Share

The Witch has Fallen - 24

"Pinapabigay po kay Madame Annastasya." otomatikong umangt ang tingin ko nang marinig ko ang pangalan ko. 

Pagtingin ko sa bukana ng silid ay may babaeng nakauniporme na may dalang tray na naglalaman ng pagkain. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa katulong sa mansyon na ito. 

"WoOw, kanino galing?" may bahid ng panunuksong saad ni Trice. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan lang niya ako ng kilay. 

"Bawal pong sabihin." tanging saad lang ng babae. Tumayo na ako at kinuha ang tray. Nagpasalamat ako kay ate na nagdala ng pagkain pero ang sinagot niya sa akin ay, "Makakarating po." 

"Bigatin! Pinapadalhan!." patudsada ni Trice. May dala pang papilantik sa daliri habang sinasabi niya 'yan. 

"Gusto mo? Sabay na tayong maglunch." alok ko kay Trice pero umasim lang ang mukha niya nang makita ang mga pagkain sa tray. Puro gulay at masusustansyang pagkain lang kasi ang laman nito. 

"NO. Hindi ako kumakain ng walang lasang foods. Kaya no thanks. Tsaka, aalis ako ngayon. Sabay kaming magla-lunch ng Apol ko." saad niya at bumalik na sa ginagawa. Tinabi ko muna sa gilid ang mga pagkain dahil mamaya pa naman ang lunch namin. 

"Yun! Alas dose na. Mauna na ako, Tasya." dali daling tumayo si Trice pero bago pa siya tuluyang makaalis ay lumingon muna siya pabalik sa akin sabay ngiti ng nakakaloko. 

"Enjoy your lunch, Tasya!." bago siya umalis ay nagflying kiss pa siya sa akin. Napailing lang ako sa ginawa ni Trice. She surely know something. I'm just not sure if it's a good thing or not. 

Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nagtext. 

"Enjoy your lunch." basa ko sa nakapaloob sa text. Napatingin tuloy ako sa pagkain na pinadala sa akin. Posible bang ang nagtext sa akin at ang nagpadala ng pagkain ay iisa? Hindi kasi nakaregister ang number na nagtext sa akin. 

Tumunog ulit ang phone ko kaya tinignan ko ito. Nagtext ang Senyorito, "Don't forget to eat your lunch." ? napakunot ang noo ko pagkabasa sa text ng Senyorito. 

Bakit siya magte-text sa akin ng ganyan? Napatingin nanaman ako sa pagkain na pinadala sa akin. Posible bang galing ito sa Senyorito? Pero sino naman yung naunang nagtext sa akin? 

Mas pinili ko na lang kumain ng matiwasay kesa problemahin kung sino ang nagpadala ng pagkain. Pero bago ko paman kainin ang mga ito ay sinigurado ko munang safe ito at walang kung anong panganib ang dulot sa akin. Mahirap na dahil wala akong kaalam alam kung sino ang nagpadala nito. 

Nang masigurado ko na na walang lason o kung ano man ito ay kinain ko na ito. Hindi pa ako natatapos kumain nang may dumating nanaman na katulong. 

"May nagpapabigay po kay Madame Annastasya." kahit na hindi ko pa nalulunok ang kinakain ko ay tumayo na agad ako. 

"Salamat ate." pasasalamat ko. Ngumiti lang siya at sinabi nanamang makakarating daw. Bago pa siya tuluyang makaalis ay hinawakan ko siya. 

"Ate, teka lang. May tanong ako. Sino ang nagpadala nito.?" 

"B-bawal po kasing sabihin Madame." napabuntong hininga na lang ako. Ayaw ko 'din namang pilitin si ate dahil baka siya pa ang mapahamak. 

"Ganito na lang po ate, iisa lang ba ang nagpadala ng pagkain kanina at ngayon?" tanong ko kay ate. Umaasa na sana man lang kahit 'yan ay sagutin niya. 

"Hindi po." saad niya sabay iling. "Mauna na po ako."

Gulong-gulo ang isip ko habang pabalik sa table ko. Magkaiba ang nagbigay ng mga ito? 

Sino? bakit bawal sabihin? 

Ang bagong bigay na pagkain ay mga gulay at masusustansyang pagkain lang 'rin pero may isang tumbler na kasama ito. Kinuha ko ito at inamoy. Kakaiba ang amoy nito, ang bango. Para akong biglang nauhaw nang maamoy ko ito. 

Kinuha ko ang takip ng tumbler at nagbuhos ng kaunti dito para makita ko kung ano ang laman nito. Tama nga ako. Dugo ang laman nito. 

Agad akong napamasahe sa sentido ko nang wala sa oras. Para kasing biglang sumakit ang ulo ko sa nagbigay sa akin nito. Sino ba kasing tanga ang magbibigay sa akin ng dugo? isa akong bruha at hindi bampira.

Tinabi ko na lang ang tumbler na naglalaman ng dugo. Ewan ko ba at bakit hindi  ko ito magawang itapon. May parte kasi sa akin na nasasayangan, at yun ang hindi ko maintindihan. Bakit ako masasayangan sa dugo? 

Bakit gusto kong inomin iyon? Ininom ko na ang fruit shake na bigay sa akin pero kulang. Parang may hinahanap ang lalamunan ko. Kahit na anong waksi ng utak ko, kahit na anong sabi ko na ayaw ko at hind ako iinom ng dugo. Parang may nagtutulak sa akin na inomin ito. 

"Hindi ka kumain?" nabaling ang atensyon ko sa kadarating lang na si Trice. Parang ngayon ko lang na appreciate ang presensya niya. 

"Kumain naman, bakit?" pilit kong winawaksi sa isipan ko na may dugo sa ilalim ng mesa ko. 

"Talaga? eh bakit hindi man lang nagalaw yan?" turo niya sa pagkain na nasa mesa ko. Hindi ko naubos ang unang batch at hindi ko nagalaw ang sumunod kaya para ngang hindi ako kumain. 

Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa kanila Mira. Binigay ko sa kanya ang hindi ko nagalaw na pagkain dahil hindi ko naman pupwedeng dalhin sa bahay dahil magtataka lang sila. 

"Salamat rito ate Tasya. Masisimulan ko na rin ang diet ko ne'to." pagbibiro niya pa. Natawa ako dahil oo nga naman. Iyon ang madalas kinakain ng mga tao kapag gusto nilang magpapayat. 

Hawak-hawak ko ngayon ang tumbler na naglalaman ng dugo. Hindi ko matapon tapon at mas lalong hindi ko pwedeng ibigay kay Mira. Nate-tempt akong buksan at inomin ito pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong pagkauhaw mula noong unang inom ko ng dugo. 

Teka... nagiging bampira na ba ako?

Hindi, hindi, imposible dahil wala naman akong nararamdamang kakaiba bukod sa pagkauhaw ng dugo at tsaka hindi naman nawawala ang kakayahan ko bilang isang witch, kaya hindi. Hindi ako nagiging bampira. 

Napakunot ang noo ko dahil habang papalapit ako sa pintuan ng bahay namin, may naririnig akong mahinang pagtatalo mula sa loob. 

Imbes na pumasok ay mas pinili kong huwag muna at baka madisturbo ko lang ang pinagdidiskusyunan nila. 

"Inay buo na ang disisyon ko!." rinig kong saad ni Inay. Mahihimigan ang tapang at kaba sa boses nito. Napakunot ang noo ko. Ano ba ang pinag-uusapan nila? 

"Ano Isabel? gusto mo talagang malaman niya ang totoo?" mas lalong lumalim ang kunot sa noo ko. Sino ang pinaguusapan nila? at anong totoo ang tinutukoy nila?

"Inay, Isabel, tama na 'yan. Baka dumating na si Tasya at marinig pa kayo." rinig ko namang pumagitna na si Tiya Lucia. 

"Mabuti! at nang malaman na niya ang totoo. Diba, Isabel? Yun ang gusto mo?" 

"Kaya mo bang sabihin kay Annastasya na hindi mo siya anak? ha?! ano? sa tingin mo mahahawakan pa natin sa leeg ang batang 'yan pag nalaman niyang hindi niya tayo ka-ano ano?! mag-isip ka nga Isabel!." mahina ngunit rinig na rinig ko na wika ni Impo. 

Nabitawan ko ang hawak-hawak kong tumbler sa gulat. Bakit... anong ibig sabihin ni Impo sa sinabi niya?

Biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang gulat na mga mukha nila. 

Hindi ko namalayan na kanina ko pa pala pinipigilan ang nagbabadya kong luha at nang makita ko ang mga mukha nila, hindi ko na napigilan at nagsituluan na ito. 

Hindi ako makapagsalita dahil parang may bumabara sa lalamunan ko.

"Kanina ka pa ba riyan?" bakas sa boses ni Impo na gulat 'din siya pero hindi mo mahihimigan ang kahit na ano pang emosyon dito. 

Kahit na hirap ay pinilit kong magsalita. Pinunasan ko muna ang mga luhang nag-uunahan sa paglandas sa mukha ko. Ni-hindi ko makita ng maayos ang mga mukha nila dahil sa mga luha ko. 

"T-totoo ba ang lahat ng narinig ko, Inay? I-Impo?" sa bawat salita ko ay humihikbi ako. Mas lalo lang nag-unahan sa paglabas ang mga luha ko nang makita kong nakayukong tumango si Inay sa akin. 

Hindi ko alam kung saan ako papunta, ang gusto ko lang ay umalis muna at magpakalayo. Malayo sa kanila. 

 Malayo sa lahat. 

__________

💛👀🍭

We RISKIES

Hi! Good day every one! Enjoy reading! :)

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status