Share

Chapter 3

Wala akong pakialam sa pangungutya ng iba sa akin. O kaya ang pag-usapan ako harapan man o sa aking likuran.

Pero I'm so down sa pagkakataong ito.

Masyado akong apektado sa pangyayari kanina na halos hindi ko maubos-ubos ang aking pagkain.

"Naku Anak, okay ka lang ba? May sakit ka ba?" tanong ni mama na imbes magmukhang nag-aalala ay parang natutuwa pa.

Napailing na lang ako.

"Wala Ma, wala lang po talaga akong gana," matamlay kong sagot. Ibinaba ko ang kutsara't tinidor.

"Tsk, okay na rin yan. Pangatlong sandok mo naman na iyan. Okay lang kahit hindi limang pinggan ng pagkain ang kainin mo para kahit papaano anak madiet ka naman." Suhestiyon ni mama na ikinainis ko.

"Ma!" Saway ko sa kanya.

"Anak iniisip ko lang ang kalagayan mo. Hindi na normal ang size mo. Okay sana kahit kumain ka nang kumain basta healthy at nag-eexercise ka!"

Napakamot ako sa ulo. Tinry ko naman magdiet at mag-exercise. Pero isang araw pa lang sumuko na ako. Hindi ko talaga siya kaya.

I'm fat but I'm sexy. Nasa posisyon lahat ng kurba ko. Pero ewan ko ba sa mga kapwa pinoy kung bakit nilalait nila ang ganitong katawan. Hindi nila ma-appreciate ang ibang bagay na meron ang mga matatabang tulad ko.

Sa ibang bansa, when we had our vacation, halos purihin nila ang kaseksihan ko, kinukuha nga nila akong maging modelo sa magazine.

Hindi lang kasi ako seksi. I had a pretty face too. Nababalutan nga lamang ng taba , double chin at halos wala nang leeg.

Nagpa-alam na lang ako kay Mama at nagkulong na lamang sa kwarto.

Imbes na mag-aral ay nanood ako ulit ng favorite korean movie ko.

Yung 200 pounds beauty.

Naisip ko tuloy, magpapayat din kaya ako gaya ng ginawa ng bida. May pera naman kami. Dad ko ay isang hapon.

Nabuntis niya si mama noong nasa Japan ito bilang entertainer.

Umuwi si Mama na hindi alam na buntis pala siya.

Kaya apelyido niya ang gamit ko.

Ito na lang na malaki na ako na nakilala ko si Papa. Mayaman si Papa dahil sa sipag at tiyaga.

Nagkabalikan na rin sila ni Mama.

Kaya si mama paroo't parito sa Japan para alagaan si Papa dahil matanda na rin ito. Speaking of Japan, puwede akong pumunta roon magbakasyon at the same time doon na rin magpalyposuction...

Pero huwag na,gusto ko pa rin naman ang natural beauty. Gusto ko kapag magkalovelife ako eh yung tanggap ako, kahit anong size ko.

Zombie mode pa rin ako kinaumagahan. Hindi talaga ako nakatulog.

"Ano'ng nangyari sa iyo Diozza?" maarteng tanong sa akin ni Mart habang busy sa paglalagay ng fake na eye lashes. Itong si Eula naman pinisil ang aking pisngi.

"Aray," saway ko sa kanya, sabay irap.

"Eyebag mo tumaba na rin. Pinakain mo ba ng puyat?"

Natawa ako, pero namangha din. Minsan may utak din itong si Eula eh, sa kalokohan nga lang. At eto na si Mahinhin, pakembot-kembot na palapit sa amin. With her short short short shorts! Hay andaming "short" na yun ah and spagetti strap top. Maarteng naupo sa aking likod.

"Anong meron?" sabay-sabay naming tanong. And boom ayun iiyak na, kapag ganito kasi ang outfit for sure may something!

"Brineak ako ni Ashton friend!" sisinghot-singhot ito. Inabot naman ni Martha ang isang box ng tissue.

Nagkatinginan kami ni Eula.

Itong si Martha naman niyakap na niya ang nagdradrama naming kaibigan. Broken hearted nga ata talaga,for the firts time,umiyak ito dahil sa lalaki.

Mahal na mahal niya siguro.

"Friend, okay lang yan. Hindi siya para sa iyo. At least natuto kang magmahal ng totoo di ba? What the matter is, you love him wholeheartedly. Kung hindi niya naappreciate yun, hindi ka niya deserve," payo ko. Tsk, may pinaghuhugutan te?

I don't know why pero napalingon ako sa gawi ni Adonis. Mataman din siyang nakatingin sa akin, pero agad na umiwas ng tingin.

Bakit ba siya laging nakatingin?

Mag-iisip na sana akong type niya ako eh...pero yung tingin niya kasi parang may kasamang galit. Agad namang napaupo ng maayos si Mahinhin. Kunot noo at nag poute pa ng lips sa akin.

"Sinong nagsabing iniiyakan ko siya dahil mahal ko, excuse me? Umiiyak ako dahil naunahan ako sa pakikipagbreak. This is the firts time and my pride hurt not my heart, duh!" super-duper arte niyang sabi!

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Oh eh bat galit ka?" Yung tanong hindi naman para kay Mahinhin eh, kasi nakatingin ako kay Adonis.

Bumuntong hininga si Adonis at nag iwas na ng tingin sa akin.

Naalala ko na naman ang nakita at narinig ko kahapon. Nakaka-awa siyang nagmamakaawa sa ex niya.

Hindi ko lubos maisip na ang tulad niya ay magagawa ang ganoon.

Sabagay, napakaganda naman kasi ng ex niya. Wala man lamang ako sa kalahati. Wait! Erase,erase,erase that! Bakit ko pa kinokompara ang sarili ko. Iba naman ako sa kanya! Unique ang beauty ko!

Matamlay ako buong araw. Nahalata ito ng barkada kaya noong magpaalam ako na uuwi na, agad silang pumayag. Dati kasi pasyal pasyal at kain bago uwi.

Nasa parking lot ako at hinihintay si Mang Ben ng mamataan kong parating sina Crystal at grupo ni Bryan na boyfriend niya.

Nagtago ako sa may puno kaya hindi nila ako nakita. Mas malaki kasi yung katawan ng puno mga besh.

"Bakit kayo magkausap kahapon?" galit na tanong ni Bryan hila-hila sa braso si Crystal.

"We just talk about our break up, nothing else!" naiiyak na sagot naman ni Crystal.

"Break up o nakikipagbalikan? Is that why nandito siya dahil sinundan ka?"

Nakita kong umiling lang si Crystal. If I'm right prinoprotektahan nito si Adonis.

"Makita ko lang na kausapin ka pa, ipapabugbog ko talaga siya. Or worst, ipapaexpel ko siya dito sa school."

"Please don't do that, wala naman siyang ginagawang masa..."

Napapikit ako ng mariin nang akmang sasampalin ni Bryan si Crystal. Gustong-gusto ko nang lumabas sa tinataguan. Kaya lang natakot ako, lalo na at nandoon lang sa malapit ang barkada ni Bryan, nanonood sa eksena.

Alam niyo na mga beshie, maganda ang bida niyo kaya baka mapansin nila ako. Habulin pa ako 'di ba.

"Ipinagtatanggol mo pa talaga! Boys, umpisaham niyo na..."

I can't think straight. Ano ang dapat kong gawin. Ayaw kong madamay sa gulo. Pero may nagtutulak sa akin na tulungan si Adonis.

Pero paano?

Nanginginig ang tuhod ko habang mahigpit na hawak ang cellphone ko. Napatingin ako sa cp ko.

The picture! O siya sige, magpapahabol na ako!

"Wait!" malakas kong sigaw . Nanginginig pa ang tuhod ko na lumabas mula sa puno.

Gulat at takot ang nakita ko sa mukha ni Crystal. Samantalang galit si Bryan.

"Anong ginagawa mo dito porky? Are you spying on us?"

Never mind the insult Diozza!

"Kung may mangyari sa boyfriend ko, isusumbong ko kayo sa pulis!" utal kong saad. Parang demonyong tumawa ang demonyong si Bryan!

"Boyfriend? Who?" Nang-aalaska ang ngiti nito.

Nanginginig ang aking kamay na itinaas ang aking cellphone at ipakita ang picture namin ni Adonis, kahit pa nga tulog ito. Nanlaki ang mga mata ni Crystal, ngunit bigla ring naging blanko ang ekspresiyon.

Si Bryan ay lalong nademonyo. Humalaklak ito na parang baliw.

"Boyfriend mo? Oh come on?"

"Ayaw mo maniwala? Oh eto pa." Pinakita ko sa kanya lahat ng picture. Pati yung picture na hubad si Adonis. Gusto ko ngang idukdok yung cellphone ko sa pagmumukha niya nang maduling!

"Ako ang sinundan niya dito, nahumaling na siya sa akin simula noong matikman niya..." I paused for a moment.

Kailangan ng suspense mga bhe, kasi yung mga mukha nila oh, curious na curious! Nangunot tuloy at nagsalubong ang kilay ni Bryan sa paghihintay ng kasunod sa sasabihin ko.

"'Yung alak sa bahay ko," I said with matching irap sa kanila. "Isa pa, hindi kami showy kasi...kasi nga..." wala akong maisip na dahilan. Think Diozza, nasaan na ang utak mong mataba gaya mo. Nasulyapan ko si Crystal.

"Kasi kabrebreak lang nila." Itinuro ko si Crystal

Biglang naningkit ang mata ni Bryan.

Oh hell, I just wish na dumating na si mang Ben. O lamunin muna ako ng lupa. Napatingin ako kay Crystal na halos hindi na makatingin sa mga picture na pinakita ko.

"Oh babe, yung ex mo masyado yatang ibinaba ang sarili." naningkit ang mata ko sa kanya. Nakakarami na ito ah! Ang sarap sapakan ng basura ang bunganga. Nakakapanggigil!

"Pero bagay kayo, Miss porky and Mr poor. Wag mo na pakawalan ha!" Sabay tapik niya sa balikat ko. Pumasok sila sa kotse at umalis na.

Napaupo ako bigla sa semento.

Anong nagawa ko? Patay ako

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status