Dominguez Vampire
Dominguez Vampire
Author: Binibining Vera
CHAPTER 1

Buhay ng senior high school na daw ata ang isa sa pinaka mahirap. Idagdag mo pa yung mga activities na laging ipinagsasabay-sabay.

Isang linggo pa lang ang nakalilipas noong magsimula ang pasukan, ramdam ko na ang pressure sa bawat subject.

Teka… pressure? Wala ata yan sa vocubolary ko.

Ako si Isabelle Jaydon na walang ibang ginawa kung hindi ang makipag-away sa ibang seksyon.

Well, kung ang tawag nila sa akin ay walang kwentang estudyante, mas ipaparamdam ko iyon para hindi sila mapahiya.

Kasalukuyan akong nag-aaral sa Winston Classical Academy.

Sabi nila, mataas ang tingin ng iba sa school namin ngunit simula noong dumating na ang seksyon E na pinamumunuan ko ay gumulo na ang lahat.

Sino ba naman ang matatahimik kung makikita mo ang mga nagkalat na dugo sa hallway? Syempre tulad ng aasahan, kami ang sisisihin at ang nasa isip ng lahat, ako ang nangunguna sa kaguluhang nagaganap.

“Isabelle? What the hell are you doing?”

Sigaw lang naman iyan ng matanda kong teacher habang ako abalang nakataas ang kamay at sa labas nakatingin.

“It’s better to look those students while cutting their class than listen to your nonsense lesson,”

Matapang kong sagot na lalong ikinagalit niya. Hindi ko na hinintay pa siyang magsalita, kinuha ko na yung gamit ko at lumabas.

Hindi naman talaga ako basagulera at nagrerebeldeng bata. Hindi ko lang gusto yung mga gurong ipapahiya ka akala mo papalakpakan siya ng mga estudante.

Papunta ako ngayon sa tinitignan ko kanina. Napansin ko silang magkacutting na gawain ko rin naman kaya hindi ko na sana papansinin. Kaya lang, may iba pang dumating at may kasama itong mukhang transferee na puno ng takot sa

kanila. Mga bata nga naman, iba na ang laro nila.

“Mga bata, bakit kayo nakikipaglaro sa mahina?”

Nangungutya kong tanong habang nginunguya ang bubble gam.

“Kahit seksyon E ka, umalis kana dito. Hindi kami pumapatol sa babae,” sagot ng isang lalaki matapos ay tumawa naman silang lahat.

Ganitong mga laro ang gusto ko, yung sinusubok ako. Gusto na yata nilang makita si kamatayan.

Hinatak ko sa kaliwang braso yung bagong transferee at hinawakan naman ng isa pang lalaki yung kanang braso nito.

“Sinusubok niyo talaga ako,” saad ko bago inisa-isa sila.

Dinura ko yung bubblegam sa mukha nang mukhang uggoy na ubod ng yabang matapos ay nilingon yung lalaking ngayon ay nakatulala sa akin.

“Transferee ka hindi ba?” walang gana kong tanong sakaniya.

“Ah o-oo, ah ta-transferee ako dito,” kabado niyang sagot.

“Kapag may nagtanong, wala kang ituturo. Mabait ako pero subukan mong magsalita, yung nangyari sa mga iyan ay mangyayari sayo,”

itinuro ko yung mga lalaking halos hindi na makatayong ipinatumba ko.

Tinignan ko muna yung mga unggoy bago ako tuluyang umalis.

Gusto ko talaga yung larong may thrill, sila ang mga pampalipas oras ko lang.

 -

“Ms. Jaydon masyado na matunog ang pangalan mo!” galit na sigaw ni Mrs. Fuentez, siya ang dakilang principal na akala mo may-ari ng school.

“That’s great. They should know who I am,” madiin kong sagot na lalo niyang ikinagalit.

“Kailangan ko makausap ang guardian mo. Right here, right now!”

Sino nga ba naman ang hindi matatakot kung anim na magulang ang nandito dahil binugbog ko ang mga anak nilang mukhang anghel na ibinagsak sa lupa dahil hindi tinanggap sa langit.

“Why should I?” pang-iinis ko pa.

“You will call them or you will drop out?” ma-awtoridad niyang tanong.

“Don’t forget Mrs. Fuentez, I am the reason why you still here,” bulong ko sakaniya bago umalis.

Yes, ako ang dahilan dahil kami lang naman ang may-ari ng school at walang ibang nakakaalam kung hindi ang dakila kong principal.

Ayaw ng family ko na may masangkot na issue sa pag-aaral ko dito. Nakuhang principal si Mrs. Fuentez para patinuin ako.

Maraming mga estudyante ang may ayaw sakaniya dahil mahigpit ito pero ako lumalaban sa mga board member para hindi siya mapatalsik ng school.

Mrs. Fuentez know me everything. Siya ang hindi nagsasawang mangaral sa akin na hindi magawa ng mga magulang ko.

She treat me like her child even not bagamat kahit gano’n, hindi siya natatakot na isumbong ko kila mommy sa mga kalokohan ko.

As I expected, uuwi ako ng sobra galit nila mommy. They don’t even asking if how’s my day or asking what happened to me.

Gusto ko lang naman na maging maayos ang pag-iisip ng mga estudyante pero syempre ang hindi sumunod ay may parusang galing sa akin.

“Your principal told me that you are having a trouble with six guys? Mygod Isabelle, what the hell is that?” galit na tanong ni daddy.

“Ow. You looks so concern about me. As if am care about that,” sagot ko.

Tinawag ako ni mommy at sa pagharap ko, isang malakas na sampal ang nasalo ng mukha ko.

“Bastos kang bata ka. Iyan ba ang tinuro ni Regina sayo?!” saad ni mommy.

Nag-init ang ulo ko sa pangbanggit niya ng pangalan ni yaya.

“Do you know what? Ang sabi ni yaya ay irespeto ko kayo pero sa tingin ko, iyon ang pinaka mali niyang sinabi”

Pagkatapos ko iyan sabihin ay pumasok na ako ng kwarto.

Lumaki ako kay Yaya Regina dahil pumunta sila mommy sa America kasama si Eliza, ang bunso kong kapatid para ipagamot siya.

Pabalik balik sila doon at sa tuwing nandito sila sa Pilipinas, si Eliza lang ang nakikita nilang anak. Umalis na si Yaya dahil pinaalis siya dito sa bahay.

*Katherine is calling*

“Do you wanna hang out tonight?” -Katherine

“I am not in good mood right now,” – me

“That’s great. So, G?” – Katherine

“But----“- me

Tooootsss***

Pinatay na ni Katherine yung phone call. Kakaiba talaga yung kaibigan ko na iyon. Pailing-iling akong nagbihis. Mas mabuti pa nga siguro na magpalamig na muna ako sa bar.

*****

“So, ano nanaman ang ginawa mo sa school?” tanong ni Katherine habang umoorder ng romanee conti sa isang waiter.

“Duh. As if am care,”

mataray ko namang sagot.

“Goes there. Nandito na sila,”

Paglingon ko ay dumating na sila Lorein, Vien, Ysa at syempre kasama ang kanilang mga loverboy na si Marcus, Daniel and Mark.

“What’s going on here?” bati ni Ysa noong makalapit na sa amin.

Dumating naman yung waiter dala yung inorder ni Katherine.

“Thank you,” saad ni Katherine at kinindatan pa yung waiter.

“Kath, pati ba naman yung taong ang gusto lang magtrabaho ng marangal ay aakitin mo pa?” pabirong sabi ni Lorein at uminom ng one shot of glass.

“Ang mga lalaki, hindi dapat siniseryoso,” sagot ko at naghiyawan naman sila.

Isabelle Jaydon, masyado ka lang bitter kasi hindi ka pa nagmamahal,” asar ni Mark.

“boooooo” dagdag pang sigaw nila bilang pang-aasar.

Hindi ko na lang pinansin pa. Umikot ng umikot yung baso hanggang sa malasing na sila.

Umorder pa si Daniel ng mantequilla at sa tuwing binabanggit nila yung nangyari sa school ay lalong nanggigigil ako sa alak.

Hindi ako malakas uminom pero sa pagkakataong ito, gusto kong malasing at makalimutan ang lahat ng mga nangyari sa bahay.

“Look guys, may gwapong nakatingin kay Isabelle. Sino kaya iyon?” natatawang tanong ni Vien.

“Si James, basketball player siya ng school,” walang ganang sagot ni Marcus.

Tinignan ko naman yung lalaki at nakatingin nga ito sa pwesto ko.

Nginitian ko na muna ang mga kaibigan ko. Tinignan sila na parang sinasabing “watch me,”

Lumapit ako doon sa lalaking nakatingin sa akin at tumikhim ako.

“Hi,” bati ko sakaniya.

Tinignan lang ako matapos ay naglahad ng kamay. “James,”

Maya-maya ay nagpaalam na rin sila Katherine. Si James naman ay hindi pa uuwi kaya ang sabi ko sa

kanila ay mauna na sila.

Nakararamdam na ako ng pagkahilo, hindi ko na rin masyado maintindihan yung sinasabi ni James.

“Gusto mo bang ihatid na kita?”

Tanong niya habang hinahawakan ang baywang ko

“Ahh si-sige,”

Binayaran niya yung ininom namin matapos ay pumunta na kami ng parking lot.

Bago ako sumakay, may nakita akong lalaking nakatingin sa amin kaso bigla siyang nawala.

Habang nasa sasakyan kami, ibinigay ko sakaniya yung address ng bahay namin.

Inaninag ko yung daan, parang hindi na ito ang daan papunta sa amin.

“Ahm James, i-ibang daan na ata ito,” nagatataka kong tanong.

“Don’t worry sweetie, you are safe with me,” sagot niya at hinawakan ang hita ko.

Parang nawala yung epekto ng alak sa akin dahil sa ginawa niya. Bigla niyang tinakpan ng bimpo ang bibig ko. Kakaiba ang amoy na iyon na nagpahilo sa akin.

Pilit kong binubuksan yung pinto ngunit nilock niya. Hindi ako masyado makagalaw dahil sa pinaamoy niya sa akin ng bigla siyang nagpreno.

“Fuck up!”

Sigaw niya matapos ay bigla kaming nabunggo sa isang malaking puno. Bago magdilim ang paningin ko, may lalaking nagbukas ng pinto at binuhat ako.

Related chapters

DMCA.com Protection Status