Share

CHAPTER 4

Paikot-ikot ako ngayon sa higaan.

Matapos naming kumain sa Florencia Restaurant ay nagpaalam na rin ako dahil ang daming missed calls ni mommy.

Sure na sermon nanaman ako sa bahay dahil mahigpit sila sa akin at hindi ako nakapagpaalam na nagkaayayaan kumain.

Pinag-higpitan nila ako dahil nalaman nilang sumasama ako ng mga gimik at banda.

 Ang totoo niyan, mahilig ako sa paggigitara. Walang nakakaalam, hindi kasi ako nagpapakita ng talent para hangaan lang ng ibang tao.

Pag-uwi ko, inaasahan ko na ang sermon at hindi naman ako nagkamali. Salubong na kilay ni mommy ang unang bumungad sa akin.

Wala na rin talab kung ano man ang sabihin nila. Isa lang naman akong walang kwentang anak kaya hindi na nila kailangan pang ipamukha at paulit-ulit sabihin.

Pagpasok ko ng kwarto, agad akong sumampa sa kama. Bakit gano’n, kahit sanay na ako sa masasakit nilang salita ay nasasaktan parin ako?

Hindi ko kayang makipagtitigan sa butiking gumagapang sa kisame buong gabi.

Agad akong nagpalit ng damit. Tinawagan ko naman si Katherine pero hindi sumasagot. Pupunta parin ako ng bar dahil hindi ko kailangan ng kahit sinong kasama para maging masaya.

Nilock ko yung kwarto para siguradong walang makakapasok matapos ay dahan-dahang umakyat sa bintana.

Hindi ito ang unang beses ko gagawing tumakas kaya lang ay pinalagyan nila mommy ng CCTV ang babagsakan ko. Ang hindi nila alam, sa iba ko itinapat yung CCTV.

Kung minsan, kailangan din natin maging madiskarte.

Dahan-dahan akong bumaba sa tarangkahan. Paglingon ko, kulang na lang ay tawagin ko ang lahat ng santo sa gulat. Sino ba naman ang hindi magugulat kung si Sir Franco ang nasa likod ko.

“Ay santa maria—sir naman nakakagulat kayo,”

Kumunot ang noo niya at tinignan ang relo. “Pagabi na ah, bakit sa bintana ka dumaan? Bumalik kana doon at mapapagalitan ka,”sermon niya.

“Gusto ko lang magpalamig. Masyado nang toxic sa bahay,” walang gana kong sagot.

Mapapahamak ka,” pag-aalala niya.

“Kaya kong ingatan ang sarili ko,” matapos ay umalis na bagamat hinarangan niya ako.

“Sir, padadaanin niyo ako ng kusa o sapilitan?” hamon ko sakaniya.

Mainit din ang ulo ko, kailangan ko ng pagbubuhusan. Ayaw ko naman na si Sir Franco ang sumalo ng kamao ko at baka ito maging dahilan para madrop out ako sa school.

Hindi parin siya umaalis. Gusto ata talaga sa akin makatikim.

Hinawakan niya ako sa braso na agad ko naman pinihit ang kamay niya patalikod at sinipa ang sikmura niya.

Tinignan niya ako ng walang emosyon. Parang hindi siya nasasaktan sa ginagawa ko.

“Gusto mong ibuhos ang nararamdaman mo? Sige, subukan natin,” matapos niya iyon sabihin ay sinugod ko siya.

Ang bawat suntok ko ay iiiwasan niya. Ang bilis niyang umilag hanggang sa natrap na yung kamay kong hawak niya. Pinaikot niya ako pinaikot patalikod mula sakaniya.

Maya-maya ay parang may kung ano akong naramdaman at pinaghiwalay kami.

Humarap ako sakaniya at nagulat ako dahil nakahiga na siya sa sahig. Tinignan niya ako na may halong pagtataka.

Anong nangyari? Ganiyan din ata ang tanong niya.

“Malakas ka. Saan mo natutunan iyan?” tanong niya noong makatayo.

“So-sorry Sir. I have to go,” paalam ko bagamat hindi niya ako tinitigilan. Tumawag na ako ng taxi ng aming subdivision number. Sinundan ako ni Sir Franco kaya iniligaw ko pa siya ng daan at mukhang hindi naman nya ako nasundan pa.

Pumunta ako ng bar. Wala ang mga kaibigan ko kaya mag-isa akong umorder ng vodka at agad kong nilagok lahat.

“Hi, I’m Tyzon” bati ng isang lalaki at umorder din siya.

“I don’t fucking care about you. Don’t make me mad or else, I’ll kill you,” pananakot ko sakaniya.

Tumawa siya at muling uminom. “Look, wala akong masamang balak sayo,”

Pumunta na lang ako sa dance floor at nakisayaw. Nakita ko siyang nakatingin kaya inirapan ko.

Noong mapagod ako, bumalik ako sa counter para umorder ulit.

Akala ko ay umalis na siya, iyon pala ay nagcr lang.

“Hey. You looks so serious. Kalma ka lang, okay?” Biro niya na sinamaan kong muli ng tingin.

“I am bastard so if you don’t want to go in hell, leave me alone!”

Mukha siyang nang-aakit ng lasing. Kung ang alak nga hindi sakin mabilis tumalab, iyon pa kayang ginagawa niya ngayon?

Tinignan ko yung orasan at 9pm na rin pala. Kahit tumakas ako sa bahay, alam parin nila mommy dahil siguradong sinabi na ng guard ng village kaya susulitin ko na.

Mukha namang cool itong si ano—Tyron? Pangalan ba iyan ng tao?

“Tyron sob*” Tawag ko sakaniya.

“Tyzon not Tyron,” pagtatama niya sa akin.

“Tyzon, Tyron—whatever your name!” sigaw ko.

Nagkwentuhan pa kami ng kung ano-ano. Kahit papaano ay masaya naman siyang kausap kaya pinagtiyagaan ko na rin.

“Lasing kana. Ihahatid na kita sainyo,”

Naalala ko naman yung nangyari sa akin noong kasama ko si James kaya agad akong tumanggi.

Lumabas na ako ng bar at nararamdaman kong nasa likod lang siya.

Pagsakay ko ay sumakay rin siya sa front seat, katabi ng driver.

Hindi ko na lang pinansin pa bagkus ay nag-earphone nalang din ako. Noong nasa subdivision na kami, nagtataka ako kasi kasama ko parin siya hanggang pagbaba.

“Kung may balak ka sa aking masama, huwag mo nang balakin dahil hindi mo gugustuhin ang mapilayan at umuwing gumagapang,” pananakot ko pa.

“Dito nakatira ang kapatid ko,” sabay turo sa bahay ni Sir Franco.

“Ma-magkapatid kayo?”

Tumango naman siya matapos ay kumatok. Lumabas naman si Sir Franco at tinignan muna ako bago batiin si Tyzon.

“Bro, you didn’t tell me that you have a beautiful neighbor,” pilyong harot ni Tyzon.

Seryoso parin ang mukha ni Sir Franco. “pumasok kana sainyo Isabelle,” utos niya.

Napairap na lang ako bago umakyat sa bintana.

Magkapatid pala sila pero magkaiba ng ugali. Si Sir Franco kasi ay seryoso hindi tulad ni Tyzon, mukhang sa kalokohan magaling.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status