Share

CHAPTER SIX: PAST

[Five years ago]

SAVI'S POV

I groaned as I opened my eyes. Hangover as it is. Lihim ako napamura at napangiwi nang maramdaman ang hapdi sa pagitan ng mga hita ko nang gumalaw ako. Bumaling ako sa kanan at isang mukha ng anghel na mahimbing na natutulog ang sumalubong sa akin. Wala sa sariling napangiti ako pero agad ding napalunok nang bumaba ang tingin ko sa mapupula niyang labi. 

What the fuck, Savannah? You are sore down there yet you still managed to fantasize him. 

Umiling ako at dahan-dahang umalis sa kama. I went inside the bathroom. Tiniis ko ang hapdi sa pagitan ko habang naliligo. Pagkatapos ay inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Hindi ko iyon nagawa kagabi dahil sa pagkasabik. Haha. Napadako ang mga mata ko sa orasan na nakasabit malapit sa may pintuan. Alas-kwatro y media pa lang ng madaling araw. Ibig sabihin, mahigit tatlong oras lang ang tulog ko. The f?

Naagaw ang atensyon ko nang marinig ang ringtone ng selpon ko. Agad ko iyong kinuha sa ibabaw ng mesa na nasa gilid lang ng kama at sinagot ang tawag.

“Hello, Savi? Where the hell are you?! We need to go. Cali is so grumpy.” Bungad ni Em sa kabilang linya. 

Hindi na ako nakapagsalita at mabilis na kumilos. Napatigil lang ako nang akmang pipihitin ang door knob para lumabas. I looked back and unconsciously walk towards the bed. Tinitigan ko ang maamo niyang mukha. 

Napangiti ako. “'Til then, my innocent baby.” I whispered over his ears and kissed his lips one last time before leaving him, inside that room, peacefully sleeping. 

“At saan ka naman nanggaling na maharot ka?” Irap ni Em bago naupo sa tabi ko sa loob ng eroplanong maghahatid sa amin pabalik sa London. 

Tumawa ako. “Tumikim ng masarap at fresh na ulam.” Then I winked at her.

“What? Hindi ka manlang nag-share?” Hampas niya sa braso ko.

“And why would I? He is all mine.” Ngising aso ko na ikina-simangot niya. “Anyways, what happened to her?” Pagbabago ko ng usapan patungkol kay Cali. She is sitting at the back with headphone on her ears.

“I don't know. But I have a hint that she saw something last night kaya nagkaganyan. Alam ko namang suplada siya, but right now, she is so very grumpy like she is about to punch anyone.” Pagkwento niya na ikinatango ko. Tumahimik na kami pareho dahil baka naririnig pala niya kami at bigla na lang kaming sapakin. 

I closed my eyes as I dream of those memories of us together that night with a smile on my face.

Napabalikwas ako ng bangon at dali-daling tumakbo papunta sa banyo nang maramdaman kong parang bumabaliktad ang sikmura ko. I threw up on the toilet. Pawisan akong napakapit sa sink at napatulala habang nakatitig sa salamin. Alas-tres pa lang ng madaling araw at ganito agad ang gumising sa'kin. 

Could it be? 

Hindi malabo. I'm two weeks delayed from my cycle.

Isang buwan at mahigit na ang nakalipas pagkatapos noong misyon namin sa Pilipinas. At ang isang buwang iyon ay bakasyon ko. Wala akong ibang ginawa kundi ang pumasok sa isa ko pang trabaho. I'm a regular employee sa isang Magazine Company. Iyon ang dahilan kung bakit talaga ako nandirito sa London. I was transferred here. Being an agent was just my sideline job. At hindi iyon alam ng family ko.

I sighed and wash up. Lumabas ako ng banyo at nagtungo sa kusina. Medyo kumalam ang tiyan ko. Looks like there is really a little angel inside. Lihim akong nangiti roon. Thinking of me being pregnant, even without yet testing, makes me overwhelmed. Hindi ko alam kung bakit. 

Pero naalala ko ang pamilya ko. Kung sakali man, matatanggap kaya nila? And my work, what will I do now? I shook my head to get rid of my thoughts for a while. Bahala na. I will just think about it kapag nakapag-take na ako ng pregnancy test. 

Ayon nga ang ginawa ko pagkasapit ng alas-sais ng umaga. Bumili ako ng tatlong PT sa drug store at agad iyong sinubukan. At nanginig ang mga kamay ko habang nakatitig sa tatlong bagay na iyon. Umawang ang mga labi ko. Napakurap-kurap, baka-sakaling nananaginip lang ako. Pero nang wala pa ring magbago ay napasinghap na ako.

“Oh my God!” 

Bawat PT ay pare-parehas lang ang ipinapakita. Two red lines. Positive. 

Is this for real? 

Napaluha ako sa di maipaliwanag na tuwa at kaba. Wala sa sariling napahawak ako sa tiyan ko at hinimas-himas iyon. Iba pa rin pala talaga kapag alam mong sigurado na at may ebidensya. 

They must know about this. Especially, my decision to quit. Kaya kinabukasan ay pinatawag ko sina Em at Cali sa mismong opisina ng Boss namin. Sa kanilang dalawa ko muna sana ni Em sasabihin kaya lang ay naisipan kong isama na rin si Boss para isahang announce na lang.

“So, bakit mo kami pinatawag, Savi?” Pagbasag ni Em sa katahimikan na bumabalot sa loob ng opisina ni Boss. Nakaupo kaming parehas sa sofa pero magkaharapan ng pwesto. Habang nakasandal sa glass wall ng opisina ni Boss si Calista at tahimik lang na nagmamasid. Samantalang nakaupo si Boss sa swivel chair nito habang iniikot-ikot iyon nang marahan.

I looked at them, one by one. Pero nagtagal iyon kay Boss. Napahugot ako ng maraming hininga at marahas na pinakawalan iyon. “I'm quitting.” Lakas-loob kong sambit. 

“Why?” Ayon na naman ang malamig na boses ni Boss. Nagsusumigaw ng awtoridad. 

Napayuko ako. “I'm pregnant. I'm sorry.” 

Saglit na naghari ang katahimikan like they are still absorbing what I just declared. I fidgeted my fingers while waiting for their reactions. Ilang minuto akong naghintay. May narinig akong parang nalaglag na kung ano kaya napatingala ako. 

“Fuck. How many weeks?” Singhap ni Boss kalaunan nang mapagtanto ang sinabi ko. 

Umiling ako. “I don't know. I still haven't visit an ob-gyne. Kahapon lang ako nag-take ng pregnancy test.” 

“Omygad! Ninang ako!” Tili ni Em, halatang natuwa sa sinabi ko. 

“It's good you told us ahead of time. I'm about to assign you somewhere. But wait, how did that happen?” Tanong ni Boss habang nakakunot ang noo. I blinked at him. Is he serious about that? 

I was ready to tell him when Cali spanked his head. “Don't you had a subject about Biology, David?” Masungit na turan niya. Kung hindi ko lang talaga sila kilala, mapagkakamalan ko silang magkasintahan. But they are not, though. They are like cat and dog that always tease each other. But our Boss, David, is really protective and sweet when it comes to her. 

“Of course I knew that. I was just curious because I know she has no boyfriend nor husband. What's wrong with you?” He hissed at her, dinedepensahan ang sarili.

Umingos si Cali. “Are you a stalker? How are you sure she has no boyfriend at all? And you do realize that sex happens not only between couples?”

“Oh, that happened to her then?” Boss innocently shook his head like he realized something. I chuckled mentally at his reaction. Cute. “But why are you mad at me?” Simangot nito bigla kay Cali. 

Cali just rolled her eyes at him like he is somewhat a slowpoke before looking at me. “What's your plan, then? Uuwi ka ba ng Pilipinas?” 

Tumango ako. “I want to tell this to my family.” 

“Then I will accompany you. Since I have nothing to do here anymore.” Saad ni Em. 

Humarap ako sa kanya at napangiti. “Thank you. Pinag-isipan ko talaga kung paano sasabihin sa inyo 'to without judging me.” 

“Ano ka ba, Savi? We are bestfriends here. Kahit mag-asaran at magpikunan tayo, when it comes to this kind of thing, we have no right to judge each other. What we can only do is to support. And that's a blessing. You should be thankful for that.” I don't know if it's a pregnancy thing being sensitive or what Em just said was really heart-melting that made me shed tears. Agad kong pinalis iyon. 

“Can I ask who?” 

I looked back at Cali who's waiting for my answer. Tipid akong akong ngumiti, nahihiya, tsaka umiling. “I only memorized his innocent face that night.” 

And I thank them for not judging me. For supporting me still. It's really good to have bestfriends like them. And I prayed to God na sana ganoon din kalawak sa kanila ang pang-unawa ng pamilya ko. But unluckily, not.

“Buntis ka? Sinong ama? Mayaman ba? Kailan pa 'yan?” Sunod-sunod na tanong ni Mama nang aminin ko sa kanila. Padalawang araw ko na ito rito sa Pilipinas at doon sa bahay ni Em ako nagpalipas ng isang araw habang kumukuha ng lakas ng loob na umamin sa pamilya ko. 

Umiling ako. I heard them gasp in disbelief.

“Ano?! Hindi mo kilala?! Nagpabuntis ka sa taong hindi mo kilala?! Nahihibang ka ba? Hindi ka namin pinalaking disgrasyada!” Sigaw ni Papa at dumapo ang malaki niyang palad sa pisngi ko. 

I was stunned at the moment. Hindi ko inaasahang magagawa niya akong pagbuhatan ng kamay. Pero agad ko iyong hinawakan. Alam kong namumula iyon. “I'm sorry po, Ma, Pa. Hindi ko sinasadyang mabuntis. Gagawin ko po ang lahat mapatawad niyo lang ako.” Nagawa ko pang yumuko para humingi ng tawad. Hindi ko sinasadyang mabubuntis ako, pero oo, sinadya kong may mangyari sa amin ng lalaking iyon. 

“Ipalaglag mo ang bata. Isang kahihiyan iyan sa pamilya natin.” 

Napatigalgal ako sa sinabing iyon ni Mama. Umawang ang mga labi ko at di makapaniwalang tumingin sa kanya. “A-Ano po? Gusto niyong p-patayin ko ang batang dinadala ko?” Nag-init ang sulok ng mga mata ko nang mag-iwas siya ng tingin. Ilang beses akong lumunok bago tumingala, nagpipigil ng luha.

“Kilala ang Papa mo sa negosyo. At isang kahihiyan sa pangalan niya kapag nalaman ng mga ka-negosyo niya na may anak siyang nagpabuntis lang sa kung sinong lalaki.” Paliwanag niya na parang iyon na ang sagot sa lahat ng katanungan ko.

Doon na napatulo ang mga luha ko. Paano nila nasasabi ang mga ganito? 

“Iyong sasabihin na lang po ba ng iba ang iisipin ninyo at hindi ang kapakanan ko at ng batang dinadala ko? Ma, Pa, apo niyo po ito. Bakit ganyan kayo magsalita?” May pagmamakaawa sa boses ko. 

“So, ano? Gusto mo kaming idamay sa kahihiyang dala mo? For goddamn sake, Savannah, gumawa ka naman ng tama para sa pamilyang 'to.” Sabad ni ate na kanina pa nagmamasid. Magkahalong galit at panghuhusga ang ipinupukol sa akin.

“At ang ipalaglag ang bata ang tamang gawin para sa inyo? Ganoon ba?” Maanghang kong tanong sa kanila, pilit ipinapaintindi ang lahat.

“Kung hindi mo kaya, lumayas ka sa bahay na ito. Wala kaming anak na bayaran. At hinding-hindi namin matatanggap ang bastardong 'yan, buhayin mo man o hindi.” Walang pusong turan ni Papa.

“Wala ka talagang magandang dulot sa pamilyang ito.” The hatred in my sister's voice was visible.

I tapped my chest, slightly massaging it where my heart is located. Hindi ko kinakaya ang mga binibitawan nilang mga salita. Parang hindi ko na sila kilala. 

“All my life, simula pagkabata ko, sinunod ko lahat ng gusto niyo. Lahat ng sinabi niyo, ginawa ko. Nag-aral ako nang mabuti. Nagtapos nang my medalya. 'Yong kursong gusto niyo na kuhanin ko noong college, sinunod ko. Kahit hindi iyon ang gusto ko.” 

Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko. Hinayaan ko lang tumulo, hindi dahil gustong kong kaawaan nila ako, kundi dahil hindi ko na magawang pahiran iyon. My hands were shaking in madness. 

“Ginawa ko ang lahat para maging proud kayo sa'kin. I have been the good daughter you want me to be. At nang dahil lang dito, mawawala lahat ng mga sinakripisyo ko para sa inyo? Why do you have to be so cruel? Pagtanggap niyo lang ang hinihingi ko, kahit hindi niyo ako suportahan dahil kaya kong buhayin itong anak ko nang mag-isa. Pagtanggap niyo lang, iyon lang, pero hindi niyo pa magawang ibigay. Ipinagkakait niyo pa, dahil pangalan niyo lang ang mahalaga sa inyo.” Pinilit kong humakbang paalis kahit nanghihina ang mga tuhod ko. 

“Hindi ako nagsisising nabuntis ako. Alam niyo kung anong pinagsisisihan ko sa lahat? Iyon ay ang katotohanang... kayo pa ang naging pamilya ko.” I said, full of pain and hatred, before abandoning them. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status