Share

CHAPTER TWO: BACK

SAVI’S POV

Nang mag-landing ang private plane na sinasakyan namin sa NAIA ay nakaramdam agad ako ng di maipaliwanag na emosyon. I'm excited to get back in the Philippines. As I said before, matagal ko nang gustong bumalik pero hindi ko naman iyon magawa dahil palaging sa ibang bansa ako naa-assign tuwing may misyon ako.

But now is different. Ngayong nandito na ako at makakatapak na uli sa bansang sinilangan ko. I'm excited and at the same time, nervous. No doubt about that.

Napalingon ako sa katabing upuan nang may maramdamang gumalaw doon. I smiled when I saw him yawning. Mukhang nagising na ang baby ko.

“How's your sleep, big boy?” I asked as I trailed my hand in his hair, combing.

“Fine.” Tipid niyang sagot na hindi man lang ngumingiti. “Are we here?” Lumingon pa siya sa paligid.

Napailing na lang ako sa kanya. My son is not fond of talking much. Tahimik talaga at suplado.

When I told him na pupunta kami rito sa Pilipinas after niyang um-attend ng class ay sobrang excited niya. Pumapasok na kasi siya sa kinder. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman niya ang totoo. Kwinento ko sa kanya ang tungkol sa buhay ko. After all, he is my son. At dapat lang naman niyang malaman ang tungkol doon... pati na rin ang tungkol sa ama niya.

Yes, you are right. I gave birth to a boy. Bunga siya ng isang pangyayari. Hindi ko masasabing isa iyong pagkakamali kasi ginusto ko iyon. Wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko.

Nang magkaisip ang anak ko ay hindi na siya tumigil sa kakatanong kung sino ang ama niya. Kung nasaan ito at kung bakit hindi namin ito kasama. Naaawa nga ako sa kanya kapag umiiyak siya sa tuwing hinahanap niya ang ama. Pero wala naman akong maipakita sa kanya maliban na lang sa larawan nito sa mga magazines at newspapers.

Nakakatawa ngang isipin pero 'Dada' ang unang salitang lumabas sa bibig niya nang matuto siyang magsalita kahit hindi pa masyadong maintindihan. Sobrang saya ko noong araw na 'yon dahil kahit hindi niya nakasama ang ama ay may puwang pa rin ito sa puso niya. My son loves him so much kahit hindi pa niya ito nakikilala ng personal.

Ayaw ko na sanang ipaalam sa kanya kung sino ang ama niya dahil siguradong pipilitin lang niya akong puntahan namin ito ngunit hindi ko kayang makitang umiiyak ang anak ko. Palagi niyang binabanggit ang 'Dada' kaya wala na rin akong nagawa kundi sabihin ang totoo.

And I'm very thankful to God dahil binigyan Niya ako ng isang blessing... na kamukhang kamukha ng ama nito.

I shook my head as I stared at my son, Aiken Van Laurel. He is only four years old. Tahimik at suplado ang anak ko. Pero sweet at malambing siya. Matalino rin siya at madaling  turuan. Ipinangalan ko siya sa ama niya dahil ayaw ko namang ipagdamot ang apelyido nito. He is a Laurel, after all.

I never knew that the man, Aiden Blue Laurel, I had a night, was a millionaire. Hindi ko alam na napakayaman nitong tao. I just accidentally watched a news featuring him kaya naman nang malaman ko ang pangalan niya ay nag-research ako about him. Everything about him. He still looks innocent for me, but damn boy, he is a monster in the business world. Biruin mo, at the age of 21, nagsimula siyang mag-train sa sariling company ng ama niya, and then after one year, ipinasa na sa kanya ang pamamahala nito. And at the age of 25, he build his own auto repair shop—AiFix Shop.

“Yes, baby, so you should prepare now. Your mommy ninang is waiting for us.”

“Mom, I told you not to call me 'baby'. I'm a big boy now.” Nakasimangot na aniya tsaka tumayo at nag-ayos ng sarili.

I laughed. Oh, damn boy. He is cute. My son really hates to be called as 'baby'. Malaki na raw kasi siya samantalang apat taon pa lang naman siya. Pero kung mag-isip siya minsan ay daig pa ang sampung taon na bata. Ang mature na mag-isip ng anak ko. And I am proud of him.

Ginulo ko ang buhok niya na lalong nakapagpasimangot sa kanya kaya pinigilan kong huwag matawa dahil baka umiyak pa siya sa asar tsaka inayang lumabas na ng private plane.

Pagkalabas na pagkalabas namin sa plane ay agad dumampi sa balat ko ang init ng sikat ng araw. Buti na lang ay nakashades ako pati na rin ang anak ko para hindi masilaw sa mata.

Inakay ko si Aiken papunta sa arrival area kung saan naghihintay sa amin si Empress. Si Empress ang tinawagan ko upang sumundo sa amin ng anak ko.

Sa di kalayuan ay natanaw ko agad si Empress na sobrang lawak ng ngiti habang kumakaway sa amin and damn boy... she is holding a what the hell... a banner? Nakasulat sa banner ang 'Welcome home, Savi and cute Van' na naka-capslack pa talaga tapos may puso-puso pang nalalaman at sa ibaba noon ay nakalagay ang 'by Empress Gorgeous'.

Just... what the hell? Ano na namang trip nitong kaibigan ko?

Napailing na lang ako. Dapat pala ay si Calista na lang ang tinawagan ko at hindi itong baliw na ito. Pero naalala kong wala nga pala siya rito. I remembered, our Boss assigned her in Chicago. And I haven't heard any news about her as of now.

“Mom, why is mommy ninang holding something? What's with that? The people are looking at her.” Inosenteng tanong ng anak ko at bahagyang tumingala pa sa akin.  Ang cute talaga ng anak ko kapag naku-curious. Kumukunot kasi ang noo niya.

Napangiti ako. Dahil laking America ang anak ko ay magaling na siyang magsalita ng salitang Ingles at hindi pa masyadong sanay mag-tagalog. Minsan ko lang kasi siya natuturuan ng mga tagalog words dahil palagi akong nasa trabaho this past few days lalo na at nag-aaral pa ito.

“Anak, your mommy ninang is just happy to see us.” Paliwanag ko rito dahil kilala ko na ang anak ko. Hindi ako niyan titigilan hanggat hindi niya nalalaman ang isang bagay. Masyado kasing observant ang anak ko.

Baliw lang talaga ang mommy ninang mo kaya nagdala pa ng banner. Gusto ko pa sanang idagdag kaya lang ay pinigilan ko ang aking sarili. Baka mapakinggan pa noong isa at magdamdam. Haha. Lol.

“Waahh! Ang laki-laki mo na, baby!”

Napailing-iling ako nang yakapin niya ang anak ko at buhatin.

“Mommy ninang, I'm not a baby anymore.” Nakasimangot na protesta ng anak ko kay Empress habang nakakapit ang mga braso sa leeg ni Em.

Mommy ninang ang tawag ng anak ko kay Empress dahil ito ang nag-alaga sa anak ko noong mga panahon na kailangan ko ng tulong. Nakalakhan na siya ng anak ko at itinuturing na pangalawang ina since inaanak naman niya ito.

I met Empress in London eight years ago. Nagbakasyon siya roon ng isang buwan. Ang alam ko lang, nakikipagkita siya noon kay Cali. I don't know the reasons behind. Hindi naman ako nag-uusisa dahil mukhang confidential.

Luckily, we have the same job. Hindi ko iyon alam dahil hindi naman kami nagtatagpo na dalawa sa headquarters o kahit sa field kapag may misyon ako, because she only works in CIA as a secret agent. Katulad ni Calista. Parang dalawang beses ko lang siya nakasama sa misyon. That was seven years ago kung saan ang first operation namin na magkakasamang tatlo ay 'yong sa illegal auction. And the second one was five years ago, dito sa Pilipinas, kung saan nakilala ko siya.

Tinatawag silang secret agent dahil lumalabas lang sila kapag kailangan sa field, sa mga malalaking operations at kailangan ng undercover. No one knows about their existence, except syempre sa boss namin at sa aming nakakasama nila sa misyon. They are our assets. Bago kami kumilos para lumusob, sila muna ang nauuna. They spy and infiltrate. At kaya nandito siya sa Pilipinas. Wala na siyang misyon. After all, it was her sideline job only. She really works and lives here in the Philippines.

I'm very thankful dahil nagkaroon ako ng kaibigan na handa akong tulungan at damayan kahit minsan ay may pagkabaliw siya. Nah. Baliw nga pala ang 'sang 'to.

Tumawa lang ang baliw. Oh, diba? “Yeah, right.” Sagot niya at lumingon sa‘kin. “Saan kayo tutuloy ngayon?”

Saglit akong natigilan sa tanong niya. Oo nga pala, hindi ko pa alam kung saan kami ngayon titira ng anak ko. Gusto kong umupa ng isang unit kaya lang ay iniisip ko ang gastusin namin. Hindi naman kasi ganun kalaki ang kinikita kong pera. Hindi 'yon sapat sa amin ng anak ko lalo na ngayon dahil papasok pa siya sa eskwelahan. Hindi naman pwedeng i-home school ko lang siya. Maganda pa rin kung sa eskwelahan siya makakatuto ng mga mahahalagang bagay. Kung kukuha naman ako ng bahay ay sigurado akong masasayang lang iyon. Hindi ko kasi alam kung hanggang kelan kami rito dahil diba nga, nandito lang kami para sa misyon ko. Maybe a month or two, depende sa operation na gagawin.

Hindi ko naman pwedeng dalhin si Aiken sa bahay ng mga magulang ko. No. I would not do that. Matapos ng mga itong itakwil ako dahil lang sa nabuntis ako at matanggal sa trabaho? Mamatay na. Hinding-hindi ko gagawin 'yon. They hate me as much as I hate them. Reputasyon lang naman nila ang importante sa kanila and not me.

“Hindi ka na nakapagsalita riyan. Sa bahay na lang kayo tumuloy. Tutal ako lang naman ang nakatira doon.”

Napamaang ako sa kanya. “Huh? Wag na, baka makaabala lang—”

“Sus, aarte ka pa riyan.” Inirapan niya ako. “Tara na nga, nagugutom na itong inaanak ko.” Tumalikod na siya at nauna nang maglakad karga ang anak ko. Kahit kelan talaga 'tong babae na 'to.

I sighed tsaka sinenyasan ang dalawang lalaking nasa hulihan ko na may bitbit ng mga maleta namin ni Aiken. Sumunod na ako kay Empress sa kotse niya. Baka iwan pa niya ako, e.

“Thank you.” Ani ko sa dalawang lalaki nang matapos nilang ilagay ang mga maleta sa kotse ni Empress. Mga tauhan sila sa Agency na pinagtatrabahuan namin. Sinamahan lang nila ako dahil sa mga dala ko at dahil na rin sa utos ng boss namin.

Tumango sila sa akin bago umalis kaya pumasok na ako sa passenger seat dahil naghihintay na sa akin ang dalawa.

“Saan niyo gustong kumain?” Tanong ni Empress pagkaupo ko tsaka ini-start ang engine.

Ikinabit ko ang seatbelt tsaka nilingon ang anak ko sa backseat. “Aiken, saan mo gustong kumain?” I asked. Lunch time na kasi at hindi naman kami nakakain sa plane dahil natulog lang itong anak ko at ako naman ay hindi pa nagugutom.

“Mom, what's komaen?” Kunot ang noong tanong niya sa akin at muntikan pa akong masamid sa tanong niya.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Empress kaya napasapo ako sa noo. Nakalimutan kong hindi nga pala masyadong nakakaintindi ng tagalog ang anak ko. Aish!

“Aiken, kumain means to eat. I'm asking, where do you want to eat?” I asked again.

Tumango siya. “Somewhere that have spaghetti, Mom.”

“Oh... I have a suggestion. I know a place where they serve the best spaghetti and other cuisines.” Singit ni Empress.

I raised my brows. “Really?”

She nodded and smiled. “Yup. Sa DeLythe.”

Sounds not familiar, but I guess mukhang masarap ngang kumain doon base pa lang sa pagkakasabi niya.

“All right.”

--

BLUE’S POV

“Anak, wala ka pa bang balita?” Tanong ni Mom sa kabilang linya.

Napahilot ako sa sentido ko dahil sumasakit na ang ulo ko. “Mom, I told you many times already, wala pa talaga.” Iniikot ko ang swivel chair ko paharap sa glass window ng opisina ko sa last floor ng ABL building. The whole last floor is my office.

Ilang araw na kasi akong walang pahinga. Lumalalim na ang mga mata ko at nagkakaroon na ako ng eyebags. Pero gwapo pa rin.

Seryoso. Nagkaroon kasi ng problema sa kompanya at kailangang magawan agad ng paraan.

The shipment of the spare parts has been delayed by two days dahil nasiraan ng makina ang barkong magdadala sana ng mga kargamento and the customers got furious. They were bugging me na kapag hindi pa dumating sa kanila ang spare parts as soon as possible ay ika-cancel na ang orders and believe me, I will lost millions if that happens.

But thanks to Blythe De Guzman, my cousin, and the owner of the best restaurant in the Philippines, the DeLythe. He gave me, suggested rather, another lines where I can transport my products. The well-known CoLe Shipping Lines in the country. Kaibigan pala niya ang may-ari. And believe me or not, I got 50% discount for travel fees. How's that? Hindi manlang ba ito natatakot na baka malugi ang kompanya nito dahil sa discount na ibinibigay nito? Well, pabor naman iyon sa akin at sa kompanya dahil nakatipid kami ng kalahati sa bayad.

It's been almost ten years since my father gave me this company to run. The ABL Enterprise. Sadyang ipinangalan ito sa akin ni Dad dahil ako raw naman ang magpapatuloy ng kompanyang ito na pinaghirapan at pinalago niya. Our company trades-off different spare parts around the country and even out of it. The ABL Enterprise is very successful and has been making a name in the business world. Pasok sa top ten ang pangalan ng kompanya namin around the world. Well, thanks to my and my employees' hardwork.

I heard her sigh. “Should I hire another investigator just to find her? I really-- no. I badly want to meet that woman.” Puno ng determinasyon ang boses niya.

“Mom, can we just stop this for now? I'm tired.” Pakiusap ko sa kanya. Masakit na talaga ang ulo ko at sa tingin ko ay konti na lang at bibigay na ang katawan ko.

“Are you okay, anak? May problema ba?” May pag-aalala sa boses niya.

“I just need a rest.” Namamaos na sabi ko.

“Alright, 'nak. Balitaan mo nalang ako kapag may improvement na sa investigation. We badly need to find her, because she is back. Love you, son. Bye.” Ibinaba na niya ang tawag.

Napasandal na lang ako sa aking swivel chair. I'm really tired right now at gusto ko lang ngayon ay ang magpahinga kahit saglit lang.

Dumako ang mga mata ko sa picture frame na nakalagay sa gilid ng mesa ko. It's not really a photo from a camera or what, but a photo made by a talented artist. Yes, it is a painting... a beautiful one. My treasure.

Inside the glass frame is a painting of a woman... a beautiful woman I can never forget. The woman I have been searching for five years and still counting.

Ang babaeng bumaliw sa isip ko. Ang babaeng bumihag sa durog kong puso kahit sa sandaling nagkakilala kami. Ang babaeng gumulo sa pagkatao ko. Ang babaeng gumising sa pagkalalaki ko at ang babaeng nakauna sa akin.

Corny, but that is true.

It's very funny how everything change because of that... of her.

Wala akong alam na kahit anong impormasyon tungkol sa kanya maliban sa pagkakakilanlan ko sa napakagandang mukha nito. Kaya nga nakapagpagawa ako ng larawan niya. I wouldn't forget that beautiful face of her. Never.

Agad kong pinahanap ang dalaga kinaumagahan noong gabing may nangyari sa amin. Yes, I had sex with her. I felt happiness and excitement and... lust that night despite of being broken.

But it's been five years and I still have no information about her... about her whereabouts. Mahirap naman kasing hanapin ang taong walang pangalan. Meron man, hindi ko naman alam. Wala kasi siyang iniwan na kahit na ano except for the bloodstain on the bedsheet where we had shared a night.

Dinampot ko ang litrato at hinimas ang mukha niya.

I'm still hoping na magkikita kami balang araw. I will wait kahit gaano pa katagal... makita ko lang muli siya.

“Nasaan ka na ba, baby ko?”

I smiled lightly.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status