PERSEPHONE: The Queen of Underworld
PERSEPHONE: The Queen of Underworld
Author: Gin-yel
PROLOGUE

Bumukas ang pinto ng isang malaking box na parang elevator kung nasaan ako. Hawak ko ang isang capsule. Ito ang patunay na naimbitahan akong pumasok sa Underworld.

Ang Underworld ay bahagi ng SU o Secret University kung saan ako nag-aaral. Ilang araw pa lamang ang nakalipas nang magsimula akong mag-aral sa SU ay nakatanggap na agad ako ng imbitasyon. Tinanggap ko ang invitation dahil wala naman akong karapatang tumanggi. Wala akong idea kung bakit ako naimbitahan. Hindi ko alam kung anong potential ang nakita nila sa akin.

Seryoso lang akong nakatingin sa mga estudyanteng sumalubong sa akin. Isang babae sa harapan ang umagaw sa atensyon ko. Malawak ang ngiti sa kaniyang mga labi habang nakatingin sa akin. Kumaway s’ya nang mapansin n’yang nakatingin ako sa kaniya. Pansin ko na malayo ang pagitan n’ya sa ibang mga estudyante.  Special treatment? Ano naman ang mayroon sa kaniya?

Inalis ko na ang tingin ko sa kaniya. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid bago ako tuluyang lumabas sa malaking box. Pagkalabas ko ay agad naglaho ang box. Wala man lamang itong iniwang kahit na anong bakas.

“Welcome to Underworld, Persephone.”

Sabay-sabay nilang sabi. Wala akong naging reaksyon sa ginawa nila.

Hindi na ako magtataka kung bakit alam na nila ang pangalan ko kahit hindi pa ako nagpapakilala. Ibang-iba ang lugar na ‘to. Pakiramdam ko ay nasa ibang bahagi ako ng mundo. Kitang-kita ko sa mga mata nilang lahat na minamaliit nila ako. Base na rin sa kakaibang ikinikilos nila. Muli kong ibinaling ang aking tingin sa babaeng nasa harapan. Malawak pa rin ang ngiti sa kaniyang mga labi. Tiningnan ko ang mga mata n’ya. She’s different.

Nagsimula nang mag-alisan ang mga estudyante at bumalik na sa kaniya-kaniya nilang room.

“Hi.”

Lumapit s’ya sa akin.

“I’m Shana… ate Shana.”

Inilahad n’ya ang kaniyang kanang kamay. Tinitigan ko lamang ito. Inabot n’ya naman ang kamay ko.

“… at dahil nakipagkamay ka sa akin, magkaibigan na tayong dalawa.”

Nakangiting sabi n’ya. Hinayaan ko na lamang s’ya.

“Ihahatid na kita sa magiging cell mo rito sa Underworld.”

Tinalikuran na n’ya ako at nagsimula na s’yang maglakad. Sumunod naman ako sa kaniya. Nanatili lang ako sa likuran n’ya.

“Cell?”

Pagtatanong ko.

“Yup.”

Sagot naman n’ya nang hindi tumitingin sa akin. Diretso lang s’ya sa kaniyang paglalakad.

“Cell ang tawag sa mga rooms. Anong stage ka pala?”

“First year.”

Maikling sagot ko.

“Stage 1 ka.”

Hindi na s’ya muling nagtanong. Tahimik lang kaming naglalakad. Habang naglalakad kami ay napapansin kong tumatabi ang mga estudyante sa dinaraanan ni a-ate Shana. ‘Yong iba ay yumuyuko pa sa kaniya na para bang nagbibigay galang. Kahit na nagtataka ako ay mas pinili ko na lang na manahimik.

“We’re here.”

Tumigil kami sa isang building.

“Dito ang building ng mga stage 1. Simula ngayon, dito ka na rin titira. Mayroon kang sariling floor sa building na ‘to.”

Tiningnan ko ‘yong building. Tatlong kulay lang ang mayroon sa mga building dito sa Underworld… puti, pula at itim.

“Basahin mo ‘yong mini book na nasa kwarto mo. Maraming information ang nakalagay doon. Ngayon naman ay sasamahan kita sa class roo—”

Naputol ang sasabihin ni ate Shana nang may biglang tumunog.

“Queen Shana, please proceed to President’s office now.”

“Q-Queen Shana?”

Pabulong na tanong ko.

“Kailangan ko na pa lang umalis. Gusto pa sana kitang samahan kaso pinapatawag na ako ni Mr. Han. Nasa building 5 ang mga classrooms. See you tomorrow.”

Ngumiti s’ya sa akin bago tuluyang naglakad paalis. Huminto s’ya sa ‘di kalayuan at lumingon sa kinaroroonan ko. Kumaway s’ya sa akin. Pagkatapos ay tumalikod na s’ya ulit at umalis.

Ibinaling ko ang tingin ko sa building. Huminga ako nang malalim bago tuluyang pumasok sa loob. Ano kaya ang magiging kapalaran ko sa lugar na ito?

Pagkapasok ko sa loob ng building ay dumiretso agad ako sa information board na naka-display sa gilid kung saan madali lang makikita ng mga papasok.

Ang bawat building dito sa Underworld ay mayroong 20 floors at bawat floor ay pagmamay-ari ng isang estudyante. Hindi kasama sa bilang ang ground floor. Provided na rin ng Underworld ang basic needs namin.

Ang pagmamay-ari kong floor ay ang tenth floor. Paalis na sana ako nang may umagaw sa atensyon ko.

“Top ten strongest students.”

Mahinang basa ko.

Si ate Shana ang top 1. Ibig sabihin s’ya ang pinaka malakas dito sa Underworld. Ngayon alam ko na kung bakit tinatawag s’yang ‘Queen’ at kung bakit ganoon na lamang ang trato sa kaniya ng mga estudyante.

Pagkarating ko sa tenth floor ay agad kong hinanap ‘yong mini book na sinasabi ni ate Shana. Natagpuan ko naman ito sa ibabaw ng kama. Nandito na rin sa kwarto ang mga gamit ko. Kumpleto na ang lahat nang kailangan ko sa floor na ‘to. Umupo ako sa kama at inumpisahang basahin ang mga nakalagay na information sa mini book.

Ang Underworld ay paaralan na puno ng karahasan. Malaya ang bawat estudyante na pumatay ng kapwa nila estudyante. Sa lugar na ‘to bawal ang mahina. Dapat ay handang makipaglaban ang bawat isa sa anumang oras.  Isang rule lang ang dapat na sundin, ‘Bawal ang tumakas’. Kapag hindi sinunod ang rule, kamatayan ang naghihintay na kapalit.

Sa ilang linggong pananatili ko rito sa Underworld ay naging malapit ako kay ate Shana. Ibang-iba s’ya sa mga estudyanteng nandito. Hindi n’ya ipinaramdam sa akin na s’ya ang ‘Queen’.

Nakaupo ako malapit sa stage kung saan kitang-kita ko ang laban sa pagitan ni ate Shana at Moro na isa sa mga tauhan ng president. Mahalaga ang araw na ito para kay ate Shana. Kapag kasi natalo n’ya si Moro ay maaari na s’yang umalis dito sa Underworld. Gusto kong manalo s’ya para makita n’ya na ang kaniyang pamilya. Malulungkot ako kapag aalis na s’ya, pero mas magiging masaya ako para sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa isang iglap lang ay hawak na ni Moro ang braso ni ate Shana. Walang pag-alinlangan na iniikot ni Moro ang braso ni ate Shana na naging dahilan nang malakas n’yang pagsigaw. Kita ko ang sa mga mata ni Moro kung gaano n’ya ka-gustong patayin si ate Shana.

Napatayo ako sa aking pagkakaupo dahil sa pagpapahirap na ginagawa ni Moro kay ate Shana. Nakaramdam ako ng init na dumadaloy sa buo kong katawan. Unti-unti akong kinakain ng galit na nararamdaman ko dahil sa aking nasasaksihan ngayon. Nang tuluyang sakupin ng galit ang puso at buong pagkatao ko ay bigla na lang naging kulay pula ang buong paligid.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status