Share

One Lust Love
One Lust Love
Author: D.A.Salcedo20

PROLOGUE

Habol ang aking hiningang dumausdos sa tiles na dingding ng CR, dahil hindi ko na kakayanin pa ang biglaang pagbaliktad ng aking sikmura. Tikom ang bibig na pinagmasdan ang toilet bowl sa aking harapan kung saan ako sumuka nang sumuka na halos magsiputukan ang mga ugat sa aking leeg para may mailabas lang sana pero wala na talaga dahil halos laway nalang at tubig ang lumalabas sa aking bibig.

Hinawi ko ang iilang hibla ng buhok na tumabing sa aking mukha at kaagad na pinunasan ng sariling palad ang namumuong butil nang pawis sa aking noo hanggang sa batok. Wala sa sariling napahawak ako sa aking tiyan at mariing napakagat sa labi ko.

“No..No..Nooo!! This can’t be happening to me.. I’m still 19 years old and freshly graduate. What should I do now?  If ever-- “

Kusang nagunahan sa  paglandas ang mga luha sa aking mukha. Kinagat ko pa lalo ang pang-ibabang labi at tinakpan ng palad para mapigilan ang hikbing kanina pa pinipigilan.

“Madami pa akong pangarap sa buhay. Ni wala pa nga akong stable na trabaho. Paano ko ito bubuhayin? Anong alam ko sa pagiging isang ina?” humihikbi kong tanong sa aking sarili.

“No. No. Don’t jump into conclusions, Chrizelle. Hindi ka pa nga sure, malay mo may nakain ka lang na masama kaya bumabaliktad ngayon ang iyong sikmura.” pampalubag loob ko sa aking sarili habang nakatingala at bahagyang nasulyapan ang kalendaryong nakasabit sa may pinto.

Napabilang ako bigla sa aking mga daliri. “Oh my God, I’m almost 2 weeks delayed. “ mahinang usal ko at napaiyak muli. 

“No-No-No.. hindi ito maaari! It’s only for one night. A one night stand with him but that was unforgettable and unexplainable. I can still felt him inside me. His hand, the way his hand roam around my body. The way he touch my skin. The way his finger — that lingering to mine.

“Baby... Chrizy!!” Napamulat ako ng wala sa oras at biglang napagdikit ang nanginginig kong mga hita.

“Oh my God! What’s happening to me?!” mahina kong tinampal-tampal ang sariling mukha at braso.

Kaagad akong tumayo para maghilamos at nagmamadaling inayos ang aking sarili bago pa binuksan ang pinto ng CR sa loob nang aking kwarto.

“Mom.” casual akong bumati sa aking ina habang nag to-toothbrush.

“What happened baby? Are you alright? Bakit parang namumutla ka yata, may dinaramdam ka ba? ” sinalubong ako sa kanyang nag-aalalang mukha at kusang inangat ang kamay para ilapat sa aking noo at leeg.

“I- I’m fine mom,” iwas ko dito at muling pumasok sa CR para magmu-mog ng tubig pero sumunod ang aking ina at pinukol ako ng tingin na ikinakaba ko.

“Are you trying to be independent? Kahit alam kong masama na pakiramdam mo? ” 

“What? What are you talking about mom? Nagwaste disposal lang po ako kasi sumakit bigla iyong tiyan ko. You’re just OA, mom.” sagot ko dito at palihim akong napabuga ng hangin.

“Ayan kasi ang tigas tigas ng ulo mo sabi na kumain ka sa tamang oras! Ayan, magkaka-Ulcer ka na Yza Chrizelle!” litanya ni mommy sa akin.

“Grabe ka mommy hah! Ulcer agad hindi ba pwedeng di lang ako natunawan sa kinain namin ni Maica na raw meat kagabi?” 

“Raw meat? Kailan kita pinakain ng malasadong pagkain Chrizelle? Iyan na ba ang sinasabi ko sa iyo eh! Dahil sa kakapanood niyo iyan ng bestfriend mo nang Koreanovela, kaya pati pagkain nila sinusunod ni yo! Eh di naman kayo kalahi nila!! Jusmiyo kayong mga kabataan ngayon!” hysterical na sabi ni mommy. 

Sakto namang pumasok si daddy kaya kaagad niyang nilapitan si mommy at niyakap.

“What happened, hon?” tanong nito tsaka palipat lipat kami nitong tiningnan.

“Aishhh.. Iyan kasing anak mo nag fe-feeling Koreana kumain ba naman ng malasadong karne kaya naimpatso at nagka-ulcer na yata.” kaagad naman bumaling si dad sa akin para kumpirmahin kung totoo ba ang sinasabi ni mommy.

“Aiishhh... No dad, mommy is just over reacting. I don’t have ulcer it’s just that-- hindi lang yata ako natunawan and I’m hungry na kaya nagkakagulo na iyong mga alaga ko sa loob ng aking tiyan.” nakanguso kong sabi sabay puppy eyes kay dad.

“Oh! Iyon naman pala hon. You’re just over reacting daw—“

“Sinasabi mo bang OA ako, Crisostomo??”

“N- No. Of course not, my Criselda. What I mean hon, okay lang naman ang anak natin. You don’t have to be worried so much, right baby? “ sabi nito saka bumaling sa akin at kumindat.

“Yeah right, mom, I’m very fine and I’m big enough to handle myself. “ sabi ko at bigla nalang sumiksik sa pagitan ng aking mga magulang tsaka sila niyapos ng mahigpit gamit ang magkabilang braso. 

“I love you two.” nakatingala kong sabi sa kanila na ikinangiti nilang dalawa.

“We love you too, princess.” sambit ni dad tsaka ginulo ang buhok ko bago halikan ako sa sentido.

“My baby.. you’re already a lady now but you’ll always be my baby forever, Chrizelle.” madamdaming ani ng aking ina.

“Ayeeehhh..... I am-a-baby-now so what’s up for breakfast mom? I’m so hungry na.” pabebe kong usal habang sabay sabay kaming naglalakad patungo  sa dining area.

“Better ask your dad, baby. He’s the one who prepared our breakfast, “ nakangiti nitong sabi habang nakatingin sa aking ama. 

I saw how my mother’s eyes shine and twinkle everytime he look at my dad. Minsan ka lang kasi makakakita ng ganito at hangang-hanga ako sa kanilang pagmamahalan. Their love never fades kahit matanda na sila lalo pa nga itong pinagtibay ng panahon. 

Napapangiti na lamang ang ilang kasambahay na nadadaanan namin dahil sa kanilang nakikita. “A beautiful scenery that full of love and happiness. “

This is my family. A happy and perfect family for me. I’m so blessed and thankful to have them in my life.

Isa din ito sa mga pangarap ko that someday or sabihin natin in the near future makakita din ako katulad ni dad. A loving man and devoted husband. 

“I wish ganito din kami kasaya sa huli, building our own family someday. “

Happy and contented because I believed that being contented is a mirror of a perfect life.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status