Share

CHAPTER ONE: JUST

[After five years. In London. 6:30 a.m.]

SAVI'S POV

I stopped jogging as shivers assaulted my being, yet sweats are dripping down to my face as I exhaled loudly. I'm wearing a white sando covered by a jacket. A black leggings paired with a black and white sneakers. Nakapusod ang mahaba kong buhok kaya naman kitang-kita ang pagpatak ng mga pawis ko sa mukha hanggang sa leeg. Pinunasan ko ang mga ito gamit ang dala kong face towel.

Kahit pawisan naman ako ay ayos lang. Hindi naman ako conscious sa magiging itsura ko. Kasi maganda na talaga ako. At matagal ko nang alam iyon. Haha.

Kaya lang ay iniiwasan ko na mapawisan ang likod ko dahil baka maging sanhi pa iyon ng pagkakasakit ko. By the looks of my job, hindi pwede ang sakitin kaya naman hanggat maaari ay iniiwasan ko na magkaroon ng sakit.

Napatingin ako sa isang Coffee shop na saktong nahintuan ko. I giggled. Well, well... as always, coffee will do, pambalanse sa malamig na panahon.

Pumasok na ako sa loob at naghanap ng mauupuan. Nang makakita ng isa ay agad akong umupo roon kasabay nang paglapit ng isang crew sa akin.

"What kind of coffee you prefer, ma'am?" Nakangiting tanong niya sa akin. Pansin ko ang pagkislap ng mga mata nito... nagpapahiwatig ng isang bagay. At hindi naman ako manhid para hindi malaman kung ano ang ipinahihiwatig niya.

Huminga ako ng malalim. Sanay na ako sa ganitong bagay. Pero hindi ako kailanman nagpapadala sa ganito. At wala akong balak magpadala. Tama na yung minsang nahulog ako.

"Hot brewed coffee will do." Sabi ko sa malamig na boses.

I know it was rude answer of me, but I just can't help but to. Ito lang kasi ang paraan para malaman niya na hindi ako interesado sa kanya. At ayaw ko namang magbigay ng motibo na nagugustuhan ko ang pagpapa-charm niya kung ang totoo ay naiirita lang ako sa ginagawa niya.

Mukha namang nakuha niya ang ipinahiwatig ko.

Agad siyang tumungo at humingi ng paumanhin sa akin. "I'm sorry, ma'am. I just can't help but be amused by your natural looks."

This time, nakangiti siya nang walang bahid ng anumang pagnanasa. Just a soft smile na parang nahihiya sa ipinakita niya and I can see the sincerity in his bluish eyes. That's better.

Tumango na lang ako at ngumiti ng tipid. Ayaw ko namang maging bastos na customer.

Aaminin ko. This man is handsome. No doubt about that. At hindi iyon maitatago dahil pansin ko ang ibang kababaihan na nakatitig sa kanya. His tantalizing bluish eyes, pointed nose, and his kissable lips can make any woman swoon. Matangkad rin siyang tao. If I were just like the other girls, hindi malabong magka-crush ako sa kanya. But no. I'm not like them. Hindi ako haliparot.

Oo na. Isang beses lang naman yun. Maganda kasi ako, e. Tss.

"Wait for seconds, ma'am." I sighed when the crew left my table.

Alam kong napahiya siya dahil sa akin. Pero anong magagawa ko? Alam kong maganda ako pero ayaw ko talagang makakita ng mga lalaking pagnanasa lang ang habol. Kumukulo agad ang dugo ko sa ganoon. I want an innocent man... like him.

Oh, shut up, Savi. People change.

Yeah, right.

Habang naghihintay na mai-serve ang order ko ay tumingin muna ako sa labas. Saktong malapit sa entrance ang nakita kong pwesto, sa gilid ng glass window kung saan makikita mo ang magandang hardin ng Coffee shop. Makikita rin dito ang mga taong padaan-daan doon.

Naaaliw akong manood sa mga batang naglalaro sa labas at hindi ko namalayan na nakabalik na pala iyong crew dala ang order ko.

"Here's your coffee, ma'am." Aniya at inilipag sa table ko ang order.

"Thanks." Sabi ko bago siya umalis.

I sipped my coffee. Nanuot sa bibig ko ang masarap na lasa ng kape... the combination of sweet and bitter taste. I licked my lips like nobody's care. I just can't help myself. It's my favorite taste and it's delectable.

Gusto ko talaga ang lasa ng mapait ngunit matamis na kape. I don't know why. Pero siguro dahil sa mga nangyari sa buhay ko? Palaging mapait. But there once in my life I tasted... the sweetest of all.

At hindi ko alam kung mauulit pa iyon.

I was busy sipping my coffee when I felt my phone vibrated on the table. Alam kong hindi iyon tawag dahil mabilis lang na nawala ang pagvibrate nito, so I assumed someone message me.

Agad kong dinampot iyon at ini-unlock ang screen. Bumungad sa akin ang isang mensahe galing sa aking pinagtatrabahuan. The message was actually came from my boss.

Binasa ko iyon. The message contains the coordinates I needed for my next mission.

Agent Light,

Your next mission will be in the Philippines. You'll be helping the NBI agents to solve an unfinishable mission, named Rusty Huang, Chinese businessman, the leader of the biggest and powerful drug syndicate in the country. The NBI agents were really trying their best just to stop Huang's smuggle businesses, in and out of the country, but they always end up nothing. They were loosing hopes. Mr. Huang and his comrades can manipulate anyone. And they just did it to the country's government. Malaya silang nakakagalaw dahil may mga connection sila sa gobyerno. Marami ng inosenteng tao ang nadadamay dahil sa iligal na gawain niya. NBI agents badly needed a reliance. They needed someone like you, agent Light, because in any time or minute, they might blow their minds off.

Napatiim-bagang ako dahil sa nabasa. Noong isang araw pa ako kinausap ng aming boss about sa misyong ito at pumayag naman ako. Wala naman na akong ginagawa. Hinihintay ko na lang talaga ang go signal niya para makaalis na ako sa bansa patungo sa Pilipinas. I want to help them, in any possible way I can.

Napapanood ko sa t.v. ang malayang mga galaw ng sindikatong ito. Those fucktards work their illegal businesses like they own the country. The fuck! He's a fucking chinese and he must be banned there in the Philippines. He has no right to do bad things there, the fact that innocent people were involved by his doings.

Nanggigil ako sa inis dahil sa kaalamang maraming inosente ang nadadamay. Kung nandun lang ako sa Pilipinas ay malamang ay nabaril ko na siya kahit pa yata sa harap ng maraming tao. I badly want to wreck Huang's fucking neck to death. That man must not put behind bars. He suits to be buried alive, ten feet underground. At magboboluntaryo pa ako para ako na mismo ang magbaon sa kanya ng buhay. Take note, ako pa ang maghuhukay.

Pero 'yon nga lang, baka mabawasan ang ganda ko. Sayang naman.

Kahit kumukulo ang dugo ko sa hinayupak na Huang na iyon ay hindi ko maiwasang mapangiti. I'm excited to get back to the Philippines. I missed my bestfriends. I missed my hometown.

Dumako ang tingin ko sa huling mensahe niya.

P.S: I'm the one who recommended you to them since their Head is my father's friend. The other agents were busy in their jobs and you are the only one I seemed who's not. They are hoping for your cooperation. And I'm reminding you, please, don't intimidate their asses off.

-Boss.

Napatitig ako sa huling mensahe niya. Gusto kong humagalpak ng tawa dahil sa nilalaman. Really? Intimidate their asses off? The hell. As if I can avoid that. I'm really that intimidating woman, especially when I'm at the field. I take my job seriously because believe me, it is not that easy as you think .

At pinahahalagahan ko ang trabahong ito kasi ito na lang ang trabahong meron ako. This is the last job that supports my living. Natanggal kasi ako sa isang trabaho ko for know reason. So I have to deal with this for as long as I'm living.

Naiiling na binura ko ang mensahe. Tumayo na ako at nag-iwan ng pera sa mesa bago lumabas ng coffee shop. Pagkatapos ay tinakbo ko ang pagitan hanggang sa aking bahay. Malapit lang naman kasi iyong subdivision kung saan ako nakatira kaya hindi ko na kelangan pang sumakay para lang makauwi.

Nang makarating ako sa bahay ay nag-dial agad ako ng numero habang tinutungo ang aking silid.

Simple lang ang bahay ko pero kompleto ito sa mga kagamitan, mula sa sala, sa kusina, sa cr hanggang sa mga silid.

Dapat nga ay nag-rent na lang ako ng isang unit dahil alam ko namang hindi ako nagtatagal sa isang lugar. Palipat-lipat ako ng lugar depende sa misyon ko siyempre. But I need to be practical. Kailangan ko ng bahay na matitirahan nang pangmatagalan hindi yung pansamantala lang. At alam kong hindi kakayanin ng perang kinikita ko ang halaga ng isang condo unit lalo pa at minsan lang ako bigyan ng misyon. Ilang taon rin akong walang trabaho dahil na rin sa kanya.

Lalo pa na itinakwil ako ng aking pamilya dahil sa nangyari. Pero kailanman ay hindi ko pinagsisisihan ang bagay na iyon. I was actually blessed dahil may isang munting biyayang binigay sa akin at kailanman ay hindi ko iyon ipagpapalit sa kahit na sino o ano man.

Nakapasok na ako sa loob ng kwarto ko nang sagutin ng nasa kabilang linya ang tawag.

"The gorgeous, Empress Beatrize Reyes, speaking."

Pumasok ako sa walk-in closet at kumuha ng pampalit. Hindi lang mga damit ang nakalagay roon. It contains of different firearms too, but well-hidden for some reasons.

Napairap ako sa kawalan dahil sa bungad niya sa akin. "You are really upraising yourself, miss secretary, alright." My voice were thick as I teased my bestfriend, Empress. Nagtatrabaho siya sa company ng nakakatandang kapatid ng matalik naming kaibigan na si Calista. Kaiser Hidalgo ang pangalan nito. Empress works as his secretary.

"Of course, Savi. Maganda naman talaga ako, e." Pamimilit nito sa akin.

I snorted. Manang-mana talaga sa akin. "Yeah, whatever. Anyways, busy ka ba tomorrow?" Tanong ko habang nagsusuot na ng damit. Pagkatapos ay lumabas na ako at naupo sa gilid ng aking kama.

"I think I'm not. Why?"

"Pick me up at maybe around eleven-thirty a.m."

"What? Savi, baka naman nakakalimutan mo na nandi---wait, don't tell me-"

"Yeah, yeah." Putol ko sa kanya. Minsan talaga may pagka-slow ang babaeng 'to. Kalog na nga ang utak, slow pa. Tss. Hindi ko tuloy maiwasan na mag-isip kung bakit naging kaibigan ko siya. At kung bakit na-qualified siya sa trabaho niya. Psh.

Empress squealed. "Waahh! Really? Oh my god!" Nailayo ko agad ang cellphone ko sa aking tainga. Shit! Masisira ang eardrums ko dahil sa kanya, e. At hindi naman halatang excited ang baliw diba? "Isasama mo ba siya?" Dagdag niya.

Bigla akong napatahimik sa tanong niya. I sighed. "I don't have a choice, but to bring him home, Em."

"Handa ka na bang makita uli siya? You know, maliit lang itong Pilipinas." May pag-aalala sa boses niya. "Maraming pwedeng mangyari. What if magkita sila accidentally? What if hinahanap ka pala niya? What if-"

"I know, I know." Putol ko sa sinasabi niya. "Sa totoo lang hindi pa ako handang makita siya. I'm afraid na baka malaman niya 'yong totoo. Baka kamuhian niya ako." Pag-amin ko.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Kaya nga. Once na magkita kayo, sabihin mo na 'yong totoo dahil kapag sa iba pa niya nalaman, sigurado akong mas kamumuhian ka no'n. And hey, hindi ka nagparamdam ng limang taon."

"Sana ganun lang kadali sabihin 'yon."

"Aish! Ano ba kasing nainom- What are you doing, Ms. Secretary?- Ayy kabayo--yow Boss!- Who are you talking to?" Rinig ko ang boses ng lalaki sa kabilang linya. I'm so sure that, that man was no other than Kaiser Hidalgo. "Ah, Baby, tomorrow na lang. My boss is here. I love you. Bye." Hindi na ako nakapagpaalam nang mabilis niyang ibinaba ang tawag. Napailing ako sa pinagsasabi niya. May pa-baby at I love you pang nalalaman ang bruha. Alam ko namang gusto niya lang pagselosin ang boss niya. Patay na patay kaya siya doon. Oopss... nadulas ako. Haha.

Pabagsak akong nahiga sa kama at nakipagtitigan sa kisame ng ilang minuto bago tumayo muli. I bent my knees 'til they touch the floor and slid my hand to get my luggage under the soft mattress. Inilagay ko iyon sa ibabaw ng kama tsaka nagsimulang mag-impake ng mga gamit namin. Mga mahahalagang gamit lang ang dadalhin ko na talagang kailangan ko sa misyon. Like guns, bombs with detonator, laptops, mini-cameras, wireless earpieces and mini-microphones. Maliban sa mga damit.

Hindi ako natatakot na magdala ng mga ganitong bagay dahil private plane ng Agency namin ang gagamitin namin.

By the way, I work as a high-profiled agent in CIA and I kill for almost a living. This is my extra job before, pero dahil nga natanggal ako sa isa ko pang trabaho, ito na lang ang pinagtuunan ko maliban sa kanya, syempre. And now, I'm one of the CIA's top secret agents.

Mahigit kalahating oras na ako nakatapos sa pag-aayos. Kung hindi pa kumalam ang sikmura ko ay hindi ko pa malalaman na past twelve na pala.

Napangiwi na lang ako. "Ang bilis naman ng oras." Wala sa sariling sabi ko na parang may dobleng kahulugan iyon.

Lumabas ako ng silid at pumunta sa kusina para maghanap ng makakain. Nakahinga ako ng maluwag nang makakita ng chicken adobo. Akala ko ay lalabas pa ako para lang kumain. Buti naman at meron pang tirang ulam.

Ininit ko na lang ang adobo tsaka nagsandok ng kanin at nagsimulang kumain.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasan na mag-isip.

Gusto ko na talagang umuwi sa Pilipinas pero natatakot ako. Sa lugar na 'to walang nakakakilala sa'kin. Walang matang mapanghusga. Sa Pilipinas, nandoon ang aking pamilyang tumakwil sa'kin. Nandoon ang mga kamag-anak ko na pilit akong hinuhusgahan.

But still, I wanna go home... for him.

It's been five years since I left.

And now because of my mission, babalik na ako. Hindi ko alam kung hanggang kelan ako magtatagal doon.

At malaki ang posibilidad na makita kong muli ang taong dahilan kung bakit mas pinili ko sa ibang bansa, dito sa London, na manirahan ng mahigit limang taon kesa sa bansang sinilangan at kinalakihan ko. Gaya nga ng sabi ni Empress, maliit lang ang Pilipinas.

"May iba ka na kaya?" Hindi ko mapigilang itanong sa sarili. Napailing ako. "What a stupid question, Savi. Malamang, meron ka na. After all, I'm just only your one night stand."

I smiled bitterly at that thought.


Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Leonida Guibao
nagkaanak ata c savi?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status