One Innocent Night
One Innocent Night
Author: modernmariaaa
Prologue

One night

“Empress! Magsi-CR lang ako!” Malakas na paalam ko sa kanya dahil masyadong malakas ang tugtog sa loob. Napakaingay sa paligid at hindi kami magkakarinigan kung ibubulong ko lang.

Nandito kami sa Club Hell dahil nagkayayaan kaming magkakaibigan na magliwaliw manlang after matapos ng trabaho namin at dito nga ang napili naming puntahan. Masyado kasi kaming na-busy sa trabaho at ngayon lang nakapahinga.

Wines. Alcohols. Cigarettes. Loud music. Noise. Service girls. Making out. Sluts. Sex. That's what you can see and hear inside the club.

Pero kahit ganito, nag-e-enjoy naman kami. Sanay na kaming mag-bar tsaka nasa legal age na naman kami. We are twenty-four years old at may tabaho na kami so no big deal about barhopping.

We are dancing, swaying our hips seductively together with the banging sounds of the music. At wala kaming pakialam sa paligid. Not even when boys were asking us for 'you know' at pasimpleng idinidikit ang katawan sa amin.

Boys and their 'da moves'.

Napapangisi na nga lang kami kapag ganoon.

Because it only means hanggang doon na lang sila at hindi kami agad-agad makukuha o maaakit sa mga galawan nila. Tss. Hindi naman kami mga pokpok o bayaran. We are just enjoying the night. Our last night, dito sa Pilipinas.

Tumigil lang ako nang maramdaman na tinatawag ng kalikasan kaya naman nagpaalam ako kay Empress. Siya kasi ang malapit sa akin dahil nasa kabila niya si Calista na walang pakialam sa paligid at parang may sariling mundo. Matagal nang magkakilala ang dalawa since mag-high school friends sila. They just met me and been bestfriends for almost three years.

Nang tumango siya at sumagot ng 'okay' ay agad akong umalis sa dance floor at hinanap ang CR.

Muntik pa akong mabuwal dahil sa pagmamadali. Mabuti na lang at nabalanse ko ang katawan kahit na medyo nahihilo na ako dahil sa nainom at hindi pinansin ang kung sino man ang nakabangga ko kahit na narinig ko pa ang pag-'tss' nito.

Wala akong pakialam. Naiihi na talaga ako at kelangan ko nang magmadali.

Agad akong pumasok sa isa sa mga cubicles na naroon nang makapunta sa CR. Pagkatapos ay naghugas ako ng kamay. Naghilamos na rin ako ng mukha para matanggal ang pagkahilo tsaka humarap sa salamin. Napailing-iling nalang ako nang mapansing namumula na pala ang mukha ko.

Isang baso lang ng tequila ang nainom ko pero tinablan agad ako. Mababa talaga ang alcohol tolerance ko kaya hindi ako pwedeng uminom ng maramihan at makipagsabayan sa mga kaibigan ko. Unlike doon sa dalawa, mataas ang alcohol tolerance ng mga 'yon, especially Calista. Mahirap makipag-inuman sa kanya dahil lasing ka na, siya hindi pa.

Nagpunas ako ng mukha at lumabas na sa CR. Bumalik ako sa mga kaibigan ko pero napakunot ang noo ko nang wala na sila dun. Abat. Iniwan pa yata ako ng mga 'yon.

Hahanapin ko pa sana sila kaya lang ay tinatamad akong maghanap sa kanila kaya napagdesisyunan kong magpunta na lang sa counter at dun sila hintayin. Baka nakipaglampungan na ang mga 'yon diyan sa tabi-tabi at nakalimutan akong isama. Madadaya. Tss. Hindi marunong makipag-share. Oh, yuck! Naiisip ko pa lang na hati kami sa isang hottie ay gusto ko nang masuka. Magtigil ka nga, Savi! Haliparot ka rin minsan, e!

Napailing na lang ako sa naisip bago humarap sa bartender. “One margarita, please.” Utos ko rito na agad namang tumalima kahit kit ko pa ang paninitig niya sa'kin. Talaga naman. Ang hirap maging maganda talaga.

Uminom ako ng kaunti habang iginagala ang paningin sa kabuuan ng club. Nagkalat sa loob ang mga nagme-make out. Lantaran ang mga ito kung gumanon pero mukhang wala namang pakialam ang iba.

I sighed and looked at my wristwatch. It's almost twelve midnight pero gising na gising pa ang mga tao sa paligid. Yung iba ay nakayupyop na sa mesa dahil sa kalasingan. Aish!

Nasaan na kaya ang mga iyon? Tukoy ko kina Empress at Calista. Baka umuwi na ang mga 'yon at iniwan ako?

“Hard one, please.”

Nagawi ang atensiyon ko sa lalaking umupo sa may tabi ko. Sa unang tingin pa lang sa kanya ay mukha siyang iniwan ng babae at gustong magpakalasing. His aura says it all.

Pagkabigay ng bartender nang in-order niya ay walang pakundangan niya iyong nilagok at um-order ng isa pa.

Di ko tuloy maiwasang mapangiwi dahil sa kanya. Grabe naman siya kung makainom. Parang walang bukas. Ako nga isang baso ng margarita lang, wala pa sa kalaghatian ang nababawas. Pero siya? Kulang na lang yata ay lunukin pati niya iyong baso. Tss.

Hindi ko na lang siya pinansin at umaktong walang katabing 'wasted' ang itsura at may sariling mundo. Kinutingting ko na lang ang aking cellphone at pinag-iisipan kung tatawagan ko pa ba sina Empress o huwag na lang dahil baka maistorbo pa ang mga iyon sa ginagawa. Baka mabitin. Haha.

“Am I that ugly?”

Nagpatuloy lang ako sa ginagawa at hindi pinansin ang katabi. Mukhang nag-e-emote ito dahil nga brokenhearted.

“Fuck! Am I not good?”

This time, napaangat na ako ng ulo at kunot-noong nilingon ang katabi na nakatingin pala sa akin nang mataman... o baka naman namamalikmata lang ako?

“Huh?” Lumingon ako sa kabilang tabi ko para makumpirma kung sino ang kinakausap niya. “Ako ba ang tinatanong mo?” Wala sa sariling tanong ko. Eh malay ko ba kung sino ang kinakausap niya. Baka magsalita na lang ako bigla at mapahiya pa ako. Dyahe 'yon sa kagandahan ko panigurado.

“Baka 'yong sarili ko. Tss.” Pilosopong sagot niya at muling lumagok ng alak.

Anak ng pating! Tingnan mo 'to. Ako na nga ang nagmamagandang loob na kausapin siya tapos binara pa ako. Nasaan ang hustisya para sa kagandahan ko?

I glared at him. “Good for you. Tss.” Sarkastikong sagot ko at para na rin takpan ang pagkapahiya. Bwisit na 'to. Nakakasira ng kagandahan ko. Hmp.

Hindi na siya nagsalita kaya naman inisang lagok ko na ang margarita at akmang aalis na nang magsalita siya.

“Stay. Please...?” Pigil niya sa akin. Halata ang sakit at lungkot sa boses niya.

Nakaramdam ako ng awa at dahil na rin siguro medyo tipsy na ako ay hindi na ako umalma pa.

Tinitigan ko siya at hindi ko mapigilang humanga sa kagwapuhan nito. Ngayon ko lang napansin. The man shouts gorgeousness and wealth all over his body. Hindi nakatakas sa paningin ko ang mga muscles nito na bumabakat sa suot nitong white fitted-long sleeves. Kahit messy hair at loose 'yong necktie niya, ang hot niyang tingan. Oh, Savi! He looks like a God from Mt. Olympus.

Bumaling siya sa akin dahil siguro naramdaman niyang pinagnanasaan ko siya... at totoo naman. Bwaha! Di ko mapigilang mapalunok nang magtama ang mga mata namin. Mapupungay ang kulay asul niyang mga mata at bakas dito and sakit at kalungkutan.

Parang may kumurot bigla sa puso ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nakaramdam ako ng awa para sa kanya at parang gusto kong sakalin kung sino mang haliparot ang nanakit sa kanya.

“Am I not enough?” Mahinang sambit niy pero narinig ko pa rin dahil magkalapit lang kami.

Bumaba ang tingin ko sa maninipis at mapupulang labi niya. I gulped. Parang may nag-uutos sa akin na halikan siya.

“Can I kiss you?” I asked nowhere instead of answering his question and looked at his blue beguiling eyes. Dala na rin siguro ng kalasingan kaya ko nasabi iyon.

Gosh, Savi! Ang landi mo rin minsan!

Halata ang pagkagulat sa gwapo nitong mukha at parang natanggal ang pagkalasing nito.

Sino ba naman kasing hindi magugulat sa tanong ko?

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad na siniil siya ng halik. Ako na yung excited at di makapagantay. Haha. Ramdam ko ang paninigas niya na parang unang beses palang niya iyon ginawa. Lumayo ako sa kanya na nanlalaki ang mga matang nakatitig sa akin.

Agad siyang napayuko na parang nahihiya sa akin. Hindi ko alam kung para saan ang pagyukong iyon. Kaya naman inangat ko ang ulo niya at hinuli ang pilit umiiwas niyang mga mata.

“You don't know how to kiss.” I blurted out on his face. Kita ko ang pagkuyom ng kamao niya. Aish. Ang tanga ko talaga minsan. Bakit kailangan ko pang sabibin yun? Though, it's not an insult. Namangha lang ako.

Mukhang natapakan ko ang pagkalalaki niya kaya naman napakagat-labi ako. “You are still innocent, I see.” Nginitian ko siya ng matamis at halata namang hindi siya makapaniwala sa ginawa ko.

Siguro ay inaasahan na niya na pagtatawanan ko siya at iiwanan. But, no. Hindi ko iyon gagawin katulad ng ginawa ng ibang babae sa kanya.

I am Savi Cortez, after all, at hindi ko ugali ang manghusga ng iba... maliban na lang kung criminal at haliparot ka. Lol.

Tumayo ako at iniharap siya sa akin. “Want me to teach you?” I smiled seductively at him.

Tungunu. Kailan pa ako nagturo ng paghalik? Jeez. May tama na nga yata ako... tama sa ulo.

Umawang ang labi niya. “Y-you what?” Nauutal at di makapaniwalang tanong niya.

I chuckled lightly. “God, why so cute and innocent?” Natutuwa sabi ko sa kanya at kita ko ang pakislap ng kakaibang emosyon sa mga mata niya.

Damn. Nawala na rin ang lungkot sa mga mata niya. I think I just started to like him.

Napailing-iling na lang ako sa naiisip at hinila na siya paalis sa maingay na club.

Dinala ko siya sa isang hotel malapit lang sa club. Alam kong wala na ako sa impluwensiya ng alak kaya maliwanag pa sikat ng buwan na alam ko ang ginagawa ko. Alam kong hindi ko dapat ito ginagawa dahil kakikita ko pa lang sa kanya at hindi ko pa siya kilala maski ang pangalan niya.

Pero may kung ano sa akin na gustong tulungan siya kahit na ang ibig sabihin nito ay isusuko ko ang pinakaiingatan ko. Yeah. I'm still a fucking virgin, but not that innocent like him. Inaamin ko naman iyon. Marami na akong alam when it comes to that thing- sex.

Duh? Twenty-four na kaya ako at pwede nang mag-asawa pero siyempre joke lang 'yon. Pero kung itong lalaki ba naman na 'to ang aasawahin ko ay okay lang. No kidding.

Pinaupo ko siya sa kama bago siya hinarap. I straddled my legs on his lap. Unti-unti kong inilapit ang mukha sa kanya habang napapapikit pa siya. Siguro ay dahil sa kaba.

“You are shaking. Relax, baby, just follow my moves.” Pagpapakalma ko.

Kumalma naman siya at halatang pinipilit na sabayan ang ginagawa kong paghalik. Paulit-ulit ko siyang dinadampian ng mumunting halik hanggang sa masanay siya.

Hmm, innocent as baby.

Napangiti ako nang mapansing nakakasabay na siya sa paggalaw ng mga labi ko. Hindi naman pala mahirap turuan. Napangisi ako sa naisip.

Nang masigurong sanay na at nakakasabay siya sa paghalik, nag-umpisa nang maglikot ang mga kamay ko. Malamyos kong hinihimas ang matitipunong mga braso niya papunta sa matigas niyang dibdib.

“Just kiss me back. Don't mind me.” I said between our kisses when I felt him stilled. Tumango naman siya at sinunod ang sinabi ko. Taena. Ang lakas kong makapag-command, e 'no?

I continued caressing his manly body while we are kissing passionately. We just stopped to catch for some air. At doon ko natitigan nang mabuti ang mukha niya. Maliwanag at malinaw.

“I wondered why a man like you... is broken.” Napapikit ako nang maamoy ang mabango niyang hininga kahit na may halong alak ito. Damn.

Dumaan ang sakit at lungkot sa mga mata niya bago napalitan ng blangkong ekspresyon. “It's because I don't know how to even kiss that's why she dumped me when she's asking for it.” Pumikit siya at parang may kumurot sa puso ko nang makitang may pumatak na isang butil ng luha sa pisngi niya.

“Do you love her that much, don't you?” I asked kahit na alam ko na ang sagot. I just wanted to hear it loud and clear.

Nagmulat siya ng mga mata at nag-iwas ng tingin nang makitang matiim akong nakatitig sa kanya. Hindi ko alam pero nasaktan ako sa ginawa niyang pag-iwas.

I sighed. “Mahal mo siya.” It wasn't a question, but an statement. Umalis ako sa pagkakaupo sa hita niya habang mataman pa ring nakatitig sa kanya. “Tell me, do you still want to do this?”

Say you want this... and I will give you my all.

Piping hiling ko sa sarili.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Deanna Turner
needs to be redo because I can't understand it at all
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status