Share

CHAPTER FOUR: BABY

SAVI’S POV

Hindi nga ako nagkamali ng hinala. Pagkabalik ko sa headquarter ay para silang sasabog sa galit dahil sa sobrang sama ng tingin nila sa‘kin. At alam niyo 'yong mas nakakatuwa? The Head Director is also here. Umalis kasi siya kanina at pumasok doon sa pinakang-office niya. 

Tumayo ako sa harapan nila. “Anong meron?” I asked, kunwari hindi ko alam kung anong nangyayari at mangyayari.

“Agent Light, nagpapasaway ka raw rito at sinagut-sagutan mo pa ang inyong team captain. I don't like that kind of attitude and the fact that you are just new in our team. Matuto kang rumespeto sa mas nakakataas sayo.” Galit niyang sabi and I was like.... what the fuck? Ano na naman ba ang ginawa ko? Kumain lang naman ako at kasalanan niya 'yon kung bakit ko siya nasagutan dahil ayaw niya akong pakainin. Kasalanan ko bang nagugutom na ako?

Umingos ako. Sumbungerong palaka pala ang 'sang 'yon. Kalalaking tao. Tss. And he is the team captain eh? Kaya pala galit siya sa‘kin, e. Natapakan ko ba ang kanyang pagkalalaki? As if meron siya noon. Tss.

I looked at the Intel who really hates my guts. He's looking at me as if saying, 'Oh ano? Ngayon mo ilabas ang tapang mo.' At alam kong may ngising tagumpay siyang sinusupil sa kanyang mga labi. Ayaw niya lang ipakita. 

Gusto ko tuloy matawa. Hindi lang pala siya gago, sipsip din ang kumag na 'to. And as if I'm going to give him the satisfaction he wants. No. Not even in his dreams. 

“With all do respect, pinapakain niyo ba ang mga tauhan mo, Sir?” Mukhang nagulat pa siya sa tanong ko dahil umawang ang mga labi niya. 

Kahit 'yog iba ay laglag ang panga'ng nakatingin sa‘kin, especially that jerk. Nakaawang din ang mga labi niya. I got you, boy.

Ilang saglit pa ay mukhang nakabawi na siya sa pagkakagulat at di makapaniwalang tumitig sa‘kin. “What the fuck are you talking about? Syempre pinapakain ko sila. Ano bang klaseng tanong 'yan, Agent Light?” He hissed. 

Tumango ako. “I thought hindi mo sila pinapakain. Bawal pa lang kumain huh?” Nginisihan ko siya pero nag-iwas lang siya ng tingin. Tss. Ako pa talaga ang binangga mo, e. 

“Wag mong iniiba ang usapan, Agent Light. Talk with respect. Respect him for he is the captain. Respect me because I'm the boss. Respect everyone kung ayaw mong tanggalin ka namin sa team kahit pa yata kasisimula mo pa lang ngayon.” He lectured at sinamaan ako ng tingin. 

Nag-init bigla ang ulo ko sa sinabi niya. So ako pa 'yong masama rito? Tangna pala niya, e. 

“Respect is for those who deserve it, not for those who demand it.” I stated and grimaced at them. “I don't care kung tanggalin niyo ako. Hindi ko kailangan ng mga kasamang katulad niyo... masyadong maperpekto. At ako ba ang humingi ng tulong? Kasi sa pagkakaalam ko, tahimik ang buhay ko bago kayo humingi ng tulong sa Agency namin.”

“Ganyan ba ang itinuturo sa inyo ng boss niyo? Ang maging bastos?” Maang niya sa‘kin.

Mapakla akong napatawa sa sinabi niya. “Wag mo siyang itulad sa'yo. Our boss is the best. And may I remind you, we are secret agents at hindi kargado ng boss namin ang pagpapangaral sa'min. We have our freedom. He will just summon us kapag may malaking operasyon.” Sagot ko sa kanya. 

Bastos na kung bastos pero wala na akong pakialam. I don't care kung big boss siya rito. O kahit siya pa ang pangulo ng Pilipinas. I don't give a damn. Fuck him. Really. Hindi ko kailangang magtrabaho sa ganito na puro respeto ang hanap. Sana nagpari na lang siya. Doon maraming rerespeto sa kanya. 

At tsaka tangna lang. Kumain lang naman ako. May masama ba doon? Namatay ba sila noong kumain ako o ano? Punyeta kasing sumbungero na iyon, e. Daig pa ang bata. Tss.

“Then I don't have a choice, but to fire you in our team.” Idinuro niya pa ako.

Napairap ako sa kawalan. “You don't have to, because I fucking quit in this team.” 

Tinanggal ko ang badge na nakalagay sa damit ko na sumisimbolo na kasama ako sa team nila at inilapag sa lamesa kasama ang baril na ibinigay niya sa‘kin kanina. 

I turned my back at them, but I halted my steps when he spoke.

“Hindi ka ba natatakot na matanggal sa trabaho dahil diyan sa ugali mo?” Bakas sa boses niya ang pangungutya.

I tilted my head. “Matagal na akong bastos. Sa tingin mo, bakit hindi pa ako natatanggal sa trabaho?” Nilingon ko siya tsaka ngumisi. Natameme naman siya doon.

Akala ba niya tatalab sa‘kin 'yon? Pikunin ako, oo. Pero hindi ako umaatras at nagpapatalo.

Tumalikod na uli ako pero may naalala ako. “And oh, by the way, look at your surroundings. Hindi kayo nakakamalay may nagmamasid na pala sa inyo.” Makahulugan kong sabi bago tuluyang umalis sa headquarter. Matalino sila kapag nakuha nila kung ano ang ipinahihiwatig ko. Tss. 

I am Agent Light from CIA. I'm one of the badass girls so don't even fucking think of messing up with me.

Pagkalabas ko sa agency ay pumara agad ako ng taxi. I just want to disappear in this fucking place. ASAP. 

Nang makarating kami sa village ay agad akong bumaba tsaka nagbayad. Nilakad ko na lang ang bahay ni Empress dahil hindi naman pwedeng pumasok ang mga public vehicles dito. Mga sariling sasakyan lang ang pwede. 

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay dumiretso ako sa kusina tsaka nagbukas ng ref at kumuha ng tubig. Nagsalin ako sa baso tsaka uminom. Hindi pa nauubos ang iniinom ko nang biglang tumunog ang phone ko. Dinukot ko iyon sa bulsa sa likod ng suot kong pantalon at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Agad na nagliwanag ang mukha ko nang makita kung sino iyon. “Hey. What's up?” Sagot ko sa tawag.

“What's up your face, Savi. Bakit hindi mo manlang sinabing darating ka?” Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakatikwas na ang mga kilay niya. Damn.

Bahagya akong natawa tsaka napailing sa inasal niya. “My bad. I thought you are not here in the country.” Sumandal ako sa ref at hindi pa rin binibitawan ang basong may tubig.

“Iyan din ang akala ko.” She tsked. Her usual reaction.

“Ano bang ginagawa mo rito? Di ba may misyon ka?” Kunot-noong tanong ko. 

Hindi ko kasi alam talaga na nandito rin siya sa Pilipinas. She was in Chicago, having her mission, the last time I checked. And then now, she's here.

“He happened.” Napapalatak niyang sabi.

Umawang ang labi ko. “What happened?” 

She scoffed. “Power and threats. That happened. So I ended up here, fucking keeping him safe from danger.” I can hear the irritation on her voice.

“Oh. I don't know what to say.” I muttered. 

She sighed. “You don't have to say anything. Why are you here, anyways? I'm curious.”

“I'm here for my next mission, you see. But unluckily, I quitted. Wala pa sigurong sampung oras after kong magreport and then boom... I'm free again.” I smiled sheepishly even though she can't see me.

“And why is that?”

“I hate the boss and so the team leader. They got on my nerves so yeah, I talked back and he fired me. But nah, I said the otherwise.” I explained.

As if naman papayag ako na i-fire nila. Nah. Not even in a million years. Don't think na masyado akong rude and so. Actually, I became a secret agent because of my skills and ability. Not because I have that good attitude. My boss in CIA isn't looking for a kind personality, but the ability to serve and help people without even waiting for things in return. 

I heard her chuckles. “Damn. That's the attitude, my bestfriend.” Napatawa na lang din ako. “So you are free, hmm? Report to me tomorrow. I'll give you a head.” 

Inilagay ko na sa lababo 'yong baso na may kaunti pang tubig tsaka naglakad papunta sa sala. “Really? Why not today? I'm bored here.” Naupo ako sa sofa tsaka sumandal.

“Asan ka ba?” She asked.

“Dito kami ni Aiken nakatuloy sa bahay ni Em.” I informed.

“I see. You brought your son too.” 

“Well, I have no choice, but to. Wala siyang kasama roon.” I sighed. Boredom is killing me! Aish.

“Alright. You know where to go. I'll just send you the details.”

“Thanks a lot, Calista. Bye.” She bid her goodbye too before ending the call.

Napasuntok ako sa hangin. “Yes! Sa wakas, I'll do something exciting yet thrilling.” I whistled tsaka nagmadaling lumabas ng bahay. I secured it first bago tuluyang umalis at pumunta sa Sahara Club.

--

BLUE’S POV

“Bud, hindi ka talaga sasama sa'min?” 

I looked at Stevon tiringly. Katabi nito si Gavyn. “No.” Matigas kong sabi tsaka bumalik sa ginagawa ko.

I'm busy signing papers and such when they barged into my office. Akala ko importante ang ipinunta nila pero mambubulabog lang pala at mag-aayang mag-bar. Night outs, as always.

Alas-syete na ng gabi pero nagtatrabaho pa rin ako. Nakauwi na ang lahat ng mga empleyado ko at ako na lang ang natira rito sa building. Idagdag pa 'tong dalawang bwisita ko na kanina pa ako kinukulit.

You can say I'm hardworking, yeah. Pero ang totoo, I just don't want to go home. I will only feel alone and empty in my penthouse. That's why I decided to stay here. Working my ass to slip my loneliness and thoughts away.

“Oh c'mon, dude. Balak mo bang dito magpalipas ng gabi? That's boring.” Sabi ni Gavyn na nakakunot pa ang noo.

I made a face. Ang kulit talaga ng dalawang 'to. Daig pa ang mga babae sa pamimilit, e.

Stevon Kim and Gavyn Lee are my closest friends since high school. I never thought na kami pa rin ang magkakasama hanggang ngayon. Honestly, nagsasawa na ako sa pagmumukha nitong dalawa. Sila na lang palagi ang nakikita ko. 

“Ayoko nga dahil ayokong uminom. Tapos ang usapan.” I stated the truth.

Ayokong sumama sa kanila dahil paniguradong malalasing na naman ako. Because the last time I checked, I drunk and didn't know that I brought a woman in my condo. And I don't want that to happen again. No. Ayoko nang madagdagan pa ang mga kasalanan ko sa kanya. That's the last time at ayoko ko nang maulit pa iyon. 

“E di samahan mo na lang kami. Don't drink and just stay with us.” 

Sinamaan ko ng tingin si Stevon. “So gagawin niyo pa akong chaperon niyo?”

“Ayy basta. Sasama ka sa amin sa ayaw o sa gusto mo.” Tumayo na sila at di ko inaasahang kakaladkarin nila ako palabas ng opisina ko. 

“Fuck! Bitiwan niyo nga ako!” I hissed pero parang wala silang narinig dahil hindi nila ako pinansin.

Binitawan lang nila ako nang makasakay na kami sa elevator kaya wala na akong nagawa. Bwisit talaga 'tong dalawa na 'to. Walang alam kung hindi ang magpangbulabog sa buhay ko.

Nang bumukas ang elevator ay humarap sila sa‘kin at handa na naman akong hilahin pero pinigilan ko sila.

“I can walk, fuckers.” Napahalukipkip na lang ako nang marinig ko silang tumawa. Tawang tagumpay! Bwisit talaga! Tss.

Nang makarating kami sa Club Hell ay humanap kami ng bakanteng mesa at saktong may isa pang bakante malapit sa bar counter. Sobrang daming tao at kahit hindi pa ako nakainom ay parang nahihilo na ako. The loud sounds produce by the DJ make the people dance freely. Medyo dim din sa paligid at tanging makukulay na ilaw ang makikita na parang sumasayaw rin. 

Club Hell is owned by Evans Lockhert. Kilala siya sa business world at sa pagkakaalam ko, pag-aari rin niya ang mga naglalakihang Levans Hotels and Condominiums sa bansa. He's after all a freaking multimillionaire, too.

Agad na may lumapit sa aming waitress. “Order niyo po mga Sir?” 

“One bucket of beer and one serve of bopis, Miss.” Sabi ni Gavyn. 

I just shook my head sa in-order niya.

“Right away, Sir.” 

“Ano bang nakain niyo at gusto niyong uminom?” Tanong ko sa dalawa nang makaalis 'yong waitress. 

Si Stevon ang sumagot. “Nothing, really. We just want to hangout with you, Mr. CEO.”

Ilang saglit lang ay bumalik na yung waitress and serves us our order pagkatapos ay umalis din agad. 

Pinanood ko lang 'yong dalawa habang nagbubukas ng bote bago uminom.

“Kikiligin na ba ako? And look who's talking.” I face palmed.

Hindi lang naman ako ang big boss rito. These two fuckers also are. Hindi man halata, but yeah, they are big bosses too. 

Stevon Kim owns the SteKi Island, a paradise Beach Resorts na hindi ko alam kung paano niya pinapatakbo dahil palagi siya rito sa Manila. Nasa Batangas kasi ang main branch ng business niya kaya nagtataka ako kung bakit hindi pa nalulugi iyon. Not that I'm wanting it though.

On the other hand, Gavyn Lee owns GL’s Garage, a shop that sells cars. Isa pa 'to, hindi ko alam kung paano siya kumikita ng milyon milyon araw-araw eh ang tamad tamad niya. Palaging 'yong sekretarya niya ang nag-iintindi. 

I wondered. How these fuckers became my buddies?

And luckily, connected ang business naming dalawa ni Gavyn. He sells cars, I trade spare parts and also, I own AiFix Shop. Pangalan pa lang, obvious na. So yeah, pwede kayong magpaayos ng sasakyan sa shop ko.

“Eh, ikaw? Bakit ayaw mong uminom?” He asked back. 

Saglit akong natigilan sa tanong niyang 'yon. Parang may bumara sa lalamunan ko at di ako makapagsalita. He got me there.

I cleared my throat. “I just don't want to bring a woman and get laid again.” I spoke the truth. Hindi naman lingid sa kaalaman nila ang nangyari sa‘kin five years ago. They are my bestfriends, after all. 

Tumango silang dalawa. “Her again. I see.” Nagbukas ng isang bote si Stevon at inabot sa‘kin. Tiningnan ko lang iyon. “Don't worry, man. We are here. Kaming bahala sa'yo, so enjoy the night.” 

Kahit nagdadalawang isip, tinanggap ko pa rin 'yong inabot niya. May be he's right. Hindi naman siguro uli mauulit 'yon dahil nandito sila kasama ko. Usually kasi, I go here alone kaya walang pumipigil sa‘kin kung ano man ang ginagawa ko. Walang nagbabawal kaya nakakagawa ako ng bagay kahit di ko gustong mangyari.

Nag-order pa si Gavyn ng isa pang bucket dahil paubos na iyong nauna. Nakakailang bote na rin ako at ramdam kong umiikot na ang paningin ko pero nasa wisyo pa rin naman ako. Alam ko pa kung ano ang nangyayari. 

Tumayo ako nang maramdaman kong tinatawag ako ng kalikasan. “CR lang ako.” Paalam ko sa dalawa.

“Gusto mong samahan ka namin?” Nababahalang tanong ni Gav.

Umiling lang ako. “I can still manage.” Hindi pa naman ako lasing. Just tipsy.

They nodded at agad akong umalis. Dumiretso ako sa kanan at liliko na sana nang may makabunggo ako. Muntik nang umikot ang paningin ko pero buti na lang ay mabilis akong nakahawak sa pader para hindi ako tuluyang matumba.

“Oh gosh, I'm sorry. Nagmamadali lang kasi ako. Are you okay?” Lumapit siya sa‘kin at tinulungang makatayo nang maayos. Napatingin ako sa kanya. I can't see her face clearly because of the dim light. 

But her voice...

“Hey, okay ka lang ba? Are you hurt?” Sinuri pa niya ako. 

Her voice sounds familiar to my ears. Parang narinig ko na ang boses na iyon.

I looked at her from head to foot. She's wearing a waitress suit, but her foot ware is actually an ankle boots. Ang iksi ng suot niyang palda at sa pakiwari ko ay konting galaw lang niya ay makikitaan na siya. I don't know why, but I felt irritated suddenly. Is she working here with that kind of outfit? 

Wala sa sariling sinapo ko ang kanyang mukha at kahit hindi ko siya makita ay titig na titig pa rin ako sa kanya. 

“B-Baby ko...” I said, almost a whisper. 

Ramdam kong natigilan siya. Siguro ay nagulat sa sinabi ko. Sino ba naman kasing hindi magugulat kung tawagin ka na lang bigla in such endearments like pag-aari ka niya? O baka pamilyar sa kanya ang boses ko? I'm hoping.

“B-Blue Laurel?” Gulat niyang untag sa pangalan ko at sinapo rin ang mukha ko.

This time, ako naman ang natigilan. She knows my name? Kilala niya ba ako?

Kahit naguguluhan ay dahan-dahan akong tumango sa kanya. 

“Oh, God! I-It's really you!” Hindi makapaniwalang sambit niya. Even I can't believe that we'll actually meet again here. Same place with our first encounter and... intimate night. 

“Anong ginagawa mo rito?” I managed to ask dahil gulat pa rin ako sa pangyayari. Parang natanggal tuloy ang pagka-tipsy ko.

Kita ko ang paglingon-lingon niya sa paligid. Napagaya tuloy ako. May hinahanap ba siya?

“Shit. Nakatakas na.” She mumbled pero dahil magkalapit kami ay napakinggan ko pa. “Can you wait me? May kasama ka ba? I'll just do some matter.” 

“I'm with my friends. May hinahabol ka ba?”

“I'll explain later, baby. Wait me at the counter.”

Hindi ko na nagawang makapagsalita pa nang bigla na lang siyang naglaho mula sa maraming tao. Tulala ako habang nakatingin sa malayo. 

Hindi ito panaginip, right? She's real. I touched her face. I heard her voice. And she just called me 'baby'. Her endearment to me. Parang may sumikdo sa puso ko. I missed that. 

But why does she know my name? 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lucille Timbal Paguia
bakit walang laman yung episode 3.,
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status