Share

CHAPTER 05

Biglang tumahimik ang kampo nina Reyna maging si Bernice kasi ay hindi na makahirit dahil sa katarayan ni Julliene, lalo nang pinakialaman pa nito ang kanilang sitting arrangement. Naiinis man sila pero wala na silang magagawa dahil ito ang bida sa kanilang table.

“Pabida talaga bakla! Kalami jud kumuton sa iyahang suwang ai. Kung di lang igsuon ni fafa Harry baka kanina ko pa iyan inahitan ng kilay sa sobrang n'ya." bulong ni Bernice kay Reyna.

Bigla napatawa si Reyna sa ibinulong ni Bernice sa kanya. “Shhh.. huwag ka na ngang maingay d’yan pahamak ka eh, hayaan mo ang bruhang iyan. Diyan s'ya masaya kaya huwag ka ng pakialamera sa kanilang tropa.“ Saway naman ni Reyna at pekeng ngumiti ng matalim nang tumingin sa kanila si Julliene.

Nagulat si Harry ng biglang bumalik si Julliene at may kasama pa na magandang babae pero sa tingin n’ya sa restaurant lang din ito nagta-trabaho dahil sa kanyang kasuotan. Kaya lang nagulat siya ng mapagtanto kung sino talaga ang kasama ng kanyang bunsong kapatid. Ang babaeng kanyang sinusundan kaninang hapon, si Ruiz De Vera.

“Babe, saan ka naman galing at ngayon ka lang bumalik? Kanina ka pa hinahanap ni Macoy, saan ka ba pumunta?“ Nag-alalang tanong ni Harry sa kanyang nakababatang kapatid.

“D'yan lang ako sa bar counter at may nakilala akong bagong kaibigan, gusto ko s’yang ipakilala sa inyo, dude. Mas maganda at eleganteng babae na babagay sa iyo,“ ngumiti ng makahulugang si Julliene.

“Aba, ang bilis mo naman yata nagkaroon ng kaibigan? Kararating mo lang may kaibigan ka na agad? Mabuti at nagkakasundo kayo kaagad ng bago mong kaibigan?“ Puno ng pagtatakang tanong ni Harry.

“Syempre ganyan talaga dude kapag maganda ka, at hindi katulad ng iba d’yan nagmamaganda lang, pero mukha naman palaka!" Sinasadya pa nitong inirapan si Reyna.

“Anyways, dude this is my friend Ruiz De Vera, she’s the restaurant manager nitong resto and girl this is my big brother Harry Cheng. At ito naman ang kanyang poging business partner si kuya Macoy.“ Pakilala ni Julliene kay Ruiz para maagaw na ang pansin ng lahat.

“Hi! It’s nice to meet you again, Ruiz. Masaya akong makita kang muli, ang akala ko kasi hindi na tayo magkikita pa, at sadyang ang liit ng mundo para sa ating dalawa." Nakangiting saad ni Harry at hinalikan pa ang likod ng kanyang kamay.

“Same here, Harry. I'm glad to meet you, and I’m happy as well meeting your sister, Julliene. She's so adorable,“ matamis ang kanyang ngiti habang nakatingin sa kanya.

Biglang dumaan si Myrah sa kanilang table kaya tinawag muna ito ni Ruiz para ipag-utos na kunin ang ipinahanda nitong dessert kay chef Mia, at pinadagdagan pa nito para sa mga new guests ng restaurant. Kaagad naman na tumalima si Myrah para kunin ang utos ng kanilang masungit na manager.

Pagkabalik ni Myrah, dala-dala na nito ang isang tray na may laman ng bagong dessert na hinihingi ng kanyang manager. Pagkalapag ng mga dessert sa table ay kaagad na din umalis si Myrah at dinala ang mga empty plates and bottles sa kanilang mesa.

Sumimangot ang mukha ni Reyna, dahil alam niyang para sa kanya ang patamang sinabi ni Julliene, pero nagtitimpi lang ito dahil ayaw niya ng gulo. Ginamit pa nito ang kanilang manager, para makuha lang ang attention ni Harry. Kaya hinayaan na lamang n’ya ito at nagpatuloy na lang ito sa pag-inom ng kanyang cocktail drinks. Medyo tipsy nang kunti si Reyna, kaya umariba na ang kanyang kakulitan.

Naging masaya na ang kulitan nina Reyna at Bernice, kaya sinabayan na ito ng kwentuhan at tawanan nina Harry, Macoy at Bernice habang hinihintay nila ang next set ni MeAnn. Patawa-tawa lang ito sa tabi ni Macoy habang umiinom din ng kanyang drinks.

“Sir Macoy marunong ka po bang kumanta? Try niyo po mamaya kapag kakanta uli si MeAnn.“ tanong ni Reyna. 

“Ahmmm. Kunti lang Reyna, bakit mo naman natanong?“ 

“Kasi sir Macoy, pwede po bang mag-request ng kanta po? Kantahin n’yo naman po iyong favorite song ko na "I’ll be there by Martin Nievera" please lang po..“ nagpa-cute pa si Reyna sa kanya.

“Ano ka ba Reyna? Nakakahiya ka na, kay sir Macoy. Pasensya na po kayo sa kanya sir Macoy, medyo tipsy na eh." Nahihiyang sambit ni MeAnn.

“Don't worry medyo alam ko naman ang kantang iyan, kaya ayos lang. At dahil special request ito ni Reyna kakantahin ko iyan mamaya. Basta hanggang doon lang sa kaya kung kantahin.“ Kumindat pa si Macoy sa kanya kaya mas lalong lumukso sa tuwa ang kanyang puso.

“Be my special guest for tonight sir Macoy. Sa next set ikaw, na ang kakanta para mas masaya at puno ng excitement," excited na sagot naman ni MeAnn.

Pero bago pa sila tuluyang magsaya binasag na naman ni Julliene ang kanilang kasiyahan, at si Harry naman ang kanyang pinupunterya para asarin lang si Reyna kaya pinagtulakan na n’yang pumunta sa stage si MeAnn para pakantahin na si Macoy.

Muling tinawag si Mery Ann ng kanilang host para sa kanyang second set. Malakas ang applause mula sa audience at humihiyaw na naman ang mga kakilalang customers nito sa katabing tables. Matamis ang ngiti nitong tinignan ang mga guests at mga kaibigan.

“Good evening everyone, before we start, in our second set please allow me to say thank you, especially to my bestfriends Reyna Llamoro, sissy I know you love me, so I’m very thankful for your full support,“ naiiyak n’yang sabi. 

“And Bernice Santiago, my greatest rival ever. Bakla, I’m also proud of you and I’m happy that the two of you became part of my life. At sa lahat pong nandito maraming salamat po dahil inaabangan ninyo palagi ang aking performance.“ She let out a little sob but still continued for her speech.

“I’m sorry everyone for being emotional, but anyways help me introduce to all of you my special guest for tonight. He’s one of the business tycoon in the Philippines, hot and gorgeous hunk." Biglang tumili si Bernice sa sobrang excitement pagkarinig nito sa hot and gorgeous hunk.

“Ahhh.. totoo iyan bakla! Gwapo talaga at fafalicious..“ sigaw uli ni Bernice.

“And no other than Mr. Macoy Delos Reyes. Welcome here, sir Macoy.“ Malakas na applause from the audience again at nakangiting umakyat ito ng stage.

“Thank you for a perfect introduction, Mery Ann. Am I really that hot and gorgeous? Hindi naman siguro ako ganoon ka-hot.“ nakangiting tumingin si Macoy kay MeAnn na nakatulala lang sa kanyang tabi. 

“Ahh.. Ehhh.. Of course sir Macoy. Di ba guyys?? Ready na ba kayong marinig na kumanta si sir Macoy?!“ sigaw naman ni Mery Ann sa audience. 

"Yes!!" halos sabay-sabay na sumigaw ang audience.

"Goodluck, sir Macoy! Galingan n'yo po."

“Well, this song is for you sweetie, Reyna as for your special request." he smiled before he started singing the song “I’ll be there” .

[Macoy 🎶🎶]

"When you wake up each mornin'

And you feel like callin'

I'll be there for you."

"When the road seems uncertain

And you can't stop the hurtin'

I'll be there for you."

"When there's no one beside you

I'll be there to guide you."

"Catch you each time you fall

When the stars won't shine anymore

I'll be there."

"When the world is unkind

And your dreams they need more time

I'll be there for you."

"If the rules they keep breakin'

And the future is fadin'

I'll be there for you."

"The rainbow will end in the palm of your hand

Don't ever let it go

When the stars won't shine anymore

I'll be there.."

Nag-pause saglit si Macoy. “I need someone to sing with me here at the stage.“ Biglang tumili si Bernice at kumaway, kaya lumapit agad si Macoy sa kanya. Kinuha s'ya ito at hinila sa gitna ng stage para may kasama itong kumanta.

Nagngitngit sa inis si Reyna dahil nautakan na naman siya ni Bernice. Tatayo sana si Reyna kaso ang bilis talaga ng bakla at naunahan pa siya kay sir Macoy. Dahil sa sobrang inis hindi na n’ya napansin si Harry, na nakatabi na pala ito sa kanya. At nakatitig pa kaya ng biglang lingon n’ya, nahuli niyang titig na titig pala ito sa kanya.

“Harry! May problema ka ba? Bakit ganyan ka kung makatingin sa akin?" kunot-noong tanong ni Reyna at tinignan lang niya ito ng masama.

“Wala naman, nakakatawa lang ang haba kasi ng nguso mo d’yan eh. Nandito lang naman ako sa iyong tabi, at kaya naman kitang kantahan kung nais mo.“ nakatawang saad ni Harry at marahan na hinawakan ang kanyang kamay.

“Nakakainis ka naman Harry. Sana sinabi mo kaagad para ikaw nalang sana ang kumanta sa stage ngayon. Para naman marinig namin ang iyong golden voice." Sabay batok nito sa kanya pero tinawanan lang s’ya. 

Hindi nalang n’ya pinansin si Harry at naging focus na ito sa pakikinig ng kanta ni Macoy habang katabi nito ang baklitang si Bernice. Magkahawak-kamay pa rin sila ni Harry sa ilalim ng mesa.

[Macoy 🎶🎶]

Who knows where we'll go

What will tomorrow bring

But we have each other

Just hold on tight

We can touch the skies and fly

I'll be there for you

I'll be there for you

The rainbow will end in the palm of your hand

Don't ever let it go

When the stars won't shine anymore

I'll be there..

I’ll be there..

“Thank you Bernice and to all of you, especially to you sweetie Reyna.“ he smiled and continued singing.

[Macoy 🎶🎶]

The rainbow will end in the palm of your hand

Don't ever let it go

When the stars won't shine anymore

I'll be there..

I'll be there..

“That was a very special song from our special guest Mr. Macoy Delos Reyes! Thank you, sir Macoy for jammin’ with us. Want more??!!“ Sigaw ni MeAnn kaya lumapit kaagad si Macoy sa kanya tsaka hinalikan pa ito sa pisngi na ikinabigla nito at nag-blush pa ng todo.“

“Sir Macoy, thank you at hinaharanahan mo pa ako, kaya umuusok tuloy ngayon ang ilong ni sweetie Reyna," mapang-asar na tawa ni Bernice at inirapan lang s'ya nito tsaka ngumisi ng nakakaloko.

Sa sobrang asar ni Reyna hindi n’ya namalayan na nawala ang attention ni Harry sa kanya, kaya nabitiwan na n’ya ang kamay nito dahil biglang hinila ang upuan para makalapit uli kay Ruiz. Iniwan muna ni Julliene si Ruiz, sa kanyang kapatid para mag-order ng additional food and drinks. Tuluyan ng nakuha ni Myrah ang buong attention ni Harry, kaya naging totally out of place na si Reyna. 

Labis na nasaktan si Reyna, dahil s’ya ang ka-date ni Harry pero heto ang loko na nag-eenjoy sa company ni ma'am Ruiz, kaya tumayo nalang si Reyna at kaagad na dinampot ang kanyang pouch sa mesa. Kung kailan paalis na si Reyna tsaka lang s’ya napansin ni Harry.

“Saan ka ba pupunta Reyna? Uuwi ka na ba?“ Nagtatakang tanong ni Harry sa kanya pero pairap niya itong sinagot ni Reyna.

“Pupunta lang ako sa cr saglit  pakisabi nalang ky Bernice at Mery Ann kapag hinahanap nila ako.“ Tipid nitong sagot at kaagad na umalis.

Nakatingin lang sa kanya si Ruiz, habang busy pa rin sa pakikipag-usap kay Harry. Nadaanan lang din n’ya si Julliene sa bar counter pero parehong deadma lang sila sa isa't-isa. Kaya s'ya nagtuloy na kaagad sa cr. 

Pagpasok ng cr doon n’ya ibinuhos ang lahat ng galit n’ya para kay Julliene at inis naman para kay Harry, na ang bilis siyang nakalimutan ng makita lang si Ruiz. Tapos na s’yang mag-emote kaya kaagad nag-ayos at nagpaganda sa kanyang sarili. Naging kalmado na sana siya paglabas niya ng cr at naging handa na para harapin sila.

Pero laking gulat niya dahil ito lang naman ang nakita n’yang eksena between Harry and Ruiz. Ang saya nilang tignan, nagtatawanan habang nagkukwentuhan, malagkit ang bawat titig ni Harry sa kanya, kaya tuluyan ng nilamon si Reyna sa kanyang selos at inggit para kay Ruiz. Kaya pumasok uli siya ng cr at doon n’ya ibinuhos muli ang luhang pinigilan dahil sa sobrang sakit at sama ng loob.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status