Share

HTBS 05:

Lilac

Pagkauwi ko sa bahay ay bumungad sa akin ang malapad na ngiti ni Mamay. Alam nito ang relasyon ko kay  Seve, kaya ganito nalang ang reaksyon niya.

"Anak okay ka lang ba? Umiiyak ka ba? May masakit ba sayo?"

Inisang hakbang ko ang distansya namin ni Mamay at niyakap ito nang mahigpit.

Walang salitang lumalabas sa aking bibig, pero nagkakaintindihan kami.

Naiitindihan nito ang sakit na nararamdaman ko ngayon, lumakas ang iyak ko habang nakasubsob sa may dibdib ni Mamay ko.

"Mamay, hindi pa po ba ako sapat? marami po bang pagkukulang sa akin?" parang bata na tanong ko rito.

Hinaplos nito ang aking buhok, para pakalmahin ako ngunit di ko matigil ang bugso ng aking damdamin. Mas masisiraan ako ng bait kapag hindi ko nailabas ang bigat na nakadagan ngayon sa aking dibdib.

Hindi ko dapat sinasabi ang mga ito kay Mamay dahil may sakit siya sa puso, pero wala naman akong mapagsabihan na iba.

Di ako makapaniwala na ang taong iningatan, pinagkatiwalaan at inalagaan ko sa loob ng sampong taon, ay nagawa akong lokohin at gamitin. Pinagkatuwaan nila ako, masaya siguro sila dahil umiiyak ako ngayon.

"Huwag kang mag-isip ng ganyan Lilac, ikaw ang pinakamabuting tao na kilala ko. Handa mong ibigay ang lahat mapasaya lang ang taong mahal mo."

Iniling ko ang ulo ko habang umiiyak. Kung tama ang sabi ni Mamay, bakit nandito ako ngayon sa harapan nito at pinapatahan niya?

"May, hindi po ako umiiyak ngayon kong perpekto ako, kung mabuti akong tao. Kung hindi lang sana ako nagkulang, si-siguro hindi niya ako iniwan ngayon, siguro may, nasa tabi ko pa po si Seve hanggang ngayon."

Nauutal ako dahil sa pag-iyak, ngumiti sa akin si Mamay at tinaas ang aking ulo, para magkasalubong ang tingin namin.

"Hindi ko sinabi na perpekto ka, Lilac, dahil lahat ng tao nagkakamali. Ang akin lang ay huwag mong ibaba ang sarili mo dahil sa isang tao. Hindi sila ang huhusga sayo, kung binitawan ka man nila hindi mo kasalanan iyon. Alam mo kung bakit?"

Mahina na ang aking paghikbi habang nakikinig kay Mamay. Hinaplos nito ang pisngi ko na nagpagaan sa aking pakiramdam.

"Binitiwan ka niya dahil alam niya na di niya kayang hawakan at pangalagaan ng matagal ang isang bagay na malaki ang halaga. Alam niyang hindi siya nararapat sa tunay na pagmamahal mo."

"May, buntis po ako," singit ko sa sinasabi niya.

Ngumiti naman ito kaagad at hinaplos ang aking tiyan. Maswerte ako at si Mamay ang naging ina ko, ang inang palaging nandyan sa tabi ko.

"Little Angel, gabayan mo palagi ang mommy mo. Huwag mo siyang pahirapan ah?"

Tumawa ako sa sinabi ni Mamay at niyakap ito nang mahigpit.

"May, sasama po sana ako kay Trayne papuntang Korea, gusto ko po na doon na tayo tumira. Gusto ko po na kalimutan ang lahat sa lugar na ito," pagpapaliwanag ko kay Mamay.

Walang tanong na tumango ito at dinala ako sa kwarto para mag-empake.

"May isa lang akong gustong malaman mo, Lilac. Katulad mo marami rin kaming pagsubok na dinaanan ng Papay mo bago kami ikinasal, kaya kung may taong babalik sa buhay mo at mahal mo pa rin. Hayaan mong papasukin ulit ito, at sa pangalawang pagkakataon na iyon huwag matakot na lumaban kung ano ang para sayo, naiitindihan mo?"

Tumango ako sa mahabang lintanya ni Mamay, at tinulungan na ito sa pag-eempake. Nagkatuwaan kami roon nang may marinig kaming katok sa pintuan.

"May bisita ka May, baka si Seve po!"

Masayang tumawa si Mamay at hinawakan ako sa braso papunta sa may pintuan. Bumalik si Seve, alam ko na di ako nito pababayaan. Tatanggapin ko pa rin siya kahit na may mga sekreto itong tinatago dati.

"Hi! Lilac."

Hinawakan ko ang kamay ni Mamay, nang biglang pumasok ang ina ni Seve. Nakangisi ito na pumasok sa loob ng bahay namin.

"Anong kailangan niyo sa amin Madame Luxin?" malamig ang boses na tanong ko dito.

Malakas itong tumawa at tinulak ako. Alam kong hadlang siya sa pagmamahalan namin ni Seve, pero di naman niya kailangan pumunta sa pamamahay namin.

"Alam mo bang pinaikot ka lang ng anak ko, para bumalik sa kanya si Jonalyn at makuha niya ang mana sa kompanya. Look at this!"

May mga larawan itong hawak at ipinalipad iyon sa ere. Mabilis ko itong kinuha nang lumapag ito sa sahig. Nanginginig ang kamay ko habang nakatingin sa larawang iyon. Litrato namin iyon ni Seve habang nagtatalik, gusto kong magwala dahil dito pero na-estatwa ako sa sakit na aking nararamdaman.

"Ipinasa niya yan kay Jonalyn para magselos ito, at ang nakakatawa pa noon ay hinayaan niya lang na makita ng ibang mga tao ang hubad mong larawan. Sabi ko naman sayo hija, ang mga pulubing tao ay dapat lang sa pulubi. Wag ng maghangad ng mga taong katulad namin na nasa mataas na esta—"

Hindi na nito natapos ang sasabihin, dahil malakas itong sinampal ni Mamay sa mukha, tumabingi iyon at nahihirapan na ibalik sa dati.

"Ang hayop mo! Wala kang kasing-sama, hindi mo madadala ang kayamanan mo sa impyerno. Umalis ka dito sa pamamahay ko kung ayaw mong kaladkarin kita palaba--"

"Mamay!" sigaw ko nang bigla itong bumagsak sa sahig habang hawak-hawak ang dibdib.

Hinawakan ko ang damit na suot ni Madame Luxin para tumawag ito ng ambulansya, ngunit malademonyong tawa lamang nito ang aking narinig.

"Mamamatay na ba ang ina mo? Hayaan mo siya matanda na yan. Mas mabuti na iyong wala kang ibang iisipin kundi ang sarili mo."

Napakagat ako sa aking labi para magtimpi, kailangan ko ang tulong nito. Sa ngayon ay magpapakumbaba ako para sa ina ko, para mabuhay si Mamay.

"Tulungan niyo po ang Mamay ko, Madame Luxin. Tumawag po kayo ng ambulans—ahh"

Sinipa ako nito sa balikat kaya nawalan ako ng balanse at nabitawan ko ang damit nito. Napahawak ako kaagad sa aking tiyan, natatakot na baka pati ang anak kong walang malay ay masaktan dahil dito.

"Darating ang araw na ikaw ang luluhod sa harap ko, para humingi ng tulong at kapag nangyari iyon ay walang salita kitang tatalikuran."

Tumawa ito at tuluyan na kaming iniwan ni Mamay. Nanlalaki ang mata ko nang makita ang dugo na umaagos sa aking hita at ang tingin ni Mamay sa akin na namamaalam.

---

"Mamay!"

"Lilac, what happen?"

Hinahabol ko ang aking paghinga nang magising ako. Isa na namang masamang panaginip, hindi isa na namang masamang alaala ng nakaraan. Nasa harapan ko sila Trayne at Lucas, na may parehong ekspresyon ang mukha.

"Mommy, okay ka lang po? Bakit ka po umiiyak? May nightmare ka na naman po ba?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Lucas.

Tumango ako at niyakap ito nang mahigpit, pagkatapos ay inilibot ko ang aking tingin. Nasa kotse pa rin pala kami ni Trayne, hindi ko man lang namamalayan na nakatulog ako.

"Si Nay Iska na naman ba ang napanaginipan mo?"

Binitawan ko muna si Lucas at tumango kay Trayne bilang sagot sa tanong nito. Dahil sa ina ni Szellous ay inatake sa puso si Mamay, namatay ito dahil sa babaeng iyon at isinusumpa ko na magsisisi ito sa ginawa niya.

"Calm down, Lilac, tapos na iyon. Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo."

Naramdaman ko ang kamay ni Trayne sa nakakuyom kong kamao. Hindi ko man lang naramdaman ang sakit nang pagkakadikit ng aking mga kuko.

"Hindi ko yun makakalimutan Trayne, at hindi ko hahayaan na mananatili silang masaya sa taas," saad ko. "Nandito na ba tayo? let's go," pagbabago ko sa aming usapan.

Nauna na akong bumaba at umikot para pagbuksan ng pintuan si Lucas. Lumapit naman kaagad sa amin si Trayne at hinapit ang bewang ko.

"Daddy Trayne, ang higpit naman po ng yakap mo kay mommy."

Sabay kaming tumawa ni Trayne sa sinabi ni Lucas. Binitawan nito ang bewang ko at binuhat ang bata. Pagkatapos nitong maayos ang anak ko sa pagkakabuhat ay ako naman ang binalingan nito. Tinaasan ko siya ng kilay, ngumiti lang ito at hinawakan ang aking kanang kamay.

"Dapat lang bantayan natin ang mommy mo Lucas, baka may umagaw na iba."

Nilagay naman ng huli ang kamay sa kanyang noo, iniintindi ang sinabi ng daddy nito at nag-thumbs up dito. Ginulo ko ang buhok nilang dalawa at hinila na sila papasok sa loob.

"Good afternoon po, Ma'am and Sir."

Ngumiti ako sa batang babae na sumalubong sa amin. Kasing-edad lang ito ni Lucas kaya alam niya ito yung pinag-uusapan nila kanina.

"Lucas—"

"Mommy!"

Inilagay nito ang maliit na daliri sa aking bibig para patigilin ako sa pagsasalita. Tumawa naman ako sa kanya at tumango rito.

"Yes sir!" nakangiti kong sang-ayon sa kanya, bago binalingan ulit ang batang babae.

"Anong name mo?"

Malapad itong ngumiti at pinahid ang kamay niya sa may damit nito, bago iyon inilahad sa akin.

"Mayumi Fernandez po ma'am."

Inabot ko naman kaagad ang kamay niya. Namumula naman ang mukha ni Lucas habang nakatingin kay Mayumi.

"Mayumi, two cookies and cream, atsaka isang french vanilla. Table seven lang kami baby girl."

Tumango-tango ito at lumapit sa isang magandang babae.

Masayang kumakain si Lucas nang biglang hinawakan ni Trayne ang kamay ko. Tiningnan ko siya ng may pagtataka dahil sa ginawa nito.

"Nandito ang ex mo"

Nanigas ako nang marinig iyon, hindi niya pwedeng makita ang anak.

"Lucas, pwede bang umuwi na tayo? Sumasakit na kasi ang ulo ni Mommy."

Nag-aalala siyang tumingin sa akin at inilagay ang kamay niya sa aking noo. Kahit kinakabahan ako ay napangiti pa rin ako sa ginawa nito.

"Tara po Mommy para makainom ka agad ng gamot," nag-aalalang sabi nito.

Tumango ako at lumapit sa kanya, nilagay ko sa ulo nito ang sumbrero na ibinigay sa akin ni Trayne. Buhat-buhat ko si Lucas at naglakad na patungo sa may pintuan ng parlor.

"Ikakasal na kayo sa susunod na linggo nitong si Jonalyn?"

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig. Magpapakasal na sila? naramdaman ko ang paghawak ni Trayne sa balikat ko.

"Move, Lilac."

Hinakbang ko naman kaagad ang aking paa, at baka makita kami roon.

"Lily?"

Binundol ng kaba ang aking dibdib nang marinig ko ang pagtawag ni Seve sa akin.

"F*ck!" mura ni Trayne at kinuha sa akin si Lucas, bago ako hinila palabas ng ice cream shop. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Missy F
sama naman ng ina ni Seve
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status