Share

CHAPTER 8

"Ma, na-deliver ko na 'yong ibang orders," sabi ko kay mama sabay salampak sa sofa.

Kagagaling ko lang sa kabilang kanto para maghatid ng orders. Nakakapagod palang maghanap ng bahay kapag hindi mo kabisado ang lugar. Sabayan pa ng nakakapasong init ng araw. Gusto ko na mag-swimming kaso busy kaming lahat.

Mas malaki ang bahay namin dito sa Bulacan. Ang bake shop naman ay nasa kanto lang. Hindi kalakihan pero pwede na. Glass ang ibang bahagi at naka-centralized aircon din. Pagpasok mo sa loob, maaamoy mo ang masasarap na tinapay. Nakakagutom.

"Mag-merienda ka muna. Kainin mo itong paborito mo." Naglapag siya ng isang slice ng triple chocolate cake na gawa niya mismo. "Ang bilis nga mag-update noong taga-kabilang street. Masarap daw at irerekomenda niya sa mga kaibigan."

Ang bilis lumaki ng business. Nagdagdag na rin si mama ng dalawa pang baker. Ang dami kasing orders. Sinisiguro naman ni mama na nasusunod ang recipe niya. Hindi pwedeng mabago dahil perfectionist siya.

"Sulitin mo na ang weekends. Magpahinga ka. Sobrang haggard mo na," tukso ko.

"Maganda pa rin naman ako kahit anong mangyari," sabay irap niya. The audacity. "Kumain ka na lang diyan, check ko lang 'yong shop."

Simula noong matapos ang unang taon ko sa college, dito na ako namalagi sa Bulacan. Tumutulong ako sa shop kapag hapon. But most of the time, nasa loob lang ako ng bahay. Wala naman akong friends dito kaya hindi ako makagala.

Nagc-check ako ng updates sa page ng shop nang umilaw ang phone ko.

From Lesliana:

Kumpleto na mga grades. Baka gusto mong silipin.

Hindi ko kasi tinitingnan hangga't hindi kumpleto. Natatakot akong baka may bagsak ako. Hindi ko mae-enjoy ang bakasyon kung iyon ang laman ng  isip ko. At kung sakaling sumabit man ako, at least, isang bagsakan na lang.

"Hello, girl. Kamusta?" bungad niya nang sagutin ang phone.

"Ayos lang. Kamusta ang grades? PL pa rin?"

"Oo," nahihiyang sabi niya. Humble to,  eh. "Ikaw? Kailan mo bubuksan? Baka may bagsak ka, enrollment na ng mga may summer class ngayon."

Kinabahan ako bigla. Paano kaya kung may bagsak ako? Naku, sana naman wala. Kahit tres lang!

"Check ko na nga ngayon!" natataranta kong sabi.

"Okay, bye!" natatawa niyang sabi bago pinutol ang linya.

Inhale. Exhale. Relax. Hindi pa naman ako sigurado kung bagsak talaga pero kinakabahan na agad ako. Nakakatakot bumagsak. Nakakawala ng gana. Nakakahiya kay mama at papa.

"OMG!" sigaw ko nang makita ang grades. Agad kong tinawagan ulit si Les. "Les!"

"Oh, ano? Kamusta? Pasado ba?" sunud-sunod na tanong niya na para bang kinakabahan din siya para sa akin. "Hoy, ano na?" tanong niya ulit nang hindi ako magsalita agad.

"Pasang-awa," disappointed kong sabi.

I got tres. Close to failure. Medyo masakit pero ayos na rin kaysa sa hindi pasado. Pero masakit pa rin! Hindi pa ako nakakakuha ng ganito buong buhay ko. Ngayon pa lang.

"Iyan naman ang hiniling mo, ah?" biro niya, trying to light up the mood. "But at least, pasado! Ayos lang 'yan!"

Ang babaw naman ng luha ko. Ang saklap naman kasi talaga. Never akong nakakuha ng ganiyang grade noong elementary hanggang high school. Nakakahiya!

"Oh, nakasambakol 'yang mukha mo?" tanong ni mama habang nag-aayos ng pagkain sa lamesa.

Tumulong na lang ako sa ginagawa niya. "Wala."

"Ano nga 'yon?" pangungulit niya.

Kilala ko 'tong si mama, eh. Hindi siya titigil hangga't hindi siya nakakakuha ng matinong sagot. Kaya wala akong choice kung hindi umamin.

"May tres akong grado," mahinang sabi ko.

Wala na nga akong tulong sa bahay, ganoon pa ang grade ko. Nakakahiya sa kanila ni papa. Pinagbigyan na nga ako mag-apartment para hindi ako mapagod, tapos ganito pa ang resulta.

"Ano ngayon?" nakapamaywang niyang tanong. "May ganiyan din ako noon. College ka na. Natural lang ang ganiyan. Marami ka pang—"

"Ibabagsak?" dugtong ko.

"Marami ka pang pagdaraanan. At kung bumagsak ka, ano naman? Hindi naman nabawasan ang pagkatao mo."

Niyakap ko lang siya. Naiyak ako lalo. Feeling ko kasi hindi nila deserve na mapakitaan ng ganoong klaseng grado. Gusto ko lagi silang masaya.

"Ako nga puro palakol, eh," singit ni James. "Masarap kaya mag-DOTA, hindi puro aral lang."

Nagtawanan na lang sila dahil sa narinig. Siraulo talagang bata ito. Matalino naman kaso nawiwili sa laro. Buti nga ngayon ay medyo umayos siya. Siguro dahil nagm-mature na ang isip.

"Kaya 'wag mo stress-in ang sarili mo sa pag-aaral," sabi ni papa. "Ayos lang din na maranasan mong bumaba. Mahirap kasi kapag lagi kang nasa taas. Wala kang matututunan. Hindi mo mararamdamang panalo ka kung hindi ka pa natatalo.

It made sense. I'm so blessed to have this family. Hindi mayaman pero masaya. Ang understanding ng parents ko.

Mabilis na nagdaan ang mga araw. Sobrang busy talaga namin ngayong bakasyon. Nag-aayos ako ng mga orders nang makatanggap muli ako ng text mula kay Les.

From: Lesliana

Gala tayo? Please!

Ano kayang problema nito? Usually kasi nasa bahay lang siya. Kung bored 'yon, baka nandoon siya sa boyfriend niya dahil magkalapit lang sila ng bahay.

To: Lesliana

When?

"Anak, paki-check nga ng mga feedbacks sa page. I-promote pa natin lalo," utos ni mama.

Hindi na siya magkandaugaga sa dami ng orders, kaya balak na naman niya magdagdag ng tauhan. Saka na lang daw kami magbakasyon, kapag stable na ang shop at kapag gamay na ng mga tauhan ang trabaho.

"Ang sarap ng mga cakes lalo na ang tripple chocolate. Order ako ulit sa susunod."

"Hindi masyadong sweet kaya hindi nakakaumay ang ensaymada."

"Hindi gawang hangin ang cheese bread at cheesy na cheesy."

Iyan ang mga kadalasang nakikita kong naka-tag sa page. Dapat lang puro positive! Sarap kaya ng mga gawa ni mama. Walang dudang dinadagsa ang bake shop ngayon.

From: Lesliana

Ngayon. Nasa apartment ako.

"Ma," natataranta kong tawag kay mama.

"Oh, bakit?"

"Kailangang kong umalis ngayon," sabi ko. "Manila."

"Kailan ka uuwi? Tanghali na. Doon ka na lang din matulog dahil baka gabihin ka."

See? Napakaluwang niya sa amin. Hindi siya nagbabawal. Grabe talaga ang tiwala nila sa amin ni James. Kaya lumaki akong alam ang limitasyon ko.

"Ma, you're the best," sabi ko. "Puro positive pala ang feedbacks. Congrats, Sweet Dreams baker slush owner!" At hinalikan ko siya sa noo.

Nagmamadali akong lumuwas ng Manila. Medyo mahaba ang bakasyon namin dahil sa August pa yata mag-uumpisa ang klase. Inaaya ko nga sila Callie mag-beach kaso mga busy sa family reunions and such. Wala silang lakas dahil ang exhausting daw ng family reunion, which is true.

"Kainin mo muna 'yan," sabi ko sabay lapag ng chocolate dream cake sa harap niya. "Nakakagaan ng loob ang chocolate kaya kumain ka muna."

Halata kasing hindi siya okay. The bags under her eyes already spoke to her. Ano kayang nangyari rito? Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa.

Tiningnan niya akong mabuti. "Bar tayo?" habang walang ganang tinutusok-tusok ang cake sa harap niya.

"Madudurog 'yan. Kainin mo nang maayos," pag-iiba ko.

Hindi naman ako interesado sa mga bar na 'yan. Hindi pa nga ako nakakainom ng alak kahit isang beses, eh. Hindi dahil sa mabait ako, kung hindi dahil sa ayaw ko. Saka na lang siguro kapag kumikita na ako ng sarili kong pera.

"Gusto ko magpakalasing," naiiyak na sabi niya. "Hindi naman masama 'yon, ah?"

"I know."

"Porket umiinom, masamang tao na agad? Barumbado?"

I saw how her tears fell from her eyes, but it didn't make me agreed to her.

"Les, hindi naman gano'n. Alam mong hindi ako interesado sa ganiyan," mahina kong sabi.

Nakakahiya sa magulang ko kung pera nila ang pinanggagasta ko sa mga luho ko. Marami namang pwedeng gawin. But really, I'm not judging those people na laging laman ng inuman.

"Belle, nag-break na kami ni Edward," umiiyak niyang sabi. "Akala niya pinagpalit ko na siya. Hindi naman ako ganoong klaseng babae. Hindi ko naman siya niloko. Mali siya ng nakita."

Hinagod ko ang likod niya habang umiiyak siya. Hindi ko alam kung anong sasabihin. I never had a friend na umiyak dahil sa lalaki, o baka wala akong alam?

"Kahit anong paliwanag ko, hindi siya naniniwala. Hindi naman ako masama, eh. Mali siya nang nakita."

Niyakap ko lang siya. She looks broken or I must say, devastated. Parang kapag namali ka ng salita, mababasag siya nang tuluyan. Not that hindi pa siya basag ngayon.

"Hindi naman ako manloloko, eh," iyon ang paulit-ulit niyang sinasabi hanggang sa makatulog siya sa sofa, dahil sa pagod kaiiyak.

Naaawa ako sa kaniya. She looks different. Ibang-iba sa masayahin at mapang-asar na Lesliana. Hindi niya rin naman ikinuwento ang buong nangyari at ayaw kong makialam.

Ang alam ko lang, mahal nila ang isa't isa. The way they looked at each other na parang walang tao sa paligid nila. Their eyes even sparkled when they saw each other. Kapag nagyayakapan sila na parang sa kanila lang umiikot ang mundo. Kapag magkahawak ang kamay nila na para bang may iniingatan silang kayamanan sa palad ng isa't isa.

Saksi ako sa lahat ng iyon kasi third wheel ako simula nang tumapak ako sa university. Saksi rin ako kung paano sila madurog. Nakita ko kung paano nila sirain ang isa't isa—kung paanong nagwakas sila na puro galit at lungkot lang ang nararamdaman.

Nakita ko kung paano gumuho ang haligi ng pagmamahalan nila. Halos hindi ko na makilala si Lesliana.

Ganoon ba talaga ang kapalit ng pagmamahal?

Ganoon ba kalupit ang balik ng saya?

Kung puro sakit ang lungkot lang din sa dulo, hindi ko maintindihan kung bakit nagmamahal pa rin ang mga tao.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status