Share

The Witch has Fallen - 21

"Trice, uuwi ka na?" sumandal ako sa pader, tinignan ko si Beatrice na busy kakascan ng papers. Napanguso ako. 

"Hindi pa. Mauna ka na. Medyo matatagalan pa ako. Kailangan to bukas eh." halata sa boses at mukha niya ang pagka taranta. 

Umupo ako sa harap niya at kumuha ng paper. Tutulungan ko na lang siya. 

"Hoy! ano ba!. Ako na to okay? umuwi ka na." kinuha niya ang papers na hawak ko at binalik sa dating kalagyan. Isa ito sa mga ayaw ko kay Trice. Hindi siya tumatanggap ng tulong. 

"Tulungan na kita. Ayaw ko pang umuwi eh." I insisted. Kinuha ko ulit ang papel pero pinigilan niya ako. 

"Annastasya..." mas lalong sumimangot ang mukha ko sa tono niya. Umismid ako at tumayo na lang. 

"Kung ayaw mong magpatulong edi sige, hihintayin na lang kita. Sa table ko lang ako." aalis na sana ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Nagpa-awa pa ako ng mukha nang humarap ako sa kanya. 

Akala ko papatulungin na niya ako pero kabaliktaran pala ito. 

"Huwag mo na akong hintayin, okay?" naghand gesture pa siya na parang tinataboy ako. 

"Bakit ba? eh sa gusto kong may kasabay akong umuwi eh." 

"Annastasya, makinig ka, okay?" nagbuntong hininga muna siya bago nagpatuloy magsalita. Para bang nagtitimpi na lang siya sa akin.

"Magkikita kami ni Apol ngayon. Gets mo na?" tumango ako.

"Oh, okay. Okay lang naman akong nasa likod lang ninyo habang nagla-labing labing kayo eh. Okay nga lang naman nung nakaraan diba?" si Apolinario, ang manliligaw ni Beatrice. Apol na lang daw para hindi masyadong mabansot pakinggan. 

"Nawawalan na ako ng pasensya dito Tasya, huwag mo akong sagarin." pagbabanta niya. "Tsaka bakit ba bigla bigla ka na lang gustong makasabay akong umuwi ha? ilang araw na akong nakakapansin sa'yo ha. Nung una akala ko isang gabi lang, ngayon parang ginagabi gabi mo na. Nawawalan na kami ng bebetime ni Apol!. Okay lang sana kung ordinaryong gabi lang eh, pero huwag ngayon kasi ngayong gabi ko siya sasagutin!" hinihingal niyang sabi. Napakurap kurap ako. 

Teka, ngayon niya sasagutin?

Dali-dali akong umupo sa upuan sa harap niya. 

"Talaga? sasagutin mo na si Apol? hmmm" panunudyo ko pa. 

Napatakip siya sa mukha niya. Tila ba nahihiya sa naisiwalat niya. 

"Umalis ka na nga! Si Apol dapat unang makakaalam eh!. Ang kulit mo kasi."

"Eh teka, bukas pa buwanang selebrasyon ah?" sa naalala ko kasi, sabi niya sa kabilugan ng buwan niya pa sasagutin si Apol. Bakit biglang ngayon?

"Para bukas, official na kaming magjowa." binitawan niya ang hawak-hawak na ballpen at kinikilig na ngumiti sa kawalan, Napangiwi ako. 

"Uhm, ayaw mo ba ng witness sa pagsagot mo kay Apol?" I tried to bargain pero sinamaan niya lang ako ng tingin. 

"Edi huwag! arte ne'to." malakas kong sinara ang pinto ng opisina niya para naman ramdam 'din niya na inis ako sa ka artehan niya. 

Pa'no na to? Ako na lang iisa ang uuwi. Tinignan ko ang oras at maaga pa nga. 

Umupo na lang ako at pinaglaruan ang ballpen. Magpapalipas muna ako ng oras, mamamaya na ako uuwi. Baka kasi magkasalubong pa kami kung uuwi na ako ngayon. 

Sa sobrang tahimik ng paligid napapaisip tuloy ako kung seryoso nga ba ang Senyorito sa sinabi niya noong mga nagdaang araw. Baka naman nagbibiro lang siya, ako lang 'tong over kung maka-react. 

Tsaka, bakit niya naman ako liligawan? tanga ba siya? gusto niya bang mamatay? labag 'yun sa patakaran. Mangkukulam ako, bampira siya, anak pa ng Senyor. Ang sino mang nilalang ang mahuling nakikipagrelasyon sa hindi kalahi ay pinapatay.  

Nahihibang ba ang isang 'yun? o pinagti-tripan lang ako? 

"Hoy!" natigil ang pagmuni muni ko nang may magsalita sa gilid ko. Muntik pa akong may mabanggit na pangalan na hindi dapat. Buti na lang napigilan ko pa bunganga ko. 

"Beatrice naman eh.! Nangugulat! porket magkakajowa na mamaya." pang-aasar ko sa kanya. Ngumisi lang siya bago tuluyang pumasok sa opisina ng Senyor. 

"At talagang hinintay mo ako ha. Ang tigas talaga ng ulo mo eh." 

"Huwag ka ngang feeling, hindi kita hinintay. Nagpalipas lang ako ng oras dahil ayaw ko pang umuwi no." depensa ko sa sarili ko. Totoo naman, akalain pa ng isang to ang dependent ko naman sa kanya. 

"Bakit? problema ba sa bahay niyo?" umiling lang ako, wala naman. Sa totoo nga eh, nagiging okay na ang pakikitungo sa akin ni Impo.

"Hindi pa 'rin kita isasama sa date namin ni Apol pero sabay na tayong lumabas sa gubat. Okay na ba 'yon?" umaliwalas ang mukha ko sa narinig ko. 

"Oo naman! tara na," tumayo na agad ako at kinuha ang bag ko. 

"May iniiwasan ka ba?" tanong niya sa akin bago sumunod. Natigil ako sa paglalakad at ngumsisi ng malapad at umiling. 

"Wala no! sino naman iiwasan ko?. Ayaw ko lang talagang umuwi ng maaga tsaka mas maganda kasi may kasabay sa paglalakad." dahilan ko pa kahit na totoong may iniiwasan ako. 

Ilang araw ko ng iniiwasan si Vin. Minsan, nagkakasalubong kami sa mansyon pero umiiwas na agad ako at tuwing gabi naman sumasabay ako kay Trice para hindi siya makalapit. 

Hindi ako sigurado kung seryoso siya sa sinabi niya nung gabing 'yon pero mas mabuti na ang maingat. Hindi pwede ang gusto niyang mangyari. Bawal yun. Kaya ako na ang umiiwas. 

Kinabukasan, hindi kami pinapasok dahil kabuwanang selebrasyon. 

Nasa bahay lang ako, minsan lumalabas labas tumitingin sa paligid. Wala akong magawa. Buti na lang at naligtas pa ni Tiya Lucia ang rhododendron ko mula kay Impo. May makakausap ako kahit papaano. 

Patago niya itong binigay sa akin. Laking pasasalamat ko dahil iningatan ko talaga ito. Dahil ang halamang ito ang natitira kong alaala sa nag-iisang mortal na tinuring akong totoong kaibigan. 

Speaking of kaibigan, hindi ko na ulit nakausap pa sila Dindi, Marinda at Bongie mula nung sinama ako ni Caloy sa palengke. Maging si Caloy ay madalang ko na lang ding nakaka-usap. 

Busy siguro siya sa pag-aaral. Buti pa siya, suportado ng pamilya ang pag-aaral. 

Napabuntong hininga ako at malungkot na ngumiti. Siguro, hindi talaga para sa akin ang buhay ng mortal. 

Kapag natanggap ko ang paunang sweldo ko mula sa Senyor, cell phone ang una kong bibilhin para kahit papaano may mapagkaabalahan naman ako bukod sa pagtunganga dito maghapon. Tapos ko ng linisin ang bahay, nilinis ko na rin ang labas, nag-igib na ako ng tubig, nagawa ko na lahat ng gawain dito sa bahay kaya heto ako ngayon nakatunganga lang sa bintana. 

"Mira!" tawag ko kay Mira nang makita ko siyang padaan. Pauwi na siguro galig sa eskwela. Nakauniporme pa kasi siya. 

"Oy! Ate Tasya!." kumaway pa siya pabalik sa akin at bumungis ngis. Isa sa gusto ko sa batang 'to ay palangiti. 

Minsan nung binisita niya ako dito sa bahay, ni hindi man lang siya nakapasok dahil nung papapasukin ko na biglang humarang si Impo. May ginagawa daw sila at bawal ang disturbo. Hindi talaga niya pinatawad si Mira at talagang pinagalitan pa, nag- insist lang naman si Mira na tumulong. 

Si Impo talaga wala sa hulog. nahiya tuloy ako kay Mira, buti na lang at hindi masyadong dinibdib ni Mira. Ang weird nga kasi nakangiti lang siya habang pinapagalitan ni Impo. Siya pa humingi ng tawad. Hindi na naawa si Impo. Ang bait ng bata pero hindi talaga pinatawad. 

Bandang alas onse na ng gabi nang makauwi sila Impo. Akala ko nga ay hindi na sila uuwi, didiretso na lang sila sa pagdadarausan ng selebrasyon. 

"Impo-" sinalubong ko siya, magpapaalam sana ako na hindi na lang ako dadalo sa buwanang selebrasyon pero pinutol niya ka agad ako. 

"Bakit hindi ka pa nakabihis? kailangan pa ba kitang pagsabihan bago mo gawin ang mga bagay-bagay?! maghanda ka na!, aalis na tayo." napabuntong hininga ako. Mukhang mainit ang ulo ni Impo, hindi na lang ako nagsalita pa at sinunud na ang gusto ni Impo. 

Habang binabaybay ang himpapawid, hindi ko mapigilang mapangiti habang sinasalubong ko ang hampas ng hangin. Ang lamig, ang sariwa, nakakagaan sa pakiramdam. 

Nang makapasok na kami sa kweba na pagdadarausan ay bumungad sa amin ang nagkakasayahang mga nilalang. Si Impo ay dumeretso na sa silid ng Senyor. 

Pinalibot ko ang paningin ko, naghahanap ako ng mga kakilala. Buti na lang ay nakita ko kaagad si Marinda. Tinignan ko ang kasama niya pero hindi ko makita sina Bongie at Dindi. Lalapit na sana ako nang pagalit na umalis si Marinda at sinundan ng isang lalaki na hindi ako pamilyar. Napakunot ang noo ko. Sino 'yun?

Susundan ko na sana sila pero hinarang ako ni Trice. 

"Tasya! Glad I found you!." masayang saad niya. May hawak na wine glass sa kaliwang kamay habang nakapulupot naman ang kanang kamay sa braso ni Apol. Napangiwi ako. Oo nga pala, "official" na sila ngayon. 

"Trice! Hi!, oy, Apol! Congrats!." mukhang nahiya pa si Apol nang i-congratulate ko. 

"Tsk. tsk. tsk. pwede bang magtransform ka muna into mortal face Tasya?" 

"Ha? bakit?" nagtataka kong tanong. 

"Eh, basta! sige na! May surprise ako sa'yo." natatawa niyang saad sabay lingon sa may likod niya. Tinignan ko ang tinignan niya pero hinarangan niya paningin ko. 

"Dali na! Surprise nga eh."

"Fine! teka lang." pumunta ako sa tagong lugar at nagpalit ng anyo. Pagkabalik ko ay may kasama na silang lalaki na hindi ako pamilyar. 

"Trice.." pagkuha ko sa atensyon niya. 

"Oh! nandito na pala siya." lumingon siya sa lalaki at nanag-aasar na tumingin din sa akin. Naguguluhan ako sa inaakto niya pero isinawalang bahala ko na lang ito. 

"Annastasya, meet Paulo. Paulo, meet Annastasya." naglahad ng kamay si Paulo kaya tinanggap ko naman ito. 

"Hi Annastasya, finally, we met." naguguluhan man ay ngumiti na lang din ako para hindi naman mapahiya si Paulo. 

"Ah, kaibigan ko iyang si Paulo Tasya. Nakukwento ka kasi minsan ni Trice sa kanya." napalingon ako kay Trice dahil sa sinabi ni Apol. Binigyan ko siya ng tingin na para bang sinasabi na 'talaga lang ha?'. Ngumisi lang siya sa akin. 

"Ah, sige na mauna na kami ni Apol ha, Tasya, Paulo. Enjoy the night." bago tuluyang umalis ay lumapit muna si Trice sa akin at kunywareng b****o pero sa totoo eh binibulong bulongan lang ako.

"Tasya gurl, shine bright like diamond tonight okay? okay na okay yang si Paulo. Trust me." 

"Ano? ano ba 'tong pinanggagawa mo Trice?" bulong ko rin sa kanya pero ang bruha kinurot lang ako. 

"Ayusin mo gurl, smile! ako na ang gumawa ng paraan para naman magkajowa ka na at ng hindi ka na buntot ng buntot sa amin ni Apol." 

"Ano?!" hindi makapaniwala kong tanong. Set-up ba 'to?!

"Chill gurl, smile.." tuluyan na silang umalis ni Apol kaya naiwan kami ni Paulo. 

"Uhm, Paulo right?" tumango siya. 

"Yup!, Paulo, I'm two centuries and half. A wizard." umawang ang bibig ko. Pano niya nalamang..

"Did I answer your supposedly follow up questions?" ngumiti siya sa akin at inabot ang smoothie.  "Hindi ako sure kung gusto mo ba ang strawberry smoothie pero no sugar 'yan." napatingin ako sa smoothie na inabot niya. 

Then I realized, sobrang unhealthy na pala ng mga kinakain ko lately. Naiinom pa ako ng dugo. Hindi naman nawawala ang kakayahan ko bilang witch kaya sigurado akong hindi ako magiging bampira pero ang weird lang na minsan hinahanap na ng sikmura ko ang dugo. 

"That guy a while ago lied. Hindi kami magkaibigan. They just approached me earlier and asked me those questions." natawa siya, habang ako kumukulo na ang dugo sa dalawa. 

"Pasensya ka na sa dalawang 'yun ha. Desperada lang kasi 'yun na mawala na ako sa buhay nila. Pasensya ka na talaga." paulit ulit akong humingi ng despensa. Tumawa siya at uminom ng smoothie niya. "Desperada?" he asked

"Bagong magjowa kasi kaya ayaw na akong isama sa mga lakad nila. Sagabal daw ako sa 'bebetime' nila" umirap pa ako. 

"No, it's fine. We can actually be friends. You're a witch right?" tumango ako. Lumipas ang ilang minuto ay napasarap ang kwentuhan namin ni Paulo at okay 'din naman pala siya. Habang nagkukwento si Paulo ay may naramdaman akong mga matang nakatingin sa akin. 

Pagkalingon ko ay malulungkot na mata ni Vin ang nakita ko. 

Gusto ko siyang lapitan pero mas nanaig ang utak kong pabayaan siya. Umiwas na lang ako ng tingin at inabala ang sarili sa pakikinig sa mga kinukwento ni Paulo.

_________________

💛👀🍭

We RISKIES

Hola December! Sorry for the long wait. I'll try to update more often! Can you please leave some comments pleaseeeee pretty prettty pleaseeeee hihi

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status