Share

CHAPTER 3

"Guys, papasok si Sir Cy ngayon kaya maghintay tayo," Eric announced. "Wala munang uuwi.

Buti naman kung ganoon. Ang hirap kaya ng subject niya tapos wala siya lagi. Para kaming nangangapa sa dilim. Saka kahit naman wala siya, naghihintay pa rin kami.

"Belle, tara na. Sa apartment na tayo mag-lunch tsaka mag-aayos pa tayo ng gamit," aya ni Les.

"Daan muna tayo sa grocery. Wala pa tayong stocks. Ayaw kong magutom."

Napag-usapan na rin namin na hati kami sa mga gastusin. Nagkasundo na kami sa lahat. Pinaghandaan talaga namin ito.

Isang maleta lang ang dala ko kanina. Hinatid ako ni papa dahil hindi ko kayang ibyahe 'yon dahil sa bigat. Lilipat na kasi kami sa Bulacan at matitira sa Manila iyong kapatid ko dahil doon siya nag-aaral malapit sa amin. Uuwi na lang din siya kapag weekends. Lilipat na rin siya ng school sa Bulacan after graduation.

"'Wag mo kalimutang may lakad tayo sa Thursday. Umuwi ka after class," sabi ni mama. "Kumain ka nang mabuti. 'Wag tipirin ang sarili. Mag-aral ka. Iwasan ang paglalakwatsa. Maglinis ka ng apartment–"

"Ma, nasabi mo na 'yan sa 'kin, eh."

Paulit-ulit si mama. As if namang matagal akong mawawala. Uuwi naman ako every week. Pwede rin naman nila akong bisitahin dahil nasa Bulacan lang naman sila.

"Ma, pwede bang 'wag na lang ako sumama sa Batangas?" paalam ko. "May Chemistry kasi kami sa Friday, eh, hanggang Saturday 'yong sa Batangas. Tagilid kasi ako sa subject na 'yon, eh."

"Hindi pwede. Minsan lang naman 'yon. Okay lang naman kahit pasado lang–"

"Baka nga hindi ako pumasa roon, eh."

Totoo naman. Wala pa sa kalahati ang score ko, eh. Ayaw kong mag-remedial.

"Alam kong kaya mo."

Iyon lang at umalis na siya. Gano'n kalaki ang tiwala niya sa akin kaya ayaw kong sirain. Magdodoble na lang siguro ako ng oras sa pag-aaral.

"Alam kong mahilig ka sa itlog kaya bibili tayo nang marami," sabi ni Les.

"Ibang itlog na ang gusto ko ngayon."

"Hoy, 'wag ka maingay! Nakakahiya ka!"

Napairap na lang ako. Ang sarap niya lang ibilad sa arawan. Ang puti niya, sobra. Napakalayo sa kulay ko. Kapag magkatabi kami, para kaming milk and chocolate.

Bumili na rin kami ng toiletries, noodles, canned goods, dairies, bread, spreads, frozen and processed goods na napakarami.

"Ang dami naman niyan! Seryoso ka?" nagtataka kong tanong.

Binawasan ko na lang dahil baka magkasakit kami sa ginagawa niya. Dumaan kami sa vegetable section, dahil mahilig din siya sa gulay.

Sumalampak ako sa sofa pag-uwi. Ang bigat ng bitbit namin tapos naglakad lang kami.

"For you," nakangiti niyang sabi sabay abot ng paper bag.

"Para saan?" nagtataka kong tanong. "Hindi ko naman birthday. Tapos na rin Valentines."

"Thank you gift," simpleng sagot niya habang inaayos na ang mga foods sa cabinet. "Sinamahan mo kasi ako sa apartment kahit taga-Manila ka lang naman."

"I told you, wala nang tao sa bahay. My family will live in Bulacan for good."

"Congrats sa bake shop!"

"Thanks! Magdadala ako ng dream cake next week."

May tinayo kasi sila papa na bake shop sa Bulacan kaya doon na rin sila mamamalagi. Sa sobrang hilig ni mama mag-bake, in-offer-an siya ng kaibigan ni papa na si tita Donna— na magtayo ng negosyo. My papa was a driver and mama was a teacher. Iniwan na ni mama ang pagtuturo dahil sa bake shop. Ganoon din si papa. Hands-on sila ngayon sa negosyo. Ang kapatid kong si James ay naiwan sa bahay namin sa Manila kasama isa naming kasambahay. Sa Bulacan na rin siya mag-aaral next school year.

Nagluto lang kami ng itlog at shanghai for late lunch. Alas-tres na rin kasi. Gusto ko nga magluto ng mga tinuro sa akin ni mama kaso wala ako sa wisyo.

Nagulat ako nang bihis na bihis na sumulpot si Les sa harap ko. Akala ko magpapahinga kami.

"Lalabas muna ako, ha? Puntahan ko lang si Edward dahil monthsary namin ngayon. Date lang kami saglit," paalam niya and she winked.

"Sure, ingat ka... and nice outfit."

She's wearing yellow body con dress and yellow sandals. She's beautiful. Her make-up is simple, just a blush and nude lipstick. Small but terrible, indeed. Matalino, maganda, palaban, at responsable.

Umikot siya sa harap ko. "Am I pretty?" sabay pose.

"Very," natatawa kong sagot.

"I know!"

"That's my girl," sabay tulak sa kaniya palabas. "Enjoy!"

She just waved and leave. Kita ko ang saya sa mukha niya. Iyong prince charming ko kaya kailan darating?

Inayos ko lang ang kwarto ko. May closet kaya nilagay ko na ang mga damit ko. Sakto lang ang laki ng kwarto. Good for one person. May single bed at study table sa gilid. Good thing, may sliding window. Naglagay ako ng brown curtain at pinares ko ang kulay nito sa bed and pillow sheets.

I should buy little plants para ilagay sa window ko. Malinis ang kwarto at bagong pintura lang ng beige. Sabi ni ate Niña, bahay daw nila ito ng asawa niya. Nagpagawa yata sila ng mas malaki sa kabilang kanto, dahil lumalaki na rin ang mga anak niya.

Naidlip lang ako saglit. Nang tumunog ang alarm, alam kong alas-singko na. Lumabas ako para tingnan kung nakauwi na si Les kaso wala pa siya. Naligo na lang ako at nag-ayos.

Wearing a denim short and plain shirt, ready na ako lumabas. Ch-in-eck ko rin ang phone ko at nakitang may text si Lesliana.

From: Lesliana

Diretso na ako sa building. Pakidala ng bag ko. Hintayin kita.

To: Lesliana

Sandwich?

Nag-prepare ako ng sandwich dahil ayaw ko namang magutom. Palong-palo pa naman magturo si Sir. Sagarin man daw ba hanggang alas-nuebe. Ayos na rin kasi minsan lang talaga siya magpakita. Saka miss ko na rin naman siya.

From: Lesliana

Sure. Thanks!

Tripple layer ang ginawa ko for me kasi hindi talaga uubra ang dalawa lang sa tiyan ko. Medyo bitin. Naglagay na rin ako ng tubig sa mga tumblr namin.

"Belle!" 

Agad kong natanaw si Joy sa malayo at kumakaway. Sinabayan niya ako sa paglalakad.

"Si Callie?" tanong ko dahil baka hindi na naman magparamdam 'yon.

"Papunta na raw. Papasok talaga 'yon sa gabi, sa umaga lang hindi," natatawa niyang sabi. "Nagawa mo na 'yong activity sa Surveying?"

"Last week. Bigay ko sa 'yo later," sabi ko habang papasok kami ng building.

"Thank you, Belle! You're the best!" salubong ni Les at kinuha ang bag niya. 

Kumakain ako habang pinagmamasdan ang mga kaklase kong ngayon pa lang gumagawa ng activity. Tagal na noon, eh. First meeting pa yata?

"Positive-negative 3024..." she echoed while checking her paper at nagkakalikot sa scical niya. "Cosin alpha which is– great!"

"Tapos na!" Inabot ni Joy sa akin ang papel ko kasabay ng pagpasok ni Sir.

"Good evening, guys!" bati niya sa amin. Nag-ayos lang siya ng gamit at s-in-et up ang laptop niya. "So, we will discuss about measurement of horizontal distances." Nagpatuloy lang siya sa pagd-discuss.

Medyo nauunawaan pa naman dahil basics pa lang naman ito. Mahusay naman siya magturo, hindi lang talaga siya pumapasok. Iyon lang talaga ang problema.

"The correction for slope is derived by using what?" he asked.

We remained quiet for a few seconds. Nabasa ko 'yon, eh.

"Pythagorean Theorem," I echoed.

"Yes, very good. Using Pythagorean Theorem."

Nagulat ako dahil sobrang hina lang ng pagkakasabi ko. Lakas naman ng signal niya. Para tuloy akong lumulutang sa ulap.

"Namumula ka," tukso ni Callie.

Natawa na lang nang mahina 'yong mga nasa paligid namin na nakarinig. Nakakakilig kaya 'yon! Bakit niya ba ginagawa 'to sa 'kin? Is he flirting me? Charot.

"Ok, that's all for tonight. Leaders, maiwan kayo. May ipagagawa ako sa inyo," as he bid his goodbye.

"OMG!" tili ko nang makalabas.

"Kalma, may susunod pa."

"Callie, kinikilig ako!"

"Alam namin pero kumalma ka."

"Belle, saan ka pupunta?" taong ni Joy. "Tawag ka ni Kris."

"Ha? Bakit?" nagtataka kong tanong dahil wala naman kaming business.

"Belle!" si Kris habang nakadungaw mula sa room. "Leader ka namin, remember?"

"Ako?"

Ha? Talaga? Kailan 'yon?

"Ulyanin! Tara na rito, tinatawag ka na ni Sir," sabay pasok.

"Leader ka pala, eh!" sabay sundot ni Callie sa tagiliran ko. "Punta ka na roon."

Nangingiti si Les nang pumasok ako ulit sa room. Leader din kasi siya. Halatang nanunukso ang mga tingin niya.

"Kumpleto na ba lahat ng leaders?" tanong ni Sir habang nakatingin sa schedule na sinulat niya sa board.

"Opo, Sir. Ito na po leader namin," Kris pointed his index finger on me.

Agad na kumalabog ang puso ko nang mapatingin siya sa akin. Ano ba naman?!

Inhale. Exhale.

Bakit ba kasi kailangan pang ituro? Siraulo talaga. Baka mahalata ako ni Sir.

"Ok, guys. Kayo ang inaasahan ko since kayo ang mga leader. This will be the timeline of our meetings and activities. Nakalagay na rin dito ang reports and exams. Check it all and kung may tanong, don't hesitate to ask me." Inayos niya ang kaniyang mga gamit habang tinitingnan namin ang mga sinulat niya.

Seryoso ba siya? Two chapters ang binigay niya ka sa group ko. Naglolokohan ba kami rito?

I snatched the book from Les and checked the contents. Bale may 11 lessons kaming idi-discuss, samantalang sa iba ay apat hanggang lima lang.

"Ang dami ng atin, Kris," sabi ko sa kaniya.

"Ok lang 'yan. Kaya niyo 'yan at tuturuan ko naman kayo," singit ni Sir.

OMG! You're giving me a mini-heart attack, Cy!

Hindi ako nakapagsalita kahit umalis na kami roon. Mukhang magiging busy ako sa susunod na buwan dahil report namin. Ayaw ko pa naman ng mga responsibilidad.

"Good mood ka yata, Callie," asar ni Joy dahil nakangiti siyang nagpipindot sa phone niya.

"The guy from Japan, I guess?" gatong ko.

Kumindat lang si ate. Hilig nito sa LDR. Huling boyfriend niya ay taga-Laguna. Susme, ang layo. Taga-Bulacan naman siya.

"Mas good mood yata si Belle," singit ni Les.

Super good mood!

Tumalon-talon ako habang naglalakad kami pauwi. Nagawa ko pa silang ilibre ng street foods. Ang ending, ubos na allowance ko ngayong linggo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status