Share

CHAPTER 03

Tapos na ang kanilang shift, kaya nagmamadali nang nag-time out sina Reyna at Bernice, para makapunta ķaagad sa training room ng music lounge. Upang ibalita sa kanilang kaibigan na si MeAnn, ang magandang balita para sa magiging surprise guest nila mamaya.

“Sissy.. May good news kami sa iyo, at hulaan mo na!“ Sigaw ni Reyna pagkapasok pa lang ng training room na ikinagulat pa ni MeAnn. 

“Ano naman iyon sissy? Pagkain ba iyan? O bago mong prospect na gwapong boylet?” Seryoso rin nitong tanong kay Reyna habang inaayos ang kanyang sarili sa harap ng malaking salamin.

“Wow! Ang ganda talaga ng sissy, namin. Ganito kasi iyon, kaninang hapon nakausap ko si sir Macoy, at na-invite ko siyang manood ngayon sa performance mo.” 

Masayang kwento ni Reyna at sinusuklay-suklay pa ang straight nitong buhok na nakatali paitaas at nilagyan ng kunting curl sa dulo.

“Ano?! Sissy, naman. Sino na naman iyang sinasabi mong sir Macoy? Bakit ka pa nag-invite ng mga bigating guest natin? Kinakabahan na tuloy ako ngayon. Bago mong boyfriend, sissy?“ Pambalewala nitong tanong dahil labis na itong kinakabahan.

“Hoy, bruha ka talaga! Hindi ko boyfriend si sir Macoy noh. Ayaw mo pa noon, ang gwapo ng  bisita mo mamaya. Aba, malay natin baka ma-inlove pa siya sa iyo," kinikilig pa nitong sabi. 

“Manahimik ka nga! Bakit? Higit pa ba iyan sa ex ko, aber? Ang gwapo at macho kaya ni Lawrence, wala pang nakakahigit sa kanya.” Kaagad napataas ang kilay ni MeAnn dahil hindi niya matatanggap na may hihigit pa sa kanyang ex boyfriend.

“Watch out, sissy. At  nganga ka talaga, kapag nakita mo na si sir Macoy. Iyang ex mong si Lawresyano, taob iyan sa manok kong gwapo.“ They both laughs and giggles while Bernice shout out  loud with excitement. 

“Andyan na! Andyan na s’ya..” Patiling saad ni Bernice habang nagmamadali itong lumapit sa kanilang dalawa. Ngumingisi habang pinapaypay pa nito ang kanyang kamay sa sobrang katuwaan.

“Ang ingay mo talaga bayots!” Tsaka kaagad na binatukan ito ni Reyna. 

“Araay!! Ang sakit naman n’yan bakla ha.” Reklamo ni Bernice at napakamot pa ito sa kanyang batok. "Sissy ghurl,  kagenis nemen! Imo na jud kong gipasakitan bakla ai, dili na jud ko nimo love noh?"

“Manahimik na nga kayong dalawa, dahil ayoko ng maingay habang nag-eensayo ako. Baka maabutan pa kayo dito ng mga kabanda ko, asar pa naman si Hendrix sa iyo bakla.“ Napailing na iniwanan ni MeAnn ang dalawa at muling hinarap ang pag-eensayo sa kanyang sayaw, habang wala pa ang mga kasama n'ya sa banda. 

“Silipin ninyo kasi si fafa Macoy, nandoon siya sa may bar counter. Kausap iyong ipinagmamayabang mong gwapo at machong ex, na si Lawrence. Tan-awa jud sissy ghurl, kung kinsa jud ang tunay na gwapo sa ilahang duha!" Nguso ni Bernice sa dalawang lalaki na nag-uusap sa may bar counter.

Magkasabay pa na sumilip sina Reyna at MeAnn. Halos parehong napatulala sa kanilang nakita.

“Oh, ano ka sissy, nganga? Sinong mas gwapo sa dalawa ngayon? Si sir Macoy? O ang ex mong tukmol?” Agad na tanong ni Reyna sa napatulalang si MeAnn. 

“Ha? Oo gwapo nga, ang galing mong mamili ng fafa, Bernice,“ umirap lamang ito at nakangiting malapad. Lumayo kaagad si MeAnn bago pa tuluyang matukso ang kanyang puso sa bagong kakilalang guest ng kanyang mga kaibigan.

“Well sissy ghurl, ipakilala ka namin sa kanya mamaya, kaya tarunga jud sa imong pagkanta at paggiling sa pagsayaw during your performance. Para maakit naman s’ya, sa alindog ng isang sikat na singer performer ng Maribago Resto Bar, the one and only, Mery Ann Dela Cruz!! “ Pumalakpak ito ng malakas at tumawa pa ng nakakaloko.

“Siraulo ka talaga bakla, lumabas na nga kayong dalawa at nang makapahanda na ako dito.” Pagtataboy nito sa dalawang kaibigan at tuluyan ng isinara ang pinto. 

“Okay, sissy.. Aalis na kami, para makapag-ayos ka d’yan. Bye!! “ paalam ng dalawa sa kanya mula sa labas ng kwarto. 

Magkasabay na naglakad sina Julliene at Macoy,  patungo sa music lounge, nahuli naman si Harry dahil may tumawag pa sa kanya at kinakausap habang naglalakad. Malapit na sya sa pintuan ng training room, nang makita niyang lumabas si Bernice at kasunod nito si Reyna. 

“Sissy, galingan mo sa performance mamaya ha, kasi manonood si sir Macoy,“ habol na bilin ni Reyna.

Kinalabit siya ni Bernice, kaya bigla siyang napalingon. Saktong nahagip ng kanyang paningin si Harry, na nakatitig sa kanya. At halos laglag pa ang panga, sa pagkamangha nang makita niya ito. 

“Hi, sir Harry. Nand'yan ka pala, sinilip lang namin iyong bestfriend ko, nag-practice kasi s’ya pero papunta na rin kami sa music lounge," nahihiyang ngiti ni Reyna. 

Nanatiling nakanganga si Harry at tuluyan ng nawala sa kausap nito sa kanyang telepono kaya ibinaba na niya ito bago nagsalita.

“Wow.. Ang ganda mo Reyna, bagay sa’yo iyang suot mo ngayon, dahil lalo kang gumaganda.“ Ganting ngiti nito sa kanya, tsaka inilahad pa ang kanyang kamay, para alalayan at sabayan  s’ya sa paglalakad.

“Asus, nambola ka pa sir Harry, biglang lumubo tuloy ang ulo pati na ang heart ko,“ lalong kinikilig si Reyna ng ngumiti si Harry sa pagbibiro nito.

“Pwede ba akong maging escort mo, sa pagpasok natin sa music lounge?“ Seryoso pa nitong alok at hinahawakan na nito ang kanyang kamay.

Ang marufok na si Reyna ay kaagad naman na pumayag at magkahawak- kamay na silang naglalakad ni Harry.

“Sure, sir Harry, it’s my pleasure.“ Iniabot kaagad ni Reyna ang kanyang kamay tsaka hinawakan siya nito ng mahigpit habang sabay na silang naglakad patungo sa loob ng music lounge. “

“Bruha, ka talaga bakla! Ang rufok bumigay kaagad kay sir Harry, pero di man lang nagpakipot ng kaunti.“ Bulong ni Bernice sa kanya pero ikinataas lang nito ng kilay.

“Bayots, may sinabi ka ba dyan?“ Tipid nitong tanong.

“Wala naman bakla.. Ang sabi ko lang naman kasi, nandito ako sa likuran mo, hila ang mahaba mong buntot este buhok pala. Baka maapakan kasi sa sobrang haba ng hair mo bakla,“ Asar na asar itong sumunod sa kanilang dalawa si Bernice.

“Okay, lang iyan bayots, carry ko pa naman." Nakangiting tinignan niya si Harry na mataman lanh din siyang tinititigan nito.

Nasa loob na sila ng music lounge, at hinahanap kaagad ni Harry ang table nina Julliene at Macoy. Nagpalinga-linga sa paligid, hanggang sa nakita nilang masayang nagkwentuhan, nagtawanan sina Macoy at Julliene. 

Naaasar na naman si Reyna, dahil nakita niyang muli ang bruhildang female guest na dumating kanina, at masaya pa ngayon si Macoy sa piling ni Julliene. "Kaasar talaga ang bruhang ito!"

Tinapik siya ni Harry, kaya nilingon n’ya ito na nakakunot ang noo.

“Tara na, doon tayo sa table nila Macoy at Julliene, malapit lang iyon sa stage. Madali lang natin makikita ang performance ng iyong kaibigan na si MeAnn."

Napansin naman ni Julliene, ang presensya ng kuya Harry niya. Pero napasimangot siya ng makitang may ka-date ito at nakaangkla pa sa kanya. Lumapit agad si Harry, kasama si Reyna, para ipakilala ang huli sa kanila.

“Hey babe..“ bati nito kay Julliene. “Babe, meet my date, this is Reyna Llamoro and this is also my baby sister, Julliene. At ito naman si Macoy, my buddy and business partner.“

“You look so good Reyna. With your outfit, bagay sa’yo."  Papuri ni Macoy at agad siyang kinamayan nito.

“Thanks a lot, sir Macoy." Ang lapad nang kanyang ngiti ng pinaupo pa s’ya sa tabi nito.

Umupo na rin sa tabi ni Reyna si Harry, tsaka palihim na hinawakan nito ang kanyang kamay sa ilalim ng table. 

Sa sobrang asar ni Julliene kay Reyna, tumayo nalang ito at nag-walk out tsaka naglakad patungo sa bar counter. Kukuha lamang siya ng sarili nitong drinks.

“Babe.. Where are you going? “ sigaw ni Harry para marinig s’ya ni Julliene.

“Relax dude, kukuha lang ako ng lason, at may lalasunin akong mukhang palaka! Na nagbabalat ahas wagas kung makalingkis eh,“ irap nito sa kanila at nagtuloy na sa bar counter.

“Waiter!!" Tawag nito tsaka umupo agad sa stool ng bar at hinintay ang paglapit ng waiter sa kanya.

Nabigla s’ya ng paglingon nito, ay babae pala ang tinatawag n’yang waiter kanina.

“Owwss.. such a lovely angel in disguise, ang cute naman babae pala ang bartender dito. Anong pangalan mo girl? Astig ah!"" curious na tanong ni Julliene.

“Iamy Canonigo, po ma’am."

“Ah ok, nice name. I'm Julliene Cheng, it’s nice to meet you, Iamy.“

“Ako din po ma’am. Ano po ang gusto ninyong drinks ma'am Julliene para makapag-mix na ako ng cocktail."

“Meron ka bang drinks na pwedeng panlason din? May gusto akong lalasunin eh na nagmukhang palaka at nagbabalat ahas, alam mo ba iyon?“ bigla nitong tanong.

Nagulat naman si Iamy, kaya nagbiro nalang ito sa kanya. “Meron po ma’am malatayon po! Ang hirap ng katauhan niya ma'am Julliene, pero kung ako ang huhula sa kanya pwede siyang maging serepentina," pabiro nitong ngisi.

“Ganon ba Iamy, sige bigyan mo nga ako nang isang shot, lalasunin ko lang si serepentina na nandoon sa table namin.“ Nakataas pa rin ang kanyang kilay at nakangis pa habang naghihintay sa hinihingi nitong drinks.

“Grabe ka naman ma'am Julliene, nagbibiro lang po ako.“ Alanganin ang kanyang pagtawa.

“Well, hindi ako nagbibiro Iamy, sa sinabi ko kanina. But anyways, bigyan mo nalang ako nang masarap na drinks para sa akin.“

“Sure, ma’am Julliene, bigyan kita ng masarap na cocktail drinks at sigurado akong magugustuhan n’yo po." nakangiti nitong tugon kay Julliene.

“Okey, I'll wait for my special drinks here.“ sabi n’ya nang may nahagip ang kanyang mga mata sa isang sulok.

“Iamy, kilala mo ba iyang girl d’yan sa isang sulok na nagmumokmok?“ turo pa ni Julliene sa babaeng nag-iisa.

“Ah si ma’am Ruiz po, s’ya iyong manager namin dito sa resto bar, bagong hired lang din siya  at halos kasabayan ni ma’am Jhana ang bagong manager po ng resort.“ 

“Pero talaga bang ganyan s’ya, malungkot at laging nag.iisa? Parang wala siyang kakilala o kaibigan dito?“ 

“Opo, Ms. Lonely nga ang tawag namin d’yan kay ma’am Ruiz, at tsaka masungit din po s'ya kunting pagkakamali nga namin sinisigawan n’ya agad kami.“ hindi napigilang magsumbong ni Iamy.

“Talaga? It sounds interesting, may boyfriend na ba s’ya?“ Tanong agad ni Julliene.

“Wala na po ma’am Julliene, kaya nga ganyan s’ya, dahil bitter iyan sa buhay. Ang balita pa nga namin pumunta lang iyan dito para magpapahilom sa kanyang sugatang puso,“ chika naman ni Iamy.

“In short, she’s broken hearted. Iamy make it for two, iyong order kong drinks at paki-serve nalang doon sa table n'ya, thank you.“ umalis kaagad para lapitan si Ruiz sa kanyang table. 

“Myrah, paki-serve naman itong drinks sa table ni ma’am Ruiz.“ utos ni Iamy nang lumapit si Myrah sa bar counter.

“Bakit ako pa Iamy, ang mag-serve n’yan? Wala na bang iba? Alam mo naman maselan iyan si ma’am Ruiz, baka maibuhos ko lang sa kanya itong drinks. Sino pala iyang kasama n’ya?“ Napakamot ito sa kanyang ulo.

“Huwag ka nang magreklamo, Myrah. Kaya i-serve mo nalang iyan, para di ka na malintikan ni ma’am Ruiz." 

Lumapit si Julliene, sa table ni Ruiz. At walang hiya na umupo sa kanyang harapan. “Hi! Can I join you here, in your table?“

“Yeah sure, but I guess, there's still a lot of vacant tables.“ takang sagot nito sa kanyang kaharap.

“Actually, I need to talk to you Ruiz. By the way, I'm Julliene Cheng. Sabihin nalang natin gusto kitang makilala at maging kaibigan during my vacation stay in the resort." lahad ng kanyang kamay para magpakilala.

Dumating iyong waitress, na may dala ng kanilang inumin. Kaagad nitong inilapag ang cocktail drinks na para sa kanilang dalawa.

“Thank you, Myrah. Pakisabi naman kay chef Rhiz, na i-serve iyong usual order ko for dinner. Pakisabihan mo rin si Mia Joy, na ihanda n’ya ang new dessert, para matikman nang ating bisita ang gawa n'ya,“ utos agad ni Ruiz.

Nai-serve na kaagad ang usual order ni Ruiz, at hinihintay na lamang nila ang new dessert na gawa ni chef Mia. 

Habang naghihintay sa kanilang dessert, ay masayang nagkwentuhan sina Ruiz at Julliene. Pero natigil ang kanilang kwentuhan ng lumabas na ang host, para ipakilala sa lahat ang band performer ngayong gabi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status