Share

The Witch has Fallen - 7

"Kapag hindi ka magiging bampira, ibig sabihin nun, ikaw ang magiging katuwang ko, Panghabangbuhay." parang mas hindi ata iyon naintindihan ng utak ko. Sumasakit na ang ulo ko dahil mas lalo lang akong naguguluhan sa mga pinagsasabi nito.

"Magiging asawa kita." saad niya.

Tumawa ako na parang hibang pero ang Senyorito ay nanatiling seryoso. 

Tumigil na ako sa pagtawa nang hindi ko man lang nakitaan ng kahit anong bahid ng pagbibiro ang mukha. 

Wait, seryoso ba talaga siya?

Tumikhim ako. 

"Tapos ka na?" hindi ako sumagot sa tanong niya at nanatiling tahimik. Mukhang nagalit ata siya sa pagtawa ko kanina. Pero teka, ako ang galit dito ah? bakit siya na ngayon ang galit?! Aba!

"Kung hindi ako magiging bampira, magiging asawa mo ako?" tanong ko upang siguraduhing tama ang pagkaka-intindi ko sa mga sinasabi niya. 

Tumango siya bago tumayo at naglakad papunta sa bintana ko. Nahagip ng tingin niya ang kabinet ko at parang may kung anong tinignan. 

This time, he looked at me with dark eyes, bakas na ang galit sa mukha nito. Parang inaakusahan ako ng mga tingin niya, para bang nakagawa ako ng malaking kasalanan.  Napalunok ako, kinakabahan ako sa tingin niya, parang kahit ano mang oras ay kakainin niya ako. 

"Hindi ko maintindihan, bakit, paano mo ako magiging asawa? teka, isa akong witch at isa kang bampira. Ang complicated naman nun? pwede ba 'yon?" nalilito ko ng tanong sa kanya. Kinakabahan man ay nagawa ko paring itanong iyon.

He sighed, "We'll continue this some other time, magpahinga ka muna and please stop hiding from me, Annastasya." napakurap kurap ako, did he just mention my name? 

"A-annastasya? Ha! Sino 'yan Senyorito?" maang maangan kong tanong sa kanya. 

"Quit the act. Nahuli ka na nga tinatangi mo parin." puno ng iritasyon ang tinig nito pero mahihimigan ang pagod at pagtitimpi sa boses nito. 

Hindi na ako nagsalita at yumuko nalang. Whats the use of denying kung huling-huli naman na rin sa akto? 

Napa-angat ang tingin ko nang magsalita si Senyorito. 

"I'll.. I'll go now," kalmado na niyang saad. Parang may gusto pa siyang sabihin pero hindi na tinuloy. Tumango lang ako. 

Napabuntong hininga ako at tumayo na para isara ang bintana kung saan lumabas ang Senyorito. 

Nagpalit na ako ng damit at binalik ang bistida ni Impo sa dati nitong kinalalagyan. Humiga ako sa kama na gulong-gulo ang utak. 

Hanggang sa makatulog ako ay hindi mawala sa utak ko ang tanong kung paano niya nalaman na ako si Annastasya.  

Nakahinga ako ng maluwag nang dalawang araw ng hindi nagpaparamdam sa akin ang Senyorito. Papunta na ako sa next class ko kung saan kaklase ko si Vina sa subect na iyon. 

"Tasya!, dito." kumaway si Vina pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa room. Huminga ako ng malalim at ngumite sa kanya. 

"Vina" bati ko sa kanya at umupo na sa binakante niyang upuan para sa akin. 

"Okay ka lang? Matamlay ka ata?" tanong nito at sinuri pa ang mukha ko. 

"Andami ko lang kasing iniisip." nilabas ko na ang notes ko at nagbasa. Baka magpasurpise quiz pa ang prof namin. 

"Sorry, dumagdag ba si kuya?" doon na ako napatingin sa kanya. 

"Vina, sinabi mo ba kay Senyorito na ako at ang hinahanap niya ay iisa?" hindi ako sigurado kung dapat ko bang tanungin iyon sa kanya. Baka ma-offend siya.

"What? no way! hindi kita ilalaglag sa dumuhong 'yon no." napatingin siya ulit sa akin at nanlaki ang mata. 

"Don't tell me alam na niya?! what? pa'no?! A-ano daw ba kailangan niya sa'yo" I sighed. Umiling lang ako bilang tugon. Hindi pa ako sigurado kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang nangyari sa amin ng Senyorito. 

Wait, that sounds wrong. 

"May gagawin ka ba after class?" tanong sa akin ni Vina, nagliligpit na ako ng gamit. Lunch break na at alas dos pa ang susunod na klase ko kaya napag-isipan ko nalang na tulungan si Dindi sa palengke. 

"Pupunta ako palengke. Tutulungan ko si Dindi, bakit?" nagtataka kong sagot. Magkaibigan kami ni Vina pero hindi naman siya nagtatanong ng mga ginagawa ko o gagawin, ngayon pa lang.  

"Ah  wala naman, sige mauna na ako."  nauana na siyang naglakad palabas sa akin. 

"Argh! I can't take it!" napalingon ako kay Vina nang magsalita siya di pa masyadong nakakalayo sa akin. Dali-dali siyang nagmartsa papalapit sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya, naguguluhan din sa inaakto niya. 

"Tasya.." tawag niya sa akin pagkalapit niya. 

"O-oh? bakit?" 

Bigla siyang nagpuppy eyes at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko, parang humihingi ng tawad ang mga mata nito. 

"Sorry! hindi talaga kaya ng konsensya ko na ipain ka sa dumuhong 'yon! Kuya texted me, asking your whereabouts kaya tinanong kita kung may gagawin ka ba after class. But let me clarify it. It's not what your thinking! hindi ako ang nagsabi sa kanya na ikaw yung hinahanap niyang...you know." she trailed off. 

"Look," kinuha niya ang phone niya at pinakita sa akin ang palitan nila ng text ng kuya niya. 

"Hindi ko naman talaga sana papansinin ang mga text niya pero he mentioned your name at kilala ka na daw niya and he block mailed me." 

"Sorry talaga. Nasabi ko na kung saang room tayo ngayon pero may time pa naman para tumakas. I think nasa office pa niya siya ngayon." hinila niya ang kamay ko. "If you want, sasamahan kita, tulungan kita para iwasan 'yung dumuhong 'yon. Ano? tara?" she offered pero ngumite lang ako. 

"Vina, thank you pero kasi ang hirap din pagtaguan ng Senyorito." napakamot ako sa noo ko. Ano ba ang dapat sabihin? yung safe, yung hindi magagawan ng issue. 

"A-ano, ano kasi, uh may utang ako kay Senyorito! oo tama. Wala pa kasi akong budget last week pero ngayon okay na!" binawa ko ang kamay ko at nagthumbs up sa kanya. 

"May pera na ako ngayon! hehe" halatang hindi siya kumbinsido sa ginawa kong rason pero hindi na siya nagtanong pa at tumango nalang. 

"Sigurado kang 'yun lang?." tumango ako at ngumite to assure her. 

Nagbeep ang phone niya, tinignan niya ito and she instantly rolled her eyes nang mabasa ito. 

"Nasa gate daw siya. I-isama daw kita? is it okay?." she asked. Parang natatakot pa siyang sabihin iyon sa akin.

I sighed before nodding. Isinukbit ko na ang tote bag ko at sumabay sa paglalakad ni Vina. 

Wala din namang sense if I keep on avoiding him. Papalalain ko lang ang sitwasyon namin kung sakaling totoo man 'yung mga pinagsasabi niya. 

Napatingin ako kay Vina. She look worried. Napangite ako, sa lahat ng anak ng Senyor si Vina lang ang pinaka-approachable the rest of her siblings parang handa kang kainin once may gawin kang pagkakamali. In fact, I should be calling Vina Senyorita by now pero sabi niya its weird hearing it every now and then lalo pa daw at magkaklase kami at nakikipaghalubilo sa mga mortal. Tsaka, sabi niya friends narin naman daw kami. 

Pagkalabas namin sa gate ay lumabas agad ang Senyorito sa sasakyan nito at sinalubong kami. He flashed an amused smile. "Glad to know you came. Akala ko pagtataguan mo nanaman ako eh." ngumite lang ako ng peke sa kanya. 

"Kuya, seriously, what are you up to?" pagsingit ni Vina. Hinawakan niya ang kamay ko at iminuwestra papunta sa kanyang likuran na para bang pinoprotektahan ako. 

Hindi naman siya sinagot ng Senyorito at ngumuso lang, pinipigilan ang sariling matawa. Sinamaan ko siya ng tingin. 

Kumawala ako sa pagkakahawak ni Vina at pumagitna na sa kanila. Nasa harap kami ng gate! baka kung ano pang lumabas sa mga bunganga nila. 

"Vina, okay lang. Uh, ano," nilingon ko ang Senyorito na nakanguso parin at talagang natatawa pa siya sa sitwasyon namin ngayon?

"Senyorito tara na, babayaran ko na utang ko sa'yo." tumango ako sa kanya na para bang sinsabi na sumunod siya sa akin. 

"Tasya, you know you can pay your debt here right?" ohmygash, nag-eenglish na si Vina. Nung last time na narinig ko siyang nag-eenglish inaway niya ang kaklase naming pabida at muntik ng may lumabas na hindi dapat lumabas sa bunganga niya. 

"Ha? hindi pwede dito kasi... may pirmahan! may pirmahang magaganap! at, at nasa office niya ang kontrata!" nilingon ko ang Senyorito, nanghihinge ng tulong. Kung ayaw niyang may makaalam ng nangyari edi tumulong siya! hindi yung aasarin niya pa lalo ang kapatid niya. 

"Yes, Annastasya is right. Nasa office ko nga ang marriage contract." nakangisi niyang saad. Nanlaki ang mata ko sa narinig. 

"No! hehe nagbibiro lang siya Vina. Sige, una na kami. Bye!" hinila ko na ang Senyorito papalayo kay Vina. Hindi na maguhit ang mukha ni Vina. 

Nang makalayo na kami at nasiguro ko na wala na masyadong tao ay pabagsak kong binitawan ang kamay ng Senyorito. 

"Ano 'yun?! gusto mo ba talagang malaman ni Vina ang nangyari?!" inis kong saad sa kanya. I'm almost shouting. 

"I don't care," walang pakealam niyang saad. 

"You really don't care? what if sabihin ni Vina ang nangyari sa Senyor? Ano nalang mangyayari sa akin?! tiyak mapaparusahan tayo!" nagbuga ako ng hangin at napahawak sa noo. 

"Right! ako nga lang pala ang mapaparusahan pagnagkataon kaya pala 'you don't care' kasi safe ka naman eh." nawala ang ngisi niya at napalitan ito ng seryosong mukha. 

"That won't happen. I won't let that happen." 

______________

💛👀🍭

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status