Share

CHAPTER 2

Medyo hindi ako swerte sa araw na ito. Late na ako para sa exam namin sa Chem. Bakit ba kasi laging nasisiraan ang LRT kapag may exam ako? Ang traffic pa naman sa Manila. Umaga pa lang, sira na araw ko.

"Sir, s-sorry. I'm late," hinihingal kong sabi.

Ikaw ba naman tumakbo mula ground hanggang sixth floor. Bakit walang elevator dito? Hulas na hulas na ang mukha ko. Amoy-pawis na agad ako.

He pointed the only vacant seat. He gave me the test paper at may inabot siyang isa pang papel na nakataob. Ito siguro ang exam last week.

I checked the paper only to find out that I've failed the exam. Nangingiyak akong sumagot pero hindi ako makapag-focus. Nag-aral naman ako last week pero dahil late ako, hindi ko natapos ang exam.

Ang malas talaga. Ano na lang ang magiging grades ko nito? President's lister pa naman ako last sem. Nakakahiya.

Tamad akong nagsagot hanggang sa maubos ang oras. Pinasa ko na agad at lumabas. Hindi ko na ch-in-eck ang mga sagot ko. Nawalan ako bigla ng gana.

I've never failed an exam, not until college. Nakakainis naman! Hindi ko naman pwedeng sisihin ang pagkasira ng tren o ano pa man. Kasalanan ko talaga.

"Oh, saan ka pupunta?" Joy asked.

"Uuwi ako," I replied.

"May klase pa mamaya," singit ni Les. She smiled at me when she noticed my face. "Ok lang 'yan. Lahat naman nakakaranas ng failure. Pwede pa namang bumawi. I know you can do better next time."

"Bagsak din ako," sabi ni Joy.

"Palambing ka na lang sa manliligaw mo!"

Napasimangot na lang ako, dahil natawa lang siya. Buti pa siya. Nakikita ko na talaga ang malagim na kapalaran ko ngayong semester.

"See you later. Dorm lang kami," paalam ni Callie.

Buti pa si Callie, hayahay lang kahit sumablay din. Panigurado namang may lalambing sa kaniya mamaya. Ngayon ko lang napagtanto na ako lang ang single sa amin.

I'm single, I don't know if by choice or no one seems to like me lang talaga.

"What if puntahan na lang natin 'yong apartment. Lilipat na tayo bukas, eh. Ang arte mo pa naman sa mga gamit," natatawang sabi ni Les.

"Sige na nga."

Hindi naman kalayuan ang apartment na lilipatan namin. Walking distance lang papunta sa mga building namin.

"Pasok kayo. Check niyo na lang pati ang mga kwarto ninyo kung may gusto pa kayong ipaayos," anang land lady na tantsa ko ay mid-30's pa lang.

Maliit lang ang kwarto kumpara sa kwarto ko sa bahay. Good thing, tig-isa kami ni Lesliana ng room. Medyo mahal nga lang nang kaunti kaysa sa dorm nila Callie at Joy pero ayos na rin.

Fully-furnished na rin. May munting sala at may TV na rin. May sofang pandalawahan at may pang-isahan. May wooden table sa gitna. Makikita rin agad ang kusina. May kitchen sink rin at cabinet para sa lalagyan ng mga goods. Wala na ngang dining area dahil sa liit ng espasyo. May maliit na refrigerator at oven. May rice-cooker at inductor para sa pagluluto. May ceiling fan sa sala at tig-isang electric fan sa kwarto namin ni Lesliana. May munting CR din at malinis naman kaya wala na talagang problema. Over-all, ayos naman na. Mag-aaral, kakain at matutulog lang naman kami rito.

"Ate Niña, lilipat na po kami rito bukas."

"Sure. Just tell me kung may problema para maayos agad," sabi niya.

"Salamat po. See you tomorrow," paalam namin ni Les.

"Daan tayo sa ice cream shop," sabi ko. "Libre kita."

Natatawa siyang tumango. Kanina niya pa kasi ako chini-cheer up, gusto ko lang bumawi dahil wala akong kwenta kausap sa araw na ito.

Maganda ng lugar. Vintage and modern look. Perfect para sa mga gusto ng tahimik na lugar at mga gustong mag-aral. Tumatambay kami rito dahil malamig. Ang init sa labas tsaka may three hours pa  naman bago ang klase sa Calculus.

"Si Sir Cy 'yon, 'di ba?" bulong ni Les habang nakatingin sa kabilang table.

Napatingin din ako at oo, si Sir nga kasama ang isang babaeng chubby pero maganda at maputi. Malaki rin ang boobs, wavy blonde hair at mukhang maldita. Girlfriend niya siguro?

"Kapal ng mukha niyang makipag-date tapos hindi siya pumapasok," inis na sabi ni Les.

"May girlfriend na yata siya. Wala akong pag-asa," nakasimangot kong sabi sabay kagat sa cookie ice cream ko.

"Hanap ka na lang iba. Mukha namang hindi magaling magturo. Puro pa pa-report."

As if namang mate-turn off ako sa tao dahil sa sinabi niya. Kapag gusto ko pa naman ang isang tao, kahit may mali sa kaniya, hindi ko papansinin.

Napatingin ulit ako sa table nila at mukhang maraming kwento ang babae, samantalang siya ay nakatutok sa laptop. Parang tanga 'to. Nakikipag-date tapos nakatutok sa kung ano.

"Tara na nga! Parang mapapatay mo na 'yong babae sa titig mo, eh!"

"Ha? Hindi, ah! Si Sir kasi nakikipag-date tapos iba ang inaatupag—"

"Shh, ang ingay mo," mariin niyang sabi habang nakatakip ang palad niya sa bibig ko.

Nanlalaki ang mata kong napatingin sa paligid. Napayuko ako nang makitang nakatingin banda sa amin ang lahat pati si Sir Cy! Gusto kong himatayin sa hiya at kilig.

'Wag mo akong titigan, Cy! May atrasi ka sa akin.

Natatawang hinatak ako ni Les palabas ng shop. Sayang! Gusto ko pa siya makita. Ang epal ni Les.

Inis kong binalingan si Les. "Bakit mo pa ako hinatak?!"

"Girl, nakakahiya ka! Parang tutulo na 'yang laway mo katititig kay Sir, at saka pulang-pula ka kahit morena ka. Para kang sasabog na kamatis sa loob."

"Hmp! Kahit na! Tara, balik tayo!"

Hinatak niya ako pabalik sa kaniya. "Nah, punta na tayo sa building. Baka dumating na si Sir."

Oo nga pala't may klase pa. Hays. Ang wrong timing naman.

Next time na lang, baby ko.

"Ok, class. We'll have our midterms next week. Coverage is from the top," my prof announced.

Everyone mumbled their misbelief. Haler! Ang dami kaya noon. Iniisip ko pa lang ang Trigo ay nasusuka na ako. I hate Trigo talaga.

"So far, the result of your quiz last time is fine. You just need to think smart to pass my exams."

Inabot niya sa amin ang test paper last time. I got few errors. I was kinda happy with the result. Pinaghirapan ko kaya 'to!

"Ang tanga ko naman!" si Les.

Mukhang frustrated sa errors. Perfectionist 'yan kaso bulag naman.

"Nagkamali ka na naman ng sulat, 'no?" tanong ko.

Usually, overlooking ang problema niya. Ewan ko ba sa babae na 'to. Mukha namang malinaw ang mata niya.

"Oo, nakakainis naman. Sa susunod talaga magch-check na 'ko ng answers," nakasimangot niyang sabi.

"Highest na naman si ate," natatawang sabi ni Joy.

"Lagi naman, eh! Paano, Callie?" tukso ni Jes.

"Absent lang kayo lagi tapos laro rin kayo ng PUBG," natatawa niyang sagot.

Lumabas agad kami after ng klase. Kailangan ko nang umuwi dahil hindi ko pa naayos ang ibang dadalhin ko sa apartment bukas.

"Bukas na lipat niyo sa apartment?"

"Oo, Callie. Makakatulog na rin ako sa hapon," sabi ko. "Hindi na ako maiinggit."

"Good. Ingat kayo sa pag-uwi."

Naghiwa-hiwalay na kami ng daan. Pumunta muna ako sa Watsons para hindi na ako dumaan dito bukas. I just bought hand soap, toothpaste, lotion and things that would complete my hygiene kit.

Nakapila ako sa counter nang mapatingin sa gilid. Nanlaki ang mata ko sa nakita. Si Sir na hawak ang basket habang tamad na sinusundan ang girlfriend niya.

Bakit ba nagpakita ka na naman? Ano ba namang mundo 'to? Kinikilig na naman ako.

Pwede bang akin na lang siya? Kung hindi siya para sa akin, kawawa naman siya. Sayang!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status