Share

The Witch has Fallen - 6

Kahit tapos na akong kumain ng hapunan ay kumain ako ulit. Nag-iisip pa ako kung paano ko tatakasan ang Senyorito at umaasang umalis nalang siya.

Hindi pa din ako pumapasok sa aking silid. Mag-iisang oras na ako dito. Isang butil ng kanin kada isang minuto ang kinakain ko para tumagal ako lalo dito. Kung pupwede ay hanggang umaga ako ditong kakain kayang kaya ko umalis lang ang senyorito sa silid ko.

Buti nalang at walang pasok kinabukasan at ng wala akong poproblemahing paperworks na tatapusin.

Nakatunganga lang ako habang sinusubo ang butil ng kanin sa bibig ko. Nakatunganga, nakatitig sa pinto ng kwarto ko. Nakikiramdam sa nangyayari sa loob nito. Inaalala kung may mga importante ba akong bagay na naiwan sa silid na iyon.

Laking gulat ko ng may marinig akong pagkabasag mula sa kwarto ko kaya naman dali dali akong tumayo at pumasok sa silid ko.

Hinihingal pa ako dulot ng kaba at pagkabigla nang makapasok sa kwarto.

Nadatnan ko ang Senyorito'ng nakangisi sa akin. Nakadekwatro pa ito sa aking silya. Kitang kita pa ang ebidensya ng sadyang pagbagsak niya sa inaalagaan kong halaman. Naka-amba pa ang kamay nitong salarin sa pagpatay sa walang kalaban laban kong halaman.

"Senyorito!" Inis kong saad sa kanya.

"Anong ginawa mo?!" Naiiyak kong tanong sa kanya. Dali dali kong inipon ang lupang nagkalat at ang rhododendron ko. Nabasag na ng tuluyan ang pasong tinirhan ng rhododendron ko ng halos dalawalang dekada din.

"Edi pumasok ka na din sa kwarto mo. Kanina ka pa kasi kumakain. Medyo naiinip na ako kakahintay." inis kong inangat ang tingin ko sa kanya. Puno ng galit ko siyang tinignan.

"I didn't know that our Senyorito is as immature as you. Kailangan mo ba talagang mambasag ng gamit na hindi sa'yo para lang makuha ang gusto mo?!" Tumayo ako salop salop  ng dalawang kamay ang rhododendron na may lupa.

Siya na ngayon ang naka-angat ang tingin. Tinaas niya ang kilay niya. Tila ba hindi gusto ang lumabas sa bibig ko. Pero hindi, galit ako at kahit anak pa siya ng Senyor ay sasantuhin ko siya.

"You don't talk to me like that." tumayo siya mula sa pagkakaupo.

"Yes I can. Ginagawa ko na nga po diba? Senyorito?" Lumabas ako ng kwarto.

Okay pa 'to. Mabubuhay pa 'to. Pagpapakalma ko sa sarili ko habang naghahanap ng pwedeng paglagyan ng rhododendron ko.

"Stop the nonsense witch! Ano bang kinagagalit mo? Dahil ba binasag ko ang halaman mo? Don't worry I can replace that." Nakasunod siya sa akin habang sinasabi 'yan. Sinusundan niya ako kahit saan man ako nagpunta.

Tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya. Gulat siyang napatigil ilang dangkal lang ang layo sa akin.

"Hindi mo mapapalitan 'to." Pinahiran ko ang luhang tumulo sa mata ko.

Hinding hindi mo mapapalitan ang halamang 'to dahil hindi lang ito halaman. Alaala siya ng isang importanteng tao sa akin.

Lumabas ako ng bahay. Madaling araw na kaya madilim na sa labas. Pumunta ako sa likod wala akong masyadong makita kaya ginamit ko muna ang mata ko bilang hayop.

May nakita akong malaking plastic bottle sa likod ng bahay. Kinuha ko ito at dinala sa bahay. Nakasunod parin ang Senyorito sa akin pero hindi na ito nagsasalita. Tahimik nalang itong nakasunod sa akin.

Pumunta ako ng kusina at kumuha ng itak.

"Woah! Woah! T-teka anong gagawin mo?" Sinamaan ko ng tingin ang Senyorito at hindi pinansin. Hahatiin ko ang plastic bottle, dito ko muna pansamantalang ilalahang ang rhododendron ko.

"A-ako na, ako na." Pilit niyang kinukuha ang itak sa akin.

"Ano ba! Huwag ka ngang epal Senyorito! Manahimik ka dahil bwesit pa din ako sa'yo at baka mandilim paningin ko at ikaw ang itakin ko." Inis kong saad at binawi ang itak sa kamay niya. Napakurap kurap siya.

"Ha? Ah sige. Pagpatuloy mo lang 'yan. Sa kwarto mo nalang ako maghihintay 'p-pag tapos ka na pumunta ka nalang. M-may pag-uusapan lang tayo." Saad niya at pumasok na nga sa kwarto ko.

Napabuntong hininga ako at nilipat na nga ang rhododendron ko. Pumunta pa ako sa labas para kumuha ng karagdagang lupa.

Pumasok na ako sa kwarto dala dala ang rhododendron ko. Alam kong galit parin ang mukha ko pero medyo kumalma naman na ako.

Pagkapasok ko sa kwarto ay nadatnan kong malinis na ang banda kung saan nagkalat ang basag-basag na paso at lupa kanina. Buti naman.

Nilagay ko na ang rhododendron ko sa kung saan ito nakapwesto. Ang Senyorito naman ay nilipat ang upuan ko malapit sa bintana pero hindi naman siya nakaupo sa upuan ko dahil nakahilig siya sa bintana ko, nakatingin sa labas at tila ba malalim ang iniisip.

"Bakit mo binuksan ang bintana? Gusto mo bang makita ni Impo?" Para naman itong nagulat sa pagsalita ko.

Dali dali niyang sinarado ang bintana at lumingon sa akin at sa rhododendron ko na nasa bago na nitong lagayan.

"Ano? Anong kailangan mo? Sabihin mo na dahil pagod ako."

"Well, the thing is..." nahihirapan nitong saad.

"Ano? Sabihin mo na agad." naiinip kong saad.

"You have to tell me first that you won't get mad at me.. again." Napairap ako.

"Ano ba?! Sasabihin mo ba o hindi? Kanina pa ako nagtitimpi sa'yo."

Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita.

"You remember what happened last full moon right? I kind of, uh bitten you? and well, uh, I did some research about its possible effects and ano, h-hindi pa naman ako sigurado pero baka.. ano, baka maging katulad ka namin." hindi ito makatingin sa akin at panay hawak sa labi. Napakunot ang noo ko. Hindi ko maiintindihan.

"Ano?! Anong katulad niyo? Linawin mo dahil wala ako sa huwisyo para intindihin pinagsasabi mo."

"Baka maging kalahi ka namin, bampira."

"Ano?!" napatayo ako. Ako?! Magiging bampira? Ano 'to? Joke time?

"Nagjojoke ka ba Senyorito? At bakit naman ako magiging bampira? Dahil kinagat mo ako? Eh pagba kinagat ako ng lamok magiging lamok na din ako?" Inis kong saad. I just don't get it.

Hindi. Impossible ang pinagsasabi niya.

"So maari akong maging bampira." Saad ko  nang unti-unti ng nagsisink in sa akin ang mga pinagsasabi niya.

Magiging bapira ako?

"Yes, pero pagsinuwerte tayo. Hindi ka magiging bampira."

"Sinwerte tayo dahil wala akong nararamdamang pagbabago sa katawan ko. Hindi ako magiging bampira." confident kong saad. Sigurado ako. 

"Kapag hindi ka magiging bampira, ibig sabihin nun, ikaw ang magiging katuwang ko,

Panghabangbuhay." parang mas hindi ata iyon naintindihan ng utak ko. Sumasakit na ang ulo ko dahil mas lalo lang akong naguguluhan sa mga pinagsasabi nito. 

"Magiging asawa kita." saad niya.

_______________

💛👀🍭

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status