Share

Chapter 7

Kahit kailan ay hindi nagbago si Adonis.Maglilimang buwan na kaming nagprepretend pero hindi ko siya nakitaan ng anumang pagbabago.

'Yun lang naging busy ito sa pagtatrabaho. Kaya minsan ay walang oras sa akin. Pero naiintindihan ko siya. Minsan gusto ko na nga bigyan ng pera dahil naaawa ako.

Pero as a man's pride, ayaw kong tapakan iyon. Ang tanging nagagawa ko na lamang ay ang ipagluto siya ng pagkain at dalhin sa boarding house niya.

O 'di ba, asawang-asawa ang peg ng  jowang Diozza niya. Napapangiti nga ako kapag naiisip kong tumagal kami ng ganito at tatagal pa siguro habang hindi narerealize ni Crystal ang kahalagahan ni Adonis.

Thinking of it, parang ayaw kong dumating ang araw na iyon. Ngayon pa nga lamang may kirot na sa puso ko. Ano pa kaya kapag nagkatotoo.

Minsan natutulala ako habang kinukwestiyon ang sarili ko kung bakit hinahayaan ko ang sarili kong mahulog ng husto but, can I question what I feel? Puso ko na ito eh. Dinidikta nito ang mamahalin ko. At si Adonis iyon.

Maybe, I just need to prepare myself right? Prepare for the worst pain I will have when time comes.

I am confident of myself, nasisiguro kong kaya kong paibigin si Adonis. Pero ayaw kong ipagpilitan ang sarili ko. I have respect for him, as I respect myself. I want things go smooth, 'yung walang pinipilit at namimilit. Dapat parehong makaramdam ng pagmamahal. Na sa sitwasyon namin, ako na ang hulog.

Minsan niya akong natanong kung paano ko alam ang mga gawaing bahay. Narito na naman kasi ako sa boarding house niya. Maliit lamang iyon na kuwarto pero may kusina. Masinop si Adonis kaya sobrang linis ng kuwarto niya. Kung iba siguro ang nakatira sa liit ng kuwartong iyon, baka nagmukha nang basurahan. Isahan lang kasi ang kama na sala na rin.

Sa totoo lang, hindi naman kasi talaga ako lumaking mayaman. So my mom taught me everything from my young age. Ngayon na nga lamang ako nakatikim ng ginhawa.

"Tyaran!" Binuksan ko ang isang container. May laman iyong kare-kare. Nagdala kasi ako ng pagkain niya. "Your favorite." Ngumiti siya pero halata ang pagod sa kanyang mukha. Sabado iyon ng hapon. "Ipaghahain na kita tapos aalis na rin ako."

Pupunta na sana ako para kumuha ng plato nang bigla niya akong kabigin. Pumulupot ang kamay niya sa aking beywang.

"Did you loose weight?" he ask as he tighten his hold on me. Bigla ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"I've been exercising and a healthy diet for a month now," I answer na hindi gumagalaw. His been clingy sa school, naiintindihan ko iyon because we are pretending but here just the two of us? I don't know what and how to react.

"Why?"he asked again at parang dismayado ang tono niya. "I like the cuddly Diozza than the sexy one."

I chuckle a bit. Tinapik ko ang kamay niyang nasa beywang ko.

"Siyempre, para makahanap na ng papa," I answer jokingly

Binitawan niya ako at ipinaharap sa kanya. Kunot-noong tinitigan ako, dismayado.

"You don't need to. You're  perfect, you don't need to change for someone to love you," seryoso niyang saad.

Overwhelmed I look into his eyes too. Malay ko bang seseryosohin niya ang pagbibiro ko.

"Thank you, but I'm doing this for myself. Not for others." I then walk to get some plate. "Kain ka na, nang makapagpahinga ka naman."

Lumapit siya sa akin. Pumuwesto siya sa aking likuran habang inaabot ko  ang pinggan .

"Eat with me then. No diet today!" Bulong niya,  At siya na ang umabot ng pinggan sa lalagyan. Wala akong nagawa kundi ang sabayan siya sa pagkain.

At ang damuho pinalamon talaga ako. Wala tuloy akong nagawa kundi kumain.I lost about 10 kilos now. Madami ang nakakapansin. Sabi nila iba na daw ang in love at may guwapong boyfriend.

Minsan naririnig kong kaya ako nagpapapayat dahil takot akong iwanan ni Adonis.

I ignore them dahil hindi naman iyon totoo. I just realized, from our first date that I need to do something for myself. And this is it. I love my self before, but I need to love it more.

This is for my self. I want the better version of me. Iyong talagang pang beauty queen na o yung pang model na.

Normal na weekends lang iyon sa amin ni Adonis. Sunday nagsisimba naman kami tapos mamamasyal lang. Ginawa niyang pahinga ang Sunday. Lalo na noong inaya ko siyang magsimba. Si mama ay tuwang-tuwa, pinaghahanda niya kami ng tanghalian hanggang hapunan. Masasabi kong napakasupportive ni mama. Nagi-guilty lang ako lagi dahil wala naman patutunguhan ang effort niya. Maghihiwalay rin lang naman kami ni Adonis. Alam kong siya ang unang-unang masasaktan dahil minahal na rin niya si Adonis na parang anak.

Sometimes, I think about making him fall in love with me. Or maybe he is now dahil sa alagang pinapakita niya. But when I saw the same treatment he's doing to Mahinhin and Eula, nawawalan ako ng pag-asa. Napakabuti niya lang talagang tao.

I continue with my exercise and healthy diet. Kapag may trabaho siya at hindi ako maihatid, nagtutungo ako sa gym. Nag-enrol ako doon. Naengganyo akong subukan ang boxing. Sa lahat ng exercise or activities doon sa boxing lang talaga ako nagka-interes. Minsan kasama ko si Martha,dahil gusto niya raw magkalaman. Pero iba naman ang nilalagyan niya ng laman. Iyong mga mata niya ay sobrang busy kakatitig sa mga muscle at abs ng mga kalalakihan. Minsan gusto ko na siya sakalin dahil naiistorbo ako, lalo na kapag may pogi, juice ko! rinding-rindi ang teynga ko sa kanya.

Sa school,naglalakad ako patungong washroom nang harangan ako ni Crystal.

"Can we talk?" tanong niya sa akin. Hindi nakikiusap kundi minamanduhan ako.

Is this it? Bakit pakiramdam ko ay hindi ako handa kahit pa nga inaasahan ko na mangyayari ito. Gusto kong tarayan siya at huwag siyang pagbigyan, pero tumango na lang ako sa kanya bilang pagsang-ayon.

Pumunta kami sa isang lugar na kami lang para makapag-usap.

Sumandal ako sa may pader at siya naman ay nakatayo. Hinihintay ko siyang magsalita pero dumaan na ang limang minuto ay tahimik pa rin siya.

Naiinip kong tinignan ang aking relo.

"Puwede bang magsalita ka na? You're wasting my time you know?" Mataray kong saad. Sa totoo lang gusto ko sana munang umiwas. Iwasan ang bagay na wawasak sa puso ko.

Hanggang kailan ka naman iiwas Diozza, mas magandang harapin mo na ngayon!

Nagulat siya sa pagtataray ko sa kanya. Kitang-kita iyon sa pagmumukha niya.Pero nakabawi naman siya agad.

"You and Adonis, are you really in relationship?" tanong niyang gumaralgal pa ang boses. Parang maiiyak ito, nagpipigil nga lamang.

Shit! Napamura ako ng tahimik. Mukhang umeepekto na talaga ang pagpapanggap namin ni Adonis.

"What do you think? Magkasama ba kami kung hindi! " taas-noo kong sagot sa kanya.

Umilap ang mga mata niya sa akin.

I don't know why I'm trying to be a kontrabida now.

This is the right time and chance for the two of them to be together again.

Pero gusto ko itong pigilan. Ang maging kontrabida sa lovelife nila.

"I still love Adonis and I want him back." Nagulat pa rin ako sa sinabi niya kahit na inaasahan ko na iyon.

Tumawa ako ng pagak. I want to hide the pain.

"Love? Mahal mo pero iniwan mo? Tapos ngayon basta-basta mo nalang babalikan? Kukunin? Ano siya laruan na pinahiram mo?" I said bitterly. Even I want to hide the bitterness in me, I still can't.

"At nagsisisi ako sa nagawa ko. I still love him and I know he still love me." matapang din niyang saad. Siguradong-sigurado.

I am pissed by that.

"Paano ka nakakasigurong mahal ka pa niya?" In denial kong tanong.

Umalis ako sa pagkakasandal sa pader at nilapitan siya.

"Ako na ang mahal niya. Hindi ka na niya mahal. And for your info miss, pinapalala mo ang sitwasyon. Ginagawa mo na naman  ang maling nagawa mo kay Adonis. Boyfriend mo pa si Bryan hindi ba? May boyfriend ka pa maglalandi ka pa sa iba. Leave my boyfriend alone please!" Mariin kong saad. Pero sa totoo lang nanginginig na ang tuhod ko.

Umilap ang kanyang mga mata sa sinabi ko.

"I can't. I'll break up with Bryan if that's the case. But for now, I want to talk to you just you to know that I'm going to fight for Adonis. And I'm sure I'll win him back!"natahimik ako sa kanyang sinabi. Pero hindi ako magpapatalo.

"I'll wait for that. May the best girl win then ,Crystal." nilagpasan ko siya. Pero agad ding tumigil at muling humarap sa kanya. "By the way, hindi ko alam kung bakit kailangan pa nating magkompetensiya. I am the girlfriend now at ako na ang mahal niya. Can you just stay away from him!" at nagtungo na ulit ako sa washroom.

As I enter and close the door, my tears fall. Bakit ang sakit-sakit sa dibdib.

Why I'm feeling this way? Akala ko ba malakas ako. Akala ko napaghandaan ko na? Where's my confidence now?

Natatakot akong mawala si Adonis sa akin. Natatakot akong bigla na lang kaming maging strangers sa isat isa.

Natatakot akong iba na ang magiging kasama niya araw-araw.

Because I know that I will not win no matter what.

Talo pa rin ako.

Dahil kahit mahal ko na siya, Hindi naman ako ang tinitibok ng puso niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status