PASADO alas-singko na ng hapon. Kasalukuyang nakatambay ang magkaibigang Genevova at Crisanta sa labas ng cubicle ni Europa, hinihintay na makatapos ang huli sa trabahong ginagawa."Hindi ko talaga mapaniwalaang boyfriend mo na si Fafa Austin, sister! What you have is like a...hmmm...rags to riches fairy tale!" May kasama pang talon at pagtili ang matinis na tinig ni Jane.
Si Agustin Perez na anak ng may-ari ng Perez Empire na pinapasukan nila ang nobyo ni Europa. At ilang Linggo pa lamang buhat nang magkaunawaan ang mga ito sa tulong na rin ni Crisanta. Lingid kasi kay Eure ay gumawa ng sariling paraan ang kaibigan upang magkasundo ang dalawa kaya naman laking pasalamat nito kay Tat matapos na maging opisyal ang relasyon nito kay Mister Perez.
Kunwa'y napasimangot si Eure sa narinig na sinabi ni Jane. "Ano naman ang akala mo sa akin? Pulubi?!" Bahagya pang nakataas ang isang kilay nito. Nag-aayos na siya ng gamit upang makauwi na matapos ang buong araw na trabaho.
"Girl, that's not my point! Okay, granted na hindi ka poorita pero naman, look what you're going to become if you will be married to Mr. Perez! OMG! Nakakainggit ka naman..."
Mabilis na sinaway ni Eure si Jane at pinanlakihan ito ng mga mata.
"Jane, ang ingay mo! Mamaya ay may makarinig sa'yo at pag-isipan pa 'ko nang masama! Hindi pa kami kasal at matagal pa ang tatlong buwan para ibigay sa akin ang wife title na iyan, okay. Isa pa, I love Austin and rich or poor ay handa akong magpakasal sa kanya! Gets?!"
Jane pouted her lips before nodding as a sign of agreement. "Oo na. Nagbibiro lang naman ako. Hindi ko kasi mapaniwalaang matutupad nang ganoon kabilis ang lihim na pagtingin mo kay Bossing."
"Sa halip kasing ako, bakit hindi sarili mong lovelife ang intindihin mo? Look at me, I'm very happy with my Austin. Eh ikaw? Ano na ang latest sa'yo?" Tumayo na si Eure matapos hugutin ang plug ng computer at walang pagmamadaling lumabas ng sariling cubicle kung saan naghihintay ang mga kaibigan.
"Bakit? Who told you I'm not happy with Nick?" Tumawa ito nang malakas pagkasabi niyon. Maging si Eure ay napatawa na rin 'pagkat ang Nick na tinutukoy nito ay si Mang Nicanor na janitor ng kantina. Inaalaska nila ito kay Jane dahil sa kanilang tatlo ay ito lang ang hindi pa nagkakaroon ng nobyo.
Malakas na tawa ang umalingawngaw sa bahaging iyon ng opisina subalit mabilis ding napahinto ang dalawa nang mapansing hindi sumasali sa kuwentuhan si Tat.
"Crisanta?" Eure cleared her throat with exaggeration, then tapped her arm.
"Tat?!" pumitik naman sa hangin si Jane sabay tapik sa balikat ng kaibigan saka lamang ito tila natauhan.
"Ano?!" galit naman nitong sabi kasabay ng pagpiksi. Sa tatlong magkakaibigan ay ito ang pinakamasayahin at wika nga ni Eure, lahat ng pinaka ay narito na.
"Anong ano ka diyan?! Bakit hindi ka yata umiimik? Naku Crisanta, kinakabahan ako 'pag ganyan ka eh. Alin sa tatlo?!"
"Wait, Eure. Let me..." Hinawi ni Jane si Eure at pumuwesto sa mismong harapan ni Tat.
"Letter a, nakatanggap ka ng telegrama mula sa lola mo sa probinsiya at nabenta na daw ang kalabaw niyo."
"Eeeeeee...mali!" ani Eure nang makitang wala man lamang reaksiyon si Tat sa narinig.
"Letter b, hmmm...sinugod ka ng kapitbahay mong nagbebenta ng Avon at pilit binabawi ang order mong deodorant dahil hindi ka nagbabayad!"
"Eeeee! Susme, mali ulit?!"
"Aba, Crisanta...pinahihirapan mo ang brain cells ko ha. Teka...Naku, alam ko na! Hindi ka nakabisita sa vet mo kahapon?"
"Oh my! Tama ka, Jane! 'Yan na nga siguro ang dahilan kaya tulala siya ngayon!" ani Eure.
"Ano ka ba naman Crisanta? Kabilin-bilinan ko sa'yo na kahit marami kang ginagawa, isisingit mo pa din ang pagbisita sa vet mo eh!" Kunwa ay hinagod ni Jane ang likod ni Tat na ikinangisi na nito-ngising tila sa aso.
"Ano ba kayong dalawa? You are my good friends and without you guys, I definitely won't visit our vet." Sabay-sabay na humagalpak ng tawa ang tatlo.
"Eh bakit ba kasi ang tahimik mo? May ano ba?"
"Wala naman. Masama bang tumahimik paminsan-minsan? Nakakapagod palang magsalita eh," ngingiti-ngiting wika ni Tat.
"Hindi naman. Pero kasi, nakakapagtaka nga. Ngayon ko lang napansin na hindi ka pala nagkuwento sa buong maghapon. What's the matter, Alma Mater?" ani Jane sabay giya sa dalawang kasama upang tuluyan nang lumabas ng opisina.
"Walang bago. Ganoon pa rin."
Hanggang sa makalabas nang tuluyan ng gusali ay hindi pa rin tinigilan ng dalawa si Tat. Tila isa kasing himala na iba ang ikinikilos nito nang araw na iyon.
"Oy Tat, kumanta ka na diyan! Ano'ng trip mo?" untag ni Jane nang marating ang paboritong tambayan nilang tatlo sa labas ng gusali. Isang maliit na carinderia iyon na nasa kalye at may tatlong mesa na nasa tabi ng kalsada. Dito rin sila malimit na magpa-photocopy kapag sira ang xerox machine sa opisina kaya naman kilalang-kilala na nila si Aling Elsa na siyang tumatao doon.
"Eh wala naman pala, bakit ka nga ganyan? Huwag kang magmaganda dahil huling tanong ko na iyan, Crisanta. Babatukan na kita!" kunwa ay nagagalit nang wika ni Eure.
Bigla ay nagseryoso ang anyo ni Tat bago ito muling nagsalita. "Kasi naman eh..." Nagkamot ito ng ulo bago nagpatuloy. "Ikaw, Europa, may kaya ang pamilya mo 'di ba kaya kahit paano, hindi ka maaalangan kay Sir Austin?"
"O ngayon? Don't tell me na ako ang pinoproblema mo buong maghapon? Ang weird mo ha!"
"Hindi iyon. Ang ibig kong sabihin, hindi pressure sa part mo na mayaman si Sir kasi kahit paano ay may kaya ang pamilya mo."
"Oo na nga! May kaya na ang pamilya ni Eure. O ano ngayon? Nagmumukmok ka dahil may kaya ang pamilya niya?" sabad naman ni Jane sabay tawa.
"Ano ka ba? Nagmamadali ka eh, may lakad ka ba? Nagmo-moment ako, panira ka na naman!"
"Bull's eye! Alam ko na kung ano ang ipinagkakaganyan ng babaitang iyan, Continent!" tukoy kay Eure ng pumapalakpak pa sa tuwa na si Jane. Kinuha nito ang isang baso ng tubig sa ibabaw ng mesa saka ininom ng diretso ang laman niyon bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. "Kabisado ko kasi 'yang linya niya na 'yan eh! The same line she said when he met Sir Dorantes!"
Namilog ang mga mata ni Europa sa narinig. "What? Tat, you mean...you mean-"
"Guys, this is it! This is it! Shann is the one!" ani Tat sabay hablot sa kutsarang kasalukuyang ibinababa ng serbidora sa kanilang mesa. Inilagay pa nito iyon sa dibdib at tila nangangarap na tumingala sa kalangitan. Magkapanabay naman ang impit na tili nina Europa at Jane pero hindi nagtagal ay nauwi iyon sa tawanan.
"Bakit kayo natatawa? Sinasa
"HALER! Earth calling Crisanta!"
Isang mahinang pitik sa hangin ang nagpabalik sa huwisyo niya. Inis na napabaling ang kanyang pansin sa nakangising si Jane.
"Sinasabi ko na nga ba at tinamaan ka na naman ng mapaminsalang palaso ni Kupido eh!" pumapalatak pang wika ng kanyang kaibigan.
"Alam mo, kahit kailan, panira ka eh! Nagmo-moment na 'ko eh! Hayun na eh oh...hayun na!" Kumukumpas pa ang kanyang kamay sa pagsasalita upang kahit paano ay mapagtakpan ang kahihiyan dulot ng eksenang inabutan ni Jane. Ano ba ang hitsura niya nang dumating ito? Nakanganga ba? Nakangiti habang pinapantasya ang bebeh ng buhay niya?
'Kung bakit naman kasi napakaguwapo pala sa malapitan ng Shann Dorantes na 'yan! Nakakainis!'
"Tawag ka ni Bella Flores! Kanina pa kita hinahanap sa cubicle mo eh narito ka lang pala! Ano ba ang ginagawa mo dito sa pasilyo?" Ang Bella Flores na tinutukoy nito ay ang matandang dalagang kasama nila sa trabaho. Ibinansag nila ang pangalang iyon dito dahil na rin sa taglay nitong kasungitan na tulad sa role ng batikang aktres sa mga pelikula nito.
"Naghihintay kay fafa, ano pa?" nakataas ang kilay na tugon niya.
"Fafa? As in guwapo at yummy? Edible ba?"
"Plangak! Gwapo as in edible talaga!"
Kunwa ay napaisip si Jane na inilagay pa sa sintido ang kanang hintuturo. "Hmmm...Knowing the guwapo concept you have in mind, I'm sure kahawig 'yan ni Ben Barnes!"
Pamisteryosong ngumiti si Tat. "Ah-ah!" umiiling niyang wika habang nakangiti nang buong kapilyahan.
"Jude Law? Olivier Martinez? Channing Tatum?"
"Local ito, girl...edible na local..."
"Edible na local? Okra? Talong? Sitaw?"
Isang mahinang tapik sa bumbunan ang ginawa ni Tat kay Jane. "Gaga! Fafa nga eh!"
"Edible...local...fafa...Empoy?" Mariin siyang umiling nang biglang tila nagliwanag ang mukha nito at muling pumitik sa hangin. "Alam ko na-paaaaasssss!"
Hinampas niya ng hawak na folder ang kaibigan. "Aga Muhlach, shunga! Kamukha ni Aga Muhlach na medyo nasingkit ang fafa na nahulog dito kanina! Juice ko, hindi yata ito kakayanin ng powers ko, sister...Napakaguwapo niya!"
"Huh? Sino ba?" Halata na ang inis kay Jane samantalang hindi mabakbak ang pagkakangiti niya.
Humakbang ang kanyang mga paa at ang mga braso ay magkasalikop pa sa kanyang dibdib habang tila nangangarap na nagsasalita.
"Ang mga mata niya ay tila magnetong humihigop sa aking kagandahan...ang kanyang mga labi...tila...tila...sadyang nilikha para sa akin..."
"Por pabor Crisanta! Nakakahiya ka! Mamaya ka na mangarap at ipinapatawag ka na ni Bella Flores!"
"Ang kanyang mga bisig...alam kong wala na akong dapat pang katakutan sa piling niya...Siya ang lalaking matagal ko nang hinahanap, my friend...I've finally met the man of my dreams!"
"Crisanta!"
"I'll do everything to make him mine, dahil ako lang ang babaeng nakalaan sa kanya, Genevova!"
"Naku teka, hoy, Crisanta!" Tila gigil na gigil na ang tinig ng kaibigan pero wala siyang ibang nasa isip kung hindi ang anyo ng napakasimpatikong si Shann Dorantes. Sige pa rin siya sa pangangarap nang gising.
"Eherm...excuse me, you're blocking my way..."
Isang pagkalamig-lamig na tinig ang humaplos sa kanyang pandinig at halos ay lumuwa ang mata niya nang makita ang pinagmulan niyon-walang iba kundi si Aga Muhlach este Mister Shann Dorantes.
"S-Shann? Errr...Sir Shann?"
Nang tapunan siya ng tingin ng lalaki ay tila nakakunot na mabuti ang noo nito. Bakas ang pagkairita.
"Oh my God, ikaw nga! I'm sorry!" Tila siya kandilang idinarang sa apoy at naupos dahil sa matinding kahihiyan. "I was just trying to-"
Tinangka niyang magpaliwanag subalit tuluyan nang lumakad palayo ang binata at hindi man lamang siya hinintay na makatapos sa pagsasalita. Tila ba ito walang narinig na hindi man lamang lumingon pa.
"Goodbye, Aga Muhlach!" mahinang bulong ni Jane na kumakaway pa sa papalayong lalaki subalit iyon ay para lamang sa pandinig ng nagmamaktol ngunit namimilipit naman sa kilig na si Crisanta.
i ko na nga ba. Imposible ba kami ni Shann? Sa tingin niyo ba, wala kaming future, mga sisters?"
"Huwag ka nang magpaawa diyan. Cheer up! Maganda ka, mabait, sexy. Ano pa ba?" Si Eure.
"Naku Continent, sinabi mo! Lahat ng pinaka ay na kay Crisanta na! Pinakamaganda, pinaka-sexy, pinakakalog sa grupo...ano pa? Pinakatamad, pinaka-empty ang coconut shell, basta lahat ng pinaka!"
"Ah nakakatawa 'yan, Genevova. Ako? Walang laman ang utak? 'Yan naman ang bago! Well at least ako, hindi ako pumapatol kay Mang Kanor!"
Kaylakas ng halakhak ng tatlo sa birong iyon ni Crisanta. Napapailing na tumalikod na ang serbidora ng kantina habang napapangiti sa ingay ng tatlo.
"GOOD MORNING, Sir Dorantes!"
Iyon na ang ikalimang ulit na 'Good morning, Sir' na narinig niya at batong-bato na siya. These past few days ay napapansin niyang tila nagiging bugnutin siya. Ano't tila nakakasawaan na niya yata ngayon ang mga bagay na bahagi na ng everyday routine niya?
Kanina lamang ay bisita niya ang latest fling niyang si Maita. At gaya ng inaasahan ay nakipaghiwalay na siya sa babae. Maganda si Maita at ang makurbang katawan nito ay sapat para kahumalingan ng sino mang kabaro niya. Subalit ang nakakainis ay hindi man lamang nito nagawang pukawin ang damdamin niya sa loob ng halos isang linggong pakikipagrelasyon dito. She's almost perfect! At sa isiping tila parati siyang nagsisilbing yelo sa gitna ng mainit na karagatan ay nanlulumo na siya.
Sa araw-araw na pamamalakad sa Dorantes Group of Companies ay kabisado na niya ang lahat-lahat. Isa rin iyon sa mga nakaiirita sa kanya. Naturingang fulfilled businessman at mahusay na haciendero ng angkan ay wala man lang siyang nobya sa totoong kahulugan niyon! Girls were coming like passing water in the river but none of them stayed. Masuwerte na ang dalawang linggo na magkaroon siya ng nobya dahil ang lahat ng mga naging babae sa buhay niya ay iisa ang reklamo-siya raw ay bato! At hindi na niya dadagdagan pa ang limang beses na kahihiyang sinapit niya sa mga ito.
Malaking pera na ang inubos niya upang pagtakpan ang kapintasan. Ang limang babaeng naging nobya ay pinapirma niya sa isang pribadong kasulatan kung saan siya at ang kanyang abogado lamang ang nakaaalam. Batas sa kanya na hindi malaman ng iba ang kanyang kahinaan. Kapalit ng pera at ng bantang pagpapakulong ay ang kasagraduhan ng lihim niya.
Ang sabi ng family doctor ay may ganoon daw talagang kaso kung saan hindi tumutugon ang kanyang katawan sa mga sandaling dapat ay maaasahan ito. Matapos ang ilang eksamin ay wala naman siya diumanong seryosong 'abnormality.' Pero para sa kanya ay higit pa iyon sa kapansanan sa paglalakad o pagsasalita. Basehan iyon ng pagkalalaki at bagaman binigyan siya ng pag-asa ng kanyang doktor ay naiinip na siya. Bagot na bagot na.
"Your pet will respond the moment you see his bestfriend. Keep on searching and don't stop as long as you have money, Shann."
Bomba sa kanyang pandinig ang sinabi ni Dr. Ramirez pero kunsuwelo na ring maituturing na hindi siya 'totally damaged.' Kahit paano ay mayroon pang pag-asa at tanging panahon ang kalaban niya kung kailan niya makikita ang babaeng magpapagaling sa kanya.
"NASAAN SI Tat, Jane?! Dali, nasaan si Tat?!" humahangos na tanong ni Europa sa kaibigan.
"Teka, teka! Bakit ba?" kalmado namang awat ng huli. "Nakakataranta ka naman, Eure! Nariyan lang 'yun sa tabi-tabi. Baka nasa opisina ni Boss o nag-CR. Huminahon ka nga diyan!"
"Pero kailangan natin siyang makita, Jane! As in ngayon na!"
"E bakit nga kasi?!"
"Nag-text si Shann at dadaan siya dito ngayon para personal na kunin ang imbitasyon ng kasal namin ni Austin!"
"What?! Juice ko day, ano'ng gagawin ko? Nasaan ba ang babaeng iyon?"
"Kailangan niyang mag-retouch sa lalong madaling panahon, Jane!"
"Bakit?! Ano ba'ng ayos niya kanina, napansin mo, Continent?" tarantang tanong nito kay Eure. Si Jane naman ay marahas na napatayo, halata ang tensiyon sa malilikot nitong mga kamay.
"Ang gulo ng buhok niya, promise!"
"As in samborga, ganoon?"
"As in!"
Hindi na pinatapos ni Jane sa pagsasalita si Eure at agad ay nagtatakbo na upang hanapin ang nawawalang si Tat.
"ATE ELSA naman, para piso lang, hindi ka mautangan. Kulang talaga ang barya ko dito. Kung bakit naman kasi ngayon pa nasira ang xerox machine sa itaas eh. Don't worry, ibabalik ko din mamaya."
"Naku Crisanta, wala ka talagang pagbabago. Puro ka biro eh. Sige na at kung piso lang ay hindi natin pag-aawayan."
"Talaga, Ate? Puwede bang dagdagan ng candy para dos na? Joke lang!"
Humagalpak ng tawa ang tindera. Si Crisanta naman ay papaatras na lumakad palayo sa maliit na tindahan habang masayang kumakaway sa tinderang naging kapalagayang-loob na ng JET.
"Salamat, Ate Elsa! Babalik ako mamaya. Idadaan ko ang piso-ay piso ng kabayo!"
Naglaglagan at nagliparan sa hangin ang mga photocopies na dala ni Tat nang mabangga ng isang lalaking nagmamadali sa paglalakad. Inis man ay dali-daling hinabol ng dalaga ang mga papel at nang nagbagsakan sa lupa ay saka isa-isang pinulot habang nagdadabog.
"Kapag mamalasin ka nga naman!" dabog nito at padarag na namulot ng mga papel. "Ang dami-dami kong trabaho tapos ngayon ay babanggain pa ko ng kung sino! Yumuko ka nga dito at tulungan mo kong magpulot!" angil nito sa lalaki.
Ang ilang papel na nasa hangin pa ay nagbagsakan ring sunud-sunod at naglanding sa ulo niya kaya talagang inis na inis siya. Nang mapansing hindi tumitinag upang tumulong ang kaharap ay napatingala siya rito pero dahil sa matinding sikat ng araw sa likuran nito ay hindi rin niya ito maaninag. Bahagya na ring nagdilim ang paningin niya dahil sa pagkasilaw. Bigla ang kanyang naging pagtayo at paghampas ng mga papel na hawak sa dibdib ng lalaking sumira sa araw niya.
"Ang lakas naman ng loob mong tumanga habang nagpupulot ako ng papel dito! Ang kapal ng-"
Ngunit ang ano mang gustong sabihin ni Crisanta ay nabitin na sa kanyang lalamunan nang tuluyang nagliwanag ang paningin niya at makilala ang kaharap. Ang lalaking kanyang naatrasan ay walang iba kundi ang lalaki ring hindi nagpapatulog sa kanya gabi-gabi-si Mister Dorantes!"
"Ang kapal ng-what?" nakataas ang makakapal nitong kilay habang ang mga braso ay magkasalikop sa dibdib nito.
"I mean...ang kinis pala...ang kinis naman ng face mo..." tila ay para siya ice cream na nabilad sa arawan. Biglang nakalma ang mga selula ng katawan niya at daig pa niya ang nabuhusan ng napakalamig na tubig at biglang natauhan.
"You were saying something like tumanga and what else?"
Ang kaseryosohan sa anyo ni Shann ay hindi maikakaila. And fear suddenly enveloped her.
"Ako? Ay hindi, Sir! Ang sabi ko po, tatanga-tanga ako kaya naatrasan ko kayo. Meron ba naman kasing naglalakad nang paatras? Ako lang 'diba? Mali iyon. Huwag ganoon. Kaya sorry po." Kunwa ay pinagpagan pa ni Tat ang matipunong dibdib ni Shann na sa paningin niya ay nalukot dahil sa bungkos ng papel na inihampas niya rito kani-kanina lang.
Dapat ay bahagya lang ang paghaplos na gagawin niya upang maalis ang kung ano mang dumi na kumapit sa suot na damit ng kaharap pero hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit tila na-magnet na iyon at nanikit sa dibdib ni Shann. Hindi nakaalpas sa kanyang paningin ang pagkibot ng labi ng binata at ang paggagalawan ng jaw muscles nito. Bigla ay natawag niya ang lahat ng santo at naihiling na sana ay huminto ang oras at siya lamang ang maiwang tanging kumikilos. Pero ilang sandali pa ay dalawang kamay na hinawakan ni Shann ang kanyang magkabilang palapulsuhan at saka marahang ibinaba ang mga iyon.
"Good." Tumalikod na ito nang walang sabi-sabi at naiwan siyang nakatanga sa gitna ng mga papel sa parking area.
PASADO alas-singko na ng hapon. Kasalukuyang nakatambay ang magkaibigang Genevova at Crisanta sa labas ng cubicle ni Europa, hinihintay na makatapos ang huli sa trabahong ginagawa."Hindi ko talaga mapaniwalaang boyfriend mo na si Fafa Austin, sister! What you have is like a...hmmm...rags to riches fairy tale!" May kasama pang talon at pagtili ang matinis na tinig ni Jane.Si Agustin Perez na anak ng may-ari ng Perez Empire na pinapasukan nila ang nobyo ni Europa. At ilang Linggo pa lamang buhat nang magkaunawaan ang mga ito sa tulong na rin ni Crisanta. Lingid kasi kay Eure ay gumawa ng sariling paraan ang kaibigan upang magkasundo ang dalawa kaya naman laking pasalamat nito kay Tat matapos na maging opisyal ang relasyon nito kay Mister Perez.Kunwa'y napasimangot si Eure sa narinig na sinabi ni Jane. "Ano naman ang akala mo sa akin? Pulubi?!" Bahagya pang nakataas ang isang kilay nito. Nag-aayos na siya ng gamit upang makauwi na matap
"GOOD MORNING, Sir Dorantes!"Iyon na ang ikalimang ulit na 'Good morning, Sir' na narinig niya at batong-bato na siya. These past few days ay napapansin niyang tila nagiging bugnutin siya. Ano't tila nakakasawaan na niya yata ngayon ang mga bagay na bahagi na ng everyday routine niya?Kanina lamang ay bisita niya ang latest fling niyang si Maita. At gaya ng inaasahan ay nakipaghiwalay na siya sa babae. Maganda si Maita at ang makurbang katawan nito ay sapat para kahumalingan ng sino mang kabaro niya. Subalit ang nakakainis ay hindi man lamang nito nagawang pukawin ang damdamin niya sa loob ng halos isang linggong pakikipagrelasyon dito. She's almost perfect! At sa isiping tila parati siyang nagsisilbing yelo sa gitna ng mainit na karagatan ay nanlulumo na siya.Sa araw-araw na pamamalakad sa Dorantes Group of Companies ay kabisado na niya ang lahat-lahat. Isa rin iyon sa mga nakaiirita sa kanya. Naturingang fulfilled businessma
"TAT, 'yung invitation nga pala ni Mr. Dorantes, pakibigay na lang sa kanya.""Invitation? Photocopies ang dala ko para kay Sir Austin hindi—""Crisanta, nalimutan mo na bang ikaw ang nagprisintang magpapamigay ng imbitasyon sa kasal ko? Ang alam ko ay inilagay mo iyon sa drawer mo!"Agad nakuha ni Tat ang ibig sabihin ng palihim na pagkindat ni Eure sa kanya habang nagbabasa ng magazine si Shann sa couch na kinauupuan nito."Ah... oo nga pala. Oh my...nasa akin nga ang mga imbitasyon...nasa drawer ko nga, 'di ba. Sorry, friend.I'm gonna get it now..." Tumalikod na siya matapos tanguan ng kaibigan.Nagmamadali niyang tinungo ang sariling mesa at kinuha mula sa drawer niya ang imbitasyong natitiyak niyang inilagay roon ng sino man kina Eure at Jane. Nang magbalik sa opisina ni Austin ay nakuha agad niya ang signals ng pagtayo ni Eure."Shann, would you mind if I leave you here? I just need to go to the
MADILIM pa ang kapaligiran ay laman na ng kalsada kinabukasan si Crisanta. May pasok siya ng alas-otso ng umaga at bagaman alam na ipagtatanggol ni Eure kay Austin ay hindi pa rin niya ibig ang maantala sa pagpasok. Minabuti na niya ang mapaaga sa pagpunta kay Mr. Dorantes kaysa tanghaliin sa pagpasok sa opisina.Hiningi niya ang cellphone number ni Shann kay Eure at sinubukang tawagan ang lalaki subalit unattended naman ang cellphone nito.Nang marating ang building ay namangha siya. Napakalaki at napakarangya pala ng gusaling iyon. Ang sabi ng kaibigan, pag-aari raw ng lalaki ang Columns Ayala. At ngayong naroon na siya, parang ibig yata niyang malula sa isiping kay Shann ang building na iyon. Maliwanag pa sa sikat ng araw na sadyang mayaman ang guwapong lalaki.Hindi niya maiwasan ang maging mapagmasid habang naglalakad sa reception area. Lahat ng taong nakikita niya ay maliliksing kumilos. Lahat ay tila robot na gumagalaw sa imaginary time n
"THIS CAN'T happen, Doc," nanlulumong wika ni Shann."But it happened already and for sure, will always happen everytime you see this lucky lady..." Napangisi ang matandang doktor sabay tapik sa kanyang balikat. "Shann, narito ka na. You've been waiting for this thing to happen...for this woman to come. And now that she's finally here, why don't you try to gamble?"Sa isip ay natanaw niya si Crisanta. Ang kabuuan nitong tunay na nakadadala. Okay, she was really glamorous; the type of her beauty would never fade in time. Kagaya din ng ugali nitong hindi marahil kailanman magbabago. Bigla ay napailing siya. "Doc, this is really impossible. You just don't know what you are talking about. This woman is like a...my God, she's like...Ugh,this is absurd!"Hindi napigilan ng doktor ang mapatawa sa reaksiyon ng pasyente nitong tila diring-diri sa kung anong naiisip nito. "Shann...Shann...You had the chance to tell so many things against her and yet, you
ILANG SANDALI na siyang naroon sa labas ng kalyeng tinitirhan ni Crisanta pero hindi pa rin niya mapagdesisyunan kung bababa siya o hindi ng kanyang sasakyan. Kung susundin niya ang 'reseta' ng doktor ay papabor iyon sa kanya, subalit kung susundin naman niya ang bagay na tumatakbo sa isip ay tiyak na 'goodbye, warrior' ang magiging resulta.Paano nga ba niyang susundin ang payo ni Dr. Ramirez gayong tingnan lang ang kalyeng tinitirhan ni Crisanta ay tila aatakehin na naman siya ng migraine?Ito na siguro ang tinatawag na 'battle of the brains.' Ang sinasabi ng isip niya ay kaiba sa pangangailangan ng 'the other brain' niya. Naihilamos niya ang palad sa mukha kasabay ng malalim na buntong hininga."Mister Dorantes?!" anang isang boses. Mabilis siyang napalingon sa tumawag.And there, the stubborn woman was standing at the middle of the street. She was wearing a light blue denim skirt and on top was a br
"WHAAATTT???!!!""OA, berks. Stop it," sawata ni Crisanta sa dalawang kaibigan. Laglag ang panga ng mga ito sa ibinalita niya."Naririnig mo ba ang sarili mo, Crisanta? You just announced that you are about to live in with Mr. Dorantes and you don't expect us to react?" nanlalaki ang mga mata at butas ng ilong na wika ni Jane."Oo nga. And to think that you didn't even mention anything about marriage. Basta ganoon lang. Na makikisama ka lang kay Shann. Klaruhin mo nga ito, Crisanta."Napalunok siya. Paano ba niya ipaliliwanag sa mga kaibigan ang tunay na rason ng plano nilang magsama ni Shann gayong ito mismo ay hindi rin maipaliwanag sa kanya ang motibo nito? Makailang ulit niya itong tinanong at sa tuwina ay kibitz-balikat ang nagiging tugon ng mayamang binata.Anyway, whatever his reasons were no longer important to her. What was more important was the fact that she would be seeing Shann the ver
"WHAT'S this?" takang tanong ni Tat nang ilapag ni Shann sa mesa ang ilang puting papel."Contract."Napakunot ang noo niya. Kailangan pa ba nila ng kontrata?"Surely, you don't expect me to just live with you without conditions."Pinigil niya ang mapasinghap. Conditions? Na para bang siya pa ang lumapit sa lalaki at humiling ditong kailangan niya ng bed partner?"Crisanta, I only want the best of everything. Look, it says here that every month, you will receive a certain amount of fifty thousand pesos. This would be a great help to your family."Umarko ang kilay niya sa nais ipahiwatig ng kausap pero sa labis na pagkabigla ay wala halos siyang maitugon dito."Also, you will be receiving twice of the said amount on the sixth month. Kasi, by that time, I'm pretty sure that—""—that I am already pregnant?"Namilog ang mga mata ni Shann sa sinab