Share

Hiding The Billionaire's Son
Hiding The Billionaire's Son
Author: MissBangs001

HTBS 01:

Lilac

"Lilac?"

Napatigil siya sa paglalakad nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Ilang taon man ang lumipas ngunit di pa rin niya makakalimutan ang boses ng lalaking minahal niya noon.

Mula sa pagkakayuko ay tumingala siya at nakita niya itong nakangiti sa kanya. Walang emosyon niyang pinagmasdan ang binata. Hindi niya kayang makipag-plastikan rito, lalo na at nasasaktan pa rin siya tuwing naiisip ang nabasa niya nang nagdaang araw. Ikakasal na ito sa babaeng, ipinalit sa kanya noon.

Umiling siya at di na nagsalita na umiwas rito, wala na siyang balak pa na kausapin ito. Wala na sila dati pa, tinalikuran na siya nito noong mga panahon na kailangan niya ito.

"Lily sorry," saad nito.

Tumibok ng mabilis ang puso niya nang marinig ang sinabi nito. 'Lily', pagak siyang natawa nang marinig muli ang pangalan na tinatawag nito dati sa kanya. Hindi niya ito nilingon at nagpatuloy na sa paglalakad, liliko na sana siya sa eskina para makalayo na rito nang biglang may humawak sa braso niya.

"Lily, please, gusto ko lang na humingi—"

Iniwaksi niya ang kamay nito na nakahawak sa kanya. Nag-iinit ang katawan niya sa galit na nararamdaman para rito. Kunot ang noo na binalingan niya ito ng tingin, ngumisi siya nang makita itong malungkot ang mukha.

"Sorry for what? For leaving me? For wasting my six years being your bestfriend? Four years being your girlfriend and another two years being your number one supporter? Tell me, why are you sorry Szellous Veron Dela Vega?" diniinan niya ang bawat salitang ibinibigkas.

Di maipinta ang mukha nito nang marinig ang mga sumbat ko sa kanya. He scratch the back of his head using his left arm. I smirk, this is what he usually does when he's frustrated and can't explain or utter the words in his mind.

"Speechless? Stop bugging me Seve, you have your new life now. Please don't cheat on her, you love her right? That's the reason why you left me. I hope this is the last time, we'll see each other."

Ramdam ko ang pamamaos ng boses ko dahil sa luhang pinipilit kong pigilan. Iyon ang pinakahuli niyang gustong mangyari, ang makita siya nitong nasasaktan dahil dito.

Hindi naman siya hinabol ng binata, kaya tuluyan na siyang nakabalik sa kanyang kotse. Pagkasakay pa lamang niya ay agad naman na tumunog ang cell phone niya.

"Yes, secretary Jo? Sino daw? Sabihin mo na huwag siyang mag-eskandalo diyan at nakakahiya sa fiancee niya," mariin kong sabi sa aking sekretarya.

Pinatay ko rin agad ang tawag at nagmaneho na patungo sa kompanya. Di niya maintindihan kung bakit ang bilis kumalat ng balita, kahit simpleng pag-uusap namin ni Seve, ay ginagawan ng kung anong isyu.

--

"Jonnalyn Bartolome right—"

Di ko pa natatapos ang sinasabi ko ay agad na ako nitong sinampal. Limang taon kong ginapang ang posisyon na'to para di na ako maapi ng mga taong matataas ang tingin sa sarili, tapos sasampalin lang ako ng babaeng to sa harap ng mga tauhan ko?

"Don't you dare touch my boyfriend! Seve is mine, I don't care if you are one of those respected crazy rich asians—"

I tsk, and look at her, note she's pathetic! don't stoop down to her level. Nakita ko ang kamay nito nasasampalin na naman ako, ngunit hindi ko iyon sinalo, hinayaan ko lang na tumama sa pisngi ko, dahil may iba akong plano. I want them to crawl and say their sorry for what they did to me, five years ago.

Malakas ang pagkakasampal nito na naging dahilan ng pagtagilid ng ulo ko. I smirk, at hinawi ang buhok ko dahil natatabunan na ang mukha ko.

"Akala ko ba inaalagaan ng mga Dela Vega ang imahe nila? Bakit nandito ka ngayon at nakikipag-away sa walang kabuluhang isyu? Are you threatened? Seve's girlfriend is threaten uwu!" Pang-aasar ko rito.

Naningkit naman ang mata nito, naiinis na ata sa mga pinagsasabi ko.

"Remember that I am a Dela Vega, Seve is my fiancé. You're just a trash he throw years ago."

Ngumisi ako kahit nasasaktan na sa sinabi nito. Trash who? lumapit ako dito, sobrang lapit na tanging siya lang ang makakarinig ng susunod kong sasabihin.

"Paano kapag malaman mo na may sekreto ako at ang pinakakamahal mong Seve."

Mabilis akong tinulak nito ngunit di ako nagpatinag, hinawakan ko ang balikat nito para pumirmi siya sa kanyang kinatatayuan. Naiinis na rin ako kakagalaw nito, ang ingay parang ibon na di alam kung saan papatong.

"Makinig ka kasi Miss Bartolome, baka magsisi ka kapag di mo ako pinakinggan."

Nanigas naman ang katawan nito, wala akong pakialam kahit atakihin pa siya sa puso dahil sa marinig. Sinira nila ang buhay ko, tinawanan nila ako dati na para bang hindi ako tao at ngayon na kaya ko ng paikutin ang mga tao dahil sa perang hawak ko, ay di ako titigil hanggat di ko mapapabagsak ang mga taong sumira sa akin noon.

"What are you talking about?"

"Seve's is—"

"Mama!"

Ngumisi ako at tiningnan ang batang papalapit sa akin. Nakangiti pa ito habang dala-dala ang bag, binalik ko ang mata kay Jonalyn na nakanganga at di makapaniwala sa nakikita.

"Surprise?" natatawa kong basag sa katahimikan nito. Hindi naman siya makapaniwala na nakatingin lang kay Laszell.

"No. No way!"

Nanlaki ang mata ko nang mabilis nitong nilapitan ang bata at tinulak iyon.

"F*ck!" mura ko, at mabilis na dinaluhan si Laszell na umiiyak.

Marami na rin ang kumukuha nang litrato dahil sa ginawa nito. Yan nga, sirain mo pa ang pangalan ng mga Dela Vega.

"What the f*ck! Bata yan Miss Bartolome, maaari kang makasuhan n'yan," nakataas kilay kong pananakot dito. "Fiancé ka pa naman din ni Seve, anak ng mga Dela Vega. Hindi ka na nahiya Bartolome. Mag-isip ka muna bago gumawa ng aksyon na ikakasira ng taong malapit sayo."

Binuhat ko na si Laszell na humihikbi pa rin, at iniwan na si Jonalyn na nakatulala pa rin. Nakangisi ako habang papasok sa opisina ko, ibinaba ko naman kaagad ang bata na tumahimik na. She's Laszell Lin Jose, my cousin's child.

"Tita okay lang po ba ang acting ko?"

Napangisi ako habang tumatango, napatingin ako kay Cross na umiiling at di makapaniwala sa ginawa ko. Napanuod na siguro nito sa CCTV ang ginawa ko, pero wala akong pakialam sa opinyon nito. Makita ko lang lumuha ang mga taong nagpapahirap sa akin noon ay masaya na ako.

"Paano kapag aakalain ni Seve na anak mo si Laszell? alam mo naman ang kapangyarihan ng mga Bilyonaryo na iyon, Lilac! Kinuha na ni Craige ang mapapangasawa ko, ayaw ko naman na pati kayo ay mapahamak dahil diyan."

Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni Cross at umiling, hanggang ngayon ay di niya pa rin nakakalimutan si Aleister. Well maganda at mabait naman talaga si Aleister kaya matagal itong makalimutan.

"Paano kapag nalaman niya ang tungkol sa totoong anak ninyo?" mariin nitong tanong.

Napatulala ako sa sinabi nito, di niya hahayaan na mangyari iyon. Veron Lucas, is mine. Kahit na itago niya ito habang buhay para di makuha sa kanya ng mga Dela Vega ay gagawin niya.

"Mommy!"

Napangiti siya nang makita niya ang anak na lumabas sa maliit na kwarto sa kanyang opisina. Kakagising lang nito kaya magulo pa ang buhok nito, kamukhang-kamukha iyon ni Seve kaya hindi niya ito pinapalabas ng mag-isa at baka magkasalubong ang dalawa sa daan.

"Lucas," tawag niya rin sa pangalan nito.

Magli-limang taon na ito, at minsan hinahanap na sa kanya ang ama nito, ngunit wala siyang balak na ipakilala rito ang lalaki.

Hinalikan niya sa noo ang anak nang makalapit na ito sa kanya.

"Pumunta po dito kanina si Daddy Trayne, mommy," masayang pahayag nito. Itinaas pa nito ang dalawa niyang kamay para magpabuhat sa akin.

Si Trayne ang tumulong sa akin na bumangon noong panahon na hindi ko na kayang tumayo gamit ang dalawa kong paa. Ito na rin ang tumayong ama ni Lucas.

"Masaya ka ba kay, Daddy Trayne? Naglaro ba kayo?" Hinawakan ko ang aking baba at nag-isip ng pwedeng sabihin dito. "Nagpabili ka na naman ba ng mga chocolates kay Daddy Trayne?"

Humagikhik ito sa aking huling tanong at sunod-sunod na tumango.

"Sorry, mommy. Isang Kitkat lang naman po ang binigay ni Daddy."

Malakas itong tumawa nang kiniliti ko siya, tinaas pa nito ang dalawang kamay para sabihin na suko na siya. Tumigil lamang ako nang may narinig akong nagsalita sa aking likuran.

"Pwede ba akong sumali sa laro ng mag-ina ko?"

Boses pa lang nito alam ko na si Trayne iyon. Sa limang taon naming pagsasama, ay kilalang-kilala na namin ang isa't-isa.

"Trayne," mahinang tawag ko sa pangalan nito.

Inisang hakbang naman nito ang pagitan namin at dinampian ng halik ang aking noo. Pagkatapos noon ay lumuhod naman ito para kay Lucas.

"Wala ka pong work, daddy?" tanong ni Lucas dito.

"Bumalik lang ako saglit, namiss ko kayo ng mommy."

Tumingala pa ito sa akin at ngumiti. Tumawa lang ako rito at pinitik ang kanyang noo. Masaya na ako sa pamilya ko ngayon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status