Share

Chapter 5

Malaki ang condo nito. May tatlong pinto sa kanan, dalawa naman sa kaliwa. Salamin ang nakapagitan sa kitchen at dining. Kitang-kita mula rito ang kabuuan nito. May maliit na counter, sa harap ay nakalatag ang iba't-ibang klase ng wine, maging iba't-ibang uri ng shot glass at kopita. The place was big enough for him to live alone.

White illuminated the whole place. Magkahulong itim at puti ang bilugang sofa, maliit na mesang gawa sa marmol ang nakapwesto sa gitna nito. Wall lamp were placed on each corner, magagarang ilaw ang nakasabit sa itaas.

Malaking TV ang nakapwesto sa gilid lang ng glass window, sa ilalim nito ay maayos na nakahanay ang iba't-ibang CD's, na sa tingin ko'y rated x lahat.

Malaking portrait ng isang babae ang nakasabit sa itaas lang ng drawer kung saan ay nakalatag naman ang  mga trophies at certificates ng senyorito.

Muling dumako ang aking tingin sa portrait. Bahagyang natatabunan ng maitim at mahabang buhok ang mukha ng babae. Malapad itong nakangiti, tila ba sinasabing siya na ang pinakamasayang tao sa mundo. She's really beautiful! Thick brows, pointed nose, bilugang nga mata, at makurbang labi. She must be his girlfriend... Wow!

"Huwag na huwag kang gagawa ng ingay kung ayaw mong mapaalis," pagbabanta nito.

He walked towards the counter. Kumuha ito ng inumin at shot glass, saka umupo sa kaharap na upuan. 

Tahimik lang akong nakamasid sa bawat kilos nito. 

Siguro'y sobrang tibay na nga ng koneksyong nabuo nila ni Jake. Pakiwari ko'y higit lang sa isang simpleng kaibigan ang tingin niya rito. He's a brother, a family to him. Kitang-kita ko ito sa kanyang mga mata, ramdan na ramdam ko ang kalungkutang kasalukuyang naghahari sa kanyang sistema.

Shall I feel bad? Meron ba ako no'n? Hindi ko na alam... 

Ngumuso ako at lumapit dito. 

"Maglalasing ka po sir?" umupo ako sa tabi niya. Itinuko ang siko sa counter saka pumangalumbaba. 

"Shut up Alga," basta-basta niyang nilagok ang inuming isinalin sa baso. 

"Matagal na po ba kayong magkakilala ni sir Jake?" 

"Alga..." he growled. Masamang titig na naman ang ipinukol niya sa akin. 

Nagkibit balikat ako at inagaw sa kanya ang hinahawakang baso. Maging ang bote ng whiskey sa gilid nito.

Nagsalin ako at katulad ng ginawa niya'y basta-basta rin itong nilagok. Sanay na si Kiesha sa ganitong mga inumin, ngunit hindi si Alga. 

Ngumiwi ako at nagkunwaring masusuka. 

"Ang pangit ng lasa," I stuck my tongue out. Nagmukha akong asong ulol na nalipasan na naman ng gutom.

His lips rose a bit. Ang kaninang galit sa mga mata nito'y napalitan ng tuwa. He bit his lower lip and looked away, to stop himself from smiling even more. 

Natigilan ako at matamang tumitig rito. His jaw was really defined. Narrow pointed nose, long and thick lashes, mapula ang mamasa-masa niyang labi. He's handsome, really handsome... Madami rin ang iiyak kapag ito naman ang nawala. 

Kung hindi ko lang siguro alam ang totoong katauhan nito, marahil ay katulad ng iba'y hahangaan ko rin siya.

What am I even thinking? I shook

the idea off.

"Uy si sir, natutuwa sa akin..." pang aasar ko rito. 

Just wanted to divert my attention. Hindi ko pwedeng hayaan ang aking sariling mahulog sa pisikal na kaanyuan nito. 

"As if," walang lingong tugon niya. 

"Alam mo po sir, marami talaga ang natutuwa sa akin. Kasi hindi lang ako maganda, maganda rin..." I laughed. 

Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Hindi ko naman pwedeng sabihing; 'matalino rin.' Siguradong mumurahin niya lang ako. 

"Anong pinagkaiba no'n Alga?" walang gana niya akong binalingan ng tingin. 

"Hindi ko po alam. Iyan po ang madalas kong marinig mula sa iba e," napakamot ako ng batok.

Humugot ito ng malalim na buntong hininga at umiling. 

"You're hopeless," he murmured. 

"Po?" 

"Sabi ko umalis ka rito bago pa man dumilim ang paningin ko sayo," inagaw niya pabalik ang kopita at whiskey sa aking kamay. 

"Sasamahan po kita rito sir. Kapag gusto mong umiyak, handang-handa ang balikat ko para sandalan. I, my shoulder you cry," lihim akong natawa sa huling sinabi. Ginagawa ko nang katatawanan ang sarili ko. 

"I'll be your crying shoulder 'yon, Alga," isinubsob niya ang kanyang mukha sa mesa at hindi na napigilan pa ang sariling humagikhik. 

You are now officially a clown Kiesha, congrats! 

Ngumuso ako at humalukipkip.

"Damn!" mura nito matapos ang ilang sandali. 

"Sir, kailangan po ba talagang magmura? Pinatawa na nga po kita," nginiwian ko ito.

"Whatever woman. I'll let you stay here for tonight. Just please...get the hell out of my face. Pumasok ka sa kwartong nasa kaliwa at huwag ka nang lalabas ulit,"marahas niya akong tinulak. Muntik pa akong mawalan ng panimbang, mabuti't nakabawi.

Lihim akong napamura at umirap. Kahit kailan talaga napakasama ng ugali! 

Wala akong ibang nagawa kundi ang tumugon sa utos niya. 

Nang tuluyang makalabas sa counter, ay ganoon nalang ang panggigigil na hampasin ito at sakalin. Kitang-kita ko mula rito ang malapad niyang likod. Sumuntok ako sa ere at wala sa sariling sinipa ang malapit na paso. Bahagya itong gumalaw, agad akong naalerto at mabilis napayakap dito. Kapag ito nabasag patay ako.

Sinigurado ko munang nasa maayos na posisyon ito bago ipagpatuloy ang ginagawa. 

"Tangina mo Fergus. Hindi na nakakapagduda pang isa ka nga sa may kasalan. Ang sama-sama ng ugali mo!" naiinis kong usal sa mahinang boses. Mas tumindi pa ang panggigigil. 

"C'mon fight me!" 

Saktong lumingon ito sa aking banda, gulat at pagtataka ang agad rumehistro sa mukha. Natigilan ako at umarteng may tinatampal na lamok. Itinuro pa ang ere saka awkward na ngumiti. 

"May lamok," pagdadahilan ko. 

Pinanliitan niya ako ng mata, saka tinaasan ng kilay. 

"Yeah...Marami ngang lamok," pamimilosopo nito. "You go inside Alga!" he spatted and pointed the door behind. 

"Opo." 

Isa na naman itong matinding kahihiyan... Damn!

-

Malulutong na mura na naman ni Fergus ang gumising sa akin kinaumagahan. Sumasakit daw ang ulo nito dahil sa hangover. Magpapaluto siya ng soup at magpapatimpla ng kape. Kaya pala ang sarili ha, magaling! 

Nanatili lang ang tingin ko sa kisame. I don't feel like doing anything, gusto ko nalang manatili sa kama buong araw. At isa pa, sumasakit ang puson ko. Napaaga yata ang dalaw ko ngayon, hindi ako nakapaghanda. Worst, dito pa talaga sa condo ni Fergus. Walang napkin, walang ibang damit. 

"Nakikinig ka ba?" singhal ng senyorito matapos buksan ang pinto. 

"Opo sir..." walang gana kong sagot. 

"Then, why are you still in there?!" 

"Sumasakit po ang puson ko," iritadong tingin ang ibinaling ko rito. 

"Problema ko ba 'yon?" he stared daggers at me.

Marahas akong napabuntong hininga saka bumangon. 

"Sir, bakit 'di nalang po muna ikaw ang magluto para sa sarili mo 'diba? Total marunong ka naman, gaya ng sinasabi mo. Sumasakit ang puson ko sir, kasi may dalaw ako. Wala akong napkin at walang damit na pampalit. Kung ayaw mong makita ang tagos ko, umalis ka rito sir at maghanda ka ng pagkain mo roon!" mahabang lintanya ko sabay turo sa labas. 

Mabilis nawala ang galit sa mukha nito, napalitan ng gulat. Alam niyang pranka talaga ako magsalita minsan, ngunit ni isang beses ay hindi ko pa siya nabulyawan. Ngayon lang talaga. 

Muli kong itinumba ang aking katawan sa kama, saka tumalikod dito. Bantusan na kung bastusan, basta hindi ko ramdam ang kumilos ngayon. Kahit pa man kaladkarin niya ako palabas. 

Pagsarado ng pinto ang sunod kong narinig. Hindi nakayanan ng demonyo ang bangis ng isa pang demonyo. Napangiti ako sa sariling naisip. May magandang naidulot din naman pala ang dalaw ko ngayon. Fergus is shaking! 

Pumikit ako, muling pinaglakbay ang sarili sa lugar ng panaginip. 

-

"Alga!" 

Nandito na naman siya. Dumako ang aking tingin sa orasan. Seven-fourty na, six-thirty noong muli akong matulog kanina. Padarag akong umalis sa kama at tinungo ang pinto upang harapin ito.

"Oh!" tatlong paper bag ang inilahad niya sa aking mukha.

"Ano po 'to sir?" nagtatakang inabot ko ito at sinilip ang laman.

Mga damit at underwear! Galing pa sa  iba't-ibang mamahaling brand. Marahas akong napasinghap at kunot noo siyang binalingan. 

Ano ang nakain nito? Nasobrahan ba ng bitsin ang niluto niyang pagkain? 

"Ito pa," isang plastic bag naman ang inabot niya. "Hindi ko alam kung ano ang ginagamit mo," napakamot siya ng batok at ngumuso. 

"Pwede naman pong kahit ano basta..." pinasadahan ko ng tingin ang mga binili nitong napkin. Lahat ng klase ay nandito na, pati panty liner ay hindi niya pinalampas. "Basta isang set lang. Masyado naman po 'tong marami sir," I bit my lower lip. 

"Ayaw mo?" 

"Gusto ko po," mabilis kong sagot. Mahirap na, baka bawiin niya pa. 

"Salamat po sa mga ito sir. Hinulog ka ng langit," matamis akong ngumiti.

"Hulog ng langit 'yon," he put his hands inside his pants pocket. 

Tumingala ako at kunwaring nag iisip. Tama naman ang sinabi ko; 'Hinulog siya ng langit.' 

Hindi kasi siya pwede do'n. Mala anghel man ang mukha, kampon pa rin ito ng demonyo. 

"Dumb," he murmured. 

"Salamat po ulit sir," bahagya akong yumuko. Kapagkuwa'y sinarado ang pinto. 

Magbibigay na nga lang maiinis pa. Bakit hindi nalang kasi amining hinulog talaga ng langit 'diba? 

Ipinatong ko ang mga bigay nito sa kama at isa-isang tiningnan. Isang black knee-length dress ang nagustuhan kong suotin, itim din ang napili kong underwear.

In fairness, magaling siyang pumili ng mga damit. Maganda din sana iyong spaghetti strap button down dress at ripped jeans paired with balenciaga shirt. Pero mas gusto ko ang itim ngayon, panlaban sa pula.

-

"When?" 

Naabutan kong tanong ni Fergus sa kabilang linya. Kakatapos ko lang maligo at magbihis. 

Nakaupo ito sa sofa, ang tingin ay nasa labas ng bintana. Agad kong napansin ang mga nakalatag na pagkain sa maliit na mesa. Shrimp tempura, vegetable salad at pasta. Gusto kong kumain! 

"Magpapasundo ka ba?" muling tanong nito.

"Nothing to worry about. The company is in good shape... How about mom and dad? Are they coming back too?" 

Napatango-tango ako matapos mapagtanto kung sino ang kausap nito. Ang nakakatandang kapatid niya, si Argus Da Silva. Kasalukuyan itong nasa Paris upang pamahalaan ang kanyang clothing line roon. He was now starting to create a name in the fashion industry. Hindi maitatanggi ang ganda ng mga produkto nila, sobrang quality wise!Isama pa ang mga talentadong designers, all them had a unique masterpiece.

Minsan na akong dumalo sa kanilang fashion show dito sa Pinas. Noong nakaraang taon lang, bago ang nangyaring bangungot sa buhay namin. 

"Alright... I'll ask my secretary -" 

"Alga?! No, not her. Sasakit lang ang ulo niyo sa kanya." 

Ha? Bakit nasama ako sa usapan nila? Anong gusto nilang ipagawa? Dahan-dahan akong lumapit rito, upang sana'y makinig sa usapan ng mga ito. 

"Why grandeur?" his voice toned down. 

"Sa isla ako mamamalagi pagkatapos-" 

Sinubukan kong ilapit ang aking tenga sa hinahawakan niyang telepono. Ngunit sakto namang lumingon siya sa aking banda, nakaramdam yata ng kakaibang presensya. 

Gulat ko siyang tinitigan, kasunod ang ang awkward na ngiti. Agad nagtagis ang bagang nito, sandaling pinakinggan ang sinasabi ng kapatid, pagkatapos ay pinatay ang tawag. Ang masamang titig ay hindi inaalis sa akin. 

"Kailangan ba talagang makinig Alga?" he asked in cold baritone.

Sobrang lapit ng kanyang mukha, ramdam na ramdam ko ang marahas na paghinga nito. Naaamoy ko rin ang kanyang ginagamit na perfume. 

"Po?" 

Siya na mismo ang tumulak sa mukha ko, nang mapansing wala naman akong balak lumayo. 

"Sorry po sir. Narinig ko kasi ang pangalan ko. Na-kuriyos? Kuri-os?..." 

"Curious... CURIOUS," he said with emphasis. Problemado niya akong pinasadahan ng tingin, saka marahas na napabuntong hininga. "Nagsisisi na akong ginawa pa kitang tagasilbi," dismayado siyang umiling. 

My face suddenly brightened. Palalayain niya na ako? 

"Pero dahil minsan ay nakakatulong ka naman, I'll still keep you..." 

Agad nawala ang pag-asang unti-unti na sanang nabubuo sa aking sistema. Really?! Ano naman ang naitulong ko sa kanya? Sakit lang naman ng ulo ang ibinibigay ko...

Nakabusangot kong binalingan ng tingin ang mga pagkain. Isa pa 'yan. Malapit nga, ang hirap namang hawakan. 

"That's yours."

Muli akong napalingon kay Fergus. His eyes again roamed on my body shamelessly, and lips twisted, trying to hide a complacent smile. 

"Po?" walang pagdadalawang isip akong lumipat sa kaharap na upuan. "Sa akin po ang pagkain?" pangungumpirma ko. 

Tumango lang ito, saka umayos ng upo. Hindi nakawala sa akin ang pasimple nitong pagtikhim. 

"Masakit ang lalamunan mo sir?" 

Gusto mo laslasin ko? 

"Nope," umiwas siya ng tingin. 

Sandali ko siyang tinitigan, kapagkuwa'y nilantakan ang pagkain. 

"Hmmm..." eksaherada kong usal sabay turo sa pasta. May kasama pang malapad na ngiti. 

"Masarap?" excited nitong tanong. 

Alam kong naghihintay ito ng papuri mula sa akin. Unang beses niya yatang magluto para sa ibang tao.

"Siyempre...Lasang sabon," pabiro kong inalayo ang mga pagkain. 

Masarap naman talaga. Gusto ko lang siyang asarin.

"Really?" muling sumama ang timpla ng mukha nito. 

I bit my lower lip, to stop myself from smiling.

"Hmmm," I nodded. 

"Huwag ka nang kumain," kukunin na sana nito ang mga niluto. Ngunit mabilis ko siyang pinigilan. 

"Biro lang po sir," I burst out laughing. 

"You think that's funny Alga?" he growled. Tinampal pa ang aking kamay. 

"Sir naman," malungkot ko siyang tinitigan. "Pasensya na po..." I wiped my invisible tears away. 

Tumagilid ito, ngunit dahan-dahan namang ibinabalik sa pwesto ang mga pagkain.

I suddenly find him cute. 'Yong kunwari naiinis, pero iba naman ang ginagawa.

I laughed a bit...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status