa pinapanood.

"Sabi na talaga eh. Hindi ako ipinagkanulo ng tenga ko kanina." 

Malaking ngisi na ani niya. Napakunot naman agad ang noo niya.

"Ano pong ibig niyong sabihin tita?" 

"Eh na curious ako kanina sa inyong dalawa eh. Tsaka never talagang nagdala ng babae dito si Marco. Ikaw palang at nakapasok ka pa sa kwarto niya ha. Ni ako na ina hindi pa nakapasok sa kwarto niya but don't worry i'm not mad.  And what's more inyeresting is I can say that the two of you did it already. I didn't know that  my son is too eager on that area." 

Kinikilig na ani ng mommy niya. Nahilaw siya ng ngiti at pasimpleng kinurot sa gilid ang binata. Iba yata ang pagkakaintindi ng mommy niya sa nangyari kanina. 

"You can't deny it you both, I heard you." 

Mapaglarong ngisi ang tumambad sa kaniya.

Tbc

Zerenette

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status