Share

CHAPTER 3

9:45PM

Naalimpungatan ako dahil sa kumakatok. Pagbukas ko ng pinto ay si Eliza.

“Ate pinagdalhan kita ng prutas, hindi kapa kasi kumakain,” malambing niyang sagot.

Sa totoo lang hindi ako dapat magalit kay Eliza dahil hindi niya ginusto ang magkasakit pero hindi ko maiwasan ang mainggit dahil mahal siya ng lahat samantalang ako, namamalimos ng atensiyon.

Eliza, hindi ako gutom. Makakaalis kana,”

Hindi naman siya nagpatinag bagkus ay pumasok na sa kwarto ko.

“Ate may sugat ka. Kailangan mo magamot,” kumuha siya ng first aid kit.

Sinabing umalis kana eh! Hindi ka ba nakakaintindi?!” sigaw ko sakaniya at narinig naman nila mommy kaya agad-agad na umakyat.

“Anong ginagawa mo sa kapatid mo?” galit na bulyaw sa akin ni mommy.

“Ok fine. Ako na ang mali. Bukas ang pinto, makakaalis na kayo,” sagot ko.

“Bastos ka talaga!” Muli kong naramdaman ang palad ni mommy.

Umiiyak si Eliza habang pinipigilan siya nito. Ayaw kong ipakitang mahina ako sa

kanila dahil hindi ko sila kailangan sa buhay ko.

Pagkatapos ng mahabang sermon ay umalis na rin sila. Pagkasarado ko ng pinto, doon na tumulo ang luha ko.

Gusto kong sumigaw pero nanghihina ako. Anak din naman nila ako pero tama sila, halimaw ako. Wala nang ibang ginawa kung hindi ang kaladkarin sila sa kahihiyan.

Binuksan ko yung bintana at nagulat ako dahil naroon si Sir Franco? Magkapit bahay lang pala kami.

Agad kong isinarado yung bintana. Ayaw kong may makakitang mahina ako.

 *****

TUMUNOG na yung alarm clock. Hindi pa pala ako kumakain simula kagabi kaya sinisikmura ako.

Bumaba na ako pagkatapos ko mag-ayos. Maaga ako papasok dahil ayaw kong maabutan pa sila mommy.

Isinasarado ko palang yung gate ng biglang sumulpot si Sir Franco sa likod ko.

“Jusko naman sir wag ka naman manggulat,”

Natawa naman siya sa reaksyon ko.

“Pwede ba ako sumabay sayo? Sira kasi ang kotse ko,” Tumango naman ako sakaniya bilang sagot.

Habang nasa kotse kami, binasag niya ang katahimikan.

“Sorry kahapon Isabelle, wala akong ibang ibig sabihin,” hingi niya ng dispensa.

Ngumiti na lang ako biglang sagot.

“Magkapitbahay pala tayo. Naririnig mo rin siguro ang bunganga ni mommy sa lakas,” ani ko habang naghahanap ng magandang music sa radyo.

“Bago lang din ako atsaka don’t worry hindi ako masyado nakinig sainyo,”

Natawa ako sa paliwanag niya. “Woah hindi masyado? So, nakinig ka parin

Nagkabiruan pa kami hanggang sa dumating na ng school. Hindi naman siya nagtanong ng mga nangyayari sa bahay at mukhang wala rin siyang balak na alamin pa.

Pumunta na siya ng faculty. Sakto naman na siya ang first subject ko ngayong araw kaya sinabi niyang hintayin ko siya at sabay na kami pumasok sa room.

Sa totoo lang, mas ramdam ko ang araw lalo na kapag tahimik at walang magulo.

“Isabelle, kung may problema ka. Huwag ka mahihiya sa akin para gumaan yung dibdib mo,”

Bigla namang may pumasok na kapilyuhan sa isip ko. “Naku sir wala akong dibdib kaya magaan na ito,” biro ko.

Hindi ko nakikita ang sarili ko na marunong tumawa. Kailan nga ba akong huling tumawa ng totoo? Lagi nalang kasi pagkunwari para itago yung lungkot sa puso ko.

“Hindi ko nakikita sa personality mong pabiro ka. Mukha ka kasing laging galit sa mundo,” sagot niya.

Mukha nga talaga kaya marami ang natatakot sa akin. Galit ako sa mundo dahil binuhay ako sa panahong ito.

“Sana nga ay hindi na lang ako binuhay sa panahong ito,” mahina kong sagot na narinig pala niya.

“Huwag mo sisihin ang mundo dahil maraming tao ang gustong mabuhay sa mga oras na ito,”

Kung gano’n sa

kanila na lang ang buhay kong walang silbi.

Maya-maya ay dumating na rin ang iba kong kaklase. Magkaiba ang turing ko sa mga guro kaya alam kong may halong pang-aasar ang mga mata nila noong makita kaming nag-uusap na hindi naman masabi dahil natatakot sila sa akin.

“Let’s discuss today about us,” saad ni Sir Franco at tumingin sa akin.

“World war 2 ay nagsimula noong Setyembre 1, 1939 at umabot ng anim na taon. 60 milyon ang mga namatay sa giyerang nadamay lahat.” Paliwanag niya.

“Kung iisipin, lahat sila ay lumaban para mabuhay. Lumaban sila para mailigtas ang iba pang mga kalahi. Pero sa panahon natin ngayon, 60 milyong nagbuwis ng buhay ay hindi manlang natin maalala kahit ang sampung pangalan sa mga nakasama doon,”

Tama siya. Sa mga namatay na iyon ay hindi kinilala ng kasaysayan kung hindi ang bilang lamang ng mga nasawing buhay.

“Pero kahit gano’n naglingkod sila sa bayan ng walang anumang hinihintay na kapalit. Tumutulong silang iligtas ang mga kalipi laban sa giyera. Kaya ang paggawa ng mabuti, hindi mo kailangan ipakita iyan sa iba bagkus ay gawin mo dahil iyon ang tama,”

Isinasama niya yung lesson at yung aral na maaari doong mapupulot.

Matapos ng mahabang discussion ng araw na iyon, nag-aya si Katherine na maghang out.

“Bakit tahimik ka yata? First time. Ikaw ba yan Isabelle?” asar niya at hinawakan ang noo ko.

“Tsk. Wala akong sakit,”

Hinawakan naman niya ang pulso ko. “Okay naman tibok ng pulso mo pero ang sinisigaw nito ay sir tugs* Franco tugstugs*” asar niya at binatukan ko naman.

Paglabas namin ay saktong labasan na rin nila Ysa. Kailangan ko pa nga pala siya makausap.

Hinintay namin si Lorein at Vien. Noong palapit na sila, nagkaayayaan kumain sa Florencia Restaurant, paborito naming lugar ng grupo.

*****

“So, Ysa ano ibig mong sabihin?” tanong ko noong makaalis si Lorein at Katherine para umorder habang si Vien ay nagpaalam muna para magcr.

“Iba naramdaman ko noong hinawakan kita Isabelle. Hindi ko pa alam kung ano,”

Magtatanong pa sana ako ngunit dumating na si Vien kasabay sina Lorein at Katherine.

“Mukhang ang seryoso niyo guys,” bati ni Vien sa amin ni Ysa.

Ibinaba na nila yung mga inorder namin.

“Wa-wala, iniisip ko lang kung bakit ayaw pa sagutin ni Ysa si Daniel besides okay naman siya?” pag-iiba ko ng usapan namin.

“ Oo nga. He’s hunk and totally hansome,” dugtog ni Lorein.

“He’s not one of a kind,” wala sa ulirat na sagot ni Ysa.

isip ko ang sinabi ni Ysa bago sila dumating.

*****FLASHBACK*****

Nagising na si James at tinatanggi niyang kasama ka noong umalis kayo sa bar,” paliwanag ni Ysa.

“Magkasama kami----” bigla siyang sumingit sa sasabihin ko.

“Sayo na mismo nanggaling at may nakakita sayo. Paanong wala ka sa cctv samantalang magkasama kayo?” tanong niya.

“Kung iniisip mo na matatakot ako pwes, wag mo na subukan Ysa,” banta ko sakaniya.

“I am serious Isabelle. Kung iisipin, baka malapit lang siya sayo,”

Shit. Ano bang mga sinasabi ni Ysa at tinatablan na rin ako ng kaba sa nangyayari.

Tumingin siya sa akin at tahasang sinalubong ang mga mata ko.

“Because I am a witch Isabelle,” sagot niya na ikinagulat ko.

iniwasan ko ang tingin niya. “Ysa this is not a right time for your joke,”

Please Isabelle, don’t tell it to everyone,” pagmamakaawa niya.

Sasagot na ako noong biglang dumating sila vien.

*****END OF FLASHBACK*****

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status