Buti nalang at Friday nangyari ang kagagahan ko. May weekends pa ako para mag-isip ng alibi o paano lusutan ang problemang pinasok ko.
Pero Lunes na wala pa rin akong maisip na solusyon. Naisip kong huwag pumasok, pero hanggang kailan naman ako magtatago?
Taas noo pa rin akong naglakad kahit na nangangatog ang tuhod ko.
Ang lakas din nang kabog ng dibdib ko dahil alam ko na ang dahilan kung bakit ganoon makatingin sa akin ang lahat."Diozza!" lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko sa dagundong na boses ni Adonis. Ayaw kong lumingon sa aking likod kaya tumakbo ako.
Tumakbo ako pero bakit 'yung mga hakbang mas lalong lumalapit.
Lumingon ako, malapit na sa akin si Adonis at halatang nanggagalaiti sa galit. Takbo na ang ginawa ko pero bakit mas lalo siyang lumalapit samantalang lakad-takbo lang ang kanyang ginawa.Nakita ko ang lab room, bukas at walang tao. Pumasok ako doon at akma nang isasara nang maabutan ako ni Adonis.Hinila niya ako sa loob at siya na mismo ang nagsara. He pinned me in the wall. Wala talaga akong mapupuntahan dahil napagitnaan ako ng kanyang mga kamay. Sisigaw sana ako ng rape, pero
wala pa naman siyang ginagawa. Isa pa, asa pa ako! Rape agad kasi teh?"Now talk, anong ipinagkakalat mo?"
Umiling-iling ako. Kahit malaki pala katawan ko, nagmukhang maliit ako dahil sa tangkad at maskuladong katawan ni Adonis.
"Where's your phone?"
"Shit!" mahinang mura ko.
"lbibigay mo o huhubaran kita para makuha ko." He is damn serious. Galit talaga siya sa mga kasinungalingan ko.
Mahuhubaran talaga ako dahil nasa bulsa ang cellphone ko..
"I'm sorry,"gumaralgal ang boses ko. Naiiyak na talaga ako. Nakatingin pa rin ako sa baba.
"Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ang sinungaling!"
Napapikit ako. Mahinahon siyang magsalita pero halata ang diin at galit sa bawat bigkas nito.
"I just want to help you,"I said in low tone na halos ako lang din ang nakarinig.
"I dont need any of your help!" Usal niya.
I look at him in a snap.
"Sa tingin mo ba hahayaan ka ng grupo ni Bryan lalo na at aaligid-aligid ka sa ex mo? Do you think, maililigtas ka ni Crystal lalo na kung nalaman nila na nagmakaawa ka para bumalik siya sa iyo..." Natutop ko ng kamay ang aking bibig. My big-big mouth! Hindi na napigilang magsalita! Ipinagkanulo ako ng matabil kong dila!
Nakipagmatigasan ako ng tingin sa kanya. Lalong inaapoy sa galit ang mga mata niyang nakatitig sa akin.
"What did you say?" Wala na akong aatrasan pa. Bumuntong hininga ako bago magsalita muli.
"I heard you that day, noong magmakaawa kang bumalik si Crystal sa iyo. Nalaman ni Bryan na nag-usap kayo ni Crystal. He wants to hurt you and expel you from here. I just save your ass from them!"
Matapang ko siyang tinitigan. Galit ka, galit na rin ako. You should appreciate what I did, you damn loser!
"I dont need your help or saving me. Kaya ko ang sarili ko. At hindi nila ako basta-basta mapapatalsik dito!"
Tumawa ako ng pagak. Tinabig ko ang kanyang mga kamay. Malaya akong nakawala.
"Is that so? Then what's the big deal having me cornered here? Puwede mo naman palang i-deny at sabihing ilusyunada ako. Na bakit ka naman papatol sa pangit at matabang tulad ko!"
Itinulak ko siya as I walk out. Binuksan ko ang pinto at palabas na sana noong bigla niya akong hilain at pinagsalikop ang aming mga daliri. Nanlaki ang mga mata ko at hinila bahagya ang aking kamay.
"What are you doing?" Namamangha kong tanong. Hawak pa rin niya ang kamay ko. Ang bilis at lakas ng kabog ng dibdib ko.
"I'm saving your ass too!" He said as he locked our fingers again. Holding hands while walking. With the eyes of bystander students and teachers, we pass by holding hands! Hihimatayin yata ako.
Pero wala siyang pakialam sa tingin ng mga tao. Malapit na kami sa room nang mamataan namin sa bungad sina Bryan.
"Woah, hindi nga nagsisinungaling si porky,"he said as he look into our locked hands. Sinulyapan ko si Crystal. Parang naiiyak ang mga matang nakatingin sa amin.
I look into Adonis. Nakatitig lang din siya kay Crystal. Pinisil niya ang aking kamay saka ako binulungan.
"Mauna ka na sa loob!" It sent shiver to my spine as his breath touching my face as he whisper. Sinunod ko siya. Hindi na rin ako lumingon dahil nakaramdam ako ng pagseselos.
Selos na wala naman katuturan dahil nagpapanggap lang naman kami. Ang aga naman kasi umatake ang selos sa kalooban ko, juice ko Diozza! nagpapanggap lang kayo."Diozza! Diyosa ka nga." Sigaw ni Martha as I'm heading to them. Tahimik lang ang iba na nakamasid sa akin. Alam kong nakita nila kami ni Adonis.
Adonis is still talking to Bryan's group.
Wala naman akong nakikitang tensiyon as he seriously talking to them. Ewan ko kung anong pinag-uusapan nila. Wala na akong pakialam.Nilawakan ko ang aking ngiti. As in hanggang teynga na ngiti kahit deep inside hindi naman masaya.
"O, di ba! lakas ng dating ko. Nakuha ko si Mr macho gwapito."Pagmamalaki ko. May gana pa akong mag malaki 'di ba? Ganyan yata talaga kakapal ang mukha ko hindi lang ang taba sa katawan ko.
"Ano'ng gayuma ang ginamit mo? Pahingi at nang magayuma ko rin ang taong gusto ko?" Maarteng inilahad ni Martha ang kanyang kamay.
"Walang gayuma no, makamandag lang talaga ako," tumawa ako. "Alindog ang puhunan friend." umirap ito sa akin. Tapos itong si Eula pinisil-pisil ang katawan ko mula braso hanggang beywang.
"Best, pumayat ka. Ganyan ka pala mainlove, pumapayat?"
Inismiran ko siya. Anong pinagsasabi niyang pumayat. Wala naman akong napapansing pagbabago sa katawan ko. Pero aminado akong halos hindi ako ganoong kagana kumain for the past weeks. Pero 'yun lang, nagloose na ako ng weight?
Hindi naman siguro, isa pa mula noong nag 100 kilos ako, hindi na ako muling tumingin kung ilan ang weight ko.
"Kayo ba talaga?" Si Mahinhin na seryoso. Sa aming lahat siya ang may maraming experience sa pakikipagrelasyon.Hindi ko siya masisisi na magduda
"Sa totoo lang..."
"Yes indeed we are!" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang bigla akong akbayan ni Adonis at sagutin na rin ang tanong na iyon ni Mahinhin.
Tapos itong si Martha biglang tumili sa kilig. Eh, sa hindi ako binibitawan ni Adonis. Siniko ko ito para tanggalin na ang braso sa balikat ko.
Oh di ba, pakipot pa ang lola ninyo...kinikilig naman inside.
Tumawa ito as in normal na normal na nakikipagflirt sa akin.Parang kami talaga at hindi nagpapanggap.
Kanina lang galit na galit ito sa akin. Ngayon naman sweet m-sweetan. Bipolar ata, tsk!"Talk to you later, Huwag ka agad umuwi. Ihahatid na rin kita." Bulong niya sa akin. "And we need to talk! Real talk!"pahabol pa niya
Inirapan ko nga siya.
Yikes!Yung balahibo ko sa buong katawan nagtayuan."Ay ang sweet ni papa Adonis," palatak ni Martha at Eula.
Kinindatan lang sila ni Adonis bago umalis at bumalik sa kinauupuan.
Mas lalo akong naging lutang sa araw na iyon.Bangag na bangag ang pakiramdam ko."Kaya mong sumakay?" Tanong sa akin ni Adonis. Nasa harap kami ng isang motor. Luma na ito pero halatang alaga."Hindi kaya ma-flat iyan kapag sumakay ako?" Tanong ko. Hindi dahil mataba ako mga besh ha! Siyempre ang lola ninyo first time sumakay ng motor. Tapos 'yung gulong ng motor niya, ang papayat. Nainggit tuloy ako sa gulong.Tinaasan ko siya ng kilay nang bigla itong humagalpak ng tawa."Hindi," he said as he still laughing hard. Ginawa na akong katatawanan ng gago."Sakay na. Ihahatid na kita."Alangan pa rin muli kong sinipat ang motor."Nandidiri ka ba? Sanay ka kasi sa kotse eh!" biglang naging seryoso ang lalaking ito! Mukhang nagtatampo."Hindi ako nandidiri! Eto nga sasakay na. Siguruhin mo lang na maiuuwi mo ako. Baka 'di pa tayo nakakalayo, pumutok na ang gulong mo!" pagalit kong sabi bago sumakay. Lu
Biglang nag-iba ang ihip ng hangin sa school. Wala nang nambubully sa amin. Paano naman kasi, para naming bodyguard si Adonis dahil sa lahat ng lakad ng barkada nandoon siya.Ipinagtataka ko lang na ilag sa kanya ang mga lalaking estudyante. Kahit ang mga bully noon at sanggano, parang ilag sa kanya. Maliban na lang kila Bryan na sa tuwina ay pinagkakatuwaan ang grupo namin, kaya nga iwas kami sa kanila.Kahit bagong lipat lang si Adonis ay naging kilala siya agad sa school. And I'm part of it kasi nga GIRLFRIEND niya ang diyosang tulad ko."Si Adonis?" tanong ko kila Martha. Paupo dala ang pagkaing inorder. Gutom na gutom ako kaya hindi ko siya napansin. Iyong kakainin ko kasi ang inuna ko. Mahirap na baka mangayayat ako. Sayang naman ang inipon kong taba ng labing siyam na taon kung pababayaan ko lang."Hindi ba nagpaalam sa iyo?" tanong ni Mahinhin na hanggang ngayon ay duda sa relasyon namin ni Adonis.
Kahit kailan ay hindi nagbago si Adonis.Maglilimang buwan na kaming nagprepretend pero hindi ko siya nakitaan ng anumang pagbabago. 'Yun lang naging busy ito sa pagtatrabaho. Kaya minsan ay walang oras sa akin. Pero naiintindihan ko siya. Minsan gusto ko na nga bigyan ng pera dahil naaawa ako.Pero as a man's pride, ayaw kong tapakan iyon. Ang tanging nagagawa ko na lamang ay ang ipagluto siya ng pagkain at dalhin sa boarding house niya.O 'di ba, asawang-asawa ang peg ng jowang Diozza niya. Napapangiti nga ako kapag naiisip kong tumagal kami ng ganito at tatagal pa siguro habang hindi narerealize ni Crystal ang kahalagahan ni Adonis.Thinking of it, parang ayaw kong dumating ang araw na iyon. Ngayon pa nga lamang may kirot na sa puso ko. Ano pa kaya kapag nagkatotoo.Minsan natutulala ako habang kinukwestiyon ang sarili ko kung bakit hinahayaan ko ang sarili kong mahulog ng husto but, can I question
Naghalf day lang ako sa school at umuwi nang hindi nagpapaalam.Ayaw kong makita ako nila Martha lalo na si Adonis na mugto ang aking mga mata. It sucks! Kahit ano pa lang tatag ko, hindi ko pa rin mapigilan ang umiyak.Walang humpay ang text at tawag sa akin lalo na si Adonis. Binagsak ko ang aking katawan sa kama. I close my eyes when my cellphone start to ring again.Nagdalawang-isip akong sagutin iyon.Si Adonis kasi ang tumatawag.Pero kung 'di ko sagutin baka akala niya iniiwasan ko siya."Hello." pilit kong pinasaya ang boses ko."Where are you? You cut class? Are you okay?" Sunod-sunod niyang tanong. Nahihimigan ko ng pag-alala ang kanyang boses na lalong nagpakirot sa puso ko."I'm okay. Umuwi na ako. Masakit lang ang ulo ko,"sagot ko sa kanya. Muling tumulo ang luha."Sinabihan mo sana ako para naihatid kita. Nag-aalala kami dito. You didn't come back at 'di ka
Near to our so called Five monthsarry marami kaming pinagtatalunan ni Adonis. Isa na roon ang pananamit ko na dati naman nang ganoon.Sobra siyang iritado kapag nakadress ako. Kaya kahit mainit ay lagi itong may dalang jacket para gamiting pantakip sa katawan ko kapag hindi ko siya pinapansin.Last tampuhan namin sabi niya kumot na raw ang dadalhin niya next time para ibalabal sa akin ng buo.Pero ang pinakamatindi naming away ay noong makita ko silang nag-uusap ni Crystal. I dont want to be jealous, I dont want to feel it, ilang beses ko nang pinapaalalahanan ang sarili ko na huwag! Still I'm fucking jealous!Iniwanan ko si Adonis nang hindi nagpapaalam. Hindi naman ako umuwi agad. Nagpagala-gala lang ako sa mall. I know I become bad influence na sa inyo mga beh, lagi na lang akong absent o kaya nagka-cut ng class. Sorry, I just really need distraction. Para makalimot kahit papaano. Rarampa na lang ako sa mall.Nagtaga
As days goes by, laging nag-uusap si Adonis at Crystal. Pinigilan ko ang aking sarili na magreact at magselos. Kahit deep inside ay talagang masakit na masakit."Bruha, is Adonis cheating on you?" tanong ni Mahinhin na nakataas ang isang kilay at mataray ang hilatsa ng mukha."Hindi kayang gawin iyan ni papa Adonis a!" asik ni Eula na number one tagapagtanggol ni Adonis.Umiling ako."Loyal si Adonis sa akin,"sagot ko sa nag-aalalang kaibigan. Ano pa nga ba ang dapat kong sabihin."O, eh bakit sila magka-usap na naman ng ex niya!" Mataray na saad ni Martha.Nagkumpulan kaming apat sa likod. May thesis na pinapagawa ang teacher namin, kami ang magkakagrupo as usual.Pero imbes na thesis, chismis ang inatupag namin."They are catching up as a good friends. Matagal ang pinagsamahan nila!" I sound being tanga and martir habang nagpapaliwanag.Tinaasan ako n
After dinner nanood muna kami ng mga sumasayaw. Folk dances ang kanilang sinayaw. Nag-enjoy ako ng husto na kasama siya. We held hands the entire show. Masaya akong may alala na naman na masaya sa kanya."Let's go."Tumayo na kami at bumaba na. I'm holding my purse baka sakaling kailangan o magkulang ang pera ni Adonis. Pero nagtuloy-tuloy kami palabas.Hindi pa siya nagbabayad ah. I freak out.Pero walang humabol sa amin, lahat ng waiter na makasalubong namin ay thank you sir at mam ang sinasabi.Hinila ko ang kamay niya na hawak ko. Lumingon siya sa akin."Dont worry about the bill. It's all set," He said. Pero hindi ako naniwala kaya nanatili lang akong nakatayo at hindi gumagalaw."It's paid Diozza." tatawa-tawang saad niya at hinihila na ako palabas."Bayad na iyan sa paghuhugas ko ng pingan ng buong linggo." natatawang pahayag niya. Halatang nagbibiro lamang siya.
Maaga pa rin akong pumasok. Inisip ko na lang na siguro ay lowbat siya kaya hindi nakapagtext sa akin.Halos naging giraffe na ang leeg ko kakalingon dito at doon. Wala pa kasi si Adonis samantalang maaga naman itong pumapasok."Oh my Gosh!" Bulalas ni Martha na lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kuwintas sa aking leeg."Is this real? Wow huh, ang ganda!"Lumapit na rin si Mahinhin at Eula.I am wearing a v-neck t-shirt kaya litaw ang kuwintas na bigay ni Adonis sa akin."Saan kayo pumunta kahapon?" Naniningkit ang mata ni Mahinhin na parang may iniisip na masama. O malaswa."Kumain."Mas lalong naningkit ang kanyang mata."Eh bakit wala pa si Adonis?"Napipilan ako. Paano ko ba sasabihin at ipapaliwanag ang mga pangyayari.Pero teka nga, pinag-iisipan ba kami ng masama. Tinaasan ko ng kilay si Mahinhin."Huwag mo akong igaya sa