Share

Chapter Five

Chapter Five

Umiwas 

"Nath, saan ba talaga tayo pupunta?" I asked curiously. Inaya kasi ako ni Nathalie na pumasok ng maaga. Kasalukuyan kaming nasa kotse nila at hindi ko alam kung saan kami patungo. 

Abot-tainga ang ngiti ni Nathalie nang tumingin sa akin. Knowing her, kapag ngumingiti na siya ng ganiyan ay kinakabahan na ako.

"Sa bahay nila Varen!" She squealed excitedly. Nalaglag ang panga ko at hindi ko nagawang sabayan ang tuwa niya.

"Ano namang gagawin natin doon?" 

"Well, close friend ko kasi iyong kapatid niya na si Verona. Sinabihan niya ako na may practice ngayon ang Paradox sa bahay nila at inaya niya ako na manood."

"I said I'll be coming with you and she's fine with it. Nandoon si Kyovee at nandoon din si Varen. It's a win win situation for both of us!" 

Kilig na kilig siya habang ako ay hindi maipinta ang mukha. God, this girl! I'm stuck with her reckless decisions.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Napahinto si Nathalie at tila nagtaka sa tanong ko.

"Why? Ayaw mo bang pumunta?" 

"Hindi naman sa ganoon... It's just that I'd rather study at home than watch their practice." It was half the truth. Masama ang pakiramdam ko at gusto ko sanang manatili na lang sa bahay, manood ng Kdrama o kaya netflix series.

"Ano ka ba Kels! You should also make a move para lalo kang mapalapit kay Varen. And this is the start."

Napabuntong hininga na lang ako at itinuon ang paningin sa labas ng bintana. I don't get why Nathalie keeps on pushing me towards Varen. 

Lumiko ang sasakyan sa Casa Milan at maya maya pa ay nasa harap na kami ng bahay nila Varen. It was probably just a three-story but wide modern mansion. It's not quite surprising though. I heard from Nathalie that Varen's family runs a famous fine dining restaurant with branches outside the country. Iginaya kami papasok sa bahay ng nakatatanda niyang kapatid na si Verona. 

"You must be Kelsey?" Aniya sa akin. Tumango ako. Brown wavy hair, tall and slender. She could pass as a Latina model. It's obvious that good looks run in their blood. 

"Nasa living room sila Varen. Doon na muna kayo dumiretso. Pupunta lang ako sa kusina para maghanda ng pagkain." 

Iyon na nga ang nangyari. Naiwan kaming dalawa ni Nathalie papunta sa living room. Bumungad sa paningin ko ang tatlong miyembro ng Paradox. Pinagsasaluhan nila ang nachos na nakahain sa center table.

Nag-angat ng tingin si Kyovee nang dumating kami. Si Zephaniah ay hindi natinag sa pagcecellphone. 

Naroon pa rin ang sugat sa ilalim ng labi niya. Hindi niya ginamit iyong band aid? Automatikong umulit sa utak ko ang ginawa niyang pakikipagsuntukan. Never thought that this cold guy could also be ill tempered. 

"Kelsey!"

Nang makita ako ay agad na lumapit sa akin si Varen. He was wearing a gray adidas shorts and a loose sando top that revealed his biceps. Maluwag ang gilid noong sando niya. His hard chest and abdomen can be seen on both sides. Magulo pa ang buhok niya na parang bagong gising. A lazy smile formed on his lips.

"Hindi ko alam na pupunta ka." Bakas ang pagkagulat sa kaniyang mukha. 

"Hindi sinabi ni Verona? She invited us over." Umiling ito at saglit na luminga para hanapin ang kapatid. 

"Bakit hindi pa kayo nagpapractice?" Tanong ni Nathalie kasabay nang pag-upo namin sa kabilang sofa.

"Wala pa si Jaewon." Varen replied.

Abala ang katabi niyang si Kyovee sa pagtipa sa kaniyang cellphone. Paminsan ay napapangiti pa ito. Probably texting some girls. Si Zephaniah naman ay ganoon rin, probably texting Sage. 

"He's always late. Pero on the way na daw." 

Ang pagkaalam ko si Jaewon iyong half korean at pinakabata nilang miyembro. 

"On the way sa CR kamo." Sabat ni Kyovee. 

"Hindi lang kasi ligo ang ginagawa eh. Sinasabayan ng pag--" Hindi natuloy ang akmang sasabihin ni Kyovee nang batuhin siya ng throw pillow ni Varen. Nangibabaw ang malakas na halakhak ni Kyovee.

"Sinasabayan ng pagsheshave! What do you think I'm about to say Var?" Natatawa nitong saad. Napailing na lang si Varen habang nakangisi.

"I won't say something explicit infront the girls.." Kyovee's eyes shifted to us before he flashed a smirk. Inginuso niya kami kay Varen, tila kinekwestyon ang aming presensiya. Tumikhim si Varen.

"This is Kelsey." Anito bago ako itinuro. 

"Oh.." tumango tango si Kyovee saka ngumisi. 

"Iyong nanood sa atin noong isang linggo? Siya ba yun Zeph? Iyong pinipilit ni Varen na ipakilala mo sa kaniya pero ayaw mong pumayag?" Bumaling ito kay Zephaniah at humagalpak. Sinungitan lang ito ni Zephaniah. Si Varen naman ay siniko siya.

"Shut up Kyovee." Varen shot him dagger looks.

"This is Nathalie." This time, Varen pointed on Nathalie. Nakita ko ang nanginginig na ngiti ni Nathalie. 

"Kilala ko siya." Kapwa kami natigilan nang sabihin iyon ni Kyovee.

"I saw you often sa dope. Lagi ka bang nanonood sa amin?" tumikwas ang gilid ng kaniyang labi at nag-angat ang kabilang kilay. 

"Yes. I'm a fan." Nathalie said proudly. Tuwang tuwa ito dahil kilala siya ni Kyovee.

"Really? Thanks."

"Yeah. I like all of you. Especially you." Puno ng sigla na saad nito. Halos masamid ako sa sarili kong laway dahil roon. Wala talagang preno ang bunganga ni Nathalie. Kyovee grinned, he seemed amused. 

"I'm starting to like you now then." 

"How about you Kelsey? Who among us do you like the most?" 

Natigilan ako nang bumaling sa akin si Kyovee. Who among them do I like? Nagpabalik balik sa tatlo ang paningin ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabaham. 

Varen seemed to seriously pay attention. Kyovee looked curious. Zephaniah, I'm not sure if he was listening. Napalunok ako, hindi alam kung sino ang babanggitin. 

"I don't know... yet." Saad ko pagkatapos ng maiksing katahimikan.

"Hindi pa naman niya tayo ganoon kakilala. Ano ba iyang mga tanungan mo Kyovee." Ani Varen.

"Some girls who watch us the first time immediately knows who they like Var. Karamihan unang na-attract sa bokalista, which is Zeph. Yung iba naman namamangha sa guitar skills mo o kaya ni Jaewon. Yung iba sa drummer tumitingin." mahabang paliwanag ni Kyovee. 

Magsasalita pa sana si Varen ngunit naunahan ito ng pagdating ni Verona.

I

naya kami nito sa dining area at magkakasunod na tumungo kami roon.

"Woah, Verona ang dami mo namang hinanda para sakin. Nag-abala ka pa." Nagbibirong saad ni Kyovee. Inirapan lang ito ni Verona.

"Ang feeling mo naman Kyovee Valencia." 

Napapagitnaan ako ni Nathalie at ni Varen habang nakaupo naman sa harapan kosi Zephaniah. Maglalagay pa lang sana ako ng kanin sa plato ko ngunit si Varen na ang nagsandok noon para sa akin. I didn't want to be rude so I let him do it. 

"Thanks." I was about to get the spoon to serve myself some menudo but he also did it for me.

"Kain ka ng marami Kelsey. You're so small." Sumilay ang tipid na ngiti sa kaniyang labi. 

"I'm already small kahit kumain ako ng marami." 

"But still, don't get hungry."

Sumasalubong sa ilong ko ang panlalaking amoy ni Varen sa tuwing lumalapit ito upang lagyan ng ulam ang plato ko.

"Hmmm...bakit may special treatment?" Tumikhim ang kapatid niyang si Verona.

"Varen, ako din. Palagay ng kanin at ulam." Pinaliit ni Kyovee ang kaniyang boses at umaktong nagpapacute. 

We laughed in unison except for one person... his mouth was tight shut and his expression was exceptionally dark. It bothered me but I just decided to ignore him while we ate.

Pagkatapos kumain ay dumating na din si Jaewon. Pumunta kami sa music room ng bahay nila Varen upang makapaghanda sila sa pagpapractice. Their whole family was musically inclined that's why they have a sound proofed room equipped with different musical instruments. I heard Verona plays the violin and cello well. 

Pumwesto na sila sa harap ng kani kanilang instrumento habang si Zephaniah ay tumayo sa harap ng mic stand. Lumapit ako sa grand piano at pinaglakbay ang mga daliri ko roon. Back in my dad's house, we used to own a grand piano. He taught me how to play it. Hindi ko mapigilang mapangiti sa masasayang alaala. 

"Varen tara na!" dinig ko na tinawag ni Kyovee si Varen. Hindi pa kasi ito lumalapit sa kanila.

"Sandali." Tumakbo si Varen papunta sa akin.

"Kelsey." Nagulat ako nang bigla niya akong akbayan at yakapin mula sa likuran. Nanlalaki ang mga mata ko nang lingunin ko siya. Pinilit kong makalayo pero hinigpitan niya ang yakap sa akin.

"What are you guys doing?" nanunuksong sigaw ni Kyovee mula sa kinaroroonan nila. Nakita ko na nakangisi ang mga kabanda niya maliban kay Zephaniah. Nakakunot ang noo nito habang matalim na nakatingin sa amin. 

"Don't move." Bulong ni Varen sa tainga ko.

"You have a stain." Umawang ang labi ko nang mapagtanto ang sinabi niya. Nag-init ang pisngi ko sa pagkahiya. 

"Seriously? Shit. Nakakahiya."

"Don't worry. Tatakpan kita." Varen laughed like it's not a big deal to him.

"Sige na. Maglakad ka." I gulped before I took a few hesitant steps. Damn. Ang malas ko talaga. 

Habang naglalakad ako patungo sa pinto ay sumunod siya sa likuran ko. Hinawakan niya ako sa braso at nagpanggap na itinutulak ako palabas. 

"Var!" muli siyang tinawag ni Kyovee. 

"Sandali! May pupuntahan lang kami ni Kelsey!" 

"Mamaya mo na diskartehan si Kelsey! You're such a flirt!" Nagbibirong saad ni Kyovee. Naiwan ang tingin sa amin ni Verona at Nathalie nang madaan kami sa kinauupan nila.

"Pagbigyan niyo na ako! Mabilis lang kami." Nanlolokong saad ni Varen bago tumawa. Lalong nag-ingay ang mga kabanda niya. Naiwan ang bibig ko sa ere dahil doon.

Itinulak pa ako ni Varen kaya napatakbo ako. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makarating na kami sa Comfort Room.

"Kelsey.. ito oh." Pina-awang niya ng kaunti ang pinto ng comfort room. Natawa ako nang makitang isang balot ng pad ang iniabot niya sa akin. 

"Pwede ba iyan? Kinuha ko lang iyan sa kwarto ni Verona." He seemed a little unsure and worried.

"Oo. Thanks Var. I'm not gonna use it all though." Natatawa kong sad. Kumuha ako ng isa at ibinalik sa kaniya iyong balot. I nearly blushed at his effort. 

"Ito pa Kelsey, yung panyo." This time, he handed me a handkerchief. I used it to wipe away the stain from my skirt.

"God, thank you talaga Var. Nakakahiya, naistorbo pa kita. Sorry ha? Lalabhan ko na lang itong panyo."

"No worries. Tsaka sayo na yan." Bale wala niyang saad. 

Nakakagaan ng pakiramdam ang kabaitan niya. Iyong tipong hindi mo mararamdaman na nakakaistorbo ka. He always speaks like he doesn't make a big deal out of anything, like his efforts aren't special.

Nauna na siyang bumalik sa music room at sumunod na lang ako. Pagbalik ko roon ay nag-uumpisa na silang mag-ensayo. Kinwestyon agad ako ni Verona at Nathalie kung anong ginawa namin ni Varen. Sinabi ko sa kanila ang nangyari. Kilig na kilig si Nathalie habang si Verona ay hindi makapaniwala na ginawa iyon ng kapatid niya.

"Didn't know he could be such a gentleman. Sa'yo lang ata ganoon iyan Kelsey." Verona teased. I laughed in response before I shifted my eyes infront. 

Nakakamangha talaga silang panuorin. Seryosong nakayuko si Varen sa kaniyang gitara. His fingers shifted effortlessly from one chord to another while his other hand strummed the strings in synchrony. 

Zephaniah's voice was calmer now. Napakalambing noong pakinggan. It's that kind of soothing voice you'd love to hear before you sleep. 

Paglipas ng ilang minuto ay nagpahinga sila saglit. Tumayo si Nathalie upang kausapin si Kyovee. Si Varen naman ay sumalampak sa sofa katabi ko. 

"How was it?" 

"Ang galing ninyo. It would be a perfect performance." pumalakpak ako. 

"Talaga? We've been practicing hard for this. Kinakabahan nga ako." He mentioned before na mag-aaudition sila sa isang sikat na recording company. Bukod sa kanilang mga gig ay nag-hahanda sila para roon.

"You shouldn't be. Ang galing mo kaya. Kailan ka ba natuto mag-gitara?" 

"When I was 7."

"Kaya pala ang galing mo. I've always wanted to learn the guitar pero hindi ko talaga kaya."

"Gusto mo turuan kita?" nangingiti niyang tanong. 

"Nope. It would be a waste. Hindi ko talaga kaya." Tumanggi ako pero hindi nakinig si Varen. Kinuha nito ang kaniyang gitara pagkatapos ay umupo ulit sa tabi ko. He placed it on my lap and I hesitantly held it.

"Tuturuan muna kita ng basic chords. This is A." Bumalot ang braso niya sa likuran ko at isa isa niyang pinuwesto ang mga daliri ko. He placed my fingers on the according frets. 

"This is how it sounds." He said softly before he strummed the strings.

Napangisi ako sa magandang tunog niyon. Ginaya ko ang ginawa niyang pag-strum. Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay saka ko napagtanto na masyado pala kaming malapit sa isa't isa. Isang marahan na ngiti ang pinakawalan niya bago muling inilipat ang mga daliri ko.

"This is C." The chord C would probably be the easiest one for me. Magkakasunod na fret lamang iyon at hindi masiyadong magkakalayo. 

"This is G." Nahirapan ako doon dahil masyadong maiksi ang mga daliri ko. Kapwa kami natawa nang hindi ko maabot iyong isang fret.

"Ang hirap." He leaned closer to help me with the chord. 

I could feel his hard biceps wrapping around my shoulder while his manly scent lingered in my nose. His gestures were too delicate. Masyadong marahan ang pagkaka-akbay niya sa akin at maingat na ipinupwesto niya ang mga daliri ko sa dapat noong kalagyan. 

"Varen, mag-papractice na. Stop flirting." 

Sabay kaming nag-angat ng tingin sa nagsalita. Sumalubong sa amin ang madilim na ekspresyon ni Zephaniah. Nagtiim bagang ito at nagpalipat lipat ang tingin sa amin.

"I'm not flirting Zeph. Tinuturuan ko lang si Kelsey." Seryosong saad ni Varen. Hindi iyon pinakinggan ni Zephaniah at agad kaming tinalikuran.

"Practice muna kami Kels." Kinuha niya ang gitara sa akin.

"Babalik ako. Turuan kita mamaya." Nakipah-high five siya sa akin bago tumakbo sa kinaroroonan nila Zephaniah.

Pagdating ng alas-12 ay natapos na sila. Sabay sabay na rin kaming naghanda upang pumasok sa school. 

Pero bago kami tuluyang umalis ay pumunta muna ako sa kusina upang uminom ng tubig. 

"So you didn't come to watch our practice." Halos maibuga ko ang malamig na tubig nang mahimigan ang isang malalim na tinig sa tabi ko. 

"Make sound when you're entering Zeph. Nakakagulat ka." I tried to joke but there was no humor in Zephaniah's face. Instead, he welcomed me with his perpetual scowl. 

"You came for free hugs and free guitar tutorials?" His tone was both sarcastic and annoyed. Humihigpit ang panga niya sa bawat salitang binitiwan. Those dark orbs and clenched jaw instantly made me nervous. 

"What are you talking about?" I frowned at his accusations. 

"Wag ka ng manonood ng practice sa susunod." Binawi niya ang basong hawak ko at inilapag iyon sa counter. Lumapit siya ng isang hakbang sa akin. 

"Why? It's not you who invited me--"

"Just don't"

"Pupunta ako kung gusto ko." 

That seemed to pull the trigger. I saw how he lost the tiniest bits of his patience as his face grew livid with anger. 

"Hindi makapagpractice ng maayos si Varen kakatingin sa iyo."

Seryoso nitong saad. Napaisip ako roon at nagsalubong ang kilay ko. He's talking non sense. Mali ang ibinibintang niya sa akin.

"I don't think so. Ang galing niya nga kanina." I stated truthfully. Seryoso si Varen tuwing nagppractice sila. Ang buong atensyon nito ay nasa pagtugtog ng gitara. Wala nga akong napuna na nagkamali siya. 

"So you're his fan now?" Nanghahamon ang kaniyang tono. Nalukot ang mukha ko dahil sa mga pinagsasabi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit nagagalit nanaman siya. 

"Why are you asking?" 

Saglit na huminto ito at nag-iwas ng tingin. Humugot siya ng marahas na hininga.

"Bakit ba parang naiinis ka? Did I do anything wrong?" 

Ilang segundong nanatili sa akin ang malamig niyang mga mata. Tila sinusukat niya ang kaniyang pasensiya. Pagkatapos ng ilang beses na paggalaw ng kaniyang panga ay tumango siya. 

"You annoy me so much." 

His piercing eyes were matched with his deep angered voice. My mouth ran dry and my heart raced for unknown reason. Probably, because of fear? 

"Kelsey!" Bumasag sa yelo na namamagitan sa amin ang matinis na boses ni Nathalie. Nahigit ko ang hininga ko sa pagkabigla. 

Halatang nagulat si Nathalie nang makita kami ni Zephaniah ngunit agad din niya iyong itinago. 

"Tara na. Baka malate tayo." Pilit na ginawa niyang normal ang kaniyang tono. Tumango ako. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon upang iwan si Zephaniah.

Saktong ala-una kami dumating sa school. Hindi naman kami na-late. Naging abala kami sa iba't ibang activity at quizzes. Kaya naman pagdating ng uwian ay hindi na maipinta ang mukha ni Nathalie.

"Sakit sa ulo ng Gen Math." Reklamo nito habang naglalakad kami palabas ng campus. Nang malapit na kami sa gate ay siya namang paglapit sa akin ni Varen. Pero hindi ito mag-isa, kasama niya si Zephaniah.

"Kelsey, hatid na kita." Bungad nito. 

Nakita ko na marami ang napapalingon dahil sa dalawang nilalang na kasama namin. May mga babae pang napapahinto at naiiwan ang tingin kay Varen at Zephaniah. 

"Nako Varen, hindi na. Nakakahiya" Umiling ako. 

"It's okay. I insist. Kesa naman mag-commute ka pa." 

"Hindi na Var. Sa susunod na lang. Sasabay ako sayo kapag kailangan. Right now, kaya ko namang mag-commute." Mahinahon kong paliwanag. Walang nagawa si Varen kindi tumango. 

"Sige. Ingat. I'll call you then?" I nodded. He flashed me a bright smile before walking the opposite direction.

Nagpaalam din ito kay Zephaniah at Nathalie. 

Naiwan si Zephaniah at tahimik na naglakad kasabay namin. 

Walang umiimik sa amin. Hindi ko rin siya pinansin. He said I annoy him. Siguro naiinis siya dahil iniisip niya na malaking distraction sa practice nila ang pagpunta ko, partikular kay Varen.

Awkward silence covered us. Bakit ba sumasabay pa siya sa amin maglakad? I thought he's just going to remain silent until he spoke

"Are you taking the bus?" Anito.

Napansin ko ang pagkabigla sa ekspresyon ni Nathalie nang kausapin ako ni Zephaniah. Sasagot pa lang ako ng oo ngunit pumagitna na si Nathalie. 

"Nope. Sasabay siya sa akin." Nagtataka akong bumaling kay Nathalie. 

"Bye Zeph! Mauna na kami!" Hindi na ako nakasabat nang hilahin niya ako paalis. Nagsalubong ang kilay ko sa ginawang iyon ni Nathalie. 

"Nath, hindi ko naman sinabing sasabay ako ah?" I said the moment we sat on the back seat. Pansin ko ang paglunok niya at pag-iwas sa aking mga mata. 

"May sasabihin lang ako."

"What is it?" Hindi siya sumagot. 

"Nath, anong sasabihin mo?" Pag-ulit ko. 

"Mamaya na lang okay?" 

Nang sabihin niya iyon ay nanahimik na lang din ako. Hindi kami nag-usap hanggang sa makarating na kami malapit sa bahay namin. 

"I know what happened on the night of our first day Kels." 

Kasabay ng pagkabasag ng katahimikan ay ang pagkalabog ng puso ko. The seriousness in her voice made me anxious. I turned to her with a heavy chest.

"Noong nawala ka sa tabi ko ay inisip ko na nag-cr ka lang. Pero noong masyadong matagal ka ng wala ay hinanap kita."

"Nakita kita pero hindi ka nag-iisa. I was tipsy but I saw you clearly. You and Zephaniah were kissing."

"The next day, akala ko magkkwento ka pero hindi mo iyon ginawa. I respected that. Naisip ko na baka ayaw mong may makaalam at gusto mo na lang iyon kalimutan."

It felt like I was caught in my own crime and I felt guilty. Hindi ako nakasagot sa labis na pagkabigla at pagkahiya. Kung ano ano ang tumatakbo sa isipan ko.

"You can't like him Kelsey." Sa wakas ay bumaling siya sa akin. 

"I don't like him..." I said with a frown. Maybe she's misinterpreting things. 

"Right now maybe you don't. I'm just saying that even in the future, no matter what he does, you can't like him."

"I know Zephaniah. He's stubborn and reckless. He does what he wants and no one can stop him. I can't support the both of you as long as he's committed... that's unfair on your part."

Panay ang paglunok ko. Nanlalamig ang mga palad ko sa mga salitang binitiwan ni Nathalie. 

I don't get why she's saying these things. I think maybe her imagination can go really wild... or maybe I'm too naive or self denial. Maybe she's seeing things that I refuse to see. 

"I'm saying this to protect you Kels. Kahit anong gawin niya, ikaw na lang ang umiwas."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status