Share

The Witch has Fallen - 22

"So, is he the reason?" natigil ako sa paglalakad nang may magsalita sa likod ko. I choose not to look back. Boses pa lang alam ko na kung sino. 

Pinagpatuloy ko ang paglalakad as if I heard nothing. Saktong pagkaliko ko ay may kamay na pumigil sa akin at naramdaman kong may kung anong tinakip sa bandang ulo ko. 

At tama nga ako, ang senyorito ito at ang balabal niya. 

"Annastasya, we need to talk." sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay ramdam ko ang hininga niya sa bawat pagbigkas niya sa mga salita. Kinikilabotan ako. 

"Senyorito, nasa gitna tayo ng selebrasyon. Baka may makakita sa atin." walang emosyon kong saad at pilit akong lumalayo sa kanya ng hindi lumalabas sa balabal. 

"I don't care. We need to clear things out, Tasya. Please." hindi ko mapigilang mapairap sa mga narinig ko sa kanya. 

"Well, I care.!" mahina ngunit puno ng emosyon kong saad. " Kung ikaw wala kang pake sa kung sino ang pwedeng madamay sa mga pinanggagawa mo pwes ako meron. Kaya pakiusap. Itigil mo na." hindi ako pwedeng basta basta na lang lumabas sa balabal na 'to dahil baka magtaka ang mga tao sa paligid kaya pinili ko na lang magpalit ng anyo sa pagiging hayop. 

"Hoy Tasya gurl! bakit bigla kang nawala nung isang araw ha?" umiwas ako ng tingin kay Trice

"Hindi ako nawala no. Hindi lang talaga tayo nagkita ulit." napalunok ako sa klase ng tingin niya kaya tinuon ko na lang ang tuon ko sa mga papers sa harap ko. 

"Ah okay. Akala ko kasi ikaw yung kasama ng Senyorito kagabi." napalunok ako sa sinaad niya. I was about to make an excuse pero umalis na siya. 

Does she know something? 

Pinagsawalang bahala ko na lang ang naging pahayag niya kanina at nagpatuloy sa mga dapat kong trabahuin. 

Nagliligpit na ako sa mga gamit ko nang dumating si Trice, pinapasabi daw ng Senyorito na bago ako umuwi dumaan daw muna ako sa opisina niya. 

Dahil nasa mansyon lang naman kami ng Senyor, ang opisina ng dalawang Senyorito ay pawang nasa loob lang ng malaki nilang imbakan ng mga libro. Hindi ko naman maitatawag na library iyon dahil hindi naman naka-arrange ang mga libro doon. Parang ginawa ang silid na iyon para maging hideout ng dalawang senyorito. Pagkapasok mo kasi ay nagpatong patong na mga libro ang unang bubungad sa iyo at may dalawang pintuan sa magsing gilid nito. Hindi mo mapapansin ang pintuan dahil unang aagaw ng pansin mo ang mga libro.

"Sinong Senyorito ang nagpapatawag?" kahit na may hinala na ako kung sino, hiniling ko pa rin na sana hindi si Vinedict iyon. 

"Senyorito Vinedict," hindi ko mapigilang mapairap. Inexpect ko namang siya pero, nakakainis pa rin pala. Ano nanaman kaya kailangan nito. 

"Hindi na kita hihintayin ha, may lakad pa kami ni Apol." Pagkasabi niya ay umalis na kaagad ito. Hindi man lang hinintay ang sagot ko, edi go!, kayo na namumulaklak ang buhay pag-ibig. 

Habang naglalakad ako papunta sa opisina ng Senyorito, hindi ko mapigilang mapaisip, paano niya kaya nasabing gusto niya ako?...

Teka... 

May sinabi ba siya?! Parang wala namana ah.

Sinabi niya lang na liligawan niya ako, ibig bang sabihin na gusto na niya ako? Paano niya naman ako nagustuhan? sa mukha kong to? parang hindi naman kapani-paniwala.

"Papasok ka ba o hindi?" napalingon ako sa nagsalita, si Senyorito Vincent pala. 

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng imbakan ng mga libro. 

"Magandang araw po Senyorito. Pinatawag po kasi ako ni Senyorito Vinedict." Binuksan ko na ang pinto ng silid. Gumilid ako para makadaan na siya at makapasok. Yumuko ako bilang paggalang sa anak ng Senyor. Pumasok naman siya ng walang sinasabi. Mukhang mainit ang ulo ng isang yun ah. 

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok, kumatok muna ako sa pinto ng Senyorito Vinedict, nang walang nagsalita ay binuksan ko na lang ito. 

Naabutan ko siyang seryoso sa binabasa niya. Mahina akong umubo ng peke para mapansin niya. 

"Umupo ka muna," saad nito ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Sobrang seryoso nito sa binabasa niya.  Sinunod ko ang sinabi niya, umupo ako sa couch na nasa gilid ng opisina niya. 

"Tatapusin ko lang 'to. May pupuntahan tayo, eto.." may kinuha siyang paper bag sa ilalim ng desk niya at inabot ito sa akin ng hindi parin ako tinitignan.  "Magbihis ka"

Agad na napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Saan ba kami pupunta at kailangan kong magbihis? Tsaka saan naman ako magbibihis? Napalinga linga ako sa paligid. Bukod sa desk at couch wala na akong nakikitang gamit dito, oh baka akala ko lang? tulad ng office niya sa purinarya niya?

"Doon ka magbihis," napalingon ako sa tinuro niya at meron ng pintuan. Wala akong nakita kanina ah. "Saan nanggaling 'to? wala 'to kanina ah" wala sa sarili kong naisad ito. 

"Huwag ka ng madaming tanong, kung ayaw mo diyan magbihis, pwede namang dito ka na lang magbihis kung  gusto mo." nagkibit balikat ito na para bang balewala lang ang suhestiyon niyang iyon. 

Napairap ako sa inis, kinuha ko na ang paper bag at sinadya ko talagang pabagsak na isara ang pintuan. 

Pagpasok ko ay para lang itong maliit na fitting room sa mga ukay ukayan na napuntahan ko pero sosyal version dahil may whole length body mirror na nakakabit sa dingding nito. 

Kinuha ko ang damit na binigay niya at napakunot ang noo ko nang mapagtanto na isa pala itong knee length casual dress. Mint green ang kulay nito kaya ang refreshing tignan, nagdadalwang isip pa ako kung talagang isusuot ko ba ito o ibalik na lang. Tinignan ko ang suot ko ngayon, okay lang naman ah, nakasimpleng pantalon lang ako at white na loose shirt. Tinuk-in ko lang ito sa pantalon ko para hindi masyadong malaki tignan sa akin. Nabili ko lang kasi ito sa ukay.

 Sinuot ko na ang dress at napataas ang kilay ko sa hitsura ko. Maganda naman pala talaga ang anyong tao ko. Umikot ako para makita ang kabouan ko, nag ngingiti ngiti pa ako sa harap ng salamin, mukha na akong tanga pero ewan ko ba. Feeling ko ang ganda ganda ko sa bigay na dress ng Senyorito. 

Natigil ako sa pagngiti sa harap ng salamin nang may kumatok. Napaayos ako ng tayo. 

"Tasya? okay ka lang ba diyan?" tanong ng Senyorito mula sa labas na loob ng opisina niya, ah ewan ko ba. 

"O-opo!" sa taranta ko ay walang pasabi kong binuksan ang pinto, hindi ko naman alam na nakasandal pala siya sa pinto kaya pagbukas ko ay nawala siya ng balanse at dumiretso sa akin. 

"Arayyyy!" d***g ko, maliit lang ang fitting room kaya pagbagsak ni Senyorito ay dumiretso siya sa akin at ako naman ay tuluyan ng na out of balance din at dumiretso sa sahig ang pwet ko. Tumama ang ulo niya sa noo ko at tumama naman ang ulo ko sa dingding.

"Arayyy" d***g ko nanaman. Hindi ko alam kung ano ang unang hahawakan, ang pwet ko ba, o ang balakang ko o ang ulo ko, o ang noo kong sigurado akong may malaking bukol!.

"Tasya? I'm so sorry! okay ka lang ba?" ilang minuto pa bago nakapagsalita ang Senyorito, suguro ay nabigla rin siya. Pero wala talagang pagsidlan ang sakit ng katawan ko ngayon!. Hindi na magkamayaw ang mukha ko dahil sobrang sakit na talaga ng pwet ko papunta sa balakang ko. Parang nabali ata ang buto buto ko sa pwet, 

"Saan? A-anong masakit? Sorry, hindi ko sinsadya! ikaw kasi! bakit bigla-bigla mo na lang binuksan ang pinto! hindi ako naka abante." napapikit ako sa inis. At talagang may gana pa siyang ibaling sa akin ang sisi? Ang kapal naman ng mukha neto?

Kung wala lang akong dinadamdam na sakit sa katawan ay kanina ko pa to kinutusan kahit pa siya ang anak ng Senyor, kasalanan niya pa rin ang nangyari sa akin.! 

"Kaya mo bang maglakad?" tinignan ko lang siya na parang sinasabi na 'tanga ka ba?' 

"o-o tumayo man lang?" tanong niya ulit sa akin. Mahihimigan sa boses niya na kinakabahan siya pero may nababatid din akong pag-aalala sa boses nito kaya kinalma ko na lang ang sarili ko.

"Sa oras na makatayo ako dito, isusumbong ko sa Senyor lahat ng kagag*han mo. Kaya kung ako ikaw, tatapusin mo na ako ngayon pa lang." walang gana kong saad. 

Nabigla ako nang bigla na lang siyang umupo at dahan-dahan akong inangat sa ere. Pigil hininga ako nang buhatin niya ako at pinahiga sa couch na kinauupuan ko kanina. 

"I'm really sorry Tasya, Gusto ko lang naman sanang icheck ka kanina kasi ang tagal mong lumabas. Nag... nag-alala lang naman ako kanina." ang amo ng boses niya, parang hindi makabasag pinggan sa sobrang hinahon.

"Saan banda ang masakit? gusto mo bang tumawag ako ng doctor?" napalingon ako sa kanya, doctor?

"Bakit doctor?' naguguluhan kong tanong.

"Diba katulad lang naman ng mga tao ang katawang lupa niyo?" inosente nitong tanong. Teka nga, bakit ang bait niya? dahil ba may kasalanan siya?

"Alam mo bang pangarap kong maging nurse?" 

"Diba nag-aaral ka niyan? Pero pinatigila ka..." tumango ako, 

"Pinatigil ako dahil ayaw ni Impo makihalubilo sa mga tao. Ayaw niyang mamuhay kami, ako, kasama ang mga tao. Ayaw niyang nakadepende ang buhay sa mga tao. Ayaw niyang pinagsisilbihan namin ang mga tao. Tao. Ayaw niya sa mga tao.  Hindi ko nga makuha-kuha saan galing ang galit ni Impo sa mga tao pero dahil diyan, heto ako ngayon. Nagtatrabaho sa inyo." nagkibit balikat ako at mapait na napangiti sa kawalan. 

"Wala naman kasi akong magagawa. Saan na lang ako pupulutin kapag tinakwil na ako ni Impo?" pinahiran ko ang butil ng luha na tumulo. Nakakatawa, ni hindi man lang ako naiyak kanina kahit na sobrang sakit ng katawan ko pero ngayon halos mag-unahan na ang luha ko. 

"Ayokong maging witch, gusto ko ng normal na buhay. Gusto kong maging tao lang. Kung bakit ba kasi ako nabuhay na isang immortal. Sa haba ng buhay ko, ni wala man lang akong maalala na magandang nangyari sa tanang buhay ko." unti-unti ko ng nararamdaman ang pagbuti ng pakiramdam ko. 

"Ikaw ba? Anong pinakamagandang nangyari sa buhay mo?" lumingon ako kay Senyorito. Medyo nahiya ako nang maabutan ko siyang seryosong nakatingin lang sa akin at para bang nakikinig talaga siya sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko. Nakaupo lang siya sa sahig habang nakaharap sa akin. 

"Ilang taon k--" natigilan ako nang magsalita siya. 

"Ikaw." 

"Ha? A-anong ako?" naguguluhan kong tanong. 

"Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, Tasya."                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                 

________

I'm so sorryy huhu sobrang tagal kong nakapag update huhu. Nabusy lang ko sa buhay haha.

💛👀🍭

We RISKIES

I'm so sorryy huhu sobrang tagal kong nakapag update huhu. Nabusy lang po sa buhay huhu.

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status