Share

Chapter 1

Sigurado ka ba talaga diyan sa plano mo?” nag aalalang tanong ni Gee.

Kanina pa ito pabalik-balik ng lakad sa harap ko. Hindi mapirmi at halatang pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo.

“Mukha ba akong hindi?” 

Tumayo ako sa sofang inuupuan, saka tinungo ang kama. Isa-isang tinitigan ang mga dadalhin sa mahabang byahe. Kinuha ko ang biniling wig, kapakuwa'y inikot-ikot sa ere. Itim at may kahabaan ito, taliwas sa buhok kong medyo blonde na hanggang balikat lang. 

“Alam mo pwede ka pang umatras. Hayaan nalang natin ang mga awtoridad na hanapin ang totoong may kasalanan.”

“Ilang buwan na tayong naghihintay, may nangyari ba? Nahanap ba nila? Lahat ng mga sangkot ay makapangyarihan, I'm sure they paid the authority to stop their fuckin investigation! Ako ang sisiwalat sa karumihan nila,” my voice was inevitably raised already. 

“Nag aalala lang naman ako…sa maaaring mangyari,” tuluyan na itong napahagulhol sa takot. 

Kilala niya akong kalmado, kaya alam kong nakakagulat para sa kanya ang inaasta ko ngayon.Hindi ko naman ginustong maging ganito. Ayaw kong magmukhang demonyo sa mukha ng iba. Pero sobra na…Hindi ko na maatim na umupo nalang at maghintay ng balita mula sa pulisya. Wala naman din kasi silang ginagawa.

I took a deep breath and strutted  towards her.

“Sorry,” isang mahigpit na yakap ang iginawad ko rito. The least I can do to help her feel better. 

“Promise me…You'll be safe,” she sobbed.

“I promise,” pampalubag loob ko. Kahit ang totoo'y hindi ako sigurado sa mga maaring mangyari. Kung babalik bang buhay o uuuwing bangkay. 

We immediately sort things out. Naintindihan niya rin kalaunan ang aking punto. 

Mahirap para sa kanyang makita akong aalis papunta sa kapahamakan. Ngunit kailangan niyang pagkatiwalaan. Mapapasaamin din ang hustisya…

-

“Huwag kang magpapahuli doon ha?” muling paalala nito. 

Hindi ako makahanap ng tamang tiyempo para lumabas ng sasakyan, dahil tuwing aakto'y magsasalita naman siya. 

“Oo nga kasi.”

“Dala mo ba ang proteksyon mo?”

Binuksan ko ang luggage at kinuha ang box na pinaglagyan ng mga hiringgilyang may lamang lason. Siya mismo ang naghanda nito para sa akin. She's an effective scientist, kaya hindi nakapagtatakang agad siyang  nakagawa ng ganito. 

“Alright… Hihintayin ko ang pagbabalik mo,” naiiyak na naman ito. 

“You must,” I smiled sweetly.

Iilang paaala pa mula sa kanya ang napilitan akong pakinggan bago sa wakas ay pakawalan. 

Agad akong pumasok sa terminal, minuto lang ang iginugugol sa paghihintay ng bus na sasakyan. 

This is it. There's no turning back Kiesha, lalabas na tayo ng syudad, upang makipagsapalaran sa madugong labanan.

Sa amin ang huling halakhak... 

-

“Mabuti naman at hindi ka nahirapang tuntunin ang lugar na ito,” mahinahong usal ng makakasama kong tagasilbi. 

Siya ang sumalubong sa akin sa gate. Ito rin ang tinawagan ko noong isang araw para kausapin tungkol sa paghahanap nila ng bagong makakatulong dito sa malaking tahanan ng mga Da Silva. 

“Marami naman po kasi ang nakakakilala sa pamilyang narito,” plastik akong ngumiti.

“Ako nga pala si Maria, ang naatasang mamahala sa buong bahay. Kung may tanong ka, sa akin ka na dumiretso.”

Binuksan nito ang malaking pinto na gawa sa matibay na uri ng kahoy, saka sinenyasan akong pumasok. 

Una kong namataan ang malaking litrato ng mag asawang Da Silva. Nakasabit lamang sa gilid, katabi ang malaki at magarang paso na nilagyang ng artipisyal na bulaklak. 

Ilang araw silang naging laman ng balita. Minsan ko ring nakasalamuha noong imbitahin ang mga ito sa isang pagpupulong. 

Lumipat ang aking tingin sa malalaking sofa na nakalatag sa tanggapan at maliit na mesang nakapwesto sa gitna ng mga ito. Ang paligid ay pinapalibutan ng magkahalong ginto at puting kulay, ganoon din ang aranyang nakasabit sa itaas. 

Hindi nakawala sa aking paningin ang nag iisang pinto na sa palagay ko'y ang kusina. May naririnig pa akong mga boses mula rito. Siguro ay ang mga tagasilbing naghahanda para sa hapunan. 

I am finally here... 

Saang banda kaya ng lugar na ito nagtatago ang mga demonyo? 

“Halika at ihahatid kita sa iyong magiging kwarto,” naagaw ni ate Maria ang atensyon ko. 

Kinuha nito ang dala kong bagahe, kapagkuwa'y unang naglakad papunta sa likod ng hagdan. Nagsusumigaw sa puti ang karpet na nakalagay sa gitna, dalawang estatwa naman ang nagbabantay sa magkabilang dulo. 

“Huwag kang mahiyang tawagin ako kung may problema ha?” 

Bango ng mga kagamitan at makulay na dingding ang sumalubong sa akin, nang buksan niya ang pinto. May kaliitan ang kama, sapat lang para sa akin. Sa paanan nito ay nakalagay ang bilugang salami at kabinet. May closet sa tabi, saka pinto na tanto kong ang banyo.

“Ipapalagay ko rito mamaya ang side table, pati lampshade,” inilagay niya sa kama ang bagahe ko.

“Sige po, salamat."

"Nasa kabinet na nga pala ang mga uniporme mo," pahabol nitong sabi bago tuluyang umalis. 

Umupo ako sa kama, tinitigan ang sarili sa kaharap na salamin. I am wearing wig and contact lenses. Isinuot ko ang mga ito kanina bago pa man bumyahe. Mas madali kong maisakakatuparan ang plano kapag ganitong iba ang nakikita nilang kaanyuan. Maging ang gagamiting pangalan ay iniba na rin. 

Inayos ko muna ang aking mga kagamitan at nagpalit ng uniporme bago magpasyang lumabas upang tumulong sa mga gawain. 

"Akala ko hindi ka na lalabas," bahagya akong nagulat sa presensya ng isang matandang babae matapos buksan ang pinto. May dala itong tray ng pagkain. 

"Sorry po. Kanina pa po kayo rito?" 

Lantaran ako nitong inismiran at pinasadahan ng tingin. 

"Ihatid mo ito kay senyorito Fergus," inabot niya ang dalang tray na agad ko namang kinuha. 

"Mula sa itaas ng hagdan, lumiko ka sa kanan. Diretso lang... Tapos may daan pakaliwa, doon ka pumasok. Nasa dulo ang kwarto niya," dugtong nito. 

"Opo."  

"Huwag mong kalimutang magpakilala. Bawal ang bastos sa pamilyang ito," agad itong umalis. Hindi na ako hinintay pang sumagot. 

Bawal pala ang bastos ha...

Sarkastiko akong natawa at napairap. 

Mabilis akong kumilos upang tahakin ang kwarto ng senyorito. I followed everything the old woman instructed and there... Gaya ng sinabi nito'y nasa dulo nga ang kwarto ng aming amo. 

Tatlong beses akong kumatok bago pinihit ang doorknob. 

"Magandang hapon-" 

Agad kong natutop ang aking bibig. Muntik pang mabitawan ang dala sa gulat. 

Fergus was sitting on the couch, half naked, with a woman settling on his lap. They were kissing torridly, obviously unaware of my presence. 

Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Kung lalabas ba o maghihintay nalang dito na matapos sila...

Napangiwi ako sa huling naisip. That's gross! 

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa malapit na mesa, saka maingat na ibinaba ang tray. I am almost through, when the alarm suddenly rung.

That fuckin alarm! 

Naalerto ako't tuluyang nabitawan ang dala. It created another noise and  for sure, a serious danger. Mahina akong napamura. Kahit imposible ay umasang mawala na parang bula ngayon din. 

"What the fuck?!" the devil shouted in hard baritone. 

The fuck with this life... 

Impit na napatili ang babae saka mabilis tumayo. 

Flat...

Naisip ko matapos makita ang dibdib nito. Gustuhin ko mang umirap, hindi ko magawa. Dapat ay makumbinsi ko silang inosente ako at medyo malamya. Kailangan kong ibahin ang lahat sa akin. Mula sa kilos, pati pagsasalita. 

"Who are you?" maarteng tanong nito. 

"Paumanhin po ma'am, ser. Ayaw ko na po sana kayong abalahin kaya-" 

"Who the hell are you?" galit na sigaw ni Fergus. His bloodshot eyes bore on me. 

"Alga nga po pala. Ang bagong tagasil-" 

"You're fired," he cut me off. 

Hindi ako pwedeng umalis sa lugar na ito hanggang hindi ko pa nalalaman ang totoo. I haven't found the real culprit yet. And the justice that should be on us still haven't served! 

"Sir, maawa naman po kayo. Isang hamak na dilag lang ako at hilaw pa sa karanasan. Kailangan ko po ng trabaho para sa mga kapatid ko. Ser, magugutom po kami..." pagdadrama ko. 

Sinadya pang kopyahin ang paraan ng pagsasalita ni ate Tess. Ang dating kapitbahay naming galing sa probinsya. 

Lumuhod ako sa harapan nito upang talagang maging kapani-paniwala ang arte. Kiesha can't do this. There's no way she would. But Alga can... 

"Sir, patawarin niyo po ako," dinagdagan ko na ng iyak ang buong pagkukunwari. 

Hindi siya sumagot. Bagkos ay tumayo at lumapit sa akin. 

His eyes were dangerously beautiful. Magkahalong itim at berde ang kulay nito. It only speaks of hatred and risk, tanto kong walang puwang para sa awa. 

"Get out," matigas nitong usal. 

"Sir..." I tried reaching for his hand, but he moved away. 

"Not you," mula sa akin, lumipat ang kanyang tingin sa nakalampungang babae. 

"Leave," itinuro niya ang nakabukas na pinto. 

Isa-isang dinukot ng kinakabahang babae ang mga gamit nito saka mabilis lumabas. 

Ganito pala tratuhin ng isang Fergus Da Silva ang mga tao sa paligid niya. Kumbinsido na akong siya ang tinutukoy ng kapatid ko sa mga kwento nito. 

The dangerous Alpha you never want to deal with.

Ngunit sa kabila ng lahat, may takot pa nga ba akong maipapakita? Ang tanging natitira nalang sa akin ay ang matinding galit. Galit hindi lang sa mismong gumawa ng kapahamakan, kundi maging sa mga may alam na mas piniling manahimik na lang at sumang ayon pang pagtakpan ang kasalanan.

Kinagat ko ang aking pang ibabang labi, lihim na inihanda ang kamao para sa anumang mangyayari.

"Gusto mo ba talagang manatili rito?" makahulugan niyang tanong. He crouched, so our eyes could meet. 

"Opo," mabilis kong sagot.

Ang kaninang galit sa mata nito'y napalitan ng blankong emosyon. Mula sa aking mukha, bumaba ang titig nito sa aking dibdib. His lips then rose for a smile. 

Marahas akong napasinghap, mabilis na hinarang ang mga braso. How dare he? 

"Sir, ano po ang iniisip niyo?" 

"Are you virgin?" diretsahang tanong nito. 

What the fuck?! 

Hindi niya alam kung gaano katindi ang pagpipigil kong suntukin siya ngayon din sa mukha. Lihim akong napairap, nanggigigil na binalingan ng tingin ang kama. 

I imagined him laying there with me on top, choking him rigorously until he runs out of breath. 

"I'll let you stay..." his hand landed on my neck. 

Sinubukan kong umiwas, ngunit bigla niyang hinila patayo. Sa gulat ay hindi na nakapalag pa nang ipulupot nito ang kanyang braso sa aking baywang. 

"But I want your body in exchange," he whispered on my neck, making me shiver a bit. 

My breathing hitched, and lips parted for the halted words. 

No way! 

***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status