Share

The Witch has Fallen - 4

 

"Sino ka- ay S-Senyorito, i-ikaw po pala."

"Gulat ka noh?, sabi ko naman sayo. Magtutuos pa tayo." nakangising saad ng senyorito at umupo sa maliit kong silya na mas lalong nagmukhang maliit nang upuan niya. 

"Ah, ano pong ginagawa niyo dito? hinahanap po ba ng Senyor ang Impo? teka lang po. Tatawagin ko." aligaga kong saad at lalabas na sana sa silid ko ng harangan ng paa niya ang pinto.

"No, no no no no" tumayo ito at ang buong katawan na nito ang humarang sa pinto.

"You're not going anywhere. You're not calling your impo or whatever. 'Cause I came here for you and no one should know about this." Nakahalukipkip niyang saad.

"P-po? b-bakit po?" kinakabahan kong tanong. Bukod sa nasukahan ko siya ay wala na akong ibang maisip na naging kasalanan ko sa kanya! Yun ba yung rason kung bakit niya ako hinahaunting? gusto niya ba akong parusahan? kung oo, eh ano namang klase ng parusa ang ipapataw niya sa akin? 

"Hindi ko parin nakakalimutan ang ginawa mo sa akin the other day. You, you ruined my supposedly breakfast! Hindi ka pa nakontento at sinukahan mo pa ako. How dare you, you ugly witch!" napapikit ako at nagpigil ng hininga. Dinuduro duro niya ako at ang lapit ng mukha niya, naaamoy ko na naman ang amoy kalawang nyang hininga. Ayaw kong magkaroon pa ng part two ang pagiging lupa niya kaya ako na ang nag-adjust. Hindi nalang ako hihinga para hindi ko na maamoy ang amoy kalawang nitong hininga.

Sana lang ay mahimbing ang tulog nila Impo para hindi nila marinig ang kung ano mang nangyayari dito.

"S-senyorito, pasenya po talaga sa araw na iyon. Pero pwede po bang hinaan niyo ng kaunti ang boses niyo? baka po kasi magising sila Impo, a-ayaw niyo naman po sigurong may makaalam na nagpunta ka dito ng ganitong oras po diba?"

"Whatever, let's just set aside what happened that day,  for now. We have to discuss something." kumalma naman kahit papaano ang Senyorito at naupo na siya sa silya.

Tinignan ko ang mga dapat ko pang gawin. Kung magtatagal pa ang senyorito ay hindi ko matatapos ang mga 'to.

Umupo na ako sa papag at nagsimulang gumawa.

"Are you even listening to me?" inis niyang saad sa akin at kinuha ang ballpen na hawak ko. Tinignan niya ito at binasa ang nakatatak na brand.

"Cheap" hindi ko mapigilang mapairap sa tinuran niya. Syempre, tigsisingko lang talaga ang bibilhin ko, hirap na nga ako sa pagbayad ng tuition ko bibili pa ako ng mamahaling ballpen.

"Akin na nga 'yan!" sinubukan kong kunin ang ballpen pero nilayo niya ito.

"Not unless you'll listen to me."

"Nakikinig naman ako ah."

"Oh? really? what am I talking a while ago then?" hamon niya.

"Na ano, ano yung ano. Basta!" sinubukan ko ulit kunin pero mas nilayo niya lang.

"Fine! Makikinig na. Eh kasi andami ko pang kailangang gawin." inis kong saad. Ngumisi lang siya pero hindi parin binigay ang ballpen ko. Andaya, hindi marunong tumupad sa usapan.

"Simulan mo na! para matapos na" inip kong saad.

"You do not tell what I should do." nanayo ang balahibo ko sa seryoso ng tono niya. Nanahimik nalang ako at naghintay sa sasabihin niya. Masyado ata akong nadala sa tagpo at nkalimutan kong anak pala ito ng Senyor. Buti sana kung si Vina ito dahil alam kong mabait naman si Vina pero iba ang isang ito dahil hindi ko pa alam kung anong klase siyang anak ng Senyor. 

"So, as I was saying. Hindi ako sigurado kung anong klase ng kagat ang naisagawa ko nung gabing iyon." 

"Anong ibig niyong sabihin?" naguguluhan kong saad. 

"Did you remember what happened that night? Hindi umeepekto ang invisibility cloak sa'yo so I need to take actions. I'm not just sure if what kind of bite I gave to you."

"K-kinagat niyo po a-ako?" kinakabhan kong tanong. Ngayon ko lang naalala sa bago pala ako nawalan ng malay ay may naramdaman akong kung ano sa bandang leeg ko. Wala sa wisyo akong napahawak sa leeg ko, kung saan banda ko naramdaman ang kakaibang sakit ng gabing iyon. 

"Yeah," parang nahihiya pa itong aminin ang ginawa niya at napahawak sa labi nito. 

Hindi makapaniwala akong napatingin sa kanya, seryoso lang din siyang nakatingin sa akin na para bang hinihintay ang magiging reaksyon ko. Siya ang unang umiwas ng tingin at nagbuntong hininga. 

"Bakit niyo po ginawa 'yon? bakit niyo ako kinagat?!" nahihisterya kong tanong sa kanya ng unti-unti na itong pumapasok sa aking utak ang mga nangyayari. 

Kinagat ako ng Senyorito!

"W-well, I have to take actions! alangan namang pabayaan kitang mahuli ng mga Tikbalang at Kapre?" napabuntong hininga ako sa naging tugon nito. 

Parang nagkautang na loob pa ako sa kanya ah? hindi ko naman sinabi sa kanyang tulungan ako at kagatin! Kung tutuusin ay kasalanan nga niya eh! kung hindi niya ako hinila-hila kung saan-saan ay hindi kami manganganib! 

Gusto kong sabihin sa kanya na siya naman talaga ang may kasalanan kung bakit kami napunta sa sitwasyong iyon pero pinili ko nalang manahimik at kumalma. 

"A-ano ng mangyayari sa akin ngayon?" kinakabahan kong tanong sa kanya.

"Hindi ko 'rin alam. Hindi ako sigurado kung anong klaseng kagat ang naisagawa ko." napakunot ang noo ko sa naging tugon niya. Hindi niya alam? hindi siya sigurado? anong klaseng utak meron ang Senyoritong ito at nagbibigay ng solusyon na wala naman palang kasiguraduhan?! 

Imbes na sagipin ako ay parang mas mapapahamak pa kami dahil sa ginawa niya!

"Kaya kailangan mong makipagtulungan sa akin." saad nito nang hindi ako magsalita.

"Kailangan mong sabihin sa akin ang kung ano man ang kakaibang nararamdaman mo na nangyayari sa iyong katawan." pagpapatuloy nito. Mas lalong napakunot ang noo ko. Mukhang seryosong gulo ang napasukan ko.

Magsasalita pa sana ang Senyorito nang may kumatok.

"Annastasya" tawag ni Impo mula sa labas ng pinto ko. 

"Sen-"hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang hindi ko na makita ang Senyorito. Nakahinga ako ng maluwag kahit papano.

Tinabunan ko muna ng kumot ang mga nagkalat kong paper works sa kama bago buksan ang pinto.

"Poo, natutulog eh" kinusot kusot ko ang mata ko para magmukhang kagigising pa lang at pinalalim ang boses.

"Kagigising mo lang?" nagdududa ang tono ni Impo at talagang pumasok pa siya sa silid ko para siguraduhin ang kung anong pinagdududahan niya.

"Oo nga poo, ano ba kasi 'yon?" dali dali akong humarang sa paningin niya. Iniwang bukas ng Senyorito ang bintana. Sigurado akong si Dindi ang pagbibintangan ni Impo na nang-iistorbo sa akin. Pagbabawalan na naman niya ang duwendeng 'yon na makalapit sa akin.

"Siguraduhin mo Tasya ha. Pagnalaman kong iniistorbo ka ng mga kaibigan mo, hindi na kita papayagang maglalakwatsa kung saan saan." Seryosong saad ni Impo bago isara ang pinto.

Napabuntong hininga ako. Impo values our rest time so much, sekreto daw iyon sa mahabang buhay. Unlike the other creatures, witches does not wait for someone to kill them to welcome death for real, though we can die that way, we have easier way to die, just live unhealthily and we're good to go.

Witches and Mortals are very alike, except that we perform witchcrafts and we don't really feel tired. We ate the same foods well, except meat of course and we have the same lifestyle.  Eat mortal foods, work, sleep, then eat again, work and then sleep. The cycle goes like that.

The longest life we can have is not less than ten century- if we did take care of our health. Impo is in her late sixth century. If its in human calculation of age, Impo is in her mid sixty's.

Isinawalang bahala ko muna pansamantala ang mga sinabi ng Senyorito at napagpasyahang matulog nalang.

Heto ako ngayon sa hallway at kasalukuyang tinatapos ang mga hindi ko natapos na paperworks. Gulong gulo na ang buhok ko at gusot-gusot na ang uniporme ko gawa ng pagmamadali kanina. Ni-hindi ko na nga nasuklay pa ang buhok ko dagdagan pa na ang daming tao kanina sa palengke at matagal pa bago dumating si Dindi. Talagang busy ako ngayon dahil midterms na. 

Gustong gusto ko ng magtago at gumamit nalang ng spells pero ayaw ko namang maging unfair. Pero pwede din naman ah? ngayon lang naman.

Tinignan ko ang oras, twenty minutes bago ang susunod na klase. Kaya pa to. Dali dali kong niligpit ang mga gamit ko at patakbong umalis sa hallway.

Now, I just need to look for a space na walang tao.

Napagpasyahan kong sa morgue malapit sa school pumunta. Sigurado naman akong wala masyadong napupunta doon, pumunta muna ako ng cr para magpalit.

Tinotoo ko ang pinangako ko sa sarili ko na aaralin ko na ang mga spells para iwas disgrasya. Proteksyon narin sa sarili ko pag may mga ganoong sitwasyon. Hindi ko pa masyadong gamay ang tamang paggamit ng mga spells pero okay na din. Basic spells pa ang kaya kong gawin.

Sinimulan kong aralin ang pagpapalit palit ng anyo. Mga ilang gabi ko din iyong inaral bago nakuha ang tamang tempo, mag-iisang linggo na nga akong gising eh. Mag-iisang linggo na din na hindi nagpakita ang Senyorito mula ng gabing iyon. Pabor sa akin dahil nawawala sa isip ko ang mga pinagsasabi nito. Mas pinili ko nalang isipin na nagbibiro lang ang Senyorito at nalipasan lang ng gutom nang gabing iyon. Pero sino ba ang niloloko ko? alam kong seryoso ito kaya naghahanda din ako at sineryoso ang pag-aaral ng mga spells, nagbabakasakaling magamit ko ito pagnagkataon.

Ang hirap nga naman pagsabayin ang pag-aaral at ang pagiging witch.  Pero kung papipiliin ako, gusto ko nalang maging isang normal na tao.

I closed my eyes as soon as I enter the last cubicle, concentrate Tasya.

Sinara ko ang inodoro at nilatag lahat ng paperworks ko. I roamed my eyes around, final check lang baka may cctv.

I pointed out my papers and mouthed the words.

"Zsiexmoenia" I smiled when it did successfully minimize my papers. Para nalang itong maliliit na alikabok. Pinasok ko ang mga papers ko sa maliit ko ding bag bago nag-anyong pusa.

Parang langaw na lang na sumusunod sa akin ang maliit na bag habang nilalakbay ko ang papunta sa morgue sa gilid ng school.

Nang makapasok na ako at nasigurado kong wala pa namang tao sa loob ng hindi ko alam kung anong silid 'to pero basta walang tao. Hindi din naman ako magtatagal, aalis din ako pagkatapos nito.

Nagpasalamat ako na walang bangkay o kabaong ang napasukan kong silid dahil pagnagkataon, siguradong hindi din ako makakapagconcentrate.

Sinimulan ko na ang paglatag sa mga papers ko na nabalik na sa dati nitong sukat. Naka indian seat ako sa harap ng mga ito.

Buti nalang pala at nakapagstock ako ng tatlong ballpen ngayon. Nagsiliparan na sa ere ang mga ballpen at handa ng sumulat sa mga kanya kanyang papel.

I took a deep breath before closing my eyes.

Hindi na magkanda-ugaga ang utak ko sa pagresponse ng mga pumapasok na ideya sa utak ko. Parang may mga camera ang ballpen at nakikita ko ang kaharap nitong papel at sinusulat naman nito ang pumapasok na sagot sa utak ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsagot nang makarinig ako ng yapak ng kung sino man, papalapit na ito ng papalapit sa kinaroroonan ko. Shit.

Dali dali kong tinigil ang ginagawa ko, I was about to cast the spells on the paper when the door open.

________________

Have a safe and blessed holy Friday everyone!

💛👀🍭

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status