Ruthless 03: Trapped Inside

Denise’s P.O.V.

He was gritting his teeth while still holding his manhood. Halatang iniinda pa rin niya ang sakit base sa kanyang reaksiyon. Kahit anong pigil niya pa roon ay mukhang napalakas ‘yong pagkakatuhod ko.

Serves him right! Pero anong secret room ang sinasabi niya?

“Teka! A-Anong secret room ha? May pa-secret-secret room pa kayong nalalaman diyan. That won’t make you cool! Eww, ang dami niyong alam! Bitiwan niyo nga ako, ano ba?” sigaw ko.

Nagpupumiglas pa rin ako sa dalawang lalaking nakahawak sa akin pero patuloy pa rin sila sa ginagawa nilang pagkaladkad. Pakiramdam ko nga ay may sugat na rin ang dalawa kong mga paa sa paghapdi ng aking mga talampakan. Sana man lang ay may pakonsuwelo sila sa akin kahit tsinelas lang.

Pinipilit kong magpabigat ngunit para lamang akong lubid na kay-dali nilang hatakin. Ang ibang estudyante namang naroon ay tumatawa lang at hindi man lang ako tinutulungan... na para bang gustong-gusto pa nila ang nangyayari sa akin.

I rolled my eyes.

Wow, salamat sa pakiki-usyuso ninyo ha? Mga bwisit kayo! Kayo kaya ang kaladkarin nang ganito?

Dinala nila ako sa third building, which is the Engineering Building. Dito lang din kami galing kanina ni Michael. If I knew that this would happen to me, I should have stick with him. I was still barefooted, but it made me comfortable now knowing that I would be walking on tiles already.

“Saan niyo ba ako dadalhin? Ganyan ba talaga kayo ha? Sunud-sunuran lang sa utos ng kaibigan niyo?” tanong ko sa kanilang dalawa pagpasok namin ng elevator pero hindi man lang sila kumibo. “Hello? Are you mute?” tanong ko pero hindi pa rin sumagot ang mga mokong.

Dinala nila ako sa rooftop na nasa twelfth floor at nang marating ang pangatlong kwarto na naroon ay saka nila ako patulak na binitiwan papasok dito. Mabuti na lang talaga at sa malambot na kama tumama ang katawan ko.

Ito na siguro ’yong sinasabing secret room ng hudyo! Bakit may ganito sila rito? Ano sila, mga anak ng Diyos?

Agad nilang sinara ‘yong pinto at nang tumakbo nga ako para buksan ‘yon ay napag-alaman kong naka-lock na iyon. I needed to find my way out. Hindi ako pwedeng manatili lang dito!

“Buksan niyo ‘to, ano ba! Ano bang kailangan niyo sa akin ha?” sigaw ko habang walang tigil na kinakalampag ‘yong pinto at paulit-ulit na iniikot ‘yong doorknob. Pero asa pa ako dahil klaro namang wala silang balak na buksan ‘yon at palayain ako. Mga bwisit sila!

Ganoon pa man, hindi pa rin ako tumigil sa pagkalampag ng pinto. Habang may natitira pa akong lakas ay gagamitin ko ‘yon. Baka sakaling may ibang taong makarinig sa akin mula sa labas. Kung kaya ko lang sanang sirain ang doorknob nito ay ginawa ko na. Kung bakit naman kasi ngayon pa ako minalas!

Tumigil ako sa pagbayo ng pinto nang mapagod ako. Sumandal ako rito at mamayamaya lang ay dumausdos ang katawan ko pababa hanggang sa mapaupo na ako sa sahig, yakap ang dalawa kong tuhod.

“Teka, Engineering Building ‘to ha! Bakit may ganito silang kuwarto rito sa itaas? Ano ‘to, hideout nila? So may special treatment sila para magkaroon ng ganitong isolated room? At saka nasaan ba ang mga guro dito? ‘Yong dean? Imposible namang walang prof na nakakita sa akin habang kinakaladkad ako ng mga alipores ng gagong ‘yon!”

“At ano namang gagawin niya sa akin dito? Ikukulong niya ako at gugutumin hanggang bukas? Sino ba siya sa inaakala niya? Diyos na kailangang luhuran ng mga tao? Ang huli kong natatandaan eh siya ang may atraso sa akin tapos ako pa ‘yong ginaganito niya? Aba, matindi rin ang saltik niya sa ulo!”

“Bwisit na lalaking ‘yon—pumapatol sa babae! Bakla ata ‘yon eh. Ang kapal ng mukha niya! Hindi naman kayang makipaglaban sa akin ng one-on-one! Kung hindi dahil doon sa dalawang kaibigan niya eh hindi naman niya ako maaabutan. Letse siya! Duwag! Makalabas lang ako rito, yari talaga siya sa akin. Nakakairita, bwisit!” mahabang litanya ko sa sarili, habang umiikot pa ang aking mga mata sa tindi ng aking inis.

Tumayo ako. Nagsimula akong luminga sa paligid at maghanap ng pwede kong labasan pero kahit ang mga bintana ay naka-lock. Literal pa nga ang mga ito na naka-padlock! At kung nakabukas man, anong gagawin ko? Tatalon ako mula sa twelfth floor o rooftop?

Hay, ano ba naman kasing klaseng kuwarto ‘to? Wala man lang ventilation? Ano ’to, pinasosyal na bartolina? Kaloka!

Sa gitna ng kuwarto nakalagay ‘yong kama. May mobile drawer sa kaliwa nito na pinapatungan ng lampshade. Sa gilid ay may bintanang naka-lock at katabi niyon ay aircon. May mesa rin at dalawang upuan. May malaki ring cabinet sa may paanan ng kama. Katabi niyon ang isa pang pinto na tingin ko ay CR.

Nakaupo ako sa kama nang maramdaman kong biglang bumukas ‘yong pinto. Kahit hindi ako tumingin ay alam ko naman kung sino ‘yong pumasok. Malamang, walang iba kung hindi ‘yong hari ng mga hudyo!

“What do you want from me? I thought you don’t chase someone who’s ugly? Then why am I here?” tanong ko na hindi man lang siya tinitingnan. At the back of my head, ilang beses ko na siyang pinapatay. In my own illusion, ilang beses na rin siyang nagmamakaawa to spare his life!

“Yeah, I don’t chase ugly people... but I’d love to play with them. Anyway, wala akong kailangan sa’yo. As far as I remember, ikaw ang may kailangan sa akin!” arogante niyang sagot.

Dahil doon ay napatingin ako sa kanya. Naka-chin up pa talaga ang kumag. Naka-krus din ang mga braso niya sa tapat ng kanyang dibdib katulad kanina sa cafeteria.

“The hell I care with you! If you are talking about my shoes, iyong-iyo na ‘yon. Isaksak mo pa sa baga mo, wala akong pakialam! If I know, naiinggit ka lang sa high heels ko! Do you want to wear them? Aminin mo na... bakla ka kasi!” sigaw ko habang pinapatay siya ng mga tingin. “I remember you calling me a doll a while ago and now you’re telling me that you would love to play with ugly people? Let me remind you this... ang tunay na lalaki, hindi naglalaro ng barbie!” I chuckled.

He didn’t utter a word and that made me smile triumphantly. I guessed, I won over him!

Pero hindi pa pala tapos ang laban naming dalawa. Nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa—na parang gusto kong pagsisihan ang mga salitang binitiwan ko laban sa kanya.

Lumapit siya sa akin at marahas niya akong itinulak kaya napasandal ako sa headboard ng kama. Sa bilis ng mga pangyayari, wala akong nagawa. I was suddenly caught in the trap at wala na akong ibang aatrasan.

I slightly trembled when I realized what he was about to do. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang at walang paalam niyang inangkin ang mga labi ko.

Oh no! Why? Oh my God, my virgin lips! What the heck? He stole my first kiss! This is clearly sexual harassment!

Itinulak ko ‘yong dibdib niya pero hindi man lang siya natinag sa puwesto niya. Pinagbabayo ko pa ‘yon pero ako lang din ‘yong nanghina. Patuloy pa rin siya sa ginagawang pagsiil sa mga labi ko nang makaisip ako ng magandang ideya.

You want to play games with me, huh? Fine, I’ll give you a damn game you will never forget! Something you would wish you never played...

Seconds later, I seductively returned his kisses even though I didn’t know how to do that. Wala akong experience pagdating sa halikan. Basta ang alam ko, sinabayan ko lang siya. Naramdaman ko namang nabawasan ang pagiging agresibo niya, nang masuyo niya akong hinawakan sa dalawa kong balikat.

I also romantically held his head and nape to show him that I really succumbed to our deep kisses. I felt his excitement on what I did when I heard his short moans, most especially when I opened my mouth.

“Argh, what the fuck!” he cursed. Agad siyang lumayo sa akin habang hawak ‘yong ibabang labi niya.

I deceived him. Isa talaga akong mahusay na artista! Nagamit ko ang theatrical skills ko sa kanya.

Akala niya, ibinuka ko ‘yong bibig ko para papasukin ‘yong dila niya? Hell, no way! Ginamit ko ‘yong oportunidad na ‘yon para kagatin siya. Anong akala niya sa akin, tanga? Na makakalimutan ko na lang basta-basta ang lahat nang nangyari dahil lang sa bwisit na halik niya?

Bigla akong humagalpak ng tawa nang makita ko ‘yong itsura niya. “Oops, strike three! Can I borrow your dialogue, jerk? Masakit ba? Well, your reaction is indeed my pleasure... it’s priceless! You’re weak, fragile and breakable toy!”

“Bitch!” Iniinda pa rin niya ‘yong nasugatan niyang labi nang sabihan niya ako niyon, bago siya tumalikod.

“Call me whatever you want, I don’t fucking care at all! Look what I just did to you so don’t mess with this bitch, jerk! Try me, I can even sue you for sexual harassment...” I chortled with delight. Ang saya lang kasing makita na nasugatan ko ‘yong labi niya. It was a perfect achievement for me na makaganti sa kanya!

Kumuha siya ng maliit na puting tuwalya sa drawer ng cabinet para punasan ‘yong dumudugo niyang ibabang labi. Lumingon siya sa akin at pinapatay na niya ako ngayon sa ipinupukol niyang mga tingin sa akin. Nagulat pa ako nang patapon niyang binigay sa’kin ang isa pang tuwalyang maliit.

“Punasan mo nga ‘yang natuyong kape sa braso mo. Ang dugyot mo tingnan, kadiri ka!”

“Wow! Salamat sa concern mo ha, manyak! Natuyo na nga, ‘di ba? Paano pa mapupunasan? Tanga lang?” Nagkunwari na lang akong sinusunod ‘yong utos niya. “Kadiri daw pero kung makahalik sa mga labi ko, wagas!” pahabol ko pa.

Nang muli siyang tumalikod sa’kin para pumasok sa loob ng comfort room, sinamantala ko na ang pagkakataong iyon para tumakbo nang mabilis palabas sa pinto. At dahil nga nasa door knob pa ‘yong susi ay siya naman ang ni-lock ko sa loob.

You’re so clever, Denise! Great job!

Napapikit muna akong napasandal sa pader habang nakangiti. Pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hindi man lang siya natakot na ni-lock ko siya sa loob? Ni hindi man lang siya tumakbo sa pinto at pagbabayuhin ‘yon at magmakaawa sa akin para lang pagbuksan ko siya?

Why does it feel like something was wrong? As they said, never trust a silent person.

No matter what, he is still a...

“Jerk!” usal ko pagkatapos ay idinilat ko na ‘yong mga mata ko—only to be shocked to find out na ‘yong taong kinulong ko sa loob ng kuwarto ay nasa harapan ko na naman ngayon.

Paano nangyari ‘yon? I blinked my eyes pero hindi ako namamalik-mata lang. What the fuck! Bakit hindi ko siya naramdaman?

What is he doing here? What happened? How did he manage to escape? Shit!

His hands were placed at both of my sides, trapping me and making sure that I wouldn’t be able to escape this time. Ni hindi ko man lang nga makita ang napakagandang mountain view mula sa rooftop dahil nakaharang ang pesteng pagmumukha niya rito.

“Surprised to see me here? Well, it’s magic!” he whispered while flipping his thumb and middle finger, habang nakangisi na parang aso.

I tried to push him again but to no avail. Pagod na ako katutulak sa matigas niyang dibdib.

“Can I also borrow your dialogue, bitch? I’m not weak! At hindi ka makakaalis dito nang gano’n gano’n lang!” pagbabanta niya sa’kin.

And after he said that, he easily carried me in his arms na parang wala talaga siyang dala. Ipinasok niya akong muli sa kuwarto at pabagsak na inilaglag sa kama. Nabitiwan ko ‘yong susi ng pinto at agad naman niyang pinulot ‘yon.

“Ano bang kailangan mo sa akin ha? As far as I remember, ikaw ang may atraso sa akin!”

Kahit malambot ‘yong kama ay nanakit pa rin ‘yong likod ko pagbagsak ko roon. Bwisit!

“Sinadya mo akong buhusan ng coffee shake nang hindi ka man lang nagso-sorry! Bakit? Gaano ba kahirap ang magsabi ng sorry ha? And your friends just dragged me here like I was a piece of trash! Pinahiya niyo ako kanina sa campus, tapos ano? Ikukulong niyo ako rito? Isusumbong ko kayo sa dean, lalo ka nang manyak ka!” sigaw ko sa kanya.

Nasa tapat na siya ng pinto nang magsalita siya, “Hindi pa ako tapos sa’yo but to answer your question, I don’t say sorry sa mga taong nakaharang sa daan ko. I don’t want things to end in contrast with my plans and yes... you’re right, bitch! Ikukulong kita rito hangga’t gusto ko and no one can stop me! Not even the dean or the whole university admin. Oh, and before I forgot... wala akong pakialam kahit magsumbong ka pa sa mga pulis. I can even go with you to file a complaint!”

Bago ko pa siya mabato ng unan ay lumabas na siya ng kuwarto at padabog na isinara ‘yong pinto.

“Hay, bwisit talaga! Pasalamat siya, Sabado ngayon at wala pang klase pero kahit pa, hindi pwedeng manatili na lang ako rito nang hindi man lang ako gumagawa ng paraan para makalabas. Paano kung hindi niya pa rin ako palabasin bukas? Teka, saan kaya dumaan ‘yong kumag na ‘yon kanina at ang bilis niyang nakalabas?” Kausap ko ‘yong sarili ko. Kailangan kong gumawa ng paraan para makalabas ako rito.

Isang oras na akong naghahanap ng pwede kong labasan pero wala pa rin akong makita. Kundangan ba naman kasing hindi ako nagdala ng cell phone, eh ‘di sana, na-contact ko na si Michael dahil hindi ko pa naman alam ang cell phone numbers ng mga roommate ko! Inisip ko na lang tuloy na baka may secret tile na pwedeng buksan dito.

Inisa-isa kong talunan bawat tiles pero bigo ako. Pinuntahan ko rin ang CR pero shower, bath tub at toilet lang naman ang nakita ko roon. Kinuha ko na lang tuloy ang medicine kit na naroon bago ako bumalik sa kama. Saka ko ginamot ang mga sugat ko sa paa. Mahirap na, baka ma-infect pa.

Tiningnan ko ‘yong relo ko. Alas-kuwatro na ng hapon. Nainis lang ako lalo nang maalala kong hindi ko pa pala tapos ayusin ang mga gamit ko sa dorm. Actually, wala pa talaga akong nasisimulang ayusin dahil tinabi ko lang naman ang mga bagahe sa kama ko.

Kumusta na kaya sila Jacqui, Princess at Margaux? Hinahanap kaya nila ako? Nag-aalala kaya sila sa akin? Si Michael kaya?

Sana talaga ay hindi na lang ako lumayo sa kanya kanina. Sana ay pinayagan ko na siyang panindigan ‘yong pagna-knight in shining armor niyang eksena... eh ‘di sana, hindi ko nakasalubong ‘yong letseng manyak na ‘yon sa daan. Nasa dorm na sana ako ngayon at nagpapahinga.

Dahil sa maaga akong gumising kanina dahil bumiyahe pa kami ni Ate Diane ng tatlong oras mula Quego del Mar hanggang Le Sora ay talaga namang inaantok ako sa araw na ito. That’s why I decided to occupy the bed and take a doze. Tutal naman ay nakakulong ako rito at mapapagod lang ako sa kaiisip kung paano ako makalalabas, might as well rest and treat this room as today’s accommodation.

But I guessed, a light sleep turned into a deep oblivion as I was taken immediately to the best place of fantasy. I guessed, I wouldn’t trade this for anything else.

Masaya kaming naghahabulang dalawa sa lugar kung saan mayroong napakarami at naggagandahang mga bulaklak. Everything was so refreshing na parang wala kaming problema.

It was ironic that I didn’t feel any pain in my heart. Maybe because everything wasn’t in reality. But if dreams are way far better, who would want to wake up? Who would want to feel the same heartaches all over again?

The cool breeze kept on lingering in my skin and everytime he calls for my name sent shivers throughout my body. I had been always asking for this dream to come and it just happened today so I didn’t want this to end.

But not until someone interrupted the scene. A man without a face suddenly held my wrist as he was about to separate us.

No, I didn’t want to be awakened yet. I still wanted to be with him.

Not now, please... let me stay on this dream.

“Carlos...” I whispered while trying to reach his blurry image away from me. Aaminin kong hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakaka-move on sa ginawa niya sa akin. Hindi ko pa rin matanggap na kaya niya palang gawin ‘yon sa akin.

When I woke up, this had been the best feeling ever. I guessed, ito na talaga ang pinakamasarap na gising ko and I had never been this comfortable all my life! It seemed like the refreshing scent of flowers from my dreams literally followed me in reality.

I then opened my eyes and looked at the ceiling. But wait...

Wala ako sa kuwarto ko sa bahay at lalong wala ako sa ilalim ng double-deck bed namin sa dorm. Plus the fact that someone was hugging me tightly around my waist made me realize na hindi ako nag-iisa lang sa kuwartong ito. For that, I slowly looked at my left side and shock occupied me all throughout!

Buong lakas ko siyang sinigawan at itinulak... dahilan upang bumagsak siya sa sahig.

“Damn you! What did you just do to me, pervert?”

DMCA.com Protection Status