Share

Glimmer of Hope
Glimmer of Hope
Author: Mayayeeeh

PROLOGUE

Daming nangyari sa nagdaang buwan. I can't believe that I'm enjoying the journey plus the music I am listening, except the  fact that my classmates are so noisy. Seryoso, hindi ba sila nawawalan ng pag-uusapan?

Inilibot ko ang tingin paligid. May natutulog, may nagdadaldalan, may naglalaro ng Mobile Legends, may nagt-trashtalk-an, may sumasayaw, may nagj-jamming, may tahimik lang na nagbabasa ng libro at nakikinig sa musika. May kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan ang lahat. Mayroon ding nagsasagot ng kung ano sa tabi ko. Aral na aral ang isang ito.

"Hindi ka pa tapos, Les?" tanong ko.

"Hindi pa. Hindi ko makuha kung paano ito." She handed me the book. "Sagutan mo nga."

"Ilang oras ka na diyan, akin na nga."

It's been 2 months since the second semester started. Hindi pa pumapasok lahat ng prof namin, kaya uuwi na sana ako agad kahit may night class kami.

Dalawang bagay lang ang pagpipilian mo sa college, tulog nang tulog o wala talagang tulog. Minsan, napapaisip ako kung saan kumukuha ng energy ang mga kaklase ko para maglakwatsa. Sa pag-aaral pa lang, para na akong mauubos, eh. Hindi talaga madali ang engineering. Minsan iniisip ko kung mali ba ako ng desisyon sa buhay o ano.

"Papasok ka, Belle?" tanong ni Les.

"Hindi. Baka wala na naman si Sir."

"Baka dumating?"

Nagkibit-balikat na lang ako. Ubos na ang lakas ko para sa night class. Bombahin man daw ba kami ng napakaraming term papers sa isang minor subject. Hindi ko alam pero ang lakas ng tama ng mga prof namin sa minors. Parang nant-trip at gusto yatang patunayan na hindi lang iyon basta subject. Hindi ko maintindihan kung bakit kating-kati sila mambagsak ng estudyante, eh, hindi ba sa kanila rin ang balik noon?

"Uwi na tayo. Pustahan wala na naman 'yon," yaya ni Arnold.

I smirked. I knew it. Hindi lang ako ang bad influence dito.

"Balitaan niyo na lang kami," si Jes.

Nakalayo na ako nang mabalitaang pumasok ang prof. Bahala na nga. Panigurado namang orientation pa lang. Bakit ba kasi ngayon lang siya pumasok? Malapit na midterms. Maghahabol na naman kami panigurado, pero hindi na bago iyon. Lagi namang ganoon ang nangyayari.

Hindi talaga pwedeng mahina ang loob dito. Magbubuhat ka ng sarili mong bagahe para makaraos ka. Hindi na uso ang pagbubulakbol at pagiging palaasa. Kawawa ka naman kung hanggang kolehiyo, hindi ka pa rin natututong mag-isa.

Bumabyahe ako araw-araw ng more or less two hours. Nahahapo ako sa school kaya umuuwi agad ako. Pangarap ko naman ito noon kaso hindi pala masaya. Ang lakas maka-pangit ng usok sa Manila. Dumadami ang pimples ng mga estudyante, dahil sa pinaghalong polusyon at stress mula sa pag-aaral. Nakakapagtaka talaga ang mga estudyanteng may clear skin, paborito ka bang anak ni Aphrodite?

"As an Engineering student, dapat ay alam niyo ito," sabi ng prof namin sa Chemistry. "Lalo na 'yong mga madadaldal sa likod diyan. Ang bababa naman ng score sa exam."

Ewan ko ba? Ang hirap lang talagang ipasa ng Chem. Puro delta H, delta G keme. Ang sakit sa ulo. Bakit ba kasi ako nag-Engineering? Ang hirap sumabay sa klase lalo na't hindi inclined ang kurso ko sa kinuha kong strand noong Senior High School.

At sa college, hindi mawawala ang mga terror na prof. Kaunting hinga mo lang, pakiramdam mo ay mamamatay ka na sa kaba kapag binalingan ka.

"Ano na namang komusyon ang mayro'n diyan? Hindi niyo man lang igalang si Jose Rizal."

Hindi nakatakas sa tainga ng professor ang mahihina naming tawa. Galit nitong hinarap ang klase at tinuro ako. Sa itsura pa lang ng mukha niya, mukhang tatanggalin niya lahat ng confidence mo sa katawan.

Ako? Nahuli niya ba ako?

"Mr. Sotto," tawag niya sa nasa likod ko. "Tayo!"

I gulped. Pinagpawisan ako nang malagkit. Buti na lang at hindi ako.

Hinimas ni Les ang likod ko nang bumuntong-hininga ako dahil sa kaba. Natawa na lang siya sa reaksyon ko. Pinanood namin kung paano dikdikin ng prof ang kaklase ko. Halos walang tinira sa kaniya bukod sa gwapo niyang mukha.

"Nakakahiya ka naman, Mr. Sotto. Pumapasok ka lang ba para magpapogi sa klase ko? Wala ka man lang nasagot sa sampung tanong na ibinigay ko sa 'yo. Sayang ang pagpapaaral sa 'yo ng bayan kung hindi mo naman pinahahalagahan," mahabang litanya nito.

Napatango-tango na lang kami. May punto naman siya, eh. Hirap kayang makapasa rito tapos sasayangin lang. Daming gustong mag-aral dito pero hindi naman lahat ay mapalad na nakakapasok.

Nakahinga lang kami nang maluwag pagkaalis ng prof. Natatawa kaming binalingan ang kaklase kong ginisa. Parang wala lang sa kaniya ang talas ng dila ni Ma'am. Kung ako 'yon, baka nag-drop na ako sa subject niya.

Sa lecture at sermon pa lang ng mga prof, pagod na ako, eh. Gusto ko na umuwi at ang pangit pa ng schedule ngayong araw. Eight hours ang vacant. Pwede ka na makarating sa Tagaytay at bumalik sa unibersidad. Gusto ko muna sanang umuwi kaso ang hassle ng biyahe.

"'Wag ka umuwi. May prof na tayo sa Surveying," sabi ni Les sabay kawit ng kamay sa braso ko.

"Ano palang nangyari last time?"

Wala kasi akong balita kung may requirements ba or what. Kaunti lang din ang pumasok dahil nagsiuwian nang maaga. Sino ba naman kasing sisipagin sa gabi? Bakit naman kasi ganoon ang schedule?

"Umuwi na rin ako. Sabay kasi kami ni Edward," mahinhin niyang sabi.

"Harot mo!"

Umirap lang siya at hinampas ako sa braso. Bilib din talaga ako sa mga college student na may mga karelasyon. I can't relate!

"Belle, uuwi ka na?" si Joy, kasama si Callie.

"Hindi. May prof daw mamaya. Sa dorm kayo?"

"Oo, kain muna tayo," pag-aaya ni Callie.

Sa pitong buwan ko rito sa isang state university sa Manila, marami rin akong naging close na blockmates. Si Joy na medyo namukhaan ko sa enrollment, ang ganda niya kasi. Si Callie na gamer at matalino, laging absent pero almost perfect lagi ang exam sa Calculus. Si Les na sobrang sipag mag-aral at lagi kong kasama buong araw. Si Jessie at Arnold na kasabay naming tumambay kapag mahaba ang vacant.

"Ang tagal naman ni Sir. Gusto ko na umuwi," reklamo ko.

Natawa lang sila. Iniisip na naman nilang dinedemonyo ko sila na umuwi na. Ganito ako lagi, hapong-hapo sa unibersidad na puro stress ang dulot sa akin.

Ang tagal naman kasi talaga. 5:00 PM ang klase at 6:30 ay wala pa siya. Nasa manual kaya na pwede na umuwi kapag 1/3 ng oras ang nagdaan at wala pang prof.

"Alas-syete uwi na tayo," natatawang sabi ni Les.

"Eh, rush hour. Mga 8:30 na lang," singit ni Jes na galit sa traffic.

Gusto ko na talaga umuwi. Nasaan na ba kasi si Sir? Ang tagal niya naman. Hindi ba siya nahihiya na may naghihintay sa kaniya?

Ilang minuto pa ay may pumasok na lalaking matangkad, matangos ang ilong, singkit, moreno— in short, ang gwapo niya sa paningin ko.

Uminit ang pakiramdam ko kahit air-conditioned naman ang room. Parang... gusto ko yatang lumandi.

He then smiled at us and my world collapsed. That moment, I knew, I was crushing on my professor. It made everything move so slow around me.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status