Share

The Witch has Fallen - 5

"Who the heck are you?" Abot abot ang kaba na nilingon ko ang nagsalita. Laking gulat ko ng ang Senyorito ang bumungad sa akin. I'm doomed.

"Wait, I know you. I've seen you somewhere." Saad nito tila inaalala kung saan lupalop ako ng mundo nakita.

Kinuha ko ang tyansang iyon upang patigilin ang mga ballpen sa paggalaw.

"Uh-uh! Not too fast. I already caught you. You're most probably be a witch or a lady elf?  " Dumoble ang kaba ko sa tinuran nito. Shit. Nakilala na ba niya ako? Ito na ba ang katapusan ko?

"P-po? H-hindi po. Nagkakamali po kayo." Witches and elf's are most likely to have the same capabilities. Only that elf's use their minds in casting spells and witches, we used our mouth to cast spells.

"Oh? Really? What are you then?" Tanong nito. Nakaupo na sa silya. Kumuha ito ng lapis mula sa table na kaharap. Ngayon ko lang napansin na may upuan at lamesa pala ang silid na ito, hindi ko ito napansin nang pumasok ako, siguro ay lutang na lutang ako pagkapasok ko dito dahil sa dami ng iniisip ko. So, this must be an office? His office?

Wow. May office na siya? Sa pagkaka alam ko ay nag-aaral pa siya ah. Oh well, ano bang malay ko at baka mas matanda pa nga ito sa akin o di kay Inay. Sadyang hindi lang tumatanda ang kanilang pisikal na itsura.

"D-Duwende po. Ah sige po una na po ako Senyorito. Pasensya na sa abala." mula sa pagkaka-indian seat ay tumayo ako. Papalabas na ako ng magsalita ito.

"Duwende and lady elf are the same thing miss." Puno ng pagkasarkastiko nitong saad at pinaikot ang upuan.

"Hmm a lady elf, maybe you could help me find that witch right?" Napatango tango pa ito sa naisip at napahawak sa mapupula nitong labi. I stop myself from wanting to have that kind of lips. I mean, ang ganda ng kulay ng labi niya. Pulang-pula na hindi na kailangan lagyan ng lipstick para pumula ito. Unlike us, we have close to black color of lips. Hindi naman kami nagyoyosi pero yun talaga.

"Senyorito, una na po ako. Sige po." Dali dali kong binuksan ang pinto. Napa atras ako nang biglang humarang ang Senyorito at sinara ulit ang pinto.

Nanlalaki ang mga mata akong napatingin sa kanya at sa kanina lang na inupuan niyang silya. Pabalik balik. Paano...

Oh well, hindi ko na dapat pang tanungin iyon. Immortal nga pala kami. Maybe I'm just not used to seeing immortals using their abilities on broad daylight.

Oh wow, look whose talking Tasya? Sino ba ang nahuling gumagamit ng spell on broad daylight, just now? I reminded myself of how stupid I am can get sometimes.

"What's your name?" hindi paman ako nakakasagot ay kinuha na niya ang ID ko. Napalunok ako.

"Oh, Annastasya..." Ngumisi siya na nagpakunot ng noo ko. Anong nakakatawa?

"Such an old name." Napairap ako. Old talaga dahil matagal na panahon na nang naipangalan yan sa akin.

"Okay Annastasya, BS Nursing, 3rd year. I'm pleased to meet you, I'm your new boss." Inilahad nito ang kamay sa akin. Naguguluhan ko itong tinignan. Shit, ano ba kasing nagyayari? Malapit ng magsimula ang next sub ko.

"A-ano pong-"

"Ep! You have no choice. See that?" Tinuro niya ang parang bilog na bagay malapit sa mesa niya. Kumikislap ito. No, that can't be. Wala ito ng tinignan ko kanina ah.

"Kung ayaw mong malaman ng buong mundo na nage-exist ang tulad niyo. Then better take my hand." Maowtoridad na saad nito. Napalunok ako. Ano ba kasing nangyayari? Bakit sa isang iglap naging boss ko siya? At ano na naman 'tong gulo na pinasok ko? At bakit biglang nagkaroon ng cctv sa silid na 'to?

Nagdadalawang isip man, tinanggap ko nalang ang kamay nito. Hindi naman siguro ito seryoso sa mga pinagsasabi. Pano ko naman siya magiging boss at ano naman ang gagawin ko para sa kanya pag nagkataon?

Nakangisi siyang tumingin sa akin matapos ang handshake.

"Good. Now, let me give you a ride as paunang sweldo. Diba malelate kana?"

Bigla niyang hinapit ang bewang ko papalapit sa kanya. Napapikit ako at napigil ang hininga. Bracing myself for more mouthwatering events, for example: ang amoy kalawang niyang hininga.

The moment I opened my eyes, nasa cubicle na kami ng cr ng eskwelahan. I can tell by the color and chitchats sa labas ng cubicle at sa ingay sa labas.

Sa sobrang gulat ko ay naitulak ko siya. Bahagya naman siyang napa atras pero nanatili parin ang tindig nito.

"Woah, easy there Annastasya." Ngisi nitong saad sa akin. Hindi ko siya pinansin at dali dali akong lumabas ng cubicle nang maalala na may test nga pala ako ngayon.

Pagkalabas ko ay nagtataka na mga tingin ang pinukol nila sa akin. Tinignan ko ang cubicle kung saan ako nanggaling at may nakalagay itong 'Out of order, please use the other cubicle.'

Hindi ko nalang pinansin ang mga tingin nila at lumabas na ng CR. Tuluyan na akong nakalabas nang sumigaw ang Senyorito mula sa loob ng CR.

"You're welcome, Annastasya!" puno ng pagkasarkastiko nitong saad. Napapikit ako sa hiya nang magtinginan sa direksyon ko ang iilang estudyante na nakakakilala sa akin. Binalewala ko sila at lakad takbo na ang ginawa ko para lang hindi mahule sa klase.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang tinititigan ang markang nakuha ko. Hindi man lang naka abot sa kalahati ang nakuha kong score.

Kinalabit ako ni Vina,

"Nakapasa ka?" tanong nito sa akin. Umiling ako.

"Okay lang 'yan! Bawi tayo next quiz ni sir." Pagpapalakas ng loob niya sa akin. "Ang hirap din naman kasi ng mga tanong niya! Hindi naman niya na discuss mostly ang mga.." hindi ko na masyadong napakinggan ang mga sinasabi ni Vina dahil nalulunod na ang utak ko sa kakaisip kung paano ako makakawala sa senyorito.

"Wait, bakit nandito nanaman si Kuya?. Annastasya, diyan ka muna ha. Huwag ka munang lumbas." naaagaw ni Vina ang atensyon ko. Nandito ang Senyorito?

Gusto ko ng maiyak. Ano ba kasi talaga ang kailangan niya sa akin? Plano niya ba akong patayin? Kainin?

Bago pa tumulo ang luha ko dahil sa frustration ay dali-dali ko ng niligpit ang mga gamit ko.

Two doors ang silid namin, nasa bandang likod sila nag-uusap ni Vina kaya balak kong dumaan sa bandang harap na pintuan.

Huminga ako ng malalim bago patay malisyang lumabas ng pinto. Huwag kang lumingon

TasyaPaalala ko sa sarili ko.

Kalma lang, kalma.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang makalabas ako ng building na hindi nahuhuli.

Kampante na akong naglalakad papalabas ng gate nang mamataan ko nanaman ang Senyorito sa labas mismo ng gate.

Agad akong napabalik sa loob pero kung minamalas ka nga naman. Si Caloy nanaman ang kasalubong ko ngayon.

Agad na nagkislap ang mga mata nito nang makita ako.

No, please no. Not now.

Agad akong lumiko papuntang garden ng school. Binilisan ko ang lakad ko nagbabakasakaling hindi maabutan ni Caloy pero ganun nalang ang pagkadismaya ko nang may braso ang umakbay sa balikat ko.

"Caloy! Ano ba. Mamaya na please! Huwag ngayon bad timing ka eh!." Inis kong saad at iwinakli ang braso nito pero binalik din naman agad nito.

Naiinis kong nilingon ito.

"Ano ba?!" Natigilan ako nang hindi pala si Caloy ang umakbay sa akin.

"A-ano pong kailanga niyo Senyorito?" pina-amo ko ang kaninang nakakusot kong mukha at hininaan ang boses.

Sa loob loob ko'y gustong gusto ko ng umiyak at maglupasay.

"Annastasya, who are you running from? Hmm?" Nang-aasar nitong tanong. Sinabayan pa ng peke nitong ngiti.

"Ha? Po? Wala po! B-balak ko lang sanang tignan kung namulaklak na ba yung paborito kong bulaklak sa garden." Tinuro ko pa ang bandang garden para mas makombinse itong totoo ang sinasabi ko. Yeah right Tasya? Bulaklak sa garden? For all I know veggies lang ang tinatanim ng mga agri students dito. Very convincing. I sarcastically laugh at myself.

What a lame excuse.

"Then check it some other time. We have few things to discuss. Let's go." Kinaladkad niya ako palabas ng gate at pinasakay sa kotse niya.

Bigatin! May kotse! Ikaw ba naman kasi maging anak ng Senyor diba? Para na talaga silang mga normal na tao. Sanay na sanay na sila sa ganitong buhay.

Kung pupwede ko lang sabihin sa kanila Impo na mamuhay nalang kami ng normal eh matagal ko ng ginawa. Kaso natatakot ako sa oras na sabihin ko ito sa kanila. Natatakot ako sa magiging reaksyon nila.

Tumigil kami sa tatlong palapag na building. Hindi masyadong matayog kumpara sa mga syudad pero iilan lang ang nakakapasok sa ganitong building sa barrio na ito.

Walang imik akong sumunod sa Senyorito. Ang pinanghahawakan ko lang ay wala naman sigurong gagawing masama sa akin ang Senyorito dahil pagnagkataon ay mapililitan akong gamitin sa kanya ang mga bagong spells na natutunan ko.

Hanggang pangalawang palapag lang kami, tumigil siya sa panglimang pinto.

205. Nakasaad sa ibabaw na bahagi ng pinto.

Pagkapasok namin ay bumungad agad sa amin ang saktong laki ng kama at sa gilid nito ay maliit na mesa. Nagkalat dito ang mga papeles. Must be his study table, I guess? Sa may bintana naman na gawa sa sliding window ay nakaposisyon ang isa pang mesa at may tatlong upuan ito.

Namangha ako sa silid na pinasukan namin. Ang ganda. Hindi maliit pero hindi din malaki. Sakto lang para sa isang tao. Para itong pinaghalong kwarto na sala na dining area. Punan pa na ang ganda ng tanawin na makikita mula sa bintana.

Ang ganda sigurong tumira dito.

Nabalik ako sa realidad nang biglang pitikin ng Senyorito ang noo ko.

Aray. I said to myself. Ayaw pa kasing bumuka ng bibig ko para magsalita.

"Sit." saad nito at nilahad ang kaharap nitong upuan.

Ano yun? Sit? Para naman akong aso nun. Sa pagkakaalam ko si Caloy ang aso hindi ako. Gustong magprotesta ng kaloob looban ko pero wala akong nagawa. Sinunud ko nalang ang sinabi niya at naupo.

Tumingin ako sa labas ng bintana, ang ganda talaga.

Kung sana ay may ganitong tanawin sa campus namin ay namalagi na ako, pero wala. Maliit lang ang campus kaya naman nagsisisik-sikan din ang mga building sa campus.

Gustong gusto ko ang pakiramdam tuwing nasa himpapawid kami. Manghang mangha ako sa mga nagkikislapang ilaw sa ibaba namin. Minsan nga natatanong ko kung anong itsura nito pag umaga siguro ay tanaw na tanaw ang mga hugis at kulay nito. Ngayon, nakikita ko na sila ng may kulay. Ang ganda nga talaga nilang  pagmasdan.

Kung pwede nga lang lumipad kasabay ng sikat ng araw matagal ko ng ginawa.

Natigil ako sa paghanga sa tanawin. Ang kaninang makulay na tanawin ay biglang naging itim.

"Focus, Annastasya. You're not even listening to me." Saad ng Senyor habang sinasarado ang bintana.

Iilang reklamo muna ang dumaan sa utak ko bago ko napagpasyahang makinig sa sinasabi niya.

"So, as I was saying. Tutulungan mo akong mahanap ang witch na 'to" inilapit niya sa akin ang picture ng isang babaeng nasobrahan sa tangos ang ilong, sobrang itim ng labi at may malaking nunal sa gilid ng labi at ilong. In short, panget. Sa makatuwid. Ako.

Ang nasa larawan ay ako na naka anyong bruha. Pero teka! Saan galing to?!

Kung titignan, parang matagal tagal na ang kuha sa larawang 'to dahil naninilaw na ito at purong black and white lang ang kulay nito. Kumbaga nasa mga mid 80's ito nang makuhanan. Nasa mga pagtitipon ako nang panahong ito.

"S-sino po siya Senyorito?" Maang maangan ko.

Huwag kang magpapahalata

Tasya kung ayaw mong maging nilagang

bruha.

"That's the question! Sino siya? You need to find her and bring her to me." He said while crossing his arms over his chest. Sumandal siya sa upuan bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Well, alam ko narin naman kung saan siya nakatira pero hindi ko pa alam ang katauhan niya sa tuwing nag-aanyong mortal kaya 'yon ang gagawin mo. Hahanapin mo ang katauhan niya bilang mortal." 

"P-pero bakit po? M-may atraso po ba ang babaeng ito sa'yo?" Please sumagot ka.

"You don't have to know, just do what I instructed you to do. I'll give you a week. Dapat maibigay mo na ang detalye tungkol sa kanya." saad nito. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman. Matatawa o iiyak? Ano to? gaguhan? hahanapin ko ang sarili ko?

"Kung wala po akong mahanap sa loob ng 1 week? A-ano pong mangyayari?" Buong lakas ng loob kong tanong. Mas mabuti ng malaman kung saan ako pupulutin nito.

"You will know after 1 week. For now, you can leave. Bye." Walang pakundangan nitong saad at nauna pang umalis sa akin. Bigla nalang itong nawala na parang bula.

Teleportation, ang gandang abilidad.

Napabuntong hininga ako. Oh ano? baka may gusto pang dumagdag sa mga problema ko? nahiya pa kayo!.

Umalis na ako sa silid na iyon. Dumeretso ako sa palengke at ang nagpuputok na bunganga nanaman ni Dindi ang bumungad sa akin.

"Hay nako Tasya ha! Abusada nagud kayka bayhana ka! Wa nako ganahi!  Atong sabot alas kwatro abot naka! Yati mang alas singko padung alas sais naman wa paman gihapon ang bruha! Asa diay ka galaroy laroy oy? Madugay biyaan gud ko ni imong tindahan ba! Di lang ta miga bruha-a ka ay!. " Puno ng galit niyang bungad sa akin na hindi ko naman maintindihan maliban lang dun sa mga oras na binanggit niya.

Siguro nagalit 'to dahil sa tagal kong bumalik.

"Dindiiiiii" parang bata kong saad. Para bang nanghihingi ako ng tulong. Nagbabadya ng tumulo ang luha ko.

"Pagod na akooo" niyakap ko siya at umiyak sa balikat niya. Pagod na ako emotionally at physically, kung pwede man.

"H-hoy anong nangyayari sa'yo? Ano ba kasi yun? Bat' anong? Ano ba!" Tinulak niya ako at pinaharap sa kanya.

"Magsalita ka nga! Para kang timang dyan eh!"

Mas lalo akong naiyak nang makita ang nag-aalala nitong mukha. Niyugyug niya ako, pinipilit magsalita.

Hinahaunting ako ng Senyorito at hindi ko alam kung bakit tapos ngayon, papatulungin niya akong hauntingin ang sarili ko. Anong gagawin ko? Gusto kong iiyak sa kanya

"Bagsak ako sa quiz ni Sir Arafol" I said instead. Mas lalo akong napaiyak dahil hindi ko man lang maatim na sabihin sa kahit na sino ang problema ko. Kahit sa kabigan ko o pamilya man lang.

"Aray! Ano ba?!"

"Buang ka?! Yun lang iniyakan mo na?! Hoy para ipaalala ko sa'yo hindi ka ta-"

"Oo na! Oo na! Nalungkot lang naman eh.!" Pagputol ko sa sasabihin niya. May mga tao pa naman baka makarinig sa pinag-uusapan namin.

"Pero hmm, duda ako don eh. Feeling ko may mas malalim pa na dahilan." Sinide look niya ako. Tinatantya kung nagsasabi ba ako ng totoo.

"Oo nga!" Hinampas ko siya sa balikat para matigil na.

"Oh? ginabi ka ata?" bungad sa akin ni Impo. Napakamot ako sa ulo. Tinignan ko ang paligid pero kami lang, asan kaya sila Nanay at Tiya?

"Si Nanay po at Tiya?" pagsegway ko sa tanong niya. Baka lang naman gumana.

"Huwag mong ibahin ang usapan Tasya. Bakit ka ginabi at bakit ganyan ang suot mo?" napadako ang tingin ko sa suot ko.

Hindi nga pala ako nakapagbihis. Nawala sa utak ko. Agad kong tinago ang gulat at kabang naramdaman ko at umakto na parang wala lang.

"Matumal po benta eh. Tsaka nanghiram po ako ng damit kay Dindi dahil nabasa ako. Hindi po ako nakadala ng ekstrang damit eh." tumungo agad ako sa maliit naming kusina at nanginginig na sinalinan ng tubig ang baso.

"Siguraduhin mong hindi ikakapahamak ng lahi natin ang mga pinanggagawa mo Tasya." inisang lagok ko ang isang baso ng tubig. Agad na dinapuan ng kaba ang dibdib ko. Naalala ang nangyari kanina at ang mga maaaring mangyari kapag hindi tumupad sa usapan ang Senyorito.

"Kumain ka na diyan. Nga pala, ikaw lang ang maiiwan sa bahay ngayong gabi dahil susunod ako kina Sabel at Lucia."

"Saan po ba sila Tiya ay Nanay?"

"Nasa gubat, nangangalap ng mga halaman para sa bagong gayuma" tumango nalang ako at kumain na. Saktong pagkatapos kong kumain ay nakaanyong bruha na si Impo.

Umalis na si Impo. Sanay naman na akong, naiiwan sa bahay ng mag-isa kaya hindi na bago sa akin ang mga ganito.

Napag-isipan kong pumasok na sa silid ko dahil mahaba haba ang gabing ito ngayon. Papasok na ako ng makarinig ng mumunting yapak mula sa kwarto ko. May kung ano sa silid ko.

Para masigurado kung ano ito ay sinilip ko muna ito sa maliit na butas sa gilid ng pinto ko. Ako lang ang nakakalam ng maliit na butas na ito dahil sinadya ko itong butasan upang makapagmasid ako sa ginagawa nila Impo, Tiya at Nanay noong bata pa ako.

"Ay pusang gala" muntik ko ng maisigaw buti nalang ay nacontrol ko pa ang boses ko.

Nasa loob ang Senyorito at prente itong nakaupo sa maliit kong upuan. Nilalaro nito ang mga labi nito.

Ang itsura at damit ko ay pareho lang din nung pumunta kami sa apartment niya na iyon. Kaya malamang sa malamang ay malalaman niyang si Annastasya na duwende at ang witch na hinahanap niya ay iisa kung hindi ako gagalaw dito.

Nanayyy tulong. Gusto ko ng umiyak.

Dali dali akong pumasok sa pinakamalapit na silid sa akin. Kung minamalas ka nga naman, sa silid pa ni Impo. Naghalungkat ako ng maaaring suotin. Lahat ay pawang mga bistidang mas matanda pa sa akin. Napangiwi ako.

Sorry Impo, pahiram lang ng bistida mo.

Dali dali kong isinagawa ang pagpapalit ng anyo at sinuot ang bistida ni impo.

Pinaliit ko ang uniporme ko para magkasya sa bra na suot suot ko. Mas mabuti ng maingat. Hindi ko pupwedeng iwan ang mga damit ko dito dahil mas lalong magtaka at mabuking pa ako ni Impo pagnagkataon.

I breathe in deeply bago buksan ang pinto.

__________________

Go Tasya! Hahaha

💛👀🍭

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status