Share

CHAPTER 02

I was in my Preparatory level ng una kong makilala si Kem. He was five years old older than me. 

Kem is the typical handsome young boy in our school. Yung susulyap ka lang sana pero mahuhulog sa pagtitig. He has the charisma —yung tipong nadaanan ka lang niya pero masasabi mo ng “Wow!ang gwapo”. 

I’ll bet my favorite doll, na hindi lang ako ang may crush sa lalaking iyon. Halos na nga siguro lahat ng mga babae sa school namin crush siya eh, mapa-lower man or higher grade. And imagine he’s just 9 back then and I was four at that time. A newbie, tranferee student sa aming school.

-FLASHBACK-

“UWIAN NA!!” sabay-sabay naming sigaw na magkakaklase palabas ng classroom.

Nagsitakbuhan kami agad patungong playground bitbit ang kanya-kanyang bag pero dahil sa maliit ako kumpara sa mga kaibigan ko ay bahagyang nahuli ako sa pagtakbo dahilan para maabutan ako ng iilang Grade 1 students na kumakaripas din ng takbo at nabundol ako.

Nadapa ako at nahulog ang hawak-hawak kong laruang remote control na sasakyan. Don’t get me wrong ha but I love playing boy stuffs. Sometimes it's more fun rather than playing dolls, it feels like boring.

“Hoy Lampa! Sayo ba ito?” sigaw ng batang lalaki habang hawak ang laruan ko.

“Yes. Akin po iyan. Give it to me please.” sabi ko habang pinapagpagan ang nadumihang palda.

“Don’t call me kuya, you’re not my sister! Lampa!!” sigaw nito at sabay silang nagtawanan ng mga kasama niya.

Lumapit ako dito para sana kunin ang laruan ko pero pinagpasa-pasahan nila itong magkakaibigan.

“Give it back to me, please. Akin naman yan eh! Akin na iyan!!” naluluha at nagmamakaawa kong saad sa kanila pero parang mga bingi lang ang mga ito at patuloy pa rin sa ginagawa.

“Akin naman yan eh!! Eh! Eh! Eh! Hahaha!!” panggagaya pa nila at sabay-sabay akong pinagtawanan.

“Hey! Give it back to her.”  Isang boses ng batang lalaki ang nagpalingon sa kanila. Agad silang nagsitigil at sa isang iglap parang bula silang naglaho na nagsitakbuhan kung saan at basta nalang itinapon ang aking laruan. Nakita kong pinulot ng batang lalaki ang laruan ko at lumapit sa akin.

“Here’s your toy, kid.” Napatingala ako dito kasi mataas ito kumpara sa akin pero nagulat ako sa nakita kaya nauwi ako sa pagkatulala.

“Hey!” Ikinumpas nito ang dalawang kamay sa harap mismo ng mukha ko dahilan para kumurap ako.  Nginitian ako nito at sabay nitong inabot sa akin ang aking laruan.

“Here. Cheer up, kiddo! Don’t let them bullied you again.” mabilis pa sa alas kwatro na kinuha ko ang laruan at nginitian siya.

“Thank you po. What’s your name po?” magsasalita na sana ito pero biglang may tumawag sa akin dahilan para lingunin ko ito.

“Chrizelle!!” 

“Mommy!” patakbo akong lumapit kay mommy.

“Haven' I told you baby, na huwag kang masyadong lumayo sa classroom mo?” yumuko ito para mapantayan ako at tiningnan sa mga mata.

“I just want to play with my friends, mom.” 

“Its ok, but don’t go too far baby, okay? tumango ako bilang sagot. She then tap my head and kiss me on my forehead.  “So how’s your school baby?” tanong nitong habang hawak-kamay kaming naglalakad. Wala sa sariling, napasulyap ako sa lugar kung saan ko naiwan iyong batang lalaki pero wala na ito.

“It’s fine mom.” naglalayag ang sip kong tugon.

We’re nearly heading kung saan naka park ang sasakyan namin ng may namataan ako babaeng may bitbit na bag habang may nakasunod na batang lalaki. Agad lumiwanag ang mga mata ko ng makita ang mismong batang lalaki kanina.

“Dalian mo, Kem.” dinig kong sabi ng babae sa batang lalaki.

“Kem. Is that his name?” mahinang usal ko at napaisip ng bahagya at kibit balikat muling naglakad habang pinapalobo ang mukha para mapigilan ang ngiting namumuo sa aking labi.

-END OF FLASHBACK-

My Party is almost done kaya pinapasok na ako ni mommy sa living room kung nasaan ang mga gifts para sa akin. Nagsiuwian na rin ang mga bisita tanging iilang kamag-anak nalang namin ang naiwan sa garden at nakikipag-usap sa kanila ni Mom and Dad. I was checking every gifts at bahagyang inaalog-alog para malaman kung anong laman nito bago ito buksan.

“Hey, kid! Happy Birthday.” bahagya akong natigilan at napatigil sa akmang pagbubukas ng regalo ni Maica para sa akin.

Dahan-dahan akong tumingala para tingnan ito. I thought he leave earlier , hindi ko na siya kasi nakita kanina. I almost roamed the whole house para makita siya but I failed. 

Pero wait... sinabi niya bang..? oh no-no tinawag niya ba akong KID?

“Thank you.” may bahid na inis kong tugon tsaka ko binaling muli ang atensyon sa mga nagkakalat na regalo sa sahig.

“Hey.”

.

.

.

“Yza.”

"Wait.What? Did he called me by my first name? Didn't he?" Agad kong sinalubong ang tingin nito.

“Yza.” pag-uulit niya. But it's like di niya naman ako tinatawag parang sinadya niya lang itong bigkasin. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko.

“You’re calling me by my first name.”

“Yeah.”

“Ikaw palang ang tumawag sa akin ng ganon.”

“Yeah.” 

“Bakit?”

“What?” naguguluhan nitong tanong.

“Tss..tinatanong nga kita tapos sasagutin mo din ako ng patanong? Edi wow!”  umiiling kong sabi.

“It's just ...uhmm.. Why? Bakit nga ba?”

“Tss....what I mean is , why’d you called me Yza? Everybody calls me by my second name which is, Chrizelle.”

“I like it better than your second name. “

Marin kong kinagat ang labi para itago ang kilig at ngiti.

“Here. My gift for you. Hope you’ll like it.” namilog ang mga mata ko sa nakita kaya agad ko itong kinuha at inalog alog.

“What is it, Kem?”

“Open it.”  agad kong pinagpupunit-punit ang wrapper nito hanggang sa tumambad ang isang box. Halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita.

“Oh my God!!” wala sa sariling niyakap ko ito ng mahigpit.

“Uhmm....Yza.” mariin kong naipikit ang mata at dahan-dahan kong inalis ang braso kong nakayakap sa kanya at bahagyang lumayo na namumula ang pisngi.

“I-Im sorry. Na carried away lang ako.  I was so shocked and happy at the same time ng makita ito.” ani ko sabay pakita ng regalo nitong remote control car sa akin. “ Matagal na rin akong di nakapaglaro nito nasira na kasi iyong ganito ko, hindi naman sa pinagbabawalan ako but mommy keeps on reminding me na it’s for boys only.” nahihiya kong pahayag sa kanya.

“So, I guess. Ako ang may pinakamagandang regalo?” cool nitong sabi na bahagyang nakaangat ang gilid ng labi. "Is he smiling?"

“I guess so. Thanks Kem.” may sasabihin pa sana ako ng biglang may tumawag sa kanya.

“Kem. Iho, did you give your gift for Chrizelle?” His dad , I guess at nakompirma nga ng sumagot ito.

“Yes Dad. I already gave it her.” seryoso nitong sabi saka bumaling sa akin.

“Did you like it, iha? I told him na you might don't want it—“

“No,Tito! Actually, I love it nga po.” putol ko sasabihin nito.

“Oh.. is that so? It looks like my son knows you better. Hmmm...” patango-tango nitong sabi bago iniwan kaming muli ni Kem sa gitna ng living room.  Akward kaming nagkatinginan at sabay na napabuntong hininga.

“I have to go now.” aniya

Agad ko siyang binalingan at marahang tumango. I just don’t know what to do or what to say. So, it's better to shut my mouth.

“Uhmm....by the way, you look more prettier today.” sabi nito at tuluyan na ngang lumisan tsaka naiwan akong tulalang mag-isa.

Nagpalinga-linga ako if may tao sa paligid nang makumpirmang wala ay agad akong sumampa sa taas ng mahabang sofa at tumalon-talon habang hawak ang magkabilang pisngi at mahinang tumili.

"Is this for real? Am I still dreaming?"

"Did HE really said that? That, I'm pretty?"

"Oh my G! I guess, Im gonna faint right now."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status