Share

CHAPTER 02

Tuwang- tuwa sina Reyna at Bernice, dahil confirmed na pupunta nga si sir Macoy mamaya sa music lounge. Kaya masayang bumalik uli ang dalawa, sa kanilang trabaho pagkaalis ni Macoy. 

Kung hindi pa umalis si Macoy, hindi rin maalala ni Bernice na kumain ng lunch break. Kaya naiwan mag-isa uli si Reyna sa reception counter. Inabala muna n'ya ang kanyang sarili, sa paggawa ng kanilang reports, na dapat ipapasa sa kanilang resort manager. Tsaka ang daily monitoring na kailangan nilang i-endorsed at the end of their shift.

Dahil naging abala si Reyna sa kanyang computer works, hindi niya napansin ang isang guest, na kanina pa nakatayo at tinatawag s’ya. Kaya sa sobrang inis ni Harry Cheng, ay tinampal nito ng malakas ang counter top. Gulat na gulat si Reyna, na nag-angat ng kanyang ulo, tsaka mabilis na tumayo para batiin ito.

“Hello!! May tao ba dito???“ Galit na tanong ni Harry.

“Meron po.. Hi, sir? Ano po ba ang maipaglilingkod ko po sa inyo, sir?" Gulat na sabi ni Reyna.

“Alam mo ba Miss, kanina pa kita tinatawag. Pero hindi mo man lang ako pinapansin, nananadya ka ba talaga? O meron kang invisible headset, na nakasaksak d'yan sa tainga mo? “ Asar na asar nitong litanya sa kanya.

“I'm really sorry sir, medyo na-busy lang po ako sa paggawa ng reports sa computer kanina. Kaya hindi kita kaagad napansin, ano po ba ang maipaglilingkod ko po sa inyo sir? “ Ginawaran n'ya ng pekeng ngiti ang bastos na guest.

“Ahmmm.. Ganito kasi iyon, gusto ko lang itanong sana sa iyo, kung may naka-reserve dito under the name of Julliene Cheng?“ Seryosong tanong kaagad ni Harry. 

Sobrang nanginginig pa ang mga kamay ni Reyna na binuklat-buklat ang kanilang logbook for reservations at inisa-isang tinignan ang mga nakalista sa logbook pero hindi niya ito nakita. Hanggang sa tinignan niya ito sa database.

“For awhile sir, check ko nalang po muna sa database namin," agad na umupo at tumingin sa kanyang computer. “Sir, meron pong naka-reserve dito na Julliene Cheng. Her arrival time tonight, at exactly 7:00pm. Anything else, you need to know, sir?" Tawag pansin niya kay Harry na nakatingin lang sa kawalan.

“No, its alright. I’m done with my inquiries and thank you Miss?" bitin ni Harry sa kanyang sinasabi.

“My name is Reyna Llamoro, sir.“ agad n’yang sagot.

“Oh, thank you, Reyna. By the way, I'm Harry Cheng.“ Inilahad ang kanyang kamay para makipag-kamay sa kanya.

“Your welcome sir, Harry.“ Matamis nitong ngiti bago inabot ang kamay nito para makipag-kamay sa kanya.

Lumayo muna si Harry sa counter, para may kakausapin sa kanyang phone. Kaagad nitong hinahanap sa kanyang contact list ang number ng bunso niyang kapatid na si Julliene.

“Babe.. Bakit may reservation ka dito sa Maribago? H'wag mong sabihin na manggugulo ka na naman dito sa conference namin?“ Bungad na litanya ni Harry sa kanyang kapatid na pupungas-pungas pa itong sumagot sa kanya.

“Oppss.. Teka lang dude, hindi mo na ako pwedeng pagbawalan ngayon, dahil may consent na ako mula kay daddy. Kaya relax ka lang dude, hindi naman ako manggugulo sa inyo, kapag pupunta na ako d’yan. Pupunta lang ako d'yan para sa magbakasyon at kay kuya Macoy."  Tumawa lamang ito sa kabilang linya, na mas lalong ikinainis ni Harry.

“Parang awa mo na babe, huwag mong pasakitin ang ulo namin dito, please lang..“ Biglang naputol ang kanyang sinasabi dahil nawala na ito sa kabilang linya. “Hello.. hello babe..“ Hindi niya napansin na may nabangga siyang tao, kaya laking gulat pa n’ya pagkatingin dito, dahil agad niya itong nakikilala ang babae.

“Ikaw..?? Ikaw nga iyon! Iyong girl kanina sa may dalampasigan? Hi.. My name is Harry, and you are?“ Excited nitong pakipagkilala sa kanya at inilahad pa ang kamay.

“I'm Ruiz De Vera. I'm really sorry, Harry. I need to go!" Nagmamadali na itong umalis. At hindi man lang nakipag-kamay sa kanya bago ito umalis. 

“Wait lang.. Ruiz, wait..,“ tawag ni Harry habang hinahabol ito.

Pero hindi na siya pinansin pa ni Ruiz, dahil mabilis na itong nawala sa kanyang paningin."  Napailing-iling na bumalik sa reception counter si Harry at kaagad na tinanong si Reyna.

“Reyna, anong room number naka-reserve si Julliene Cheng?“ Kaagad nitong tanong sa kanya.

“Sir Harry, room 317 po.“ May lungkot sa kanyang boses, dahil nakita nito mismo nang habulin ni Harry, si Ruiz ang manager nila sa resto bar.

“Okay. Thank you, Reyna. Please huwag mong sabihin sa kanya ang room number ko at kay Macoy,“ huling bilin ni Harry bago ito umalis.

“Yes sir, Harry.“ Tipid nitong sagot pero muling lumingon ito sa kanya at bumalik sa counter.

“One last question, Reyna. Can you tell me, or check the room number of Ruiz De Vera?“ He asked seriously.

“I'm really sorry, sir Harry. It’s confidential po kasi iyong personal details nang guest or staff namin for their own privacy,"  biglang napasimangot si Reyna.

“It's alright, Reyna. Thank you so much. I have to go now, bye.“ Matamis pa ang ngiti nito bago tuluyang umalis.

Sasabog na sa inis si Reyna, ng makaalis na si Harry.  Ang buong akala niya kasing maginoo at gwapo, ubod naman pala ng pagkababaero at suplado pa.

“Hoy, bakla! Ngano man gud ang tulis na ng nguso mo diha intawn? Kasing tulis na nga ng mga koko sa daliri ko tan-awa lang gud, oh?“ mapang-asar na katanungan ni Bernice na kababalik lang galing nag-lunch break.

“Ambot lang nimo, bayots! Huwag mo akong mabakla-bakla d’yan at inisin, hindi talaga kita ililibre mamaya sa music lounge.“ inis na inis na sabi ni Reyna.

“Ay sus grabe ka bakla, relax ka lang, ang fine lines mo oh, kulubot na! Sayang naman iyong mga patingin-tingin ni sir Harry sa iyo kanina, kung papangit ka lang sa sobrang stress. Dapat presko lang ang imong kaanyag,“ mapang-asar lang na tumawa si Bernice at muli siyang iniwan dahil nagtuloy pa ito sa locker room ng mga resort staff.

“Nakakaasar ka Bernice, pero sige na nga kailangan kong maging maganda para mamaya. At sisiguraduhin kong makahanap ng gwapong boylet, higit pa sa playboy na Harry Potter na iyon.” Gigil na saad ni Reyna at kinurot pa ang pisngi ni Bernice.

“Ay, malala ka na bakla, buang na jud ka. Di hamak naman na mas gwapo si Harry Potter, kumpara d’yan sa crush mo. Pero feeling ko, si fafa Macoy na ang pasadong gwapong boylet natin tonight," kinikilig pang saad ni Bernice bago ito tuluyang nakaalis ng reception counter.

“Ewan ko sa iyo, masyado pang maaga para lumandi ateng! Umalis ka na nga dito hindi pa tapos ang breaktime mo, baka mahuli na naman tayo nito ni ma’am Jhana, palagi pa naman iyong nakasilip sa CCTV noh.“ Pananakot nito kay Bernice para tumahimik na at umalis.

Nakaalis na ito patungong locker room, kaya muling nanahimik ang kanyang mundo. Hinihintay na lamang niya ito hanggang sa matapos itong mag-lunch break. Nakangisi itong bumalik at mukhang good mood pa rin itong mang-asar sa kanya.

"Bakla! Ka-gwapa jud nimo oyy." 

"Bwisit ka bayots! Huwag ako ang utuin mo, pumasok ka na kaya?"

"Bakit ba? Daghan pa kaayong boylet na pakalat-kalat oh. Kadali lang bayots, naa lang ko tan-awon kay mura man ug gwapo, o dili gwapo?"

Ngumisi lang si Bernice at kaagad sinundan ang male guest na dumaan sa tapat ng reception counter.

"Bahala kang mahuli diyan ni ma'am Jhana, bayots!" 

Hinayaan na lamang nito ang kalandian ng kanyang baklang kaibigan. Kahit medyo malandi ito pero nakakatuea naman itong kasama dahil tapat at mabait itong kaibigan.

Hindi nila namalayan ang oras. At mabilis lang itong lumipas hanggang sa sumapit na ang gabi. Biglang may pumaradang service car sa harap ng entrance, ibig sabihin may dumating na bagong guest. She’s indeed beautiful and sophisticated, the way she dressed up. Lahat napatulala, nang lumabas ito ng sasakyan. Tsaka naglakad na parang modelo papasok sa resort.

“Hi ma’am, good evening! Welcome to Bluewater Maribago Beach Resort.." Masiglang bati ni Reyna pagkalapit ng female guest sa reception area.

“Good evening, ma’am.“ sunod na bati naman ni Bernice nang tumingin ito sa kanya.

“I have my reservation here under Julliene Cheng. Kindly check it A.S.A.P!“ Mataray nitong sabi kay Reyna at natarantang sumunod pa ito sa kanya.

“Yes, meron po ma’am Julliene. Heto na po iyong susi ng room 317,“ Reyna faked her smile to their new female guest.

She immediately grab the keys, and go directly to the customer's lounge, without saying anything to them.

“Bruhilda talaga! Ang arte ha, akala mo kung sinong maganda, hindi man lang marunong mag-thank you sa atin.“ himutok naman ni Reyna sa katarayan ni Julliene Cheng.

“Bakla, kafatid ba talaga iyan ni fafa Harry? Ang tarush n'ya ha, kung gaano naman ka charming si fafa Harry, ganoon naman siya kasuplada. Kabati baya niya ug batasan, bakla! Dili jud bagay sa iyang ka-gwapa ang iyang kamaldita.“ Inis na inayos ni Bernice ang kanilang mga gamit. 

Nakita nilang may tinatawagan ito sa kanyang cellphone at galit na kinakausap nito ang nasa kabilang linya.

“Dude, where are you?? Kanina pa ako dito sa customer's lounge, at nagutom na ako huh, for Pete's sake!“ galit nitong turan sa kanyang kuya Harry.

Humihikab pa si Harry na sinagot ang tawag ng kanyang kapatid.

“Hello babe.. I'm so sorry, kagigising ko lang din. Just give me 20mins. for a quick shower. I love you, babe.“ Kaagad na ibinaba ang tawag tsaka nagmamadaling pumasok sa banyo.

“Bwiset! Pareho lang talaga kayo ni kuya Macoy, mga walang pakialam sa akin. Hello.. dude??“ Lalong gigil na gigil sa inis si Julliene dahil binabaan ito ng tawag.

Nagbabasa lang ng magazines si Julliene nang dumating si Harry. 

“Hey babe, kamusta ang byahe mo?“ Hahalik sana ito sa pisngi, pero kaagad naman siyang binatukan nito.

“Arraayy, ko po! Babe naman, ang sakit n’yan ha. Ano bang problema mo? At ganyan ka-badtrip ang mood mo ngayon?“ Napakamot na lamang s'ya sa kanyang ulo.

“Kasi naman, kanina pa ako naghihintay sa inyo. Nasaan na ba si kuya Macoy? Hindi ko s’ya ma-contact at hindi man lang nag-reply sa mga texts ko?!" nakapameywang na litanya pa ni Julliene sa kanyang kapatid.

“Hindi ko alam babe, malamang andoon iyon sa ilalim ng palda ng asawa niya,“ tumawa lang ito sa kanyang corny joke.

“Funny dude, isusumbong talaga kita kay ate Jenny, sa mga kalokohan ninyo ni kuya Macoy.“ Nakakamatay na titig ang ipinukol nito sa kanyang kapatid.

“Honey Yeng!!“ Tawag ni Macoy kay Julliene na busy sa pagbabasa ng magazine.

“Kuya Macoy!!“ Tumayo kaagad si Julliene para yumakap kay Macoy pagkalapit. 

“Nakakainis ka, kuya Macoy. Kasi kanina pa ako naghihintay sa inyong dalawa dito, pero hindi ka man lang nag-reply sa mga text ko, palaging busy iyang phone mo. Kahit si kuya Harry tinulugan lang ako, ang bad n'yo sa akin talaga," nakasimangot na reklamo ni Julliene.

“I'm sorry, honey Yeng. Kausap ko lang naman ang ate Jenny mo kanina, at ngayon lang kami natigil. Alam mo naman iyong ate Jenny, madaldal hindi talaga nauubusan ng kwento.“ Seryong paliwanag nito habang ginigulo ang kanyang buhok.

“Wow, ha! Isang oras talaga ang usapan ninyong dalawa? At hindi man lang masingitan ng tawag or text ko. Tama na nga kuya Macoy, sinisira mo ang hairstyle ko eh,“ agad na reklamo ni Julliene.

Tara sa music lounge, doon na tayo mag-dinner. Manonood tayo ng live band, okay ba iyon sa iyo, honey Yeng?“ Tanong nito kay Julliene at inakbayan pa habang naglalakad sila papunta sa music lounge.

Hinatid na lamang ng tanaw nina Reyna at Bernice ang tatlo, na masayang nagtatawanan habang naglalakad.

“Kaya naman pala, ganoon ang ugali, eh spoiled brat sa kanila ang bruhang iyon.“ Nagngitngit ang kalooban ni Reyna.

“Paano ba iyan? May kaagaw ka na sa attention ng dalawang fafabels,“ pang-aasar nitong sabi ni Bernice.

“Hmmm. Wala akong pakialam sa attention na iyan Bernice, basta manonood lang ako kay sissy na kakanta uli. At syempre mapakinggan ang favorite song ko na I'll be there," puno s'ya ng excitement.

“Ako rin inaabangan ko palagi si fafa Hendrix at Dylan na tumutugtog ng kanilang instrument. Ang pogi nila di ba? "nagpapa-cute na saad ni Bernice.

Dahil uwian time na, kaya nagmadaling inayos nila ang monitoring reports, para ma-endorse kaagad ng maayos sa next shift.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status