Share

The Witch has Fallen - 18

"Hi Ate Tasya," lumingon ako sa tumawag sa akin. Ngumiti ako ng makilala ko ang tumawag sa akin. 

"Hi Mira, magandang umago sa'yo!. Mag-aral ng mabuti." pagbati ko pabalik sa kanya. Isa siya sa mga naging kaibigan ko. Magdadalawang linggo na kaming nakatira dito sa kanila Caloy. Pinapayagan na 'din akong lumabas labas ni Impo pero mainit pa 'rin ang mata niya sa akin. 

"Pasok na po ako ate. Kita na lang tayo mamaya.!" paalam niya. I waved my hands as I said my good byes at her. Nasa highschool pa lang kasi siya at ang sa pagkakaalam niya eh magpinsan kami ni Caloy at magkasing-edad lang. 

Binuhat ko na ang balde ng tubig papasok sa kusina. Nag-igib lang kasi ako ng tubig sa may imbakan ng tubig nila Caloy sa labas nang makita ako ni Mira kaya medyo natagalan. 

"Sino 'yung kausap mo kanina?" tanong ni Impo, nasa labas ang tingin pagkapasok ko sa kusina. 

"Ah, kapitbahay lang po."

"Mag-ayos ka ng sarili mo. May pupuntahan tayo."

"P-po? saan po?" imbes na sagutin ako ay pumasok na siya sa loob ng silid namin kaya pinagpatuloy ko na lang ang paghuhugas ng pinggan. Pumasok na sa skwelahan si Caloy, kanina pa. Habanag si Aling Charlotta naman ay may nilakad. Si Tiya at Nanay ay abala sa paghahanap ng mga halaman kaya kami lang ni Impo ang natira sa bahay. 

"Pupuntahan natin ang Senyor kaya umayos ka." tumango lang ako bilang tugon kay Impo pero ang totoo ay kinakabahan ako. Nandoon 'din kaya si Vin?

Kung nandoon nga siya at magkita kami, kakausapin ko ba siya? o kakausapin niya ba ako? Umiling iling ako at pilit iwinawaksi ang mga kung ano-anong imahenasyong pumapasok sa utak ko. 

Lumabas kami ni Impo na naka anyong hayop. Nakasunod lang ako buong paglalakbay. Bandang hapon na nang pumasok kami sa isang gate. Aso lang ang nakabantay dito. Nagkatitigan lang sila ni Impo at pinapasok na agad kami. 

Pagkapasok namin sa pintuan ay nagpalit na agad kami ng anyo bilang isang bruha.  

Nakasunod lang ako kay Impo. Wala 'din akong balak magtitingin tingin sa paligid ng bahay dahil sa takot na 'rin na baka kung ano pang makita ko. 

Umakyat pami sa pangalawang palapag ng bahay. Nakadiretso lang ang tingin ko sa likod ni Impo. Pagkapasok namin sa silid ay siyang kaba ang naramdaman ko. Kakaiba ang awrang bumabalot sa silid na ito. Hindi ko mapaliwanag. 

Nakayuko lang ako habang naghihintay na magsalita si Impo. Hindi na 'rin ako naglakas ng loob pang tumingin sa harap dahil alam ko namang ang Senyor ito. Hindi ako sanay na nakikita siya ng ganito kalapit at harap-harapan. 

"Rosana, may nahanap ka na bang lokasyon para sa ating panibagong kweba?" nanindig ang mga balahibo ko nang marinig ko ang boses ng Senyor. Hindi ko naman naririnig magsalita ang Senyor tuwing buwanang Selebrasyon. 

"Opo, Senyor." tugon naman ni Impo. 

"Sino iyang kasama mo ngayon? parang ngayon ko lang siya nakita." otomatikong napaangat ang tingin ko nang tanungin ng Senyor ang pangalan ko. Nagtagpo ang mga mata namin at isa lang ang masasabi ko. 

Nakakakilabot. 

Nanlilisik ang mga mata nito at para bang kahit na anong oras ay kaya ka niyang bawian ng buhay. Agad kong binawi ang tingin ko at yumuko na lang.

"Si Annastasya, Senyor." 

"Siya na ba?"  kunot-noo akong napatingin sa paa ko. Pinipigilan kong mag-angat ng tingin dahil ayaw ko ng magpang-abot pang muli ang aming tingin. Anong ibig sabihin niya sa ako na ba? ako na ang ano?

"Opo, Senyor." mas lalong lumalim ang kunot ng noo ko nang kumpirmahin ni Impo ang tanong ng Senyor. 

"Mabuti. Yung isa ko pang pinapaasikaso sa iyo. Nagawan mo na ba ng paraan?" bakit parang pakiramdam ko hindi ko dapat naririnig ang mga pinag-uusapan nila?

"Naghahanap pa 'rin po ako. Mahirap pong makahanap ng pasok sa mga tipo mo." 

"Annastasya, hija, maaari bang ikuha mo muna kami ng maiinom ni Rosana?" kahit labag sa loob ko ay napilitan akong mag-angat ng tingin sa Senyor. 

"O-opo, Senyor." 

Dali-dali akong lumabas sa silid ng Senyor. Pagkalabas ko ay saka pa lang ako nakahinga ng maluwag. 

I tried to shrugged off the uncomfortable aura. Dapat ang problemahin ko ngayon ay kung saan ako kukuha ng maiinom nila at kung anong maiinom ang dapat kong kuhanin. 

Nataranta na kasi ako at opo na lang ang naging sagot ko. Hindi ko na tuloy natanong kung anong gusto nila. Nakakakaba naman kasi talaga ang manatili sa iisang silid kasama ang Senyor. 

Natatakot ako na baka sa kung saan ako mapunta kaya sinundan ko lang ang dinaanan namin kanina ni Impo. Bumaba ako sa grand staircase nila, nagbabakasakaling may makitang nilalang na pwedeng pagtanungan kung saan maaring makakuha sa inumin ng Senyor. 

Bigo ako dahil wala man lang akong nakita ni isa. Sinubukan kong ilibot ang paningin ko, nang may makita akong pintuan ay pinuntahan ko ito. Nang akmang bubuksan ko na ito ay may mga kamay na pumigil sa akin. 

Sa gulat at takot ko na baka kung sino ito ay hindi na ako nakagalaw pa sa pwesto ko. Ramdam kong nasa likod ko siya kaya hindi ko alam kung sino ito. 

"Anong ginagawa mo dito?" nabosesan ko kaagad ang nagtanong kaya bahagyang nawala ang takot at kaba ko. Napalitan ito ng galak. Agad akong lumingon sa kanya ng may malaking ngiti sa labi. 

"Vi-! ay, uhm,.. S-senyorito. Kayo po pala." yumuko ako bilang paggalang. "Magandang araw po" nawala ang galak na naramdaman ko nang makita ko kung paano niya ako tignan. Hindi ko alam kung bakit pero galit ang mga mata niya. 

"Anong ginagawa mo dito?" pag-uulit niya sa tanong niya. 

Bakit ganon? bakit parang may iba? 

"S-sinama ako ni Impo. Magtatanong lang po sana ako Senyorito kung saan kukunin ang inumin ng Senyor?" nakayuko lang ako habang nagsasalita. Hindi ko kayang pantayan ang klase ng tingin na ginagawad niya sa akin. 

"Si papa ang pinuntahan niyo dito?"

"Opo,"

"Bakit? Anong kailangan niyo?" umangat ang tingin ko sa kanya. Ganoon pa 'rin naman ang klase ng tingin niya sa akin pero mababakas ang kuryusidad at pag-aalala?

"Hindi ko 'din po alam. Sinamahan ko lang si Impo- teka lang po, saan tayo pupunta?" nagulat ako nang hinila na lang niya ako bigla. 

Akala ko kung saan niya ako dadalhin sa kusina lang pala nila. 

Binuksan niya ang isang malaking refrigerator at nahagip ng mata ko ang mga kulay pulang likido na nakasilid sa mga glass container. 

"Here, give this to that old man." saad niya sabay lahad sa akin ng gold na tumbler. 

"Gusto mo?" alok niya sa akin ng iniinom niya. Umiling lang ako at ngumiti ng tipid. 

"I insist. Alam kong namiss mo 'to" nakangisi niyang saad habang pinapaikot ang laman ng champagne glass niya. 

Inaakit niya ba ako?

"Hmm?" nilahad niya sa akin ang baso niya. Lumunok ako bago tanggapin ang baso. Nagngiting tagumpay naman siya ng inumin ko ito.  

Inisang lagok ko ito. Ito iyon. Ito ang hinahanap ng sikmura ko. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako makaramdam ng pagkabusog. Para akong nakakain ng pangbuong araw na kainan. Busog na busog ako at sarap na sarap. 

Ang lapad ng ngiti ko nang ibaba ko ang baso. Hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na pala si Vin. 

Napaatras ako nang lumapit siya sa akin. 

"Anong ginagawa mo?" napalingon ako sa likod niya. Takot na baka may biglang pumasok. 

Nanlaki ang mata ko nang hapitin  niya ang bewang ko at hawakan ang mukha ko. 

"S-senyorito ano ba" hindi ko magawang lakasan ang boses ko dahil sa takot na baka may ibang makarinig sa amin. Sinubukan kong itulak siya pero wala. 

"I hate to see you this close with that dog." madiin nitong saad bago tuluyang nilapit ang mukha niya sa akin. 

_____________

💛👀🍭

We RISKIES

Happy reading everyone! :)

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status