Share

Chapter 6

Biglang nag-iba ang ihip ng hangin sa school. Wala nang nambubully sa amin. Paano naman kasi, para naming bodyguard si Adonis dahil sa lahat ng lakad ng barkada nandoon siya.

Ipinagtataka ko lang na ilag sa kanya ang mga lalaking estudyante. Kahit ang mga bully noon at sanggano, parang ilag sa kanya. Maliban na lang kila Bryan na sa tuwina ay pinagkakatuwaan ang grupo namin, kaya nga iwas kami sa kanila.

Kahit bagong lipat lang si Adonis ay naging kilala siya agad sa school. And I'm part of it kasi nga GIRLFRIEND niya ang diyosang tulad ko.

"Si Adonis?" tanong ko kila Martha. Paupo dala ang pagkaing inorder. Gutom na gutom ako kaya hindi ko siya napansin. Iyong kakainin ko kasi ang inuna ko. Mahirap na baka mangayayat ako. Sayang naman ang inipon kong taba ng labing siyam na taon kung pababayaan ko lang.

"Hindi ba nagpaalam sa iyo?" tanong ni Mahinhin na hanggang ngayon ay duda sa relasyon namin ni Adonis.

Kasalukuyan itong naglalagay ng lipstick kaharap ang maliit na salamin. Napasulyap saglit sa akin sabay irap.

Aba! Irap pa more. Sundutin ko iyang mata mong kasing laki ng isda eh! Kakain na nga lang naglilipstick pa! Sarap burahin pati yung mukha!

Piping saad ko sa sarili at hindi na lamang isinatinig iyon.

Umiling na lamang ako habang nilalantakan ang chicken sandwich na inorder ko.

"Happy monthsary!" Isang tinig ang nagmula sa likod ko. Nanggugulat...

Nabilaukan ako sa biglang pagsulpot ni Adonis na may dalang isang rose na may maliit na teddy bear.

Ang sweet, pero hindi ako makahinga. Nabara yata yung sandwich sa lalamunan ko.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya sa akin.  He grab the bottled water, binuksan iyon at inabot sa akin. Agad kong nilagok ang tubig. My eyes got teary. Alam kong nangamatis ang kulay ng mukha ko.

"Do you need cpr?" He ask as he hold my cheeks with his hand and trying to open my mouth sa pamamagitan ng pagpisil sa pisngi ko.

How I wish. Parang firts kiss ko na iyon di ba? First kiss sa totoong buhay at hindi na lang sa screen ng TV.

Maghimatay-himatayan kaya ako.

Pero huwag na. Lalo na sa itsura niyang nang-aasar lang. Nakangisi kasi ito at pinaglalaruan ang pisngi ko.

"I'm okay now," I said as he still holding my cheeks.

"Naku, nag-iinarte lang iyang si Diozza. Papansin ba," ika ni Eula na agad kong sinipa mula sa ilalim ng mesa.

"Aray ko Diozza ah, masakit. Hindi ka naman kabayo ah, baboy ka kaya !"singhal niya sa akin.

Dinalawa ko ang sipa ko sa kanya. Mas malakas pa.

"Aray, papa Adonis oh," pagpapasaklolo nito sa lalaking katabi ko na ngayon sa upuan.

"Huwag mo kasi ganyanin ang teddy bear ko,"sabi nito sabay yakap sa akin.

Parehong napa yuck si Martha at Mahinhin na tinapunan ko ng matalim na tingin.

Nang biglang napadako ang mga mata ko sa may sulok ng canteen. Nakita kong nakamasid si Crystal sa amin.

"Thank you," I said as I lay my head on his shoulder. "Mainggit ka! 'Eto ang taong pinakawalan mo. Titingin-tingin dito, naku! Masakit ba?" Sa isip ko habang mas naging sweet kay Adonis. Ilang beses ko na siyang nahuhuling nakamasid sa amin. Lalo na kapag hindi kasama ang boyfriend nito.

"Date later?" Napatingala ako kay Adonis dahil sa tanong niya.

"Hay naku! naku, makaalis na nga dito. Masusuka ata ako eh!" Si Martha na agad nang tumayo. Pati si Mahinhin ay sumunod na rin.

"Mga bitter!" Sigaw ko sa kanila.

"Alis na rin ako...baka kasi malanggam ako kasama ninyo. Hindi pa.naman ako sweet," Sabi ni Eula na nagkakasense na talaga kausap.

Ganoon lang naman ang mga iyon, pero masaya sila sa akin. Umaalis sila kapag gusto nila kaming bigyan ng privacy ni Adonis, in the weirdest way nga lamang.

"Monthsarry ba natin?" Tanong ko noong wala na sila.

Tumawa ito saka pinisil ang magkabila kong pisngi. Lamog na talaga ang pisngi ko sa lalaking ito!

"When did you took the picture?"tanong niya, Imbes na sagutin ako

"September 8," slow kong sagot. Napakunot noo ako.

"What's today?" May ngiting naglalaro sa mga labi niya.

"October 8."

"So?"

Napangiti ako. Wow ha, special. Kahit pretend lang lahat.

"Ano?date tayo ha. Pero yung makakaya lang ng bulsa ko!" Masayang anyaya niya.

Tumango ako bilang pagsang-ayon. Kahit saan okay ako.

Akala ko dadalhin niya ako sa Jollibee or Mcdo.Pero mas natuwa ako noong dalhin niya ako sa mga stall ng street foods.

"Kumakain ka ba ng mga ganito? Sabihin mo lang kung hindi, let's go to another place,"

Umiling ako.

"Tataba ba naman ako ng ganito kung hindi ko kinakain lahat. Namiss ko na nga rin ang kumain ng mga ganito." Sabi ko habang tinutusok ko ang fishball. Naramdaman ko ang pagmamasid niya sa akin.

Sinusubo ko na ang fishball noong humarap ako sa kanya.

"Ano?" tanong ko habang ngumunguya pa. "Kain ka na rin kaya." Ininguso ko ang nilulutong fishball at kikiam ni Manong tindero.

Kinuha nito ang stick sa kamay ko at kumain mula doon. Napakuha tuloy ako ng isa pang stick kay kuya.

"Crystal doesn't want here. Nandidiri siya dito. Kaya nga sa Jollibee o mcdo ko siya dinadala."

Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Ilang taon kayo bago nagbreak?" Alanganing tanong ko. Baka ayaw pa niya pag-usapan.

"Four years," gulat akong napatingin sa kanya. Akala ko talaga hindi siya sasagot.

"Tagal na rin pala," bubulong-bulong na saad ko habang patango-tango.

"At basta-basta na lamang niya iyon kinalimutan." dagdag niya.

I look down. I am feeling his pain right now. Kung pwede nga lamang maging akin na lamang siya ng tunay. Aangkinin ko talaga siya at hindi na pakakawalan pa.

Bigla tuloy nag-iba sitwasiyon ng paligid. Tahimik kami ng ilang saglit.

"Huy! Kain pa tayo. Basta bayaran mo lahat ng kakainin ko ah!" I said in a happy tone. Dahil hindi ko na kaya ang katahimikan. Ang lungkot, hindi ako sanay.

Nginitian niya ako.

"Balot, gusto mo?" Nakangiti na rin niyang tanong.

"My favorite!" Palatak ko, napapalakpak pa.

Busog na nga ako sa pagkain, busog pa ako sa kasweetan ni Adonis.

Very caring siya kasama.

Pakiramdam ko talaga tunay akong girlfriend.

Kung ganito siya sa akin ngayon paano pa kaya kung yung totoong girlfriend niya at mahal niya. Siguro super duper sa pag-aalaga niya.

I sigh. Nakaupo kami ngayon sa park nagpapahinga bago umuwi.

"What's that sigh about?" He asked as he throw stone in the water. Nasa harap kami ng pond. Pinapanood ko ang mga bibeng lumalangoy doon.

Hindi ako sumagot.

Then he open his other hands to me. May mga bato doon. I grab some and begin to throw stones too.

"Bakit nakapakasweet at caring mo? Nagpre-prwtend lang naman tayo," seryoso kong tanong. Hindi siya tinitignan.

Muntik ko siyang batuhin. Tinawanan ba naman ako sa tanong ko. Lahat ba ng sasabihin ko nakakatawa?

Bwisit to...ginawa talaga akong katatawanan. Kailangan ko na yata talagang magsalamin lagi. Baka kasi mukha ko parang clown na.

"Iyan ba ang pinoproblema mo kaya kanina ka pa tahimik?"

Inirapan ko nga siya.

"Sagutin mo na lang pare!" Pamimilit ko sa kanya.

Nahampas ko siya dahil ayaw tumigil sa kangingiti. Na-iinlove tuloy ako lalo.

"Para 'pag nagboyfriend ka,ako maalala mo Diozza. At para mahirapan ka na ring magmove-on!" Tatawa-tawa niyang sagot.

It was a joke for him. Samantalang sa akin kalahati noon ay katotohanan.

"Gago!" Sabay ulit hampas ng kamay ko sa kanya.

Tumawa muli siya. Pero agad din namang nagseryoso. Kinalabit pa ako para lumingon sa kanya. Nakasimangot akong humarap.

"Gusto ko iparamdam at ipakita sa iyo kung paano ka dapat itrato ng isang lalaki. Para hindi ka basta-basta na lang magboboyfriend dahil napag-iwanan ka na. You should take your time and observe them. Dapat yung kahit hindi pa kayo, inaalagaan ka na niya at minamahal ng husto" seryosong saad niya.

I got teary eyed with what he said.

He is really something right?

Something that I can't have.

Pero pa fall ka Adonis.

My tears fell.

"Hey, why are you crying?" Iiwas ko sana ang aking mukha pero nahawakan na niya ito at pinupunasan na ang aking mga luha.

Titig na titig siya sa aking mga mata.

"And this, huwag mong hayaang tumulo ang luha mo para sa isang lalaki. Don't cry for them!" Bumuntong hininga ito.

"I'm sorry, but I did make you cry! Napakasalbahe ko," saad niyang napakamot ng ulo.

" Gago!" Tinabig ko ang kanyang kamay at ako na ang nagpunas ng mga luha ko." Hindi mo naman ako pinaiyak, I'm just emotional kasi masaya ako." May voice crack. Namumuo na naman ang mga luha ko kaya tumingin ako sa taas.

" I'm just so happy to be here for you. Not as a girlfriend but as a real friend."

Ginagap niya ang aking mga kamay.

"And I thank you for that. I'm happy too."

I smile.

I know that we are going to end this pretend thing soon. But now, I'll enjoy the time I'm spending with him.

"Thank you for coming into my life my Adonis!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status