Share

The Witch has Fallen - 20

"What are you doing? Bakit ka nandito? Don't you have class?" sunod-sunod na tanong ni Vin. Pabalik na kami sa mansyon nila, pinapauna akong bumalik para ma-train na daw ni Beatrice. Kulang daw kasi ako sa training sabi ni Senyorito Vincent, paano namang hindi eh first day na first day ko ngayon. 

"Annastasya.." natigil ako sa paglalakad at nagbuntong hininga. 

"Nalaman ni Impo na nag-aaral ako kaya pinatigil na ako at eto, ginawa akong sekretarya ng papa mo." 

"What?" hindi makapaniwala niyang tanong. Peke lang akong ngumiti sa kanya.  "Is that the reason why you suddenly disappeared? ni hindi man lang kita macontact." 

"Sorry, kasi kinuha ni Impo ang phone. Hindi ko alam kung anong ginawa niya, siguro sinama niya sa mga sinunug niyang gamit ko. Pwede po bang huhulug-hulugan ko na lang po?" nagpatuloy na ako sa paglalakad papalabas ng office nila. Punirarya pala nila iyong napasukan ko at nagkataong opisina ni Vin. Isa sa negosyo ng pamilya ng Senyor. Sa pagkakaalam ko, diyan din sila kumukuha ng pagkain. 

"No, you don't have to. Tara na." he suddenly held my hand kaya napatigil ako sa paglalakad. Hinila niya ako at dinala sa madilim na bahagi ng eskinita. Aalma na sana ako nang bigla nalang nagliwanag ang paligid dahilan para mapapikit ako at nang ibukas ko na ang aking mga mata ay nasa loob na kami ng mansyon nila.

Oh, okay. Short cut lang pala. 

"Where's your table? Ikaw ba ang pumalit kay Claudia?" He asked. Napanguso ako. Hindi ko nga kilala 'yan eh. 

"Oo? baka? ewan ko, malay ko ba sino ang Claudia'ng 'yan" 

"Hi Senyorito Vinedict! Handsome as always po!" magiliw na pagbati ni Beatrice kay Vin at maypa hand gesture pa ito na parang nagsesend ng like sign. Napa-ismid ako. Ang bibo natin mars ah, parang kanina lang ang sungit mo sa akin. 

"Beatrice, kumuha ka muna ng maiinom namin. Dalhin mo sa opisina ni Papa." agad tumaas ang kilay ni Beatrice at  palihim pa akong pinandilatan ng mata. Para bang sinasabi na ako ang gumawa sa inuutos ng Senyorito. 

Hindi nalang ako nagsalita, inirapan ko muna siya bago maglakad pabalik para kumuha ng maiinom pero pinigilan ako ni Vin. 

"I said Beatrice, not Annastasya. Hindi ka naman siguro binge Beatrice diba? kasi kung ganun ay baka kailangan ka na naming palitan." ginamit ni Vin ang seryoso nitong tono na maski ako ay natakot 'din. 

"P-po, pasensya na po Senyorito. S-sige po. Kukuha na po ako." takot niyang saad at dali-daling umalis. Halos takbuhin na niya ang daan papunta sa kung saan makalayo lang sa Senyorito. 

"Is this your table?" saad niya habang tinitignan ang mga papeles sa table. Tumango ako bilang tugon. 

"This mean, your an exclusive secretary of papa. Hmm, paano kaya kung makipagpalit ako ng sekretarya kay papa? sounds good right?" napakunot ang noo ko. Ano na naman ba ang pumapasok sa utak nito. 

"Umalis ka na nga, madami pa akong gagawin." pagtaboy ko sa kanya kahit na hindi ko naman alam kung ano ba talaga ang dapat kong gawin. 

Nagpatianod lang siya sa pagtulak ko hanggang sa makalabas na siya ng pinto sa opisina pero bago ko paman masara ay bigla na lang niya akong hinalikan sa pisnge. 

"See you around babe." nakangisi niyang saad bago prenteng naglakad habang nakasilid pa ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang black slacks. 

Napa-awang ang bibig ko habang hawak-hawak ang pisnge kong hinalikan niya. Nakaka-ilan na ang Senyorito ah. Tsaka tama ba ako? bakit niya ako tinawag 'nun? anong ibig sabihin niya?

Makalipas ang ilang minuto ay pumasok si Beatrice suot-suot ang nakabusangot niyang pagmumukha, may dala siyang tumbler. Pamilyar ito sa akin, posible kayang galing iyan kay Vin?

"Oh. Bampira ka pala? bakit parang hindi? tsaka ka-ano ano mo ang senyorito? ang lakas ng kapit mo ah. Pinadalhan ka pa ng maiinom.!" padabog niya itong nilagay sa table ko. 

Hindi ko alam kung paano siya sasagutin kaya nanatili nalang akong tahimik. 

"Uhm, Beatrice, kasi, hindi ko pa alam kung anong dapat kung gawin, baka gusto mo akong turuan?" I smiled, I tried my best not to look fake. 

Tinuruan naman niya ako pero halatang hindi bukal sa kalooban niya ang pagturo sa akin dahil buong araw nakabusangot ang mukha niya, At sa tuwing may tinatanong ako ay padabog ang pagsagot niya. Siguro natakot lang to kaya ako tinuruan. Akala siguro close kami ng Senyorito. 

Nag-inat inat na ako nang matapos ko na ang report na ginagawa ko. Sa wakas at makakauwi na 'din. Magdadalawang linggo na ako at medyo nakakapag-adjust naman na ako. 

"Done?" napalingon ako sa nagsalita at ngumiti bago tumango. Every night, kapag pauwi na ako ay hinahatid ako ni Vin ng patago. Nilalapitan niya lang ako kapag malayo na sa mansyon nila at hanggang sa madilim na parte lang 'din ng barrio ng bago naming tinitirhan. Magkapit-bahay na lang kami ni Caloy ngayon dahil noong nakaraang linggo lang nang matapos ang barong-barong na pinagawa ni Impo at nakalipat na kami.

"So, how was your day?" naglalakad lang kami sa gitna ng gubat. Kahit na madilim na ay kita pa rin namin ang nilalakaran namin dahil sa lakas ng sinag ng buwan. Malapit na naman pala ang kabilugan ng buwan.

"Okay lang pero medyo masakit pala sa mata ang palagiang pagharap sa gadget ano?. Tsaka.. medyo goods na kami ni Beatrice ngayon." natawa ako. Nahahawa na nga ako kay Beatrice, mahilig kasi siyang manuod ng mga teleserye ng mga mortal at may mga lengwahe siyang ginagamit na nagagamit ko na 'din. 

"Ahuh, that's noted. What else?" napakunot ang noo ko. Anong pinagsasabi nito?

"Anong noted? para ka namang secretary ko nun." natawa ako. Parang ako lang kasi kapag may sinasabi ang Senyor oh yung mga tumatawag sa telepono. 

"I'm your secretary every night." he said as a matter of fact. Mukha nga kasi siya ang nagdadala ng bag ko. Sinabi ko namang kaya ko pero he insisted. Bahala siya, gusto niya eh. 

"Tasya, may nanligaw na ba sa'yo?" natigil ako sa pagkain dahil sa tanong ni Trice. Sabi kasi niya yun nalang itawag ko sa kanya. 

"Wala pa?" nginuya ko muna ang gulay na nasa bibig ko habang nag-iisip sa tanong niya. Meron ba?

"Pwede ba sa atin 'yun? eh diba sa mga mortal lang 'yan?" nagtataka kong tanong.

"Pwede no! ha! so wala pa ngang nanligaw sa'yo? Ano ba naman 'yan! Ilang taon ka na nga? sa calculations ng edad natin ha." sumubo siya ng raw meat niya. Isa kasi siyang aso, kalahi ni Caloy kaya naman pala mainit dugo niya sa akin unang kita pa lang. 

"Nasa mga two-hundred years old? bakit ba? ikaw ba meron?" 

"Oo, tsaka balak ko na siyang sagutin sa darating na kabilugan ng buwan!." saad niya at parang pinapa-inggit pa ako na may manliligaw siya. 

"Ano bang basehan mo na nanliligaw siya sa'yo? Tsaka sino 'yan? baka kilala ko."

"Magkapit-bahay kasi kami, sabi niya gusto niya ako tas ayun niligawan na niya ako. Hinahatid niya ako minsan papunta dito tsaka binibigyan ng flowers at pinapadalhan nito." iminuwestra niya ang baon niyang pagkain. "Pinapadalhan niya ako ng masasarap na pagkain." Ngumiti siya ng pagkalaki laki, kilig na kilig. "Ang sweet ano?" 

"Hehe. Oo nga ang sweet." asan ba sa parteng 'yun ang sweet? normal naman ata ang paghahatid. Hinhatid nga ako ni Vin pauwi eh. Tsaka, flowers? para ka namang patay nun, bigyan ba naman ng flowers. Susunugin lang 'yan ni Impo lalo pa kung makikita niyang sampaguita 'yan. 

"Teka, bibigyan kita ng tips para kapag may nanligaw sa'yo ito gawin mong basehan." excited niyang saad. Ayaw ko mang makinig ay wala akong magawa, napapangiwi lang ako sa mga pinagsasabi niya.

"Vin" pagtawag ko kay Vin. Masyado kasing tahimik. Nakakabinge. Kanina pa kami naglalakad pero walang nagsasalita para kaming nagpapakiramdaman. Ang awkward tuloy ng atmosphere. 

"Hmm" tas isa pa 'yan kanina ko pa sinusubukang kausapin siya pero isang tanong isang sagot lang siya. 

"May niligawan ka na ba noon?" I asked out of nowhere. Sumagi lang kasi sa isip ko ang tanong ni Trice sa akin kanina. 

"What?" tinignan ko siya. Hindi maguhit ang mukha niya. Gulong-gulo ito.

"Wala? bakit wala? hindi ka marunong manligaw ano?" hindi pa man siya nakakasagot ay inunahan ko na. Halata naman kasing wala sa hitsura niya ang manligaw. 

"Sige, ituturo ko sa'yo kung anong gingawa ng manliligaw ni Trice para naman magamit mo kung sakaling may gusto kang ligawan." hindi siya nagsalita so I continued talking. 

"Ano, sabi ni Trice, hinahatid 'daw siya papuntang trabaho tas binibigyan ng mga regalo like flowers, foods... mga ganun. Tsaka sabi 'din niya mas nakakadagdag points daw kapag nakikitang sure ang lalaki sa ginagawa at direct to the point. Yun bang hindi na daw kailangan manghula ang babae. Tsaka madami pa. Limot ko na ang iba eh. Ano pa nga 'yun.." napakamot ako sa ulo habang inaalala kung ano pa ba ang mga pinagsasabi ni Trice kanina. 

Natigil ako sa paglalakad at pag-iisip nang humarang sa dinaraanan ko si Vin. 

"Ha? Bakit?" naguguluhan kong tanong. Tumingin ako likod niya baka kasi may kung ano pero wala naman. 

"Oh, para hindi na sumakit ang mata mo kakaharap sa gadget." kinuha ko ang paper bag na bigay niya at binuksan ito. 

"Hala, ang ganda! Salamat Vinedict!." masaya kong saad at agad na sinubukang suotin ito. Binigyan niya ako ng eyeglasses to protect my eyes! nice! th best talaga maging kaibigan ang mga bigatin!

"I'm glad that you like it." masaya niyang saad. Napakamot pa siya sa noo niya, parang nahihiya. 

"Oo naman no! Salamat!." masaya ko 'ding tugon. Sino ba namang hindi sasaya kung ikaw ba naman makatanggap ng regalo diba. 

Masaya akong naglakad pauwi. Lumulundag-lundag pa ako habang naglalakad. Para akong bata na binilhan ng kendi at lobo. 

Malapit na kaming maghiwalay nang magsalita siya. 

"Annastasya, about what  you mentioned earlier. I... uhm... I'm actually courting you. Just in case you don't know." 

"Ha?" gulat kong tugon. 

"So I guess ihahatid na 'din kita papunta sa mansyon bukas. Good night Tasya." saad niya bago tuluyang umalis. Ni hindi man lang ako nakasagot. 

Mas okay na 'din dahil hindi ko namn alam kung ano ba dapat ang sagot. Teka, nagtatanong ba siya? hindi naman ata. 

________

💛👀🍭

We RISKIES

Note: Raw. Unedited. Please bear. Maihabol man lang hehe Happy Halloween everyone!

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status