Share

Chapter 7: Lively, Bad-Tempered

“Ano na naman ’yan? Kararating mo lang galit na galit ka na naman, hindi ka ba napapagod?” anang panauhin. Kakapasok lang nito sa silid niya, ni hindi man lang nagpaalam sa pagpasok.

       “Ganyan ka ba mag-welcome sa amin? Sa halip na manghina ka sa Simbulika cage, mukhang naging mas matigas ka pa para kitilan ng buhay iyong dalawa,” pagpapatuloy nitong nililinga ang kabuuan ng silid niya.

      “Ano’ng kailangan mo?” sa halip na tanong niya. Hindi niya pinansin ang nais nitong sabihin.

      “Magandang umaga, Lord Lilika,” singit naman ng kawal na yumukod pa rito. Sa halip na pagalitan ito hindi na lang siya umimik at hinayaan na lang.

      “Morning,” sagot nito rito.

      “Oh, bakit ngayon hindi ka na nagagalit? Ah, hindi, galit na galit ka na, pinipigilan mo lang,” baling nito sa kaniya ngunit may nakakalukong ngiti na.

       “Kung wala ka ng sasabihing matino makakalabas ka na,” may diin niyang turan bago ibinaba ang kaliwang kamay. Agad din siyang napahawak sa magkabilang tagiliran matapos maiwan ito sa ere at hindi magawa ang dapat gawin.

      “Bakit? Wala ka na bang gustong gawin kundi isisi sa mga kawal na ’yan ang mali sa ’yo? Alam kong alam—”

       “Alam ko, Dammier. Hindi ako tanga para hindi maunawaan ang punto mo,” may diing niyang balik. 

       “Alam mo rin naman siguro, Adminicous, na marami kang kaaway—sorry, hindi naman ako gumagalang sa ’yo,” anitong pansamantalang napatigil sa huling pangungusap.

       “Kailan ka pa ba rumespeto sa hari?” balik niyang may nanlilisik na mga mata.

       “Dapat lang, masanay ka na. Sa tagal ba naman nating magkakasama, pati nga amoy ng tae mo alam ko,” anito bago humalakhak na naghedbang ng ulo.

       “Utang na loob, Dammier, kung magkakalat ka lang dito makakalabas ka na,” may diing banat niya. Napapakagat-labi pa siya sa sobrang inis. Sobrang hiya rin ang nararamdaman niya dahil sa pinagsasabi nito sa harap pa ng kawal na nasa harapan nila.

      “Bakit? Nahihiya ka bang malaman ng kawal na ’yan kung paano kita pinakain at kung paano ko naaamoy ang utot mong sobrang baho?” mapang-asar nitong wika. Napapataas pa ang isang kilay nito.

     “Dammier Seldame!” may diing banta niya. Nanlalaking nanakot din ang mata niya pero balewala ito sa kaharap.

     “Bakit? Dahil broken-hearted ka noon at halos ikamatay muna ang pagkawala niya?” nang-aasar na turan pa nito.

    “Dammier!” seryosong banta niya muli.

    “Kawal, narinig mo naman ’di ba? Totoong naaamoy ko ang mabaho niyang utot,” turan nitong tuluyang napahalakhak ng wagas.

    “Dammier!” sigaw niyang ubod lakas, dahilan upang mapatigil sa pagtawa ang kaharap.

    “Malakas na ang tama mo, Dammier. Epekto ba ’yan ng kapapanood mo ng palabas ni Xhander?” nang-uuyam niyang tanong matapos mapigil ang sarili sa nanggagalaiting kamao.

     “Ano? Palabas ba ka mo?” tanong nitong nakangiti na.

     “Well, pumunta lang naman ako rito para sabihing Welcome back,” sa halip na anito. Bakas na ang nakakalukong ngisi.

     Napabuntonghininga na lang tuloy siya. Talagang totoo nga itong kaibigan. Hindi nito gustong ipagkalat ang mga bagay na personal na sa bawat isa sa kanila.

     “Well, thank you, pero kung pumunta ka rito para magkalat ng kabaliwan maari ka ng lumabas. Total naman tapos na ang dahilan mo para makita ang mukha ko,” seryosong aniya na lang upang hindi na humaba ang usapan.

     “Naks, Adminicous, epekto ba ng tigang ’yan? Masungit na parang pinagsakluban pa ng langit at lupa? Well, ika nga nila, ‘Time can heal’ ”. Huwag mong piliting gawin ang isang bagay na hindi mo naman gusto dahil sa huli ikaw rin ang masasaktan,” seryosong anito na siyang ikinanganga niya nang bahagya.

     “The heck, Dammier. Ano bang sinasabi mo?” nakakunot-noo niyang tanong pero nang maunawaan ang nais nitong sabihin. “Damn it, Dammier.”

     “Well, wala ka pa rin naman pinagbago, still the old self of yours, Adminicous,” may kahulugang wika pa nito.

     “Ako pa rin nga naman ito, Dammier. Hindi ko kailangang magbago para magustuhan ng iba. If they don't want me in their life, it doesn’t matter at all,” sagot niyang agad napatingin sa isang sulok.

     “Well, yeah—ugh! Ugh!” wika nito na siyang agad niyang ikinalingon dito.

     “Damn it, Dammier!” hiyaw niya nang mas lakasan pa nito ang pag-ungol.

     “Dammier Seldame, paano ka gagalangin kung ganyan ka mag-isip!” hesterikal niyang sigaw, talagang hindi niya napigil ang sarili sa kahihiyang pinaggagawa nito. At mula sa periperal vision niya kita niya ang pagyuko ng kawal.

     “Tarantado. Bitter ka masyado. Manghingi ka kasi ng tips kay Ashtons para laging may new version,” wika nito na siyang humedbang ulit.

     “Tarantado! Hindi ko kailangan ’yan. Hindi pa ko handang masapian ng masamang elemento,” aniya bago nagtungo sa kama at nahiga.

     “Lawak, makakalabas ka na,” anito na siyang ikinabangon niya.

     “Lawak?” nakakunot-noo niyang tanong.

     “Tarantado, kawal, lawak, pariho naman ’di ba?” anito na siyang ikinatitig niya ng masama habang natatawa na naman ito.

     “Isip-bata ang—”agad siyang napatigil sa sinasabi nang humalakhak ito at humedbang na inikot-ikot pa ang ulo sa hangin.

     “Tang*na, Dammier! Lumayas ka na nga. Daig mo pang may tama sa ulo!” sigaw niyang nanggagalaiti. Napatayo pa siya sa sobrang inis. Hindi niya akalain na ganito kalakas ang tama ng kaibigan.

     “Chill lang, Lil’ Ad, baka gusto mong maparusahan sa pagpatay sa Simlilika. Sige ka, abo na ang resulta mo,” anitong bakas ang nang-aasar na ngiti.

      “Tang*na, mula noon hanggang ngayon isip-bata ka pa rin. Walang pagbabago,” sa halip na wika niya. Pilit winawala ang naghuhumigpit na kamao.

      “Umalis ka na nga lang, Seldame, at baka hindi kita matantiya,” pagpapatuloy niya pa bago naupo sa higaan. 

      “I’m tired of you, Seldame,” aniya pa bago humiga sa kama. Tumagilid pa siya sa kanan upang hindi ito makita. Ayaw na niyang patulan ang kalukuhan nito dahil mas maiinis lang siya.

      “Oh, Lawak, ano pang ginagawa mo? Bakit, gusto mo na bang mamatay?” dinig niyang baling nito sa kawal na siyang hindi na lang binigyang-pansin.

      “Lord Lilika, nagmamakaawa po ako sa—”

      “Okay lang naman sa akin kung gusto mo ng mamatay. Nandiyan lang naman ang Haring tigang,” wika nito bago napahalakhak. 

      “Lord Lilika—”nauutal nitong turan.

      “Ako ng bahala—”

      “Tarantado,” singit niya nang marinig ang huling sinabi nito. Agad din siyang napaupo dahil dito.

       Agad naman itong napalingon sa kaniya. “Ah, iyong tigang ba? Sorry, akala ko hindi mo naintindihan,” anito bago naghedbang ng ulo.

      “Dammier, utang na loob,” wika niya bago nahiga muli.

       Umii-echo na halakhak naman nito ang nagpatakip sa kaniya ng tainga. “Dammier!” ulit niya.

       “Ano na, Lawak? Wala kang balak lumabas?” anito sa kawal matapos ang kabaliwang pinaggagagawa.

      “Sige po, Lord Lilika—Haring Simpulika—”

      “Huwag kang lumabas,” aniya na siyang ikinahalakhak na naman ng kaibigan.

      “Ano’ng ginagawa mo, Adminicous? Nagpapatawa ka ba talaga? So, ano? Ranko na ang palakasan dito?” anitong natatawa pa rin.

     “Bakit mo siya susundin? Ako ang hari mo,” aniya pang nakahiga pa rin.

     “Bakit? Isa pa rin naman ako sa Simbulika kaya hindi mo puwedeng tanggihan ang sinasabi ko,” segunda naman ni Dammier na siyang ikinangisi na niya. Hindi siya makapaniwala sa katapangan ng kaibigan.

     “Haring—”

     “Wala akong pakialam sa ranko mo, Adminicous. Alam kong alam mo ang pinupunto ko,” banat na naman nito na siyang ikinabangon na niya.

     “Dammier,” puno ng awtoridad na wika niya.

     “That’s better, atleast alam mo kung saan lulugar,” nakangising anito.

     “I can’t believe this,” sagot niya bago napahawak sa ulo. Biglang sumakit ang ulo niya sa narinig. Talagang pag ito ang kausap niya parang ang dami niyang prinoproblema.

     “Hindi ka ba naduduling sa ilaw ng kuwarto mo?” sa halip na anito habang naglalakad nang bahagya. Inoobserbahan nito ang mga gamit sa loob na kita niya mula sa periperal vision niya.

     “Still using that one?” wika pa nito na siyang ikinataas ng tingin niya rito bago dumapo sa kung saang tinutukoy nito.

     “Kawal, makakalabas ka na,” sa halip na aniya. Ayaw na niyang pahabain ang usapin lalo’t nakatuon na naman ito sa isang bagay.

     Samantala, tumingin naman sa kaniya ang kawawang kawal na balak pa sanang sumalungat ngunit sa huli ay yumuko na lang din.

     “Salamat po, Haring Adminicous,” anito bago dumapo ang tingin kay Dammier.

     “Lord Lilika,” baling nito rito bago yumukod.

     “Oh, saan ka pupunta? I thought you gonna choose to die?” natatawang anang kaibigan. Napailing na lang tuloy siya. Talagang may tupak ito. Sa halip naman sumalungat ang kawal agad na itong nagbigay galang.

     “Damn you, Dammier Seldame, bagay sa ’yo ng pangalan mo. Buwisit!” aniya pagkalabas ng kawal.

     “Well, para sa ’yo buwisit ako, sa kanila ako si Dammier Seldame, the Prince Knight in Shinning armor. Kaya ’wag ka ng magtaka. Tigilan muna rin ’yang pagiging bitter mo, Baldzhiers,” natatawang sagot naman nito.

     “Knight in Shinning armor? Gag*! Baka, Paging, stop killing. Wala kang tigil sa pagpigil ng mamamatay,” nang-uuyaw niyang wika.

     “Tarantado! Miss mo lang siya e, nandamay ka pa. Well, wala na siya, Lil’ Ad, hindi na siya para sa ’yo. Tanda mo naman siguro ang nangyari ’di ba? Saksi rin ako sa pagmamahal mo sa kaniya pero kailangan mo ng ibaon sa limot. Pakawalan mo na ’yang galit sa puso mo,” wala sa sitwasyong anito na siyang ikinatahimik niya.

     Biglang lumalabas ang pagiging seryoso nito na bibihira mangyari. Pakiramdam tuloy niya may mga sakit sa pag-iisip ang mga Seldame.

      “Tigilan mo nga iyang trip mo, Seldame. Alam ko ’yon, nakalimot na ako,” sagot na lang niya nang maunawaan ang nais nitong sabihin.

      “Gag*, disorder na? Lahi kami ng mga guwapo. By the way, may balak ka pa bang bumalik sa kulungan? Tarantado, magsawa ka naman nakakailang balik ka na ro’n. Huli mong ginawa ’yan noong iniwan ka niya tapos—mag-move on ka na, the best thing to do.”

      “Ano bang pinagsasabi mo?” hindi makapaniwalang tanong niya. Hindi niya alam kung bakit parang humuhugot ito.

      “Kaya mong lukuhin ang lahat, Baldzhiers, pero hindi ako,” anitong nakangisi.

      “Para malinaw—nang malaman kong bumalik ka na dali-dali akong pumunta rito. Hinanap ko ang senses mo then I found you. Mukha ngang totoo ang kasabihan sa Rope of Bluestone, dahil mukhang humina nga ang senses mo simula ng makalabas ka sa Simbulika Cage,” seryosong turan nito na siyang ikinaawang ng labi niya nang bahagya.

      “Fine, still sharp of thinking. Well, Dammier pinarusahan ko lang sila dahil sobrang sama na nila,” palusot niyang natataranta.

      “Tarantado, hindi mo obligasyon ’yon. Ikaw ang umaagaw sa kanila sa liwanag, kaya wala kang karapatang gawin iyon. Ikaw man ang gumagawa ng kasalanan pero hindi ang patayin sila,” anito na siyang ikinatingin niyang nanlilisik ang mga mata.

      “I don’t fucking care! They deserve it! Kasalanan nila ’yon. Nakakita lang ng gawapo, mukhang matino, palakaibigan tapos nagpatira agad. Hindi ba nila inisip na puwedeng gagaguhin lang sila ng mga ’yon? Ang sabihin mo mabilis kasi silang magpauto. Hindi lahat ng nakikita ng mata totoo, minsan nasa harap na nila nagbubulag-bulagan pa sila. Kaya kung namatay siya kasalanan niya!” sigaw na niya, alinsabay sa biglang pagsabog ng kung ano sa harapan nila.

     “Chill lang, I know what are you trying to say pero mali pa rin kahit saan mo tingnan. Sana isipin mo rin ang nararamdaman namin. Tingin mo ba natutuwa kaming nagkakaganyan ka? Nagiging miserable ka dahil sa kaniya? Kaibigan ka namin, oo, pero hindi namin kukunsintihin lagi ang gusto mo kung ikakapahamak mo rin,” anitong napalinga na sa kaliwang bahagi.

     “Dammier, I’m tired. Please,” aniyang nakayuko na. Ayaw na niyang patulan ito dahil mas lalala lang ang sumbatan sa pagitan nila. Ayaw na niyang mas madagdagan pa ang isipin sa mga nangyayari.

     Aminado naman siyang parang nakatatandang kapatid niya ito kung magsalita kaya hindi na bago sa kaniya. Kaya lang sa kasalukuyan ayaw na niyang makipagtalo pa dahil sa nakikita niyang sitwasyon. Tama ito at nag-aalala lang para sa kaniya.

     “Gusto kong magpahinga, Dammier,” pagpapatuloy niya bago nahiga muli sa kama. Tumagilid pa siya sa kanang bahagi gaya kanina.

     “Okay. By the way, they really loved you, huh. Since noong umalis ka hanggang ngayong bumalik ka na still malinis pa rin ang lahat ng mga nandito. Sana huwag mong sayangin ang effort nila para sa ’yo. Sige, maglilibot na muna ’ko. Take care yourself,” sa halip na sagot nito bago lumapit sa kaniya.

     “Damn it! Dammier!” sigaw niya nang paluin siya nito sa pang-upo bago humalakhak na nagtatakbo.

     “Mahal pa nga! Bye, Loverboy!” hiyaw nito pagkalabas ng silid niya.

     Napapailing na lang tuloy siyang natatawa sa kaibigan. Hindi talaga nagbabago ang mga kalukuhan nito. Parang laging nasasapian ng masamang elemento.

      “Thank you, Seldame,” aniyang nakangiti. Nakaupo na siya ngayon dahil sa pagkagitla sa pagpalo nito.

      Hindi niya akalain na sa kabila ng pagiging may sapi nito, talagang napaka-sweet at tunay na matatawag na kaibigan. Mula noon at hanggang ngayon ito ang nakapagpapatigil sa kaniya tuwing gusto niyang pumatay. Ito rin ang unang takbuhan niya sa tuwing marami siyang iniisip na problema. Maliban sa pagiging kalog nito, ito rin ang tagapayo at taga-paalala niya sa lahat ng bagay.

      “He always make a joke but his a good friend when it comes to serious matter.”

      “Hey, Adminicous—”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status