Share

CHAPTER SEVEN: NAME


BLUE'S POV

I groaned as I open my eyes. Agad na sumalubong sa'kin ang kisame ng aking penthouse. Napasabunot ako sa aking buhok nang sumakit ang ulo ko. Damn, hangover! 

Anong nangyari sa'kin kagabi? Paano ako napunta rito? I remembered, I was with Stevon and Gavyn. Niyaya nila akong uminom. Did they bring me here? 

Dahan-dahan akong bumangon habang nakahawak pa rin sa ulo ko. 

Blurred images of last night started to flood in my mind. Last night... Shit! Agad akong napalingon sa aking tabi at ganoon nalang ang panlulumo ko nang may makitang babaeng mahimbing na natutulog. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa'kin. I know she's naked under that blanket. 

I looked at myself at tanging boxer short na lang ang suot ko. Umupo ako sa gilid ng kama at napasabunot sa buhok ko. 

I saw her last night. It felt so real. I even have the chance to touch her. Totoo ba ang nakita ko? O panaginip na naman ba ang lahat? 

Katulad ng mga naunang araw, palagi ko siyang naiisip tuwing nasa club ako and I always mistook those women as her. Hindi ko alam kung dala lang ba iyon nang pangungulila ko sa kanya o pinaglalaruan lang talaga ako ng tadhana. 

Nabaling ang atensiyon ko sa kanya nang bahagya siyang gumalaw paharap sa'kin dahilan para masilayan ko ang mukha niya. Napaawang ang mga labi ko at sa pagkataranta ay agad akong umalis sa kama at halos malaglag pa ako. I examined her face. Napatigalgal ako sa nakikita ko ngayon. I blinked multiple times na may kasama pang kusot sa mata at nang hindi pa rin nagbabago ang itsura niya sa paningin ko ay para akong kakapusin ng hininga.

Fuck! She's fucking real! 

Hindi ako dinadaya ng paningin ko. Totoo nga ang lahat ng nangyari kagabi. It's her! Shit! I-I don't know what to say. I don't know what to react. She's really here... on my bed, naked under the blanket. 

Hindi ko mapigilang mapaluha sa tuwa. Fuck, so gay! But I'm so fucking happy right now! Ang lakas din ng tibok ng puso ko na para bang ito ay nasisiyahan. Gusto ko siyang sunggaban ngayon at yakapin ng mahigpit, but I didn't do it. Ayaw kong gisingin ang mahimbing niyang tulog. Alam kong pagod siya dahil sa nangyari sa'min kagabi nang paulit-ulit.

Yes. I made love with her many times. For me it's a love making because I fucking love her. I can't deny that fact. Hindi na mahalaga kung sex lang para sa kanya ang nangyari sa'min. Ilang beses naming ginawa ang bagay na iyon at hindi naman siya nagreklamo. I missed her so much, even my body misses her kaya hindi ko siya tinigilan hanggat di kami napapagod. I'm sure she's sore down there. I remembered last night, she's so fucking tight like it's her first time. 

Di ko mapigilan ang kanina pa gustong pagngiti ng aking mga labi. Baliw na nga ako. Baliw sa kanya. Naiiling na pumasok ako sa banyo para maligo pero bago 'yon ay sinulyapan ko muna ang babaeng mahimbing na natutulog sa aking kama bago tuluyang pumasok sa loob.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako sa banyo. Nakatapis lang ako ng tuwalya sa ibaba at naglakad patungo sa walk-in closet habang nagpapatuyo ng buhok gamit ang isa pang tuwalya. I grab a simple t-shirt at tsaka short na pambahay. 

When I'm done, I looked at her peaceful face for a while and decided to go down. Dumiretso ako sa kusina. I decided to cook something for her dahil alam kong gutom siya kapag nagising. 

Simpleng almusal lang ang niluto ko. Fried rice, ham, bacon, eggs, and hotdogs. Tinimplahan ko rin siya ng juice at naglagay rin ako ng isang basong tubig. Nang maayos ko na ang tray ay dinala ko na iyon sa taas. Pagkapasok ko sa kwarto ay nakita kong mahimbing pa rin siyang natutulog. Maingat kong ibinaba sa side table ang tray at kinuha ang upuan and sat down. 

Ayaw kong maupo sa kama dahil baka magising pa siya. I stared at her lovely face. Hihintayin ko na lang siyang magising and we will talk. Marami akong gustong itanong sa kanya. Marami akong katanungan na tanging siya lang ang makapagbibigay ng sagot. 

I want to clarify things. Like, how did she know my name? Because the last time I check, we were strangers when we did it. Wala akong alam tungkol sa kanya at ganoon din siya dahil wala naman akong sinabi sa kanya. Sa pagkakatanda ko. 

Where was she all along, for fucking five years of searching her? And if my memory serves me right, wala siya rito sa Pilipinas sa loob ng limang taong nakalipas. I hired a private investigator just to find her, even my mom helped me out, but no signs of her. Nothing. 

I don't even know her name. Just her face. Iyon lang ang pagkakakilanlan ko sa kanya. 

Five years of waiting for her... for longing her. 

And now, God gave me the chance to see her, again, like I wanted in the first place. 

Nakakapagtaka lang na nandoon siya sa club, wearing a waitress suit. Dun ba siya nagtatrabaho bilang isang waitress? Imposible naman kasi. Sabi ko nga kanina, wala siya rito sa Pilipinas sa mga nakalipas na taon at kung nandito nga siya at nagtatago lang, well, dapat nalaman ko agad 'yon dahil palagi akong nandoon sa club. Dapat nakita ko agad siya. But seeing her after five years makes me think otherwise. 

But speaking of waitress suit, naalala kong nasa dining pala ang kasuotan niyang hinubad ko kagabi. Hindi ko iyon napansin kanina nang pumunta ako sa kusina. Napailing nalang ako tsaka tumayo. Bumalik ako sa ibaba at pinulot ang nagkalat niyang damit sa ibaba ng dining table. Even her undergarments. Hindi ko tuloy mapigilang mamula nang mahawakan ko iyon. 

Bumalik ako sa taas at dinala iyon sa banyo para labhan. I'm sure wala siyang susuotin na damit. But I like her naked, though. Pero pwede ko naman siyang pahiramin ng damit ko. 'Yon ay kung gusto lang niya. Pero nilagay ko pa rin sa dryer iyong damit niya para matuyo agad. 

Pagkatapos kong isampay ang damit niya ay bumalik ako sa pwesto ko kanina at pinakatitigan siyang muli.

--

SAVI'S POV

Naalimpungatan ako nang may maramdamang nakatitig sa'kin. Gumios ako nang bahagya habang hindi pa rin nagmumulat ng mga mata at pinakiramdaman ang paligid. Ilang sandali pa ay wala pa rin akong naririnig na ingay kaya napagdesisyunan kong magmulat ng mga mata. Sumalubong sa'kin ang matiim niyang titig. 

Napakagat ako sa ibaba kong labi at nag-iwas ng tingin. Feeling ko tuloy ay namumula na ang mga pisngi ko dahil sa kakaiba niyang titig. Parang sinusuyod niya ang buo kong pagkatao hanggang sa kailaliman noon. 

Gosh! Bakit ganyan siya? Hindi ba niya alam na ang hot niyang tingnan at naaakit ako sa klase ng paninitig niya sa'kin?

"Hey..." 

Umayos ako ng upo sa kama habang kapit ang kumot upang matakpan ang hubo kong katawan. 

"Morning." I greeted him at tipid na ngumiti. 

He smiled back. Tumayo siya at lumapit sa side table bago naupo sa dulo ng kama, sa paanan ko, habang hawak ang isang tray na may pagkain. 

"Kumain ka muna. Medyo malamig na nga lang 'to." Inilapag niya sa harapan ko ang tray. 

Parang naglalaway ako sa simpleng almusal na niluto at inihanda niya sa'kin pero bago ko pa iyon sunggaban ay may naalala ako. 

I looked at him and he's looking at me too. "Pwede bang maligo muna ako?" 

"Oh... right." Mukha naman siyang natauhan at kita ko pa ang bahagyang pagtingin niya sa kabuuan ko bago napalunok ng ilang beses. Napatikhim siya. "Ahm, I washed your clothes so ahm, I'll just let you borrow mine. You can choose there in my closet. Iinitin ko na lang muna 'tong pagkain. I'll wait you in the kitchen." Umalis siya sa kama bitbit iyong tray at walang sabi-sabing lumabas sa kwarto. 

But wait, did he just say 'washed my clothes'? That means... Shit! Napakurap-kurap ako at di mapigilan ang pag-awang ng ibaba kong labi. He touched my underwear! Oh my gosh! As in! Hindi ko tuloy mapigilang mag-blush. Nakakahiya!

Tumayo na ako sa kama habang nakabalot pa rin sa kumot ang katawan at mabilis na pumasok sa banyo para maligo bago pa niya makita ang pamumula ng mukha ko. Geez! Alam kong may nangyari na sa'min na ako ang nag-initiate at dalawang beses na itong pagtatagpo namin pero di ko pa rin maiwasang mahiya sa kaisipang hinawakan niya ang panty ko. He even washed it. God! Parang di ko kinakaya ang simpleng bagay na iyon. He's sweet and... kilig to the bones na naman ang mga cells ko.

Mabilis lang akong naligo at nagtapis ng tuwalya sa katawan. Nagsepilyo na rin ako gamit 'yong bagong toothbrush na nakalagay pa sa kabinet. Lumabas na ako sa banyo at pumasok naman sa isa pang pinto- 'yong walk-in closet. Naghanap ako ng pwede kong masuot at komportable sa katawan ko. Isang boxer at puting polo na umabot hanggang sa kalahati ng hita ko. I bit my lower lip. Wala akong suot na undergarments kaya siguradong bakat ang mga utong ko. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong lumabas ng ganito lang ang suot. Kahit alam kong nakita at nahawakan na niya ang katawan ko, nahihiya pa rin naman ako siyempre. I have my inhibitions too when it comes to my body. 

Ilang sandali pa akong nag-isip kung lalabas ba ako o rito na lang ako magkakampo pero sa huli ay napagdesisyunan kong bumaba na lang dahil naghihintay nga pala siya sa'kin sa kusina. Tatawagan ko na lang siguro si Em para padalhan ako ng damit. 

Pagbaba ko ay naabutan ko siya sa sala at nakatingin sa malayo, tulala at mukhang may malalim na iniisip. Tumikhim ako para kunin ang atensiyon niya at napaigtad siya sa gulat. 

"Oh, h-hey!" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay malakas na tumikhim. "Let's eat." Nauna na siyang maglakad papunta sa dining kaya sumunod na lang ako. 

Tahimik lang siyang kumakain pero alam kong marami siyang katanungan sa'kin. Napapansin ko rin ang panaka-naka niyang sulyap sa gawi ko dahil magkatapat lang naman kami, na para bang bigla na lang akong mawawala sa paningin niya.

Hindi ko alam kung handa ko na ba sabihin sa kanya ang lahat. Nabigla ako sa pangyayari kagabi at di ko inaasahang magkikita kami ng ganito kaaga. I mean, two days pa lang ako rito sa Pilipinas pero nagtagpo na agad kami. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na binigyan ako ni Calista ng trabaho dahil parang naging blessing in disguise iyon para magkita kami o ano. 

Natapos kaming kumain nang hindi pa rin nag-iimikan. He made a fake cough and looks at me. I did the same.

"So, ahm, may I know your name first?" Mahinahon niyang tanong, nag-iingat.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status